For The First Time

De KakashiSensei_07

35.5K 2.2K 662

GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴 Mai multe

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 28
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40 - Last Part

Part 17

822 50 6
De KakashiSensei_07

Jema's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw, dahan-dahan kong iminulat yung mga mata ko

Arrgghh! Ang sakit ng ulo ko... 

Umupo ako sa kama at iginala ko yung paningin ko

Wait, nasaan ba ako??

Napahawak ako sa noo ko habang nag-iisip

Nasaan ako?? Yung huling naaalala ko kainuman ko sila Dean

Tiningnan ko yung katawan ko

May damit pa naman... 

Tumingin ako sa picture na nasa wall

Si Dean... 

Ibig sabihin nandito ako sa bahay nila Dean

Nakita kong may damit na nakalapag sa tabi ko

Napangiti ako

Siguro inihanda nya to kagabi? Malinis naman siguro to diba? Makapagpalit nga muna, medyo naiirita na ako sa suot kong dress eh... 

Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako ng kwarto

Nakaramdam ako ng hiya nang nakita kong sabay-sabay na napatingin sakin yung mga tao sa sala

Shit! Nakakahiya!!

Napayuko ako

"*Ehem!! S-Sino ka iha??" tanong ng lalaki na may edad

Siguro tatay to ni Dean?

"A-Ahh, ako po s--"

"Almusal naa!!!" naputol yung pagsasalita ko nang biglang pumasok si Dean, nakasunod sakanya yung tatlong bata, nang magtama yung mga mata namin napansin kong nakaramdam sya ng pagkailang, "O-ohh... G-Gising kana pala..." sabi nya

"Anak, sino sya? Bakit may babae sa kwarto mo??" tanong ng babae

"N-Nay, sya po si ano... s-si Jema, amo ko" utal na sagot ni Dean

"Aaaahhhhhhhh...." sabay-sabay nilang sabi

"H-Hi po" bati ko sakanila, ginantihan naman nila ako ng ngiti

"Jema, si Tatay Ben, Nanay She, Kuya Jessie, Danric, Sab, at Dani" pagpapakilala ni Dean habang tinuturo yung mga tinutukoy nyang pangalan

"H-Hello po" bati ko ulit

"Hahaha! Feel at home iha, nagulat lang kami na may lumabas na babae sa kwarto ni Dean, first time kasing nangyare to, bakit nga pala nasa kwarto ka ni Dean?" tanong nya sakin, napaawang yung labi ko sabay tingin kay Dean

"Ahhh, tay, napainom kasi kami k-kagabi sa bahay n-nila Bei, h-hindi na sya nakauwi kaya dito k-ko po muna sya pinatulog" sagot ni Dean

Nakatingin parin kay Dean yung pamilya nya at para bang nakukulangan pa sa sinagot ni Dean

"P-Pero wala p-pong nangyare kagabi ha! D-Dito ako natulog sa sofa kagabi!" 

"Hahaha! Aaahhh wala naman palang nangyare, osya kaen na tayo, hahhaha!" sabi ng tatay ni Dean

Pilit akong ngumiti sabay tingin uli kay Dean

"K-Kaen tayo" aya nya sakin, tumango lang ako

Bakit parang naiilang sya sakin??

"S-Sige" sabi ko

"Dito kana umupo iha" sabi ng nanay ni Dean, lumapit din sya sakin at inakay ako papunta sa lamesa pagkatapos pinaupo nya ako sa upuan

"Thank you po" sabi ko

"Kaen ka lang ng kaen, pagpasensyahan mo na yung nakahain sa lamesa ha"

"Naku! Okay lang po" sabi ko sabay ngiti

Kanin, tuyo, talong na prito at tinapay... okay na din

Umupo si Dean sa harap ko pagkatapos sumulyap sya sakin at pilit nya akong nginitian

"Akina yang plato mo iha, ako na yung maglalagay" sabi ng nanay ni Dean

"Thank you po" nahihiyang sabi ko

"Iha, ang ganda mo pala sa personal... Akala ko artista eh" sabi ng tatay ni Dean

Alam ko po, hehe! Char! Pero syempre dapat humble lang ako

"Hehe! Thank you po" sabi ko sabay sulyap kay Dean, nahuli ko syang napapangiti

Ano nanaman kayang iniisip nito??

"Ayan! Ubusin mo yan iha" sabi ng nanay ni Dean sabay lapag ng plato sa harap ko, naglapag din sya ng kape

"Thank you po" sabi ko pagkatapos nagsimula na akong kumaen

Ang sarap!! Simple lang yung breakfast nila pero ang sarap talaga!

Habang kumakaen ako napansin kong nnakatingin sakin yung batang lalaki

Masyado ba akong matakaw??

"B-Bakit?" tanong ko sa bata

"Ate, girlfriend ka po ba ni Kuya Dean?" tanong nya sakin

"*cough! *cough! *Ehem! *Ehem!

Hulaan nyo kung sino ya n... OO, si Dean! Nasamid ata dahil sa tanong ng kapatid nya!

"D-Dan! Hindi ko sya girlfriend!" sabi ni Dean

"Ay ganon po ba kuya? Akala ko kasi girlfriend mo po" sabi ng bata at para bang may halong paghihinayang sa boses nya

Natawa yung magulang ni Dean

"Haha! Bakit Danric?" tanong ng tatay ni Dean

"Kasi po sinabi sakin ni Kuya Dean dati na yung una daw nyang dadalhin dito sa bahay ay yung girlfriend nya" sagot ng bata

Gusto kong matawa dahil sa sinabi nya

Sorry bata, pero hindi ako girlfriend ng kuya mo! haha!

"Danric, biglaan lang kasi yung pagdala ko sakanya dito kagabi k-kasi nalasing sya" paliwanag ni Dean

"Ganon po ba?" tumingin uli sakin si Danric, "Pero single ka po ba ate?" tanong nya sakin

"O-Oo??" alanganin na sagot ko

Napangiti sya

"Yun naman po pala, eh bakit po hindi nalang maging kayo ng kuya ko? Pogi naman po si Kuya ko eh, saka mabait pa po" sabi nya sabay subo ng kanin na para bang nahihiya

"D-Dan, itigil mo yan, k-kumakaen si Jema" saway sakanya ni Dean

"Sorry po" sabi ni Dan sabay yuko

Napangiti ako

Hahah! Ang cute! Ang sarap pisilin ng pisngi!

"Hahah! Nagtatanong lang naman yung bata Dean" sabi ng Kuya Jessie nya, tiningnan naman sya ng masama ni Dean

"Hehehe, ahh hindi po namin gusto yung isa't-isa, heheh!" sabat ko

Ako na yung sumagot, parang nahihirapan kasi si Dean

"T-Tama sya" sang-ayon ni Dean

"Aahhh... hahah! sayang, bagay sana talaga kayo" 

"Tama na yan, kumakaen si Jema, baka naiilang na sya" saway ng tatay nila

"Okay po" sabay-sabay nilang sagot

Lihim akong napangiti

Pagkatapos naming kumaen hinatid na ako ni Dean sa condo ko, pagdating namin sa condo

"Thank you sa paghatid" sabi ko, tumango lang sya, ramdam ko talaga na parang naiilang sya sakin, "Dean, okay ka lang ba?"

Tumingin sya sakin

"O-Oo naman!" sagot nya

"Eh bakit parang may pakiramdam ako na kakaiba?" tanong ko sakanya

"W-Wala, m-masakit lang yung ulo ko" sagot nya sakin

Tumango ako

"Sige, thank you ulit, wag kana munang pumasok ngayon kasi hindi din naman ako papasok sa office, magpahinga ka muna, wag kang mag-alala, bayad ka parin"

"S-Sige"

"Ahhmmm ibabalik ko nalang yung damit mo bukas..." sabi ko, tumango lang sya

Bumaba na ako ng sasakyan ko, nang makababa ako umalis na din sya

Parang may kakaiba talaga sakanya eh...

Habang papunta ako sa unit ko biglang tumunog yung phone ko

***Calling Fhen***

Bumilis yung tibok ng puso ko

Bakit kaya sya tumatawag??

"H-Hello?"

"Hi Jema" bati nya sakin

"Bakit ka tumawag?"

"Ahm, ipapaalala ko lang sayo na may business meeting tayo sa Boracay bukas"

Napahawak ako sa noo ko

Tangina naman! Oo nga pala! Nasabi nya nga pala yon last week!

Ibig sabihin makakasama ko sya?! Yung kaming dalawa lang?!

Nakaramdam ako ng pagka-excite

"O-Okay" sabi ko

"Ahh s-sasama din pala si J-Jen"

Biglang bumagsak yung dalawang balikat ko dahil sa sinabi nya

"Okay lang ba?" tanong nya

"O-Oo naman, sasama din naman si Dean bukas, gusto nya kasi na palagi kaming magkasama" sagot ko

"G-Ganon? S-Sige"

Pagkatapos naming mag-usap ni Fhen nagmadali akong pumunta sa unit ko para maligo, balak ko kasing puntahan si Dean ngayon

Hays! Sana naman wag syang umalis sa bahay nila ngayon...

--------

Update uli, bukas naman 🫡 good night!

Continuă lectura

O să-ți placă și

45.5K 1.5K 65
"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her...
29.7K 730 46
"I thought ako ang kasiyahan mo." mahinang sambit ni Jaycel. "Akala ko rin." sagot ni Ayumi. ~~~~ An epistolary/narrative of Jayumi
68K 3K 71
Isang Straight A's student at isang pariwara na walang ibang ginawa kundi ang gumimik at magpasarap buhay. Alamin kung ano ang kahihinatnan nang buh...
239K 8.2K 63
character: deanna jema ced caloy fhen bea ps: thank you po sa totoong may ari ng account na ito at pinapayagan mo kong mag sulat ng kwento.. hahahha...