Part 6

582 40 4
                                    

Dean's POV

"Okay! May bonus kapag ganon! Kapag holding hands may dagdag na 500, kapag kailangan mong maging sweet sakin may dagdag na 1K, kapag yakap naman 1,500, tapos k-kapag kiss 2K... pero wag kang umasa sa 1,500 at 2K! Hindi ko hahayaan na mangyare yon!" sabi nya

"Ano? Payag ka na?" tanong ni Ced sakin

Nag-isip ako

Sulit kaya yon?? Parang lugi pa ako ha!

Tumingin ako kay Jema at pinagmasdan ko yung mukha nya

Papayag ba ako??

Hays! Sige na nga!

"Sige, papayag na ako, kailan ako magsisimula?" tanong ko

"Bukas!" sagot ni Jema

"Alam mo kasi Dean paminsan-minsan nagpupunta si Fhen sa office ni Jema dahil may share si Fhen don sa business nya, heheh! Kaya baka bukas pumunta yon don kaya pagbutihin mo!" sabi ni Kyla

"Ang daldal talaga!" rinig kong bulong ni Jema

"Okay" sagot ko, "Hanggang kailan naman ako magtatrabaho sayo?" tanong ko

"Kapag binalikan na ako ni Fhen" sagot ni Jema

Grabe! Martir naman nito!

"Eh pano kapag nakipagbalikan agad sayo? Edi wala na akong trabaho??" tanong ko sakanya

"Ganon na nga!" sagot nya

"Pano kapag nakipagbalikan agad sayo bukas?" tanong ko

"Edi maganda, wala ka ng trabaho!" sagot niya

"Bes!" saway ni Kyla sakanya

"Okay, kapag nakipagbalikan agad sakin si Fhen ililipat kita bilang driver ng secretary ko, okay na??" tanong nya sakin

Yun naman pala eh!

"Okay" sagot ko

Pagkatapos naming mag-usap nagpaalam na ako sa kanila

Tama ba yung naging desisyon ko??

Pero malaking tulong na din yon para sakin...

Nang makauwi ako sa bahay agad kong hinanap sila tatay Dante.

"Tay Dante! Nay She! Kuya Jessie!"

"Ooh? Bakit?!" tanong ni Tatay Dante sakin

"May trabaho na po ako!" masayang balita ko sa kanila

"Wow! Talaga?!" sabay-sabay nilang tanong

"Opo! Hahaha! Makakatulong na ako sainyo!" sagot ko

"Hahah! congrats anak! Anong trabaho?!" tanong ni Nanay She

"Kaso D-Driver lang po" sagot ko

Ngumiti si Tatay Dante at tinapik yung balikat ko

"Marangal na trabaho yan anak" sabi nya sakin, "Wag mong i-'lang' yan, okay?"

Ngumiti ako

"Opo" sabi ko

"Aba! Tamang-tama yung ulam natin ngayon! Adobo! Celebration na din!" sabi ni Nanay She kaya maslalong lumaki yung ngiti ako

"Nagutom tuloy ako nay! Hindi pa po pala kayo kumaen? Anong oras na ha!"

"hinintay ka talaga namin para sabay-sabay tayong kumaen" sagot nya

"Kaen na po tayo" sabi ko

Ganito lang kasimple yung buhay namin, kahit mahirap kami ang mahalaga ay masaya kami

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon