Part 4

574 27 1
                                    

Dean's POV

"Thank you! Next time kung iinom ka dapat yung sakto lang, yung makakauwi ka pa ng bahay nyo!" sabi ko nang makuha ko yung pera sa kanya

Kaso mukhang nabadtrip, hahaha, hindi na ako pinansin...

"Bes, anong name?!" rinig kong tanong ng kaibigan nya

Halatang mayayaman to

"Ewan ko! Tanong mo!" rinig kong sagot ng babae--- Sige na nga, Jema na, narinig ko lang yung name nya kanina...

"Ay! Sige, wait..."

Lumapit sakin yung isa nyang kaibigan

"Hi pogi! Anong name mo?" tanong nya sakin

"Dean" sagot ko

"Ahh, Dean pala yung name mo, ako si Ced, kaibigan ako ni Jema, pwede ko bang makuha yung number mo? Para ikaw nalang yung tatawagan namin kapag kailangan namin ng taxi, heheh!"

Nag-isip muna ako

Ibibigay ko ba?

Pero sige na nga! Pagkakakitaan din to...

"Sige" sagot ko

Nakita kong tumingin samin si Jema

"Papasok na ako sa loob, sumunod nalang kayo" paalam nya

Ibinigay ko yung number ko kay Ced

"Ganon ba talaga yon? Ang sungit ha" tanong ko, natawa si Ced at yung isang babae

"Minsan, ngayon kasi broken pa eh, hahah!" sagot ni Ced

Tumango ako

"Dean, yan talaga yung work mo?" tanong nya sakin

"Pansamantala, hehehe, wala pa kasi akong makuha na trabaho" sagot ko

"Ganon ba? Hayaan mo, kapag may nakita akong hiring tatawagan kita" sabi nya

Ngumiti ako at tumango

"Sige, aalis na ako, next time bantayan nyo ng maigi yang kaibigan nyo'" sabi ko

"Ay ang sweet! Hahah! Pero alam mo bagay kayo!" asar nya sakin kaya natawa ako

"Hahah! Sorry, pero hindi ko sya type" sagot ko

"Ay! Hahah, Jema na yon ha! Ang daming nanliligaw don dahil sa ganda nya"

"Hindi naman ako sa ganda tumitingin eh" sagot ko, "Sige na" paalam ko uli

Pumasok na ako sa sasakyan

Maganda nga, pangit naman yung ugali! Wala rin!

Nagdrive na ako pauwi, kulang pa kasi ako sa tulog.

Nang makarating ako sa bahay nakita ko sila Bei at Tots, kakwentuhan nila si Tatay Dante at Kuya Jessie

Ano nanaman kayang ginagawa nila dito?

"Oh! Ayan na pala si Dean!" sabi ni Bei kaya nagsitinginan sila sakin

"Anak, saan ka galing?" tanong ni Tatay Dante nang makalapit ako sakanila, nagmano ako sa kanya

"Eehh... pumasada po" sagot ko

"Oo nga, pero bakit ngayon ka lang?" tanong nya sakin

"Naku Tay! Baka nagiging call boy na yang anak mo!" sabi ni Tots kaya tiningnan ko sya ng masama

"Gago! May pasaway lang akong pasahero!" sagot ko

"Ohh?? Lalaki o babae?" tanong naman ni Kuya Jessie habang nakangiti

For The First TimeWhere stories live. Discover now