Part 28

1K 66 55
                                    

Dean's POV

Nandito kami ngayon ng papa ni Jema sa likod ng bahay nila, nag-iihaw kasi kami

"Dean, wag mong hahayaang masunog yan ha"

"Opo sir" sagot ko habang nagpapaypay

"Isunod mo yung liempo kapag natapos yang mga bangus"

"Sige po sir"

Ako yung nagpapaypay at nagbabantay ng iniihaw dahil inaayos nya pa yung iba pang iihawin

"Sir, siguro marami kayong bisita mamaya?"

Tumingin sya sakin

"Kaunti lang naman iho, mga teammates lang ni Mafe" sagot nya

"Ahh, athletes po ba si Mafe? Sir?" tanong ko

"Oo, volleyball player sya sa school nila"

Napangiti ako

Naglalaro din pala sya ng volleyball

"Ano pong position nya sir?"

"Setter sya don"

"Wow! Naglalaro din po ako ng volleyball, setter din po yung position ko"

"Talaga? Sa school mo dati?"

"Ah hindi po, sa brgy po namin, coach po namin yung tatay ko"

"Haha! Mahilig din pala yung pamilya mo sa volleyball, kami kasi mahilig din kaming maglaro ng volleyball, dati nga yan yung libangan at bonding namin"

"Pati po ni Je-este Mam Jema?"

"Oo! Magaling yon maglaro si Jema"

Tumango-tango ako

Heheh! Parang gusto ko tuloy syang makita maglaro ng volleyball

"Alam mo ba na muntik ng makuha ng Adamson yan? Kaso hindi na natuloy"

Wow!

"Ganon po ba? Sayang naman po sir, heheh!"

Tumingin ulit sya sakin

"Alam mo, kanina ka pa sir ng sir, tito nalang yung itawag mo sakin"

"Naku! Nakakahiya naman po sir"

"Ay! Isa pang sir mo sakin papauwiin kita!"

Nakaramdam ako ng takot

"H-Hehe! S-Sige po T-Tito"

Tumayo sya pagkatapos lumapit sya sakin at inakbayan nya ako

"Yan! Tito nalang, masyado ka namang pormal, saka nandito tayo sa pamamahay ko kaya tito nalang"

Pilit akong ngumiti

"S-Sige po si-Tito! Heheh!"

Pinagmasdan nya ako habang nakangiti

"Dean, may girlfriend kana ba?"

"P-Po??"

Natawa sya

"Hahah! Tinanong lang kita kung may girlfriend kana tapos nabingi kana... hahah!"

Napakamot ako sa ulo ko

"W-Wala pa po eh"

"Ha?! Sa gwapo mong yan wala ka pang girlfriend?! Bakla ka ba?"

Tumingin ako sakanya habang nakanguso

"S-Sir naman!"

"Oh! Sir nanaman!"

"S-Sorry, tito naman! H-Hindi po ako bakla, wala lang po kasi akong time sa mga ganyan, gusto ko pa po kasing tulungan yung pamilya ko"

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon