Part 12

525 41 0
                                    

Dean's POV

Nang makalayo ako sa condo ni Jema huminto ako sa pagdadrive

"K-Kahit hanggang sa bumalik lang si Fhen sakin, please.."

"Bakit ba napakadesperada mo? Kung talagang mahal ka ni Fhen babalikan ka non... Hindi mo na kailangan gumawa ng paraan para bumalik sayo yon"

"Nasubukan mo na bang magmahal?"

"Kaya siguro hindi mo ako naiintindihan..."

"Alam mo, sana lang wag mong maranasan yung nararanasan ko ngayon... kasi baka mabaliw ka"

Napapikit ako nang naalala ko yung naging pag-uusap namin ni Jema

Aaminin kong nakaramdam ako ng kunsensya nang nakita kong umiyak si Jema

Isinandal ko yung ulo ko sa headrest ng upuan pagkatapos huminga ako ng malalim

"K-Kahit hanggang sa bumalik lang si Fhen sakin, please.."

"Aaarrgghh!!" inis na sabi ko habang nagkakamot ng ulo, "Nakakainis naman eh!"

Nagsimula na ulit akong magdrive, napagpasyahan ko din na unuwi na dahil pagod na din ako

Nang makauwi ako sa bahay dumeretso ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama

Tama lang yung ginawa mo Deans! Tama lang na tumanggi ka...

Tumango-tango ako

"Tama! Tama lang yon!" bulong ko

Nagpahinga lang ako ng ilang minuto pagkatapos ginawa ko na yung night routine ko, gusto ko kasi na fresh ako kapag matutulog

Pagkatapos kong gawin yung night routine ko nahiga na ulit ako, ipinikit ko yung nga mata ko at pinilit kong makatulog.... pero bigo ako 😣

"Haayyss! Matulog kana Dean! Antok kana eh!" para akong baliw na kinakausap yung sarili

Pumikit ulit ako kaso para bang narinig ko nanaman yung boses ni Jema

"Alam mo, sana lang wag mong maranasan yung nararanasan ko ngayon... kasi baka mabaliw ka"

Umupo ako sa kama

Gaano ba kahirap?? Palibhasa kasi hindi pa ako nagkaka girlfriend kaya hindi ko pa alam yung pakiramdam...

Parang nakakatakot tuloy magmahal...

Ilang oras pa yung lumipas

Tumingin ako sa relo ko

4AM na pala...

Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko, nakita ko si Tatay Dante na nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape

Tumingin sya sakin

"Oh, anak, ang aga mong magising ha"

Ngumiti ako

Naglakad ako palapit sa kanya pagkatapos umupo ako sa tabi nya

"Hindi po ako makatulog tay"

"Bakit? May gumugulo ba sa isipan mo?"

"W-Wala po" sagot ko

Inakbayan nya ako

"Alam kong meron yan, ikwento mo na" sabi nya

Napakamot ako sa kilay ko

"K-Kasi tay nakausap ko kanina si Jema"

"Oh? Anong sinabi sayo?"

"Pinapabalik po ako eh"

Tumingin sya sakin

"Pumayag ka ba?"

For The First TimeWhere stories live. Discover now