Part 26

852 69 12
                                    

Dean's POV

Nakakunot noo ako habang nagda-drive

Bakit kailangan pang sumabay ako sa kanya maglunch?!

"Ahm... D-Dean, nag-away ba kayo ni Mam Jema? Baka pagselosan ako non"

Tumingin ako sakanya

Oo nga pala, hindi nya pa pala alam na hindi ko naman talaga totoong girlfriend si Jema, siguro naman pwede ko ng sabihin diba?

"Y-Yung totoo kasi nyan Carly hindi naman talaga ako totoong boyfriend ni Jema"

Tumaas yung dalawang kilay nya

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Huminga ako ng malalim

"Hindi ka ba nagtataka? Ako yung nagdadrive sayo ngayon? Kung totoong boyfriend nya ako hindi nya hahayaan na sumama yung boyfriend nya sa iba"

Nakita ko sa salamin na mas lalong kumunot yung noo nya

"Yung totoo driver lang ako ni Jema, hindi ko sya girlfriend, mahirap lang ako, nagpapanggap lang kami para pagselosin si Fhen" dagdag ko pa

"OMG! A-Akala ko talaga boyfriend ka nya!"

Pilit akong ngumiti

Sana nga ganon nalang, pero hindi eh...

"Nagkabalikan na silang dalawa ngayon kaya naman driver nya nalang ako"

"Hmm... ganon pala yon, pero sayang, bagay pa naman sana kayo ni Mam Jema, heheh!"

Hindi na ulit ako nagsalita

Bagay lang naman, pero hindi para sa isa't-isa...

Maya-maya lang at nakarating na kami sa BGC

"Dean, hintayin mo nalang ako dito ha"

Tumango ako

"Sige" sagot ko

Nang makaalis si Carly napagpasyahan kong lumabas, nang makalabas ako sumandal ako sa sasakyan

Sana naman wag syang magtagal...

Huminga ako ng malalim, naalala ko nanaman si Jema kaya nakagat ko yung labi ko

Nasaktan ako kanina, pero pinilit ko parin maging masaya...

Wala naman akong magagawa eh, si Fhen yon eh, mahal nya yon at doon sya sasaya...

Bakit ba kasi nahulog ako kay Jema??

"Dean?" napatingin ako sa tumawag sakin

Kumunot yung noo ko

Sino to??

"Hahah! Dean ikaw nga! Kamusta kana?!"

Mas lalong kumunot yung noo ko

"S-Sino ka?"

"Hahahah! Hindi mo na ako nakikilala??! Ako to, si Gel! Yung classmate mo dati?!"

Gel??

Parang pamilyar...

"Huy! Ano na?! Hahaha! Grabe ka! Nakakatampo ka naman! Hahah! Nakilala nga kita eh tapos ako hindi mo nakilala?! Unfair!"

Wait... Sya ba yung classmate ko dati na palaging binubully?? Yung lagi kong pinagtatanggol?

"G-Gel?"

"Jusko! Oo! Gel Cayuna!"

Natawa ako

"Ahaha! H-Hindi kita nakilala! Ang laki na kasi ng pinagbago mo eh"

For The First TimeWhere stories live. Discover now