Part 5

537 30 2
                                    

Jema's POV

"Ced naman eh! Sabing wag na eh!" inis na sabi ko pagkatapos nilang mag-usap ni Dean

"Bakit? Sinasabi ko sayo Jema, epektib yung gagawin natin!" sabi nya

Ano nga bang gagawin namin??

Pagseselosin lang naman namin si Fhen, kanina kasi galing ako sa bahay nila para sana makipag-usap sa kanya, pero nakita kong may kasama syang babae kaya nasaktan nanaman ako ng sobra. 

"Kaya nga, malay mo kapag pinagselos mo yun si Fhen baka bumalik sayo!" sabi naman ni Kyla

"Saka wag kang mag-alala, hindi ka daw nya type! Hahah!" sabi ni Ced kaya kumunot yung noo ko

Ah talaga ba?! Pwes! Parehas lang kami!

"Saka parang mabait naman si Dean, offeran mo lang ng work papayag yon" sabi naman ni Kyla

"Sino bang Dean yan?" tanong ni Jho

"Yun yung taxi driver na sinakyan ni Jema kagabi nung tumakas sya satin" sagot ni Kyla

"Pogi ba?" tanong ni Jho

"Oo naman! Jusko! Baby face!" sagot ni Kyla

"Hoy Kyla, ikaw ha! May jowa kana" sabi ni Jho

"Tsk! Parang tanga naman, nagagwapuhan lang naman ako sakanya" sabi ni Kyla

Natawa si Jho

"Hahah! Oh, balik tayo sa problema nito, pano natin kakausapin si Dean?" tanong ni Jho habang nakaturo sakin

"O-Oo nga" sang-ayon ko

Ayaw ko naman na humarap sa lalaking yon na hindi ako ready!

"Ganito nalang Jema, diba naghahanap ka ng driver? Gawin mo syang driver, tapos kapag nandyan si Fhen magpe-pretend sya na boyfriend mo" suggestion ni Ced

"AYOKO!" sigaw ko

"OA naman nito! Kunware lang naman! Pagseselosin nga natin si Fhen diba?? Malay mo kapag nakita kayong dalawa na magkasama magselos tapos makipagbalikan agad sayo" sabi ni Ced

Natawa sila Kyla at Jho

"Hahah! Kaya nga!" sang-ayon ni Kyla

"Parang maganda yang plano ni Ced, saka sinabi naman ng lalaki na hindi ka nya type diba? Kaya wag kang OA Jema" sabi ni Jho

"Kaya nga, kung gusto mo lang naman na magkabalikan kayo, malay mo kapag nakita ka nya na may kasamang iba marealize nya na mahal ka pa pala nya" sabi naman ni Kyla

Nag-isip ako

Sabagay, tama siguro sila... 

hay! Bahala na nga!

"Sige na nga! Papayag na ako!" sagot ko

"Yun! Itetext ko na si Dean kung saan tayo magkikita" sabi ni Ced

"Don nalang sa coffee shop ko" sabi ni Jho

"Okay" sabi ni Ced habang nakangiti

Ilang oras pa yung lumipas at nandito na kami sa coffee shop ni Jho, hinihintay nalang namin si Dean

"Ang tagal naman ng lalaking yon!" irap ko sabay inom ng iced coffee

"Maghintay ka nga Jema, masyado ka namang excited makita si Dean" asar ni Ced kaya tiningnan ko sya ng masama

"Tigil-tigilan mo nga ako Ced!" inis na sabi ko

"Oo na!" 

Maya-maya bumukas yung entrance kaya saba'y-sabay kaming napatingin doon

For The First TimeWhere stories live. Discover now