Part 20

642 53 7
                                    

Dean's POV

Pagkatapos naming kumaen ni Jema nag-aya sya na maglakad-lakad

"Tama nga yung sinasabi nila, ang ganda nga ng buhangin dito sa Boracay" sabi ko sakanya sabay sipa sa buhangin

Tumingin sya sakin

"Ngayon ka lang ba nakarating dito?"

Tumango ako

"Oo, hahah! Ngayon palang ako nakapagbakasyon ng ganito kalayo, madalas kasi Batangas lang yung pinupuntahan namin" sagot ko

"Ako kasi ilang beses na akong nakapunta dito, mga 15 times na ata, kaya nagsasawa na din ako"

Tumingin ako sakanya

"Mayaman ka kasi, kahit ilang beses mo pa gustong pumunta dito magagawa mo, eh kami kasi mahirap lang"

Tumigil sya sa paglalakad kaya tumigil din ako

"Edi utang na loob mo pala to sakin? Kung hindi dahil sakin hindi ka makakapunta dito?"

Natawa ako

"Hahah! Ang yabang mo talaga!"

"Nagsasabi lang ako ng totoo" irap nya sakin

"Pwede bang maging humble ka naman? Kahit kaunti lang, mga ganito oh 🤏!" sabi ko, ipinakita ko din sakanya yung kamay ko

"Ang dami mong sinasabi, pwede namang mag thank you ka nalang!"

"Parang pinamumukha mo kasi sakin na sobrang yaman mo eh"

"Hindi naman ganon yon"

Napangiwi ako

"Ganon na din yon, kasi mayabang ka!"

"Ewan ko sayo Dean Wong! Tara na nga!"

Tsss!

Naglakad na uli sya kaya sumunod ako sakanya

Sa paglalakad namin marami kaming foreign--ger na nakakasalubong, panay din yung tingin nila kay Jema kaya nakaramdam ako ng inis

"Jema, palit nga tayo ng pwesto" sabi ko pagkatapos lumipat ako sa kanan nya

Huminto sya sa paglalakad kaya huminto din ako

"Bakit?"

"W-Wala..." sagot ko pagkatapos hinawakan ko yung kamay nya

"At bakit hinawakan mo nanaman yang kamay ko?"

"K-Kasi para sweet, heheh! Sabi ko naman sayo diba? Magiging sweet ako sayo pagdating ko dito, m-malay mo nakamasid lang sa gilid-gilid yung ex mo" pagdadahilan ko

Pero yung totoo naiinis ako sa mga tumitingin sakanya

"Sabagay, baka naglalakad-lakad din yon kasama ni Jen" sabi nya, halata sa boses nya yung lungkot

"*Ehem! Alam mo, mag ice cream nalang tayo! Ang init eh!" aya ko sakanya nang makakita ako ng nagtitinda ng ice cream

"Mainit? Ang hot ko kasi kaya mainit! Tapos malapit kapa sakin..."

"Ang lapal talaga!" bulong ko

"Ano?!" tanong nya sakin

"Wala! Ang sabi ko hot ka nga, para kang araw!"

"Talaga!! Kasi ang hot ko!"

"Hindi yon!"

"Aba! Eh ano??"

"Kasi hindi buo yung araw ko kapag wala ka.... ayyiieee!" banat ko sakanya sabay kindat

Umirap sya

"Anong connect non sa pagiging hot ko??!"

For The First TimeWhere stories live. Discover now