Part 2

647 34 0
                                    

Dean's POV

"Anak, babyahe ka ba ngayon?" tanong sakin ni Tatay Dante

"Opo, wala pa kasi akong trabaho tay eh, s-saka may sakit si Kuya Jessie kaya kailangan kumayod" sagot ko

"Sige, basta mag-iingat ka ha" sabi nya sakin, tumango ako

"Opo" sagot ko

Lumabas ako ng bahay namin pagkatapos sumakay ako ng taxi at nagsimula na akong magdrive

Ako nga pala si Dean Wong, 24 years old, wala pa akong trabaho sa ngayon kaya naman nagda-drive nalang ako ng taxi paminsan-minsan para naman may budget ako sa paghahanap ng trabaho, medyo nahihirapan din kasi akong maghanap ng trabaho dahil hindi ako tapos ng pag-aaral

Sana naman swertehin ako ngayon diba??

Hindi ko totoong magulang si Tatay Dante, noong nagtatrabaho kasi sya sa bahay ampunan napalapit yung loob ko sa kanya, naging magkaibigan din kaming dalawa, tinuring ko na agad sya na parang totoong tatay

Flashback...

Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko si tatay Dante at si Nanay She kaya napangiti ako

"Tatay Dante! Nay She!" tawag ko kaya napalingon silang dalawa sakin

Tumakbo ako palapit sa kanila

"Oh! Dean, nakapag-almusal kana ba?" tanong nya sakin nang makalapit ako sakanila

"Opo! Ano pong ginagawa nyo?"

"Ito, nag-aayos ng mga halaman" sagot ni nanay She habang nakangiti

"Si Kuya Jessie po?"

Si Kuya Jessie ay pinsan ni Tatay Dante

"Naku! Nandon sa loob, tumutulong magluto" sagot ni tatay Dante

"Hehe! Talaga po? Naku! Baka may pinopormahan lang po yon doon" sabi ko kaya natawa silang dalawa

Tinulungan ko silang dalawa sa pag-aayos ng mga halaman

"Hindi ka ba makikipaglaro sa mga kaibigan mo don?" tanong ni Tatay Dante

"Hindi po, tutulong nalang ako sa inyo Tay" sagot ko

"Hay naku Dean, mamimiss kita kapag may umampon na sayo" sabi ni Tatay Dante

Napangiti ako

"M-Mukhang wala naman pong gustong mag-ampon sakin eh" sagot ko

Nagkatinginan yung mag-asawa, maya-maya lumapit sakin si Tatay Dante at inakbayan ako

"Merong mag-aampon sayo, mabait ka, matalino, at masipag" sabi nya sakin

Huminga ako ng malalim

"S-Sana nga po, heheh!"

Hinagod nya yung likod ko

"Wag mo na munang isipin yon, tulungan mo nalang kami ng nanay mo dito" sabi nya habang nakangiti

Halos araw-araw kong kasama sila Tatay Dante hanggang sa isang araw... 

"Mga bata, may sasabihin sila Tatay Dante at Nanay She nyo" sabi ni Sister habang kumakaen kami

Napangiti ako

Ano kayang sasabihin nila??

"Ah, mga bata, kailangan na naming magpaalam sa inyo, pupunta na kasi kami sa Manila ni Tatay Dante nyo" sabi ni Nanay She

For The First TimeWhere stories live. Discover now