Part 32

1K 75 23
                                    

Jema's POV

Nandito kami ngayon sa starbucks nila Jho

"Hays! Hindi naman sinasagot!" angil ko habang nakakunot noo

Kanina ko pa kasi tinatawagan si Dean

"Baka nasa byahe?" tanong ni Kyla

"Oo nga, baka busy sya?" tanong din ni Jho

"Sa iba ka nalang kaya magpatulong?" tanong naman ni Ced

"Ayoko! Gusto ko sya yung magdadrive sakin papunta don! Saka nangako sya sakin na kapag kailangan ko sya tawagan ko lang sya at tutulungan nya ako!" sagot ko

Ngumiti si Ced

"Eh baka naman namimiss mo lang si Dean?" asar ni Ced sakin

Tiningnan ko sya ng masama

"B-Baliw! Hindi!" sagot ko

"Hahah! Eh bakit nauutal?!" asar nya uli sakin

"Tigilan mo ako Ced!" banta ko sakanya pagkatapos dinial ko ulit yung number ni Dean

Sige, sabihin na nating namimiss ko nga si Dean, hindi ko alam pero may part sakin na gusto ko syang makita!

"Bakit kasi ayaw mo nalang magpadrive kay Fhen?" tanong ni Kyla

"May lakad sya next week" sagot nya sakin

"Mas importante pa sayo?" tanong uli ni Kyla

"Trabaho daw kasi yung pupuntahan nya!" sagot ko, "Teka nga, bakit ba puro kayo tanong?! Tulungan nyo nalang kaya ako na ma-contact sya??"

Natawa si Ced

"Sige na nga, wait lang..." sabi nya pagkatapos kinuha nya yung phone nya

Nagdial sya at inilagay nya yung phone nya sa tenga nya

"Hello!"

Gagi?!! Bakit nung si Ced na yung tumawag sinagot nya agad?!!

"Hello?! Dean?!"

Mabilis akong lumapit kay Ced kaso...

"Ay! Hahahahaha operator pala! Hahahahah! wala na pala akong load Jema, pwedeng paload?"

Nagtawanan sila kaya nakaramdam ako ng hiya

"Ganyan kasabik ang isang Jessica Margarett Galanza??" asar ni Jho sakin

"E-Ewan ko sainyo! Wag na nga! Kung ano-ano yang iniisip nyo eh!" inis na sabi ko

"Hahahahahah!" tawa nilang tatlo

"Buwisit!!" irap ko sakanila pagkatapos tumingin nalang ako sa phone ko at pinagmasdan yung number ni Dean

Nakakainis ka naman kasi, bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko??

"Hayaan mo Jema, baka busy lang talaga, malay mo mamaya sya yung tatawag sayo kapag nakita nyang may missed call ka.." sabi ni Kyla

Tumingin ako sakanya

Sabagay, baka busy nga lang...

"O kaya puntahan mo nalang..." suggestion ni Ced

Hindi ko alam pero parang nagustuhan ko yung suggestion nya

Pero baka asarin nanaman nila ako

"W-Wag nalang" sagot ko

Maya-maya naghiwa-hiwalay na kami, pabalik na ako ngayon sa office

Ilang sandali lang at nandito na ako sa office ko

Nakatingin lang ako sa phone ko habang nakaupo ako sa swivel chair ko, baka kasi biglang tumawag si Dean

For The First TimeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora