Part 16

579 44 5
                                    

Dean's POV

Ilang oras na kaming nag-iinuman, lasing at makulit na si Jema, si Bei at Tots naman nakayuko na din habang natutulog, ako naman may tama na pero alam ko pa yung ginagawa ko

"Hoy! Dean! Shabihin mo nga shaken! Ano bang kulang shaken?! Ha?! Maganda naman ako! Mayaman! Maganda din naman yung ugali ko! Shabihin mo! Dali!" sabi ni Jema sakin habang tinatapik yung pisngi ko

"Jema ang kulit mo na!" sabi ko sakanya

"Shabihin mo kashi shaken para alam ko! Para mabago ko!"

"Ewan kooo!"

"Eh bakit shabi mo hindi mo ako magugushtuhan? Ha?! Ibig shabihin may kulang nga shakin! Ha?!"

Ngumisi ako

"Bakit? Gusto mo bang magustuhan kita??"

Umiling sya

"Ayaw ko shayo! Ang yabang mo! Pogi ka nga ang yabang mo naman, shaka hindi din kita type!"

Natawa ako

"Edi pogi nga ako??"

"Ay hindi! Hindi ka pala pogi! Pangit ka! Pangeeeett!!"

Hahah! Ang kulit!

"Nasabi mo na eh, pogi ako!"

"Hindi!" hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko at kinurot-kurot iyon, "Shabihin mo nalang shaken kung ano yung wala ako na meron sa babaeng yon!"

Umiling ako habang nakangisi

"Marami!" sagot ko

"Isha-ishahin mo!!" sigaw nya

"Ssshhh! Ang ingay mo! Lasing kana Jema, matulog kana!"

Nag-pout sya

"Shinong lashing??! Ako?? Hindi ah! Shaka shaan ako matutulog--hik!? Baliw ka din eh no?"

"Iuuwi kita sa condo mo" sagot ko

Umiling sya

"Ayoko! Makikitulog muna ako shainyo!" sabi nya

Tumaas yung isang kilay ko

"Ayoko! Baka kung anong sabihin nila tatay Dante sakin eh, baka sabihin nag-uuwi ako ng babae sa bahay ni--aaaraaayy!!"

Bigla nya kasing sinampal yung pisngi ko pero mahina lang

"Wag kang mag iship ng ganon, hindi kita type!" sabi nya, "Pero gushto kong makitulog muna!"

"Ayoko!"

"Dali na! Amo mo ako Dean, shundin mo ako!"

Ang kulit!!

Sabagay, inaantok na din ako, doon ko muna sya sa kwarto ko papatulugin, tapos sa sala nalang ako, magpapaliwanag nalang ako kila Tatay Dante...

"Oo na!"

"Yan! Mashunurin ka pala eh! Pero shabihin mo muna, ano ngang kulang shakin?! Bakit ako iniwan ni Fhen?!" pangungulit nya

🙄🙄

"Kasi pangit yung ugali mo!" sagot ko

"Grabe ka shaken! Kilala mo na ba ako ng tuluyan?! Baka kapag nakilala mo ako mafall ka shaken!"

Tsk! Asa!

"Hindi kita type Jema, mas gusto ko si Carly!"

Umiling sya

"Hindi ka papatulan non!"

Ewan ko sayo!

"Hay naku! Tara na! Iuuwi na muna kita para makatulog kana!" sabi ko

For The First TimeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz