Part 10

540 38 4
                                    

Dean's POV

Badtrip akong umuwi sa bahay

Nakita kong nandito din sila Tots at Bei

Anong ginagawa nila dito??

"Oh, anak, anong nangyare sayo? Bakit ang aga mo?" tanong ni tatay Dante sakin

"Oo nga, parang badtrip ka Deans" sabi ni Bei

Inis akong umupo sa tabi ni Tatay Dante

"Nakakainis kasi yung amo ko eh!"

"Oh? Bakit??!" tanong ni tatay Dante

"Mukhang kailangan mo ng tagay Deans, hahah! Itagay mo muna yan bago ka magkwento" sabi ni Bei

Ngayon ko lang napansin na nag-iinuman pala sila!

Kinuha ko yung binibigay na alak ni Bei

"Talagang iinom ako!" sabi ko pagkatapos nilagok ko iyon

"Oh? Ano bang nangyare??" tanong sakin ni Tots

Ikinuwento ko sakanila yung nangyare

"Gago ka talaga Deans! Baka nabastusan?!" sabi ni Tots

Naikwento ko kasi sa kanila yung totoong trabaho ko, yung pagpapanggap, yung kasunduan namin ni Jema

"Kaya nga, may mali ka don Deans!" sabi naman ni Bei

"Anak, hindi kita pinalaki ng ganyan, malamang magagalit yon!" sermon sakin ni Tatay Dante

Napayuko ako

"Pero Deans, anong feeling? Hahahah! Malambot ba yung lips?" tanong ni Tots, may halong pang-aasar din yung boses nya

Tiningnan ko sya ng masama

"Gago! Hindi ko naman ginusto yon! Ayaw ko lang na mabuko kami, parang ayaw kasing maniwala nung Ex nya eh!" sagot ko

"Hahahah! First time mo yung kiss na yon diba?" tanong sakin ni Bei

Hindi ako makasagot dahil bigla kong naalala yung kanina

Bakit ko nga ba kasi ginawa yon? Basta ang nararamdaman ko lang kanina ay yung ayaw kong mabuko kami ni Jema!

"Uy! Hahah! Iniisip! Hahah!" asar ni Tots

"Tigilan mo nga ako!" saway ko sakanya pagkatapos tumingin ako kay Tatay Dante

"Tay, babalik nalang po uli ako sa pagpapasada ng taxi, pasensya na po" sabi ko

Tinapik nya ako sa balikat

"Marami pang trabaho na darating sayo Deans, basta lagi mong tatandaan, matuto kang rumespeto ng babae! Hindi kita tinuruan maging bastos!"

"O-Opo" sagot ko

"Deans naman kasi, bakit mo sinunggaban? Hahah!" tanong ni Kuya Jessie

"Kuya Jessie, sinabi ko na sainyo diba? ayaw ko lang na mabuko kami" sagot ko

"Baka naman nafall kana sa amo mo Deans?" tanong ni Tots sakin

Kumunot yung noo ko pagkatapos uminom uli ako ng alak

"Kahit kailan hindi ako magkakagusto don Tots! Sa secretary nya pwede pa!" sabi ko

Huminga ako ng malalim nang maalala ko si Carly

"Hay! Hindi ko na tuloy sya makikita" malungkot na sabi ko

"Sino si Jema?" tanong ni Bei, umirap ako

"Si Carly! Yung secretary nya!" sagot ko

For The First TimeWhere stories live. Discover now