Part 28

893 63 12
                                    

Dean's POV

"Wag kang mag-alala, mas mahal parin kita kaysa sakanya" sabi ko

Bumilis yung tibok ng puso ko

Kahit ako hindi ko din alam kung bakit yon ang lumabas sa bibig ko

Anong katangahan to Dean Wong?!

"A-Anong sabi mo?" tanong nya

Biglang nagred yung traffic light kaya huminto ako

Tumingin ako kay Jema at pinagmasdan ko yung mukha nya

"Ang sabi ko mas mahal parin kita kaysa sakanya..." pag-uulit ko

"D-Dean--"

"Bilang kaibigan! H-Heheheh! I-Ito naman! H-Hindi pa nga tapos eh! Hahaha! Kaibigan kasi yon!" putol ko sa sasabihin nya

Tss!! Bobo amps!

Dinaan ko sa biro dahil nakaramdam ako ng takot

Alam ko naman kasi na hindi kami bagay, tulad ng sinabi ko, langit sya at lupa naman ako...

Hinampas ako ni Jema sa braso

"Arraaayy!" reklamo ko

"N-Napaka mo!" irap nya sakin kaya napangiti ako

Pero totoo yon Jema...

Nagpatuloy na ulit ako sa pagdadrive

"Ano nga palang meron, bakit uuwi ka sainyo?" tanong ko sakanya

"Birthday kasi ng kapatid ko" sagot nya

Kaya pala...

"Edi bibili ka ng regalo?"

"Oo, sa Laguna nalang ako bibili, dadaan tayo ng Mall bago tumuloy sa bahay"

"Okay!"

Ilang oras pa yung lumipas at nasa Laguna na kami, nandito kami ngayon sa mall dahil bibili si Jema ng regalo para sa kapatid nya

Nakasunod lang ako sakanya habang naglalakad

Maya-maya pumasok kami sa Under Armour store

Habang pumipili si Jema ng sapatos tumitingin-tingin din ako

Hinawakan ko yung color white na sapatos

Ang ganda naman nito, magkano kaya to?

Tiningnan ko yung presyo

A-Ang mamahal naman nito! Marami sa palengke tag 200-300 lang eh!

Napangiwi ako

Ginto yung sapatos dito ha!

Ibinalik ko yung sapatos pagkatapos umupo muna ako sa upuan

Tumingin ako kay Jema

Hindi parin sya tapos pumili??

Pinagmasdan ko lang sya

Para bang may music akong naririnig habang nakatingin sakanya

Ang ganda nya...

Napangiti ako

Pano kaya kapag naging mag-asawa kami ni Jema? Tapos lagi kaming magkasama kapag aalis sya, lagi kaming magkasama kapag may bibilihin o mag-go-grocery sya

Syempre sya yung pipili ng mga kailangan namin, ako naman yung taga tulak ng cart, tapos sasabihin ko sakanya

"Hon, bilihan natin ng pasalubong yung baby natin"

For The First TimeWhere stories live. Discover now