Part 1

1.5K 46 13
                                    

Jema's POV

Hi, I'm Jessica Margarett Galanza, 25 years old, mayaman, maganda, minsan mabait, madalas mataray, may topak at masungit.

Sa Laguna ako lumaki pero dahil nandito sa Manila yung business ko dito ako sa condo ko nakatira, minsan dumadalaw ako kila Mama, minsan naman sila yung dumadalaw sakin.

Ring! Ring! Ring!

Kinuha ko yung phone ko at tiningnan ko kung sino yung tumatawag

***Love Calling***

Napangiti ako

"Love" sagot ko sa tawag nya habang nakangiti

"Hi love, happy anniversary! Sorry mali-late ako sa pagpunta dyan sa condo mo, m-may meeting lang kasi kami" paalam nya sakin

"Happy anniversary din love! Okay lang, basta hihintayin kita dito, okay?"

"Okay p--wait, may tumatawag" sabi nya pagkatapos binabaan nya ako

Kumunot yung noo ko

Sobrang importante siguro ng tawag?

Si Fhen Emnas, boyfriend ko, 2 years na kaming magkasintahan, mabait sya at mapagmahal, sobrang swerte ko nga dahil sya yung naging boyfriend ko.

Ipinagpatuloy ko yung ginagawa ko, nagluluto kasi ako ng dinner naming dalawa, yon kasi yung usapan namin ngayon, nagrequest din sya na lutuan ko daw sya ng favorite nyang ulam na adobo.

Pagkatapos kong magluto tinikman ko iyon

Hmm!

Napangiti ako

The best talaga yung adobo ko! 

Isang oras pa yung lumipas at----

Dingdong! Dingdong!

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa pagka-excite, alam ko kasing si Fhen na to

Mabilis akong naglakad papunta sa pinto at binuksan ko iyon, pagbukas ko ng pinto bumungad sakin yung mukha ni Fhen

"Lovee!!" mabilis akong yumakap sa kanya, naramdaman kong niyakap nya din ako pabalik kaya mas lalong lumaki yung ngiti sa labi ko

"H-heheh! Namiss mo talaga ako no?"

Humiwalay ako sakanya at tumango ako

"Namiss kita sobra!" sagot ko

Hinawakan ko yung kamay nya at inakay ko sya papasok ng condo ko

"Hmm! Ang sarap naman ng amoy love! Nakakagutom!" sabi nya kaya natawa ako

"Sure ka? Mas masarap yung adobo?" tanong ko sa kanya, tiningnan ko din sya na para bang nanunukso at nang-aakit, bahagya ko pang kinagat yung ibabang labi ko

"A-Ahh, hehehe! K-Kaen na tayo" sabi nya

Hindi ko alam pero parang may iba sakanya ngayon

Napahiya ako don ha...

"Ah heheh! O-Oo nga, kaen muna tayo" sabi ko

Maya-maya lang at kumakaen na kami, ngayon ko lang napansin na wala syang kahit anong dala, flowers, gifts o ano man, dati kasi hindi sya nakakalimot sa mga ganon lalo na't anniversary namin ngayon

Baka naiwan nya lang sa car nya?

Pagkatapos naming kumaen biglang tumikhim si Fhen

"*Ehem! A-Ah, l-love, m-may sasabihin pala ako sayo" sabi nya

For The First TimeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin