For The First Time

By KakashiSensei_07

35.5K 2.2K 662

GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴 More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 28
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40 - Last Part

Part 13

980 55 25
By KakashiSensei_07

Jema's POV

Ngayon na yung araw ng party, nandito parin ako sa bahay dahil tinatamad akong pumunta

Ring! Ring! Ring!

Nakita kong tumatawag si Ced

Mangungulit nanaman to!

"Hello!"

"Jema! Nakabihis kana ba? Dadaanan ka namin dyan ni Red"

Napahawak ako sa noo ko

"Hindi pa eh, tinatamad akong pumunta Ced" sagot ko

"Hay naku! Pupuntahan kita dyan para matulungan kitang magbihis!" sabi nya

Huminga ako ng malalim

"Sige, isama mo na din sila Kyla at Jho para sabay-sabay na tayo"

"Okay" sabi nya

Pagkatapos naming mag-usap inilapag ko yung phone ko

Tinatamad talaga ako e!

Isang oras pa yung lumipas at nandito na sila Ced, Red, Kyla at yung boyfriend nya

"Nasaan si Jho?" tanong ko

"Doon nalang daw tayo kila Cy magkita-kita" sagot ni Ced

"Okay"

"Nakaligo kana ba?" tanong sakin ni Kyla

"Oo naman, ang tagal nyo kasi kaya natuyo na yung buhok ko" walang ganang sagot ko

"Tara na, aayusan kana namin" sabi ni Ced

Inumpisahan na nila akong ayusan

"Pwede bang wag nalang akong pumunta?" tanong ko habang mini-make-upan nila ako

"Ikaw na yung nagsabi bes, baka magtampo sayo yon" sagot ni Kyla

Hays!

Lumapit si Ced sa cabinet ko at namili ng dress

"Itong brown nalang kaya yung suotin mong dress?" tanong ni Ced sakin kaya tiningnan ko yung tinutukoy nya

"Bahala ka na, kahit ano na dyan" sagot ko

"Okay, ito nalang" sabi nya pagkatapos lumapit sya sakin, "Oh, suotin mo na to"

Kinuha ko yung damit pagkatapos naghubad na ako at sinuot ko yung dress

Sa harap na nila ako nagpalit dahil pareparehas naman kaminh babae dito sa kwarto ko, nasa sala kasi sila Red at si Angel

"Ang ganda! Siguro kapag nakita ka ni Fhen magsisisi yon!" sabi ni Ced sakin

Tumingin ako sa salamin

Talagang magsisisi sya!

"Kaso wala naman syang partner, hahaha! Sayang yung ganda!" sabi ni Kyla

Tumingin ako sakanya at inirapan ko sya

"Ikaw na yung may partner!"

"Hahah! joke lang!"

Maya-maya natapos na kami kaya lumabas na kami ng kwarto

"Tara na!" aya ni Ced

"Jema, ang ganda mo naman!" puri ni Red sakin

"Alam ko..." sabi ko

"Wow! Hahah! Hindi manlang nagpaka-humble!" sabi nya kaya natawa kami

Ilang sandali lang at nasa byahe na kami papunta kila Cy, medyo madilim na din

"Late na ba tayo?" tanong ni Red

"7 PM yung start eh" sagot ni Ced

Tumingin ako sa relo ko

6:30 PM palang

"Nandon na daw ba si Jho?" tanong ko sakanila

"OTW palang din daw sya" sagot ni Ced

Tumango lang ako pagkatapos tumingin na ako sa labas

Makikita ko nanaman si Fhen mamaya kasama yung bago nya

Kumirot nanaman yung puso ko

Ilang minuto lang at nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Cy

"Jema, mamaya na tayonpumasok" sabi ni Ced

"Bakit?"

"Si Jho kasi wala pa" sagot nya

Oo nga pala

"Ayan na sila!" sabi ni Kyla nang may humintong sasakyan sa tapat namin

Nakita kong bumaba na si Jho kaso sumilip ulit sya sa loob

"Tara na! Wag ka ng mahiya!" rinig kong sabi nya

Sinong kausap nyan?

Bumukas yung pinto

"Tara na!" aya uli ni Jho

Nakita kong bumaba yung kausap nya, una kong nakita ay yung sapatos, hanggang sa.....

Dean?!!

Bakit sya nandito?!

Sya ba yung date ni Jho??!!

Pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa

Aaminin kong mas lalo syang naging pogi ngayon dahil sa suot nya

Nakasuot sya ng color white na polo at may blazer sya na color brown, bumagay din yung suot nyang pantalon na color white

Nakita kong huminga sya ng malalim pagkatapos naglakad sya palapit sakin

"H-Hi!" bati nya nang makalapit sya sakin

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya

Napakanot sya sa kilay nya

"Hmm... p-para samahan ka" sagot nya

"Pero akala ko ba ayaw mo?"

Ngumiti sya na para bang nahihiya

"Napilit ako ng mga kaibigan mo eh, tapos kinampihan pa sila ng mga kaibigan at pamilya ko kaya wala na akong nagawa, heheh!" sagot nya

Napangiti ako

"Edi pumapayag kana na ituloy yung trabaho mo sakin?" tanong ko sakanya

"Basta magiging mabait kana sakin"

Natawa ako

"Pag-iisipan ko" sagot ko

Napa-pout sya

"Ano ba yan!" reklamo nya

"Hahah! Joke lang! Basta bati na tayo, okay?"

Ngumiti sya at tumango

Tiningnan nya yung kabuuhan ko

"Ang ganda mo, heheh! Parang isang dragon na naging princess" biro nya sakin

Hindi ko alam pero para akong kiniliti dahil sa sinabi nya

Hinawakan ko yung blazer nya at inayos ko iyon

"Alam ko... Sige na nga, pogi kana din dahil sa suot mo..."

"Talagang pogi ako, pinaghandaan ko to eh" sabi nya

"Yabang" irap ko sakanya

"Mayabant din kasi yung kausap ko" sabi nya

"Hoy! Kayong dalawa, pumasok na tayo, kinikilig na kami dito! Hahah!" sabi ni Ced

Inilahad ko yung kamay ko kay Dean

"Tara?" tanong ko sakanya habang nakangiti

Tiningnan nya yung kamay ko

"May ipapaalala lang ako sayo" sabi nya

Kumunot yung noo ko

"Ano yon?"

"Na kapag hinawakan ko yang kamay mo may 500 kang utang sakin" sagot nya

Natawa ako dahil sa sinabi nya

"Oo na!" sabi ko

"Hahah! Easy money!" sabi nya pagkatapos hinawakan nya yung kamay ko

"Yiieeehh!!" asar nila samin kaya natawa nalang ako

Hindi lang halata pero ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon

Pagpasok namin sa loob agad naming nakita si Cy

"Jema! Buti nakarating ka!" salubong nya samin

"Alam ko naman na magtatampo ka kapag hindi ako pumunta" sabi ko kaya natawa sya

"Hi Cy!" bati nila Ced sakanya

"Oh! Buti nakapunta din kayo!" sabi nya kila Ced

"May magagawa ba kami? Hahah!"

"Hahah! Wala! Kailangan nyo talagang pumunta" sagot nya pagkatapos tumingin sya kay Dean, "Oh, sino sya?" tanong nya sakin

"Aahh, b-boyfriend ko" sagot ko sakanya

"WEHH?!!" gulat na tanong nya, "WALA NA KAYO NI FHEN?!"

"Ang OA mo Cy!" irap ko sakanya, "W-Wala na eh"

"Kaya pala ibang babae yung kasama nya kanina" sabi nya sabay tingin ulit kay Dean

"Dean, si Cy nga pala, kaibigan ko... Cy, si Dean, boyfriend ko"

"Hi bro! Ingatan mo yang kaibigan ko ha!" sabi nya kay Dean pagkatapos nagkamayan silang dalawa

"O-Oo naman" sagot ni Dean

"Good! Kumaen na ba kayo? Tara, sunod kayo sakin, dadalhin ko kayo sa table nyo" sabi nya

Sumunod kami kay Cy, pero bago kami makarating sa table namin ipinakilala nya din kami sa mga kaibigan nya

Napapansin kong tahimik lang si Dean, siguro nahihiya sya

"Okay ka lang?" tanong ko sakanya

Ngumiti sya at tumango

"Oo naman" sagot nya

Ilang sandali lang at nandito na kami sa table namin

"Kaen lang kayo dyan ha!" sabi ni Cy

May lumapit na waiter samin at nilagyan nila ng pagkaen yung table

Bibitawan ko na sana yung kamay ni Dean pero hinigpitan nya lalo yung pagkakahawak sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya

"Bakit?"

"H-Hawakan mo lang ako, n-nahihiya ako eh" sagot nya

Hahahah! ang cute!

"Pano tayo makakakaen nyan?" tanong ko sakanya

Nakagat nya yung labi nya sabay yuko

"Feeling ko kasi nakatingin silang lahat sakin"

Hinawakan ko yung chin nya at iniangat ko yung ulo nya

"Ang gwapo mo daw kasi kaya sila nakatingin sayo" sabi ko habang nakangiti, "Hayaan mo, hindi ako aalis sa tabi mo" dagdag ko pa

"T-Talaga?"

Tumango ako

"Promise!" sagot ko

Napatingin ako sa mga kaibigan ko at lahat sila ay nakangiti habang nakatingin samin

"Sweet nyo naman, haha!" sabi ni Kyla

Napansin ko nga na parang naging sweet ako ngayon kay Dean

"Bes, acting lang naman to, kunware lang... Diba Dean?"

"O-Oo naman" sagot ni Dean

"Hahah! Hindi halata, parang totoo na eh"

"Ewan ko sayo!"

Nagsimula na kaming kumaen, nilagyan ko din ng pagkaen yung plato ni Dean

"Ano pang gusto mo?" tanong ko sakanya

"Okay na yan" sagot nya

"Sure ka?"

Tumango sya

"Hmm... kumaen kana din" sabi nya

"Share nalang kaya tayo ng plato?" tanong ko sakanya

Tumingin sya sakin

"Bakit?"

"Hello! Nagpapanggap tayo, nasa paligid lang si Fhen kaya kailangan nating maging sweet" sagot ko

"Sige" sabi nya

Kinuha nya yung kutsara at kumuha sya ng pagkaen

"Ah" utos nya sakin

"Bakit?"

"Susubuan kita, kailangan sweet tayo diba?" tanong nya sakin

Sige na nga!

Isinubo ko yung pagkaen pagkatapos isinandal ko yung ulo ko sa balikat ni Dean

"Grabe na talaga kayo! Hahahah! Ayaw ko ng tumingin sainyo, naiinggit ako!" sabi ni Ced

Natawa ako pero may halong lungkot

Bigla ko kasing naalala si Fhen dahil ganito din kami ka sweet dati

Sana si Fhen nalang yung nasa tabi ko ngayon...

-----------

Ang tanong, sino yung unang mahuhulog? 🥴

Continue Reading

You'll Also Like

24K 477 33
Jessica is a shy University student with a particular quirk, she dresses like a boy. Soon girls start asking her out, thinking she's a man. She refu...
107K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
63.2K 2K 21
This is a girl to girl story. If you're not comfortable, kindly find another story.
143K 3.4K 24
Ang buhay namin bilang mag-asawa