For The First Time

By KakashiSensei_07

34.3K 2.2K 662

GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴 More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 28
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40 - Last Part

Part 12

634 45 0
By KakashiSensei_07

Dean's POV

Nang makalayo ako sa condo ni Jema huminto ako sa pagdadrive

"K-Kahit hanggang sa bumalik lang si Fhen sakin, please.."

"Bakit ba napakadesperada mo? Kung talagang mahal ka ni Fhen babalikan ka non... Hindi mo na kailangan gumawa ng paraan para bumalik sayo yon"

"Nasubukan mo na bang magmahal?"

"Kaya siguro hindi mo ako naiintindihan..."

"Alam mo, sana lang wag mong maranasan yung nararanasan ko ngayon... kasi baka mabaliw ka"

Napapikit ako nang naalala ko yung naging pag-uusap namin ni Jema

Aaminin kong nakaramdam ako ng kunsensya nang nakita kong umiyak si Jema

Isinandal ko yung ulo ko sa headrest ng upuan pagkatapos huminga ako ng malalim

"K-Kahit hanggang sa bumalik lang si Fhen sakin, please.."

"Aaarrgghh!!" inis na sabi ko habang nagkakamot ng ulo, "Nakakainis naman eh!"

Nagsimula na ulit akong magdrive, napagpasyahan ko din na unuwi na dahil pagod na din ako

Nang makauwi ako sa bahay dumeretso ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama

Tama lang yung ginawa mo Deans! Tama lang na tumanggi ka...

Tumango-tango ako

"Tama! Tama lang yon!" bulong ko

Nagpahinga lang ako ng ilang minuto pagkatapos ginawa ko na yung night routine ko, gusto ko kasi na fresh ako kapag matutulog

Pagkatapos kong gawin yung night routine ko nahiga na ulit ako, ipinikit ko yung nga mata ko at pinilit kong makatulog.... pero bigo ako 😣

"Haayyss! Matulog kana Dean! Antok kana eh!" para akong baliw na kinakausap yung sarili

Pumikit ulit ako kaso para bang narinig ko nanaman yung boses ni Jema

"Alam mo, sana lang wag mong maranasan yung nararanasan ko ngayon... kasi baka mabaliw ka"

Umupo ako sa kama

Gaano ba kahirap?? Palibhasa kasi hindi pa ako nagkaka girlfriend kaya hindi ko pa alam yung pakiramdam...

Parang nakakatakot tuloy magmahal...

Ilang oras pa yung lumipas

Tumingin ako sa relo ko

4AM na pala...

Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko, nakita ko si Tatay Dante na nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape

Tumingin sya sakin

"Oh, anak, ang aga mong magising ha"

Ngumiti ako

Naglakad ako palapit sa kanya pagkatapos umupo ako sa tabi nya

"Hindi po ako makatulog tay"

"Bakit? May gumugulo ba sa isipan mo?"

"W-Wala po" sagot ko

Inakbayan nya ako

"Alam kong meron yan, ikwento mo na" sabi nya

Napakamot ako sa kilay ko

"K-Kasi tay nakausap ko kanina si Jema"

"Oh? Anong sinabi sayo?"

"Pinapabalik po ako eh"

Tumingin sya sakin

"Pumayag ka ba?"

Umiling ako

"Hindi po" sagot ko

"Eh, hindi ka naman pala pumayag, anong problema don?" tanong nya

"Tay, may tanong po ako"

"Ano yon?" tanong nya sabay inom ng kape

"Nakakabaliw po ba talaga kapag nagmahal?"

Natawa sya habang nakatingin sakin

"Bakit? Umiibig na ba yung anak ko?"

"Tsk! Hindi po, k-kasi si Jema eh, sinabihan ko sya na desperada sya, t-tapos tinanong nya ako kung nagmahal na daw po ako, kaso hindi ako nakasagot, tapos sinabi nya na sana daw wag kong maranasan yung nararanasan nya ngayon kasi nakakabaliw daw" kwento ko sakanya

Huminga ng malalim si Tatay Dante pagkatapos natawa ulit sya

"Haha! Anak, masarap naman magmahal, nakakatuwa, nakakakilig, kaso kapag nasaktan ka badtrip! hahah!"

Tumingin ako sakanya

"Totoong nakakatakot kasi may mga tao talagang nababaliw pagdating sa pagmamahal, hahah! May mga nagiging tanga, nandyan yung gagawin mo yung lahat wag lang mawala sayo yung taong mahal mo"

Ngumiti sya

"Kaya naiintindihan ko yung nararamdaman ni Jema, siguro ikaw hindi mo pa alam yung pakiramdam kasi NGSB ka, hahah!" asar nya sakin

"Tatay naman eh!" irap ko sakanya kaya natawa ulit sya

"Pero alam kong pagdadaanan mo din yan Dean, lahat ng tao mararanasan yan, kasi kung hindi...."

"Kung hindi??" tanong ko

"Abnormal ka, hahaha!" sagot nya

Sumandal ako sa sofa

"Sure ka ba talaga na hindi kana babalik sa pagtatrabaho kay Jema?" tanong nya sakin

"H-Hindi na po" sagot ko

Tiningnan nya ako sa mukha

"Hmmm... hindi ako naniniwala, hahahah!"

"Tay naman, hinding-hindi na ako babalik don! Sige na po, matutulog na ako" paalam ko sakanya

Tumayo na ako at naglakad papasok ng kwarto

Humiga ulit ako at pumikit hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ilang araw pa yung lumipas at Saturday na...

Hindi ako bumyahe ngayon dahil gusto kong magpahinga, parang wala kasi ako sa mood nitong mga nakaraang araw

Kinahapunan dumating sila Bei at Tots

"Deans, bakit hindi ka bumyahe?" tanong ni Tots

Nandito kami ngayon sa labas at nakatambay

"Nagpahinga muna ako" sagot ko

"Kaya pala"

"Okay ka lang ba?" tanong ni Bei

"Oo naman" sagot ko

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa dumilim

Maya-maya

"Hi Dean!" bati sakin ni Ivy kaya napatingin kami sakanya

"Hala! Bakit may alien dito?!" asar ni Tots kaya natawa ako

Tiningnan sya ng masama ni Ivy

"Nandyan ka pala? Hindi kita nakita eh, ang dilim eh" asar din sakanya ni Ivy

Ganito talaga sila kapag nagkikita sila

Kaibigan namin si Ivy, ang alam ko matagal na nya akong crush pero kaibigan lang talaga yung turing ko sakanya

"Bulag ka lang talaga, o baka naman iba yung paningin mo kasi nga alien ka! Saan ka galing? Sa Mars o sa Jupiter?" asar ulit ni Tots sakanya

"Maitim!" inis na sabi ni Ivy

"Pogi naman!" pang-aasar ulit ni Tots

"Saan banda?!"

"Ito oh!" sagot ni Tots sabay turo sa mukha nya

"Kapal ng mukha yung nakikita ko Tots, saka tigilan mo nga ako, si Dean yung ipinunta ko dito!" sabi ni Ivy

"Tumigil na nga kayo, para nanaman kayong aso't pusa, ikaw naman Tots patol ka ng patol sa babae!" sermon ni Bei

"Yan kase!"

"Sya kas--"

"Tao po..." napatigil si Tots sa pagsasalita

"Deans, may bisita ka ata?" sabi ni Tots

Nakita ko si Ced at si Jho

"Oh, anong ginagawa nyo dito? Pano nyo nalaman kung saan ako nakatira?" tanong ko sakanila

"Deans, sino sila?" tanong ni Tots pero hindi ko sya pinansin

"Ahh, tiningnan namin sa resume mo" sagot ni Ced

Tumingin ako sa likod nya, baka kasi kasama nila si Jema

Lumapit sakin si Tots at si Bei

"Deans sino sila?!" pabulong na tanong ni Tots

"Ahh, si Ced at si Jho, mga kaibigan ni Jema" sagot ko kay Tots

"Ay ganon?! Hi Ced, buti dumating ka, umay na kasi ako sa mukha nito eh" sabi ni Tots sabay turo kay Ivy

"Epal talaga!" irap ni Ivy

"Ced, Jho, mga kaibigan ko nga pala, si Tots, Bei, at Ivy"

"Hello!" sabay-sabay nilang sabi

"Hi!" bati din ni Ced at Jho

Lumabas si Tatay Dante at si Kuya Jessie

"Oh, may mga bisita pala kayo"

"Good Evening po!" bati nila Ced at Jho

"Good Evening din, upo kayo" sabi ni Tatay Dante pagkatapos tumingin sya sakin, "Sino sila anak?"

"Ah, sila po yung kaibigan ni Jema, si Ced at Jho" sagot ko

Tumingin ako kila Ced

"Si Tatay Dante at si Kuya Jessie nga pala"

"Hi po tito! Kuya!" bati nila Ced

"Uhm, ano nga palang ipinunta nyo dito Ced?"

"*Ehem! A-Ano kasi, makikiusap sana ako sayo na baka pwede mong mapagbigyan si Jema?" tanong nya

Tumingin ako kila Tatay Dante at sa mga kaibigan ko

"Kahit hanggang bukas lang, samahan mo lang sya sa party"

Umupo ako sa tabi ni Tatay Dante

"Ano kasi Ced eh.. n-nakapagdesisyon na ako" sagot ko

"Please..." pakiusap nya ulit

Tumingin ako kay Tatay Dante pero nginitian nya lang ako

"Deans, papayag ka ba?" tanong ni Tots sakin

Huminga ako ng malalim

"Hindi" sagot ko pagkatapos timingin ako kay Ced, "Sorry pero yun na talaga yung desisyon ko"

Bumagsak yung balikat ni Ced

Wala eh, baka mag-away nanaman kami ni Jema

-------------

Continue Reading

You'll Also Like

90.3K 3K 49
pls. try to understand experiment lng to if kaya ko din gumawa ng story...kaya mo ba isakripisyo ang kaligayan mo para lng makumpleto ang pagkatao ng...
63.1K 2K 21
This is a girl to girl story. If you're not comfortable, kindly find another story.
1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈
74.5K 1.7K 36
Paano kapag mahal mo pa pala yung taong iniwan mo? sabi nga ni Vice Ganda,, hindi lahat ng iniiwan pwede mong balikan. Paano kung mahal ka pa nya per...