The Playgirl's Tale (Romance...

By FrancisAlfaro

1K 177 0

Even a kind-hearted girl can be the best b*tch in town. (C) 2024 ALL RIGHTS RESERVE 2024 More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 74
CHAPTER 75
EPILOGUE

CHAPTER 73

5 2 0
By FrancisAlfaro

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 73

ANDREI FELIX HIDALGO

Ilang araw na ang lumipas magmula ng ma-aksidente si Ellaine pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Inilipat na siya sa isang pribadong kwarto at patuloy na ino-obserbahan ng mga doktor sa kanyang kalagayan.

Labis akong nag-aalala para sa kanya gayundin ang mga anak niya. Sana gumising ka na Ellaine.

Sa ngayon ay ako na muna ang guardian ng mga bata. Minsan ay pumupunta sila dito sa ospital para dalawin si Ellaine pero kaagad ko rin silang pinapauwi kasama ang mga yaya nila dahil baka magkasakit sila kapag nagtagal sila dito sa ospital. Bawal pa naman sila dito.

Magmula din ng ma-aksidente si Ellaine, nawala na rin si Carie at hindi ko alam kung bakit. Madalas ko siyang tinatawagan ngunit laging out of reach ang phone niya. Hindi ko maiwasang magtaka at mapigilang mag-alala rin sa kanya. Iniwan niya si Cardee sa akin na ngayon ay nasa bahay nila Ellaine para may mag-alaga rin sa kanya pansamantala habang abala ako sa pagbabantay kay Ellaine.

Nakatingin lang ako kay Ellaine habang nakaupo ako sa monoblock chair na katabi ng kama niya. Huminga ako ng malalim. "Aalis lang ako sandali Ellaine para kumuha ng mga gamit. Babalik din ako kaagad," mahinang sambit ko.

Awang-awa ako sa kanya. Ang daming nakakabit na karayom at tubo sa katawan niya. Bahagya na ring namayat ang kanyang katawan. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Tumayo ako saka hinalikan ko siya sa kanyang noo.

"Babalik din ako kaagad," pagpapaalam ko ulit sa kanya.

Ibinilin ko na muna si Ellaine sa mga nurse at doktor na nagbabantay sa kanya. Sinabi ko rin sa kanila na bantayan nila siyang mabuti para walang mangyaring masama.

Pumunta ako sa bahay nila Ellaine para kumuha ng gamit. Sa kwarto nila ni Harris ako tumungo.

Isa-isa kong inilalagay sa duffle bag na nakapatong sa ibabaw ng kama ang mga damit na nakuha ko sa cabinet ng may mapansin ako. Kumunot ang aking noo at kinuha ang envelope na nakapatong sa may unan. Sinipat ko iyon ng tingin.

"Sulat kaya ito?" tanong ko.

Ayoko sanang pakiealaman ito pero ewan ko ba kung bakit parang may nagtutulak sa akin na buksan at alamin ang nilalaman nito. Nacu-curious ako.

Inilabas ko mula sa envelope ang isang papel. Bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang kadahilanan.

Hanggang sa mamalayan ko na lamang na binabasa ko na ang sulat. Bawat salita ay binasa ko.

Ellaine,

Siguro sa mga oras na mabasa mo itong sulat na ito, marahil ay wala na ako sa piling mo. Isinulat ko ito dahil dito ko lamang kayang sabihin sayo ang lahat. Nawalan ako ng lakas ng loob na humarap sayo at aminin ang totoo.

Noong time na nalaman kong may malala na akong karamdaman, nasabi ko sa sarili ko na marahil ay ito na ang kabayaran sa malaking kasalanan ko sayo. Kasalanan na ayoko mang gawin ngunit dahil mahal kita, mas pinili kong maging makasalanan.

Alam kong magagalit ka at naiintindihan ko kung hindi mo na ako mapapatawad pa pero sana... sana dumating 'yung panahon na titingala ka sa langit at sasabihin mo sa aking pinapatawad na kita.

I'm sorry Ellaine... I'm so sorry na naglihim ako sayo. I'm sorry kung naging makasarili ako. I'm sorry kung kinuha ko iyong pagkakataon na wala kang maalala... I'm sorry kung...

Inagaw ko mula sayo ang totoong buhay na meron ka.

Six years ago, na-aksidente ka. Nakita ko ang lahat ng nangyari, kung paano ka nabunggo, kung paano ka pinabayaan na lamang. Kung niya ginawa ang plano.

Ngunit hindi kaya ng aking konsensya na hayaan ka na lamang din kaya naman tinulungan kita.

Sa pagdala ko sayo sa ospital, nalaman kong buntis ka pala. Sobra ang pag-aalala ko sayo at sa batang dinadala mo. Akala ko, sabay-sabay kayong mawawala ngunit may awa pa rin ang Diyos kasi hindi ka niya pinabayaan.

Ipinanganak mo ang kambal habang ikaw ay mahimbing pang natutulog. Naging malulusog sila, marahil ay dahil sa pilit kang lumalaban kahit na hindi ka makagalaw.

Nalaman ko ang tungkol sayo dahil sa mga ID na nasa wallet mo. Nag-research din ako tungkol sayo at nalaman kong may asawa ka na din pala.

Ipapaalam ko na sana ang nangyari sayo sa mga taong malalapit sayo kabilang na ang asawa mo ngunit nagdalawang-isip ako. Habang tumatagal kasi na nakikita kita, mayroon sa puso ko na sinasakop mo.

Hanggang sa maisip kong maging selfish. Inagaw kita mula sa mga taong dapat ay kasama mo at pinagpanggap kita na akin.

Totoo ang mga pinakita ko sayo. Totoong minahal kita. Totoong mahal na mahal kita.

Pero hindi ikaw ang asawa ko na labis kong minahal.

I'm sorry Ellaine... I mean... Carie kung pinagpanggap kitang asawa ko. I'm sorry kung dinala mo ang buhay na hindi sayo ng wala kang kaalam-alam.

Si Ellaine, siya ang una kong asawa na maagang nawala sa akin. Sobra akong nangungulila sa kanya to the point na ginusto ko na ring mawala sa mundo dahil sa matinding pagka-miss sa kanya... at naisip kong tadhana na rin siguro ang nagdala sayo sa akin para maging siya at maging katuwang ko. Labis akong naging masaya sa ginawa ng tadhana dahil nakasama kita.

I'm sorry Carie... I'm sorry... I'm sorry sa mga nagawa ko.

May isa pa akong gustong sabihin, ang tungkol kay Angelique Ashford na nagpapanggap naman na ikaw para makasama ang asawa mo. Mag-ingat ka sa kanya dahil hindi siya basta-bastang tao lang. Ewan ko pero sa tingin ko ay may mga kaya siyang gawin na hindi magagawa ng isang ordinaryong tao na nasa tama pang pag-iisip.

Muli, I'm sorry. I'm sorry sa lahat ng maling nagawa ko. Labis ko itong pagsisisihan kahit na nasa kabilang buhay na ako. Ang hindi ko lang pinagsisisihan ay ang naisin kang makasama at ang mahalin ka.

Ikaw ng bahala sa mga anak natin. Mahal na mahal ko kayo.

Harris

Nanlalaki ang mga mata ko. Nanginginig ang labi at mga kamay ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nabasa ko. Pakiramdam ko ang sasabog na ang utak ko.

Si-si Ellaine... siya si Carie... at si Angelique... si Angelique...

Paano nila nagawa ito? Paano? Bakit? Ginulo nila ang buhay namin!

Tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Sobra akong nasasaktan sa mga nangyari. Pakiramdam ko, bigla akong inilibing sa lupa at hindi ko magawang huminga.

Kaya pala ganun na lamang ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Ellaine... kasi siya pala si Carie... si Carie na totoong mahal ko.

Si Angelique, paano niya nagawang magsinungaling at magpanggap? Sobra na ba siyang nilamon ng kasamaan kaya niya nagawa iyon? Best friend ko siya pero tinraydor niya ako.

Humigpit ang paghawak ko sa papel hanggang sa malukot iyon. Nakaramdam ako ng sobrang galit kay Angelique. Akala ko wala na siya ngunit sa tingin ko, wala na nga talaga siya dahil naging masama na siyang tao. Hindi na siya 'yung Angelique na nakilala ko noon. Hindi na siya 'yung best friend ko.

Ngayong alam ko na ang totoo, aayusin ko ang lahat ng ito. Hinding-hindi rin ako makakapayag na makatakas si Angelique sa mga ginawa niya.

Magbabayad siya sa pagsira sa pamilya ko. Magbabayad siya!

"Hindi kita patatakasin Angelique sa mga kasalanan mo. Hangga't nabubuhay, sisiguraduhin kong pagsisihan mo ang mga nagawa mo," madiin na wika ko habang matalim ang tingin sa sahig. Nagtagis ang panga ko at lalong humigpit ang pagkuyom ng aking mga kamay.

Continue Reading

You'll Also Like

619K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
746K 17K 50
Sa panahong milenyal, marami na ang ipinagbago ng lipunan. Pati ang dreamboy ng mga kababaihan ay nagbago na rin. Kung dati'y Tall Dark and Handsome...