The Playgirl's Tale (Romance...

By FrancisAlfaro

1K 177 0

Even a kind-hearted girl can be the best b*tch in town. (C) 2024 ALL RIGHTS RESERVE 2024 More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
EPILOGUE

CHAPTER 66

4 2 0
By FrancisAlfaro

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 66

AFTER ONE YEAR

ELLAINE GARCIA-RICAFORT

Tila pagkurap ng mga mata na lumipas ang panahon. Isang taon na ang nakalipas magmula ng mawala si Harris. So far, naging maayos naman ang lahat. Medyo natatanggap ko na ang pagkawala niya at ganun din ang mga bata ngunit hindi pa rin namin siya nakakalimutan. May bahagi pa rin siya sa puso ko at hindi na iyon mawawala pa dito. Parte na siya ng pagkatao ko at hindi iyon basta-basta mabubura.

Nakapag- first birthday na rin si Kamil. Naging masaya ang okasyong iyon. Habang lumalaki si Kamil, mas nagugustuhan ko siya kasi ang bibo niyang bata. Kamukha nga siya ni Harris kaya kapag tinitingnan ko siya, naaalala ko ang ama niya.

Maraming nangyari sa loob ng isang taon ngunit isa lang ang hindi pa nangyayari, iyon ay ang bigyang katarungan ang pagkawala niya. Hanggang ngayon ay blangko pa rin kami sa kung sino man ang may gawa nun pero hindi ako tumitigil na mahanap kung sino siya. Hindi siya pwedeng makawala kung sino man siya. I will make sure na magbabayad siya.

Sa nagdaan ring taon, napalapit na rin ako kay Andrei. Itinuturing ko na siyang best friend ngayon. Sa lahat ng panahon ay nakasama ko siya at hindi niya ako basta-basta iniwan kaya nakagaanan ko siya ng loob. Wala namang masama kung maging kaibigan ko siya at kahit na minsan ay nakakaramdam pa rin ako ng mga kakaiba pagdating sa kanya, binabalewala ko na lamang iyon dahil iyon naman ang dapat.

Huminga ako ng malalim para lumanghap ng sariwang hangin. Napapangiti rin ako habang nakatingin sa puntod ni Harris. Ngayong araw ang death anniversary niya at dinalaw ko siya dito sa sementeryo.

"It's been a year, Harris," panimula ko. "Kumusta ka na? Kapiling mo na ba Siya?" tanong ko pa. Mataman ko siyang tiningnan.

"I know na kung nasaan ka man ngayon ay nakikita mo kami. We're doing fine. Siguro malakas ka sa Kanya kaya hindi niya kami pinapabayaan." Napangiti ako. "Siguro para hindi ka masyadong mag-alala kaya palagi mong hinihiling na huwag kaming pabayaan."

Mas lalo kong ningitian si Harris. "Patuloy mo lang sana kaming bantayan. Ikaw ng bahala magpalakas sa Kanya para patuloy niya akong gabayan sa lahat ng ginagawa ko," hiling ko sa kanya.

"Nami-miss na kita, Hon."

Nakagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang aking luha. Sa tuwing naalala ko siya, hindi ko pa rin mapigilang mapaluha dahil sa sobrang pagka-miss sa kanya. Sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang mga alaala naming dalawa, mas lalo akong nananabik at naghahangad na sana madugtungan pa ang mga alaala naming iyon.

Pinilit kong ngumiti. "Sorry kung nagda-drama ako sa harapan mo. Miss lang kasi kita," wika ko pa.

Hindi na muli ako nagsalita. Nananatiling na sa lapida ni Harris ang aking tingin. Naramdaman ko ang pag-ihip ng malamig na hangin na aking ikinangiti ng totoo.

ANDREI FELIX HIDALGO

It's been a year. Naalala ko, ngayon pala ang death anniversary ni Harris. I'm sure na nasa sementeryo ngayon si Ellaine para dalawin siya.

Masaya ako ngayon. Siyempre best friend na kami ni Ellaine pero mas maganda sana kung lumagpas pa kami dun. Oo, alam ko na naghahangad na ako ng sobra ngunit hindi ko kasi mapigilan. Hindi ko mapigilan ang loob ko kahit na anong gawin ko.

Siguro sa ngayon ay okay na muna ako sa kung ano kami. At least pwede ko siyang makasama ng madalas.

Huminga ako ng malalim. Naalala ko kasi si Carie. Sa nakalipas na panahon, mas lalong hindi nagiging maganda ang relasyon naming dalawa. Sa totoo lang, nasasakal na ako sa kanya dahil mas tumindi ang pagiging selosa niya. Lahat na lamang ay pinaghihinalaan niya.

Naisip ko na ngang makipaghiwalay sa kanya. Sa tingin ko kasi ay iyon ang makakabuti para sa aming dalawa.

Iyon nga ba ang makakabuti o gusto ko lang makatakas mula sa kanya at para malaya ko ng mahalin si Ellaine? Hay! Kung ano-anong naiisip ko.

"I will file an annulment," matigas kong sambit kay Carie. Tinitingnan ko siya ng diretso sa mga mata niya na sinasalubong naman ang akin.

Tinaasan ako ng kilay ni Carie.

"So?" chill lang na tanong niya.

"Gusto ko nang makipaghiwalay sayo," pag-uulit ko sa matigas na tono.

She smirked. Tinitigan niya pa ako. "Go ahead, file an annulment pero wala kang aasahang pirma mula sa akin," pagmamatigas niya. "Habang-buhay kang nakatali sa akin at hinding-hindi ka makakawala," dugtong pa niya saka mahinang tumawa ng nakakaloko.

Naningkit ang mga mata ko. "Carie!" galit kong asik sa kanya.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay muling bumalik sa aking mukha. Tiningnan niya ako ng matalim. Pamaya-maya ay lumapit siya lalo sa akin. Hindi naman ako natinag sa pagtayo kahit nang ilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. Mas lalo niya akong tinitigan sa mga mata ko.

"Walang patutunguhan ang binabalak mo, Andrei," madiin na pagbulong niya sa akin. "Akin ka lang, akin lang at walang ibang makikinabang sayo kundi ako lang," dugtong pa niya saka sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi niya.

Napahinga na lang ako. Naalala ko na naman ang usapan naming iyon. Bakit ba kasi ayaw niya akong pakawalan? Magulo na ang pagsasama namin pero siya... hay!

Pero itutuloy ko ang balak ko sa ayaw niya o sa gusto. Tatapusin ko na ang pagsasama naming dalawa kahit na anong mangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

8.7K 427 40
(Thanatos Series 1) Hell is their den, killing is their game. Together, Underground Society they'll reign. Come and play with them. Welcome to Thana...
292 57 56
There is a golden rule between an idol and a fan, that never fall in love with your idol but what will you do if the purple string that connects you...
81.2K 3.9K 36
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
246K 2.4K 39
⚠⚠short story⚠⚠ Can you be attracted to someone who'll bring chaos in your life? ××UNEDITED×× ××COMPLETED××