For The First Time

By KakashiSensei_07

34.3K 2.2K 662

GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴 More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 28
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40 - Last Part

Part 10

655 43 4
By KakashiSensei_07

Dean's POV

Badtrip akong umuwi sa bahay

Nakita kong nandito din sila Tots at Bei

Anong ginagawa nila dito??

"Oh, anak, anong nangyare sayo? Bakit ang aga mo?" tanong ni tatay Dante sakin

"Oo nga, parang badtrip ka Deans" sabi ni Bei

Inis akong umupo sa tabi ni Tatay Dante

"Nakakainis kasi yung amo ko eh!"

"Oh? Bakit??!" tanong ni tatay Dante

"Mukhang kailangan mo ng tagay Deans, hahah! Itagay mo muna yan bago ka magkwento" sabi ni Bei

Ngayon ko lang napansin na nag-iinuman pala sila!

Kinuha ko yung binibigay na alak ni Bei

"Talagang iinom ako!" sabi ko pagkatapos nilagok ko iyon

"Oh? Ano bang nangyare??" tanong sakin ni Tots

Ikinuwento ko sakanila yung nangyare

"Gago ka talaga Deans! Baka nabastusan?!" sabi ni Tots

Naikwento ko kasi sa kanila yung totoong trabaho ko, yung pagpapanggap, yung kasunduan namin ni Jema

"Kaya nga, may mali ka don Deans!" sabi naman ni Bei

"Anak, hindi kita pinalaki ng ganyan, malamang magagalit yon!" sermon sakin ni Tatay Dante

Napayuko ako

"Pero Deans, anong feeling? Hahahah! Malambot ba yung lips?" tanong ni Tots, may halong pang-aasar din yung boses nya

Tiningnan ko sya ng masama

"Gago! Hindi ko naman ginusto yon! Ayaw ko lang na mabuko kami, parang ayaw kasing maniwala nung Ex nya eh!" sagot ko

"Hahahah! First time mo yung kiss na yon diba?" tanong sakin ni Bei

Hindi ako makasagot dahil bigla kong naalala yung kanina

Bakit ko nga ba kasi ginawa yon? Basta ang nararamdaman ko lang kanina ay yung ayaw kong mabuko kami ni Jema!

"Uy! Hahah! Iniisip! Hahah!" asar ni Tots

"Tigilan mo nga ako!" saway ko sakanya pagkatapos tumingin ako kay Tatay Dante

"Tay, babalik nalang po uli ako sa pagpapasada ng taxi, pasensya na po" sabi ko

Tinapik nya ako sa balikat

"Marami pang trabaho na darating sayo Deans, basta lagi mong tatandaan, matuto kang rumespeto ng babae! Hindi kita tinuruan maging bastos!"

"O-Opo" sagot ko

"Deans naman kasi, bakit mo sinunggaban? Hahah!" tanong ni Kuya Jessie

"Kuya Jessie, sinabi ko na sainyo diba? ayaw ko lang na mabuko kami" sagot ko

"Baka naman nafall kana sa amo mo Deans?" tanong ni Tots sakin

Kumunot yung noo ko pagkatapos uminom uli ako ng alak

"Kahit kailan hindi ako magkakagusto don Tots! Sa secretary nya pwede pa!" sabi ko

Huminga ako ng malalim nang maalala ko si Carly

"Hay! Hindi ko na tuloy sya makikita" malungkot na sabi ko

"Sino si Jema?" tanong ni Bei, umirap ako

"Si Carly! Yung secretary nya!" sagot ko

"Hahah! aahh, akala ko si Jema eh! Hahah!" asar nya sakin

"Ewan ko sainyo!"

Nag-inuman lang kami, gabi na nang matapos kaming mag-inuman, hindi naman ako nalasing dahil nakailang shot lang ako

Pumasok na ako sa kwarto ko at pabagsak akong nahiga sa kama

Habang nakahiga ako bigla kong naalala yung ginawa kong paghalik kay Jema kanina

Hinawakan ko yung labi ko

First kiss ko yon...

Pumikit ako at pinilit kong makatulog pero hindi ako nagtagumpay, pabaling-baling din ako sa higaan ko

Iniisip ko parin kasi yung nangyare kanina

Alam kong may mali ako, pero may mali din naman si Jema eh...

Umupo ako

"Kasi naman eh!" inis na bulong ko

Ilang oras na yung lumipas..

Tumingin ako sa relo ko

4 AM na...

Lumabas na ako ng kwarto ko para mag almusal, napagpasyahan ko kasing bumyahe ngayon

Pagkatapos kong mag-almusal umalis na ako

Itinuon ko yung atensyon ko sa pagdadrive maghapon, kinalimutan ko yung nangyare kahapon para nakapag focus ako

Kahit papaano medyo sinuswerte ako ngayon dahil marami akong pasahero na nakuha
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tatlong araw na yung lumipas...

"Deans, kamusta? Marami ka bang pasahero na nakuha ngayong umaga?" tanong sakin ni Tots

Nandito kasi kami ngayon sa karinderya at nagla-lunch

"Nakakalima na din" sagot ko

"Hays! Buti ka pa!" sabi nya

"Eh ikaw??" tanong ko

"Tatlo palang, heheh!" sagot nya

"Okay lang yan, bawi ka nalang mamaya Tots" sabi sakanya ni Bei

"Bakit nakailan kana ba?" tanong ni Tots sakanya

"Heheh! Apat" sagot ni Bei

Napangiti ako

Nagkwentuhan lang kami habang kumakaen

"Deans, Bei, outing naman tayong tatlo" sabi ni Tots

"Bakit?" tanong ni Bei sakanya

"Summer na kaya! Ang init-init na!" sabi nya

"Nakakahiya naman kila Tatay Dante kung magrerelax ako ng hindi sila kasama" sabi ko

"Edi isama natin sila" sabi naman ni Bei

"Eh yung budget?? Alam mo naman na nagpapacheck-up pa si Kuya Jessie"

"Ay, oo nga pala no?" sabi ni Tots

"Hayaan nyo, pag-iipunan ko yan" sabi ko

Tumango naman yung dalawa

Pagkatapos naming kumaen nagtrabaho na ulit ako

Kinagabihan, habang naghihintay ako ng pasahero nagulat ako nang nakita kong tumatawag si Ced

Ano nanamang kailangan nito??

"H-Hello?" sagot ko sa tawag nya

"Dean!"

"Bakit?" tanong ko sakanya

"Bumyahe ka ba ngayon?"

"Oo, bakit?"

"Kasi ano, pwede bang ikaw nalang yung kunin kong taxi? Hindi na kasi ako makapag-drive, nakakatakot din kasing kumuha ng iba eh" sabi nya

"Ganon ba? Saan ba yung location mo?"

"Dito sa bar kung saan mo nakita si Jema" sagot nya

"Sige, pupunta na ako" sabi ko

"Thank you!"

Pagkatapos naming mag-usap ni Ced huminga ako ng malalim

Si Ced lang naman diba? Siguro naman hindi nila kasama yung salbahe na yon!

Nagdrive na ako

Ilang minuto lang at nakarating na ako sa lugar, nakita ko si Ced na nakatayo sa tabi ng kalsada

Huminto ako sa tapat nya

"Dean! Buti nalang at dumating kana" sabi nya

"Sakay kana"

Napakamot sya sa ulo nya

"A-Ano kasi, pwedeng magpatulong?" tanong nya

"Saan?"

"K-kasi kasama ko sila Jema, nandon sila sa loob, lasing na lasing"

Napapikit ako

Shit naman oh!

"Sorry Dean..." sabi nya

Tumingin ako sakanya

Ano pa nga ba??

"O-Okay lang"

Lumabas ako ng taxi

"Nasaan sila?" tanong ko

"Nasa loob, tara!"

Sumunod ako sakanya

Kainis naman eh, iinom-inom tapos hindi naman pala kayang umuwi! Ggrrrrr!!

Pagpasok namin sa bar agad kong nakita si Jema kaya mas lalong kumunot yung noo ko

Nakayuko sya sa lamesa at halatang tulog, katabi nya si Kyla at Jho

Hays!! Kababaeng tao!

"Ayan sila, unahin natin si Jho" sabi ni Ced

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod

Pinagtulungan naming dalawa ni Ced si Jho papunta sa taxi ko, pagkatapos naming maihatid si Jho sa taxi ko sinunod namin si Kyla

Ang bibigat po nila!!

Pagkatapos naming madala si Kyla at Jho sa taxi binalikan naman namin si Jema

"Jema, dadalhin kana namin sa taxi ha" sabi ni Ced pagkatapos pinagtulungan namin sya

"Hmmmm!!! Ano ba?!" daing ni Jema habang nakapikit

Kainis! Ang bigat!

"A-Ano bang gagawin nyo shakin?!" inis na tanong nya pagkatapos dumilat sya at tumingin sakin, "O-Oh! Dean! Hahahaha! Ikaw pala yan! Long time no sheeee!!" sabi nya sakin kaya napangiwi ako

Lasing!! 😣

"Akalain mo yan! Makikita ko pa pala yung pagmumukha nitong lalaking to!" dagdag nya pa, ramdam kong nakatingin parin sya sakin

Ibalibag ko kaya to??!

"Huy! Galit ka pa ba shaken?? Bati na tayo oy!" sabi nya

Bahala ka dyan!

"Shalubong nanaman yang kilay mo!" pagpapatuloy nya

Ang ingay ha!

Nang makarating kami sa taxi ipinasok na namin si Jema, nang maiayos na namin sya sa loob nag-unat ako ng likod

"Hayss! Salamat at tapos na!" bulong ko

"Thank you Dean ha, naku! Mabuti nalang at may number ako sayo!" sabi ni Ced

Tumingin ako sakanya

"Saan ko kayo ihahatid?" tanong ko sakanya

"Sa condo nalang ni Jema" sagot nya

"Okay!" sabi ko

"Pasensya na talaga ha!"

Hindi ko na sinagot si Ced, naglakad na ako papaunta sa passenger seat at pumasok, nang makapasok na din si Ced sa taxi nagsimula na akong mag drive

Habang nagda-drive ako salita ng salita si Jema

"Dean! Panshinin mo ako! bati na tayo, balik kana..." sabi nya pero hindi ko sya pinapansin, patingin-tingin lang din si Ced sakin dahil nasa tabi ko sya

"Huy! Dean!!" tawag sakin ni Jema pero hindi ko parin sya pinapansin

"Ahh Dean, tawag ka ni Jema" sabi sakin ni Ced

"Hayaan mo sya, hindi ako nakikipag-usap sa mga lasing" sagot ko

"Lashing??! Hindi ako lashing!" sabat ni Jema

Mas lalong kumunot yung noo ko

Ewan ko sayo!

Nang makarating kami sa tapat ng condo ni Jema tumingin ako kay Ced

"Siguro naman kaya ng maglakad ng mga kaibigan mo?" tanong ko sakanya

"A-Aahh, O-Oo! Wait, gigisingin ko sila" sabi nya

Tumingin sya sa likuran at niyugyog nya yung paa ni Jho at Kyla

"Hoy! Gising na kayo! walang magbubuhat sainyo dito!" panggigising nya sa dalawa

Napatingin ako kay Jema at nakita kong gising sya at nakatingin sakin, umiwas ako ng tingin sa kanya sabay iling

Titingin-tingin pa! Tss!

--------------

Inis na inis sa isa't-isa 🥹🤣

Continue Reading

You'll Also Like

16.5K 443 15
A GaWong short story. PUHON -In God's perfect time. -Hopefully, someday Author's favorite masterpiece. Written and finished less than a week 😊💜💗
Paris By Rein

Fanfiction

213K 7.4K 53
What really happened after that one fateful encounter in Paris?
261K 3K 33
Handa ka bang ipaglaban ang pag-ibig na sa simula palang inakala mong wala nang patutunguhan?Yung pag-ibig na hindi para sayo at nakalaan na sa isang...
306K 5.7K 61
Another story of Unexpected Love