The Playgirl's Tale (Romance...

By FrancisAlfaro

1K 177 0

Even a kind-hearted girl can be the best b*tch in town. (C) 2024 ALL RIGHTS RESERVE 2024 More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
EPILOGUE

CHAPTER 42

4 2 0
By FrancisAlfaro

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 42

ELLAINE GARCIA-RICAFORT

"Hon, papasok ka na ba?" tanong ko kay Harris na naabutan kong palabas ng banyo at bagong paligo. Nakatapis lamang siya ng twalya sa baywang kaya naman napagmasdan ko ang kakisigan niya.

"Yes, hon," sagot niya sa akin saka ningitian ako.

Tumango-tango naman ako. Naihanda ko na ang susuotin niya kaya naman babaunin na lang niya ang aalalahanin kong ihanda.

"Sige at ipaghahanda lang kita ng babaunin mo," wika ko.

Napangiti naman si Harris saka ako nilapitan. Yumakap sa akin ang mga bisig niya na kaysarap humagkan. Hinalikan niya rin ako sa noo.

"Thank you, hon," malambing niyang bulong sa'kin.

Napangiti ako ng matamis. Gustong-gusto ko ang yakap niya at ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"Sige na at magbihis at mag-ayos ka na. Maghahanda lang ako ng kakainin at babaunin mo," saad ko.

Tumango-tango si Harris saka bumitaw rin sa akin. Ngumiti siya saka muli akong hinalikan pero ngayon ay sa labi na. Ang malambot niyang labi na kaysarap humalik.

Bumitaw rin kami kaagad sa halikan dahil baka kung saan pa mapunta. Mahirap na at baka ma-late pa siya sa pagpasok. Hay! Medyo uminit tuloy.

Lumayo na sa akin si Harris saka nagsimula nang magbihis at mag-ayos. Napangiti na lamang ako saka ko iniwas ang tingin sa kanya at naglakad palabas ng kwarto naming dalawa.

Anyway, I'm Ellaine Garcia-Ricafort. A plain housewife and a mother of twins. Alam ko na ang ilan sa inyo, masasabing boring ang buhay ko dahil wala akong ginagawang iba kundi ang mag-alaga ng asawa at ng mga anak but for me, masaya ako sa ganito. Ang saya-saya kayang alagaan ang asawa at mga anak. Masaya ako na nagagawa ko ng maayos ang responsibility ko at naipaparamdam ko rin ang pagmamahal ko sa mga ginagawa ko.

Naalala ko, grabe din 'yung mga pinagdaanan ng pamilya namin nitong mga nakaraang taon. Nasangkot ako sa isang aksidente na halos umagaw sa buhay ko at sa aking kambal. Mabuti na lang at hindi sumuko si Harris sa akin at naghintay siya ng halos isang taon para magising lamang ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog sa ospital.

Mabuti na lamang din at naisilang ko ng malusog at okay ang kambal naming dalawa habang comatose ako thru cesarian.

Sa totoo lang, nu'ng magising ako mula sa pagkaka-coma ay hindi ko kilala si Harris at ang kambal ko. Matiyaga namang inilahad sa akin ni Harris ang kwento naming dalawa at pinatunayan rin niya na sila ang pamilya ko.

Sabi ng doktor sa akin, may amnesia raw ako kaya hindi ko sila maalala nun. Temporary lang naman daw iyon at babalik din sa takdang panahon. Kaya minsan, sumasakit ang ulo ko na iniinuman ko na lamang ng gamot kapag hindi ko na kaya ang sakit.

Sa una, hindi ako naniniwala na mayroon nga akong amnesia at pamilya ko sila Harris pero may ipinakita siya sa aking mga dokumento, marriage certificate, birth certificate at marami pang iba na magpapatunay na totoo ang sinasabi ni Harris at doon, naniwala na ako. Isa pa, siya ang kasama ko nu'ng magising ako kaya wala naman na akong rason para hindi siya paniwalaan.

At ngayon, mas malaki na ang tiwala ko kay Harris. He's a good husband and a father at wala akong maipipintas sa kanya. Lahat ay ibinibigay niya lalo na ang pinakamahalaga, ang pagmamahal.

Hindi ko namalayang nakapasok na pala si Harris dito sa kusina. Napalingon na lamang ako sa kanya at nakabihis na siya ng suit. Saktong-sakto at kakatapos ko lamang magluto. Prito lang naman ang mga ginawa ko kaya madali lang lutuin. Napakagwapo talaga ng asawa ko.

"Oh, ito na ang baon mo," may ngiti sa labi na wika ko sa kanya.

Ningitian ako ni Harris.

"Hindi ka ba kakain muna?" tanong ko.

"Hindi na siguro, doon na lang sa office," sagot niya.

Tumango-tango ako at lumapit kay Harris. Hinawakan ko ang necktie niya saka ko inayos iyon. Nakita ko ang pagngiti niya habang tinitingnan ako.

"I love you hon," malambing na bulong niya sa'kin.

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. "I love you too," malambing na wika ko.

"Ikaw na munang bahala dito sa bahay habang wala ako," bilin sa akin ni Harris.

Tumango-tango naman ako bilang sagot. "Sige na at umalis ka na. Baka ma-late ka pa," sabi ko.

Napangiti si Harris. Hinalikan niya ako sa noo saka kinuha ang lunch box na nakapatong sa mesa.

"Ingat ka," nangingiting saad ko sa kanya habang papalabas siya ng bahay.

Nilingon niya ako. Ngumiti saka nag-wave ng kamay.

Nag-wave na lamang din ako ng kamay sa kanya.

HARRIS RICAFORT

I knew from the start. She's Cariedee Andersen. Nag-research ako tungkol sa kanya at sa lahat ng konektado sa buhay niya.

I save her and her babies. I cared for her.

I love her. Simula nu'ng una ko siyang makita, nakaramdam na ako ng pagmamahal sa kanya.

Pero masasabi ko nga bang tunay akong nagmamahal kung nagsisinungaling ako sa kanya?

Pero ginagawa ko lang naman ito dahil mahal ko siya. Alam kong tunay ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngayon na lamang muli ako nagmahal at ayokong mauwi na naman ako sa pagkabigo.

Sa totoo lang, years have passed pero dinadalaw pa rin ako ng konsensya. Alam ko na darating ang araw at maaalala rin niya iyong taong inagawan ko ng karapatan na magkaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya.

Bahagya akong napailing. Maya-maya ay huminga ako ng malalim. Medyo niluwagan ko ang suot kong necktie. Nagpatuloy lamang ako sa pagmamaneho ng kotse papunta sa opisina.

Gagawin ko ang lahat para hindi niya malaman ang totoo. I know na kasakiman na itong ginagawa ko pero hindi ko hahayaan na 'yung sayang nararanasan ko ngayon sa piling niya, mapuputol lamang ng ganun-ganun .

Kailangan mong alisin ang konsensya Harris kung gustong mong maging masaya sa bawat araw na nabubuhay ka sa mundo.

Continue Reading

You'll Also Like

8.7K 427 40
(Thanatos Series 1) Hell is their den, killing is their game. Together, Underground Society they'll reign. Come and play with them. Welcome to Thana...
292 57 56
There is a golden rule between an idol and a fan, that never fall in love with your idol but what will you do if the purple string that connects you...
3.5M 92K 31
Meet Erald Castell, an aspiring evil mastermind who ironically joins the legendary QED Club. Cover art by IAMCHIIRE
619K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...