The Playgirl's Tale (Romance...

By FrancisAlfaro

1K 177 0

Even a kind-hearted girl can be the best b*tch in town. (C) 2024 ALL RIGHTS RESERVE 2024 More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
EPILOGUE

CHAPTER 18

9 3 0
By FrancisAlfaro

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 18

CARIEDEE ANDERSEN

Dumating ang unang araw ko sa pagpasok sa eskwelahan. Napangiti ako dahil hindi na ako papasok doon bilang estudyante kundi isa ng professor.

Nakatayo ako sa harapan ng salamin at tinitingnan ang sarili. Infairness, ang ganda ko talaga at mukha akong kagalang-galang. Lumabas pa sa kasuotan ko kung gaano kaganda ang hubog ng aking katawan na napanatili ko ang ka-sexyhan kahit na ipinanganak ko si Cardee.

Suot ko ngayon ang isang white floral blouse na nabili ko sa US. Naka-tuck in naman ang ibabang bahagi nito sa aking suot na pencil skirt na color gray. Suot ko naman 'yung mamahalin kong dark gray stilletos bilang panapin ko sa paa.

Nakalugay naman ang wavy at hanggang likod kong buhok. Naglagay din ako ng konting make-up sa mukha at red lipstick sa aking labi.

Hindi ko ikakaila na medyo kinakabahan ako. Ito ang unang beses na magtuturo ako sa eskwelahang pinasukan ko noon. Siguradong may mga pamilyar na mukha akong makikita at may makakakilala rin sa akin. Siguradong magugulat sila sa malaking pagbabago ko.

Nasabi sa akin ni mommy na wala namang masyadong pinagbago sa school. Alagang-alaga rin naman niya kasi ang pagmamay-ari naming eskwelahan. Taon-taon ay pinapaayos niya ang mga school buildings doon at pinapagawa ang mga dapat ipagawa.

Ang mga minimal na pagbabago lang ay may mga nadagdag na facilities. Bilang isa sa pinakamagandang school dito sa Pilipinas, dapat may innovation din na nagaganap.

Huminga ako nang malalim. Ibinuga ko rin iyon. Paulit-ulit kong ginawa iyon para ma-relax ang aking pakiramdam.

"Kaya ko ito," pagpapalakas ko ng aking loob.

Umalis ako sa harapan ng salamin at pinuntahan ang aking handbag na nakapatong sa upuan. Galing din iyon sa US at mahal ang bili ko kahit na may discount na. Ganun talaga kapag mamahaling brand, mahal pa rin kahit discounted na. Minsan nga iniisip kong nanloloko lang sila dahil ang mahal-mahal pa rin kahit may discount na. Kaloka sila!

Napangiti na lamang ako saka kinuha ang handbag ko at lumabas na ng aking kwarto.

ANDREI FELIX HIDALGO

First day of second sem. Maraming bago! New professors and new set of subjects. Hays! Kahit iba na ang itsura na ako ay aminado akong nerd pa rin at mahilig mag-aral. Kailangan lalo na at graduating na ako.

On my way sa papasukan kong classroom ay napapatingin ako sa iba kong mga schoolmate na babae na tumitingin sa akin. Napapangiti na lamang ako sa kanila at halos himatayin naman sila sa kilig... at dahil iyon sa akin.

Hindi ko akalain na darating iyong araw na may kikiligin rin pala sa akin. Kunsabagay, sabi nga ng best friend kong si Angelique, gwapo naman daw talaga ako noon pa pero ngayong nagbago na ako ng style, doon lumabas ang best version of myself.

Ginawa ko ang pagbabago kong ito sa aking sarili dahil bukod sa gusto ko, umaasa pa rin kasi akong makikita si Carie. Umaasa akong makikita niya akong muli sa ganito kong itsura. Siguro naman kapag nakita na niya ako ngayon ay magiging type na rin niya ako.

Nakarating na ako sa classroom. Pumasok ako sa loob. Tiningnan ko ang mga magiging classmate ko at nagulat ako na nakita ko sina Chris at Eugena. Nabalitaan ko na kasal na ang dalawa. Nabalitaan din kaya iyon ni Carie? Bigla naman akong nag-alala dahil baka masaktan na naman siya.

Napatingin sila Chris at Eugena sa akin. Wala naman akong nakitang reaksyon sa kanila palibhasa ay hindi naman nila ako close. Umiwas ako nang tingin sa kanila nang makita ko naman si Angelique na kumaway-kaway. Napangiti ako saka kaagad siyang nilapitan. Mabuti na lang at classmate din kami.

"Mabuti at hindi ka na-late," pahayag sa akin ni Angelique nang makaupo na ako sa upuan na nasa tabi niya.

"Ako pa?" tanong ko saka tinuro pa ang sarili. Ngumisi ako. "Ang nerd na katulad ko ay hindi nale-late kahit kailan," natatawa ko pang sabi.

"Hindi ka na kaya nerd. Ang gwapo-gwapo mo na nga ngayon at kinakikiligan ng mga girls," nangingiting saad ni Angelique.

Ngumiti na lamang ako. Hindi ko ikakaila, masarap na kakiligan ng iba at sabihang gwapo. Sino ba namang hindi matutuwa, 'di ba? Halos lahat naman siguro ng tao, hinangad na magustuhan ng marami kahit minsan lang.

Magsasalita pa sana ako pero bigla nang tumunog ang bell. Nagpasukan na ang iba pa naming classmate dito sa classroom at kami naman ay nagsi-ayos na sa pag-upo.

"Mukhang late pa yata 'yung professor natin."

"Kaya nga. First day na first day pa naman."

"Balita ko nga bagong professor 'yung magtuturo sa atin."

"Talaga ba? Hindi pa dito nagtuturo kahit last year?"

"Oo daw, pare."

Napapailing na lamang ako sa usapan ng mga lalaki kong classmate.

Natahimik naman ang lahat nang may pumasok sa classroom na ikinalaki ng mga mata ko dahil sa gulat. Hindi ako makapaniwala. Nagbalik na siya? Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko para makasigurado kung siya nga dahil baka namamalik-mata lang ako pero... siya nga! Si Carie!

Tila slow motion ang tagpo nang pagpasok niya dito sa classroom. Dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa platform na nasa harapan. Lahat ay nakatingin sa kanya hanggang sa tumayo na siya sa harapan at tiningnan kami isa-isa.

Hindi talaga ako makapaniwala. Nandito na talaga siya. Bakit naman kasi bigla-bigla?

Hindi ko maikakaila na napakaganda pa rin niya kahit ang laki ng ipinagbago niya. Nag-mature man siya pero 'yung kagandahan niya, kagaya pa rin ng dati. Humahalimuyak sa buong classroom ang bango ng gamit niyang pabangong pambabae na halatang mamahalin.

Napatingin siya sa gawi nila Chris at Eugena. Tiningnan ko sila at halatang gulat na gulat rin na makita siya. Napangiti siya pagkatapos ay tiningnan pa ang ibang nasa loob ng classroom.

Hanggang sa dumako ang tingin niya sa akin. Kumunot ang noo niya. Sobra naman akong kinabahan. 'Yung puso ko, para na namang tumatakbo sa field sa sobrang bilis tumibok.

Pamaya-maya ay ngumiti siya. Hindi ko alam kung bakit siya nakatayo sa harapan. Estudyante pa rin ba siya?

Ilang sandali pa ay umiwas siya nang tingin sa akin at tumingin sa binuksan niyang pintuan at may tinawag.

Isang matangkad na lalaki ang pumasok. May itsura ito pero parang may kakaiba sa kanya na hindi ko mawari.

"Shone, pumili ka na lang ng uupuan mo at maupo ka na," utos ni Carie sa lalaking Shone pala ang pangalan. Magkakilala sila?


"Yes, Maam!"
sagot sa kanya nung Shone. Ma'am?

Sa harapan umupo si Shone. Si Carie naman ay tinalikuran kaming lahat at kumuha ng marker saka niya sinulat ang buong pangalan niya sa white board.

Humarap siya sa amin at tiningnan na naman kaming lahat. Tahimik ang buong classroom.

"Class, I'm Cariedee Andersen. I will be your professor in Calculus 4 this semester," pagpapakilala niya na lalong ikinalaki ng mga mata ko.

Siya? Professor? Hindi nga? Totoo?

Napangiti ulit si Carie habang tumitingin siya sa lahat.

"Maybe some of you are familiar with me, right?" pagtatanong niya.

May mga tumango-tango at may iba namang umiling dahil hindi pa siya kilala.

Ngumiti lalo si Carie.

"I'm your professor for the meantime. Actually I graduated in US last month, with masteral of course," sabi niya.

Hindi ako makapaniwala. Professor na ba talaga siya? Kunsabagay, kanila itong eskwelahan kaya hindi siya mahihirapang maging professor dito.

"If you have questions, ask me before I proceed on calling your names for attendance," wika ni Carie.

"Professor! Ilang taon ka na?" tanong ng isa kong classmate na lalaki. Kainis 'to, ah! Kung makatanong akala mo close sila.

Napapangiti ang labi ni Carie.

"Twenty. turning twenty-one," sagot niya.

"May boyfriend na po kayo?" tanong naman ng isa pang classmate kong lalaki. Halatang mga interesado kay Carie. Tsk!

Mahinang natawa si Carie. Hay! Hindi ko maikakaila na na-miss kong marinig ang tawa niya.

"Actually, wala akong boyfriend," talaga? "But I have a special someone." Hala! Sino iyon? May pumalit na kay Chris?

May magtatanong pa sana pero biglang may kumatok sa glass door. Napatingin doon si Carie saka pinuntahan ang pinto at pinagbuksan ang nasa labas.

Lumawak ang ngiti ni Carie nang makita niya 'yung batang lalaki na siyang kumatok. Nangunot ang noo ko. Sino naman iyon?

"Mommy!" sigaw ng bata na ikinalaki ng mga mata ko sa gulat. Mommy?

May mga narinig akong bulungan at pagsinghap pero wala na akong pakiealam sa kanila. Katulad ko ay nagulat rin siguro sila.

Mommy? Ibig sabihin...

Niyakap ni Carie 'yung batang lalaki nang magkalapit sila saka ito binuhat.

"Sorry Miss Andersen at hindi ko po siya napigilan na puntahan kayo," paghingi ng paumanhin ng yaya na kasama ng bata.

Ngumiti si Carie. "It's okay," sagot niya. Tiningnan niya 'yung bata na sa aking tantya ay mga nasa dalawang taong gulang na. "Mukhang na-miss mo si mommy, Cardee, ah," malambing na sabi pa niya sa bata.

Tumango-tango naman ang bata bilang sagot.

Hindi ako makapaniwalang may anak na siya. Paano? Kailan? Sino ang ama?

Hindi ko napigilang titigan ang mukha ng bata. Masasabi kong cute siya pero may nasasalamin akong pamilyar na mukha sa kanya.

Muli ay tumingin ako sa gawi nila Chris. Nakita ko siyang titig na titig doon sa bata.

So, siya kaya ang ama?

Pumunta sa harapan ng classroom si Carie buhat ang kanyang anak. Ngumiti siya sa aming lahat.

"Here's my special someone. The special boy in my heart, Christopher Aldrich Cardee Andersen," pagpapakilala ni Carie sa anak niya na panay naman ang ngiti habang tinitingnan kaming lahat.

Hindi ko maipaliwanag 'yung nararamdaman ko. Masakit na nakakagalit. Hindi ko dapat ito maramdaman ngunit hindi ko naman mapigilan 'yung sarili ko.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Angelique saka kinalabit ako.

Napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang nag-aalalang mukha niya. Pinilit kong ngumiti.

Tumango-tango na lamang si Angelique at maliit na ngumiti.

CHRIS ALDRICK FORTALEJO

Gulat na gulat ako na si Carie ang professor ko pero mas nagulat ako dahil sa wakas ay nakita ko na rin iyong anak ko na matagal ko na ring gustong makita. Hindi ako makapaniwala na darating ang hindi inaasahang araw na ito sa buhay ko.

Nakatingin lamang ako kay Carie at doon sa bata. Hindi maikakailang ako nga ang ama ng bata kasi hawig na hawig ko siya. Napangiti ako. Para akong maiiyak. Sabik na sabik kasi ako na makita siya. Ginawa ko ang lahat para mangyari iyon pero hindi nangyari.

Ngunit hindi na mahalaga ang mga ginawa kong iyon na nabigo dahil ngayon ay nakita ko na sila. Si Carie na mas lalong gumanda ngayon at ang anak namin na bunga ng pagmamahalan naming dalawa noon.

Pero sa totoo lang, kasabay nang nakikita kong pagbabago kay Carie ay ang pagbabago din sa nararamdaman ko. Habang nakatingin ako sa kanya, parang wala na. Hindi ko maintindihan.

Ano bang nangyayari sa akin? Naguguluhan ako.

Bakit ngayong nakita ko na siya, kinakabahan man ako pero hindi na kagaya ng dati na halos napapadagundong niya ang tibok ng puso ko?

Maganda man siya ngayon pero parang ordinaryo na lang para sa akin.

"Masaya ka bang makita sila?" tanong ni Eugena.

Napatingin ako kay Eugena. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Pucha! Bakit ako nasasaktan na nakikita siyang malungkot?

Pilit ang ngiting sumilay sa labi ni Eugena.

"Alam ko namang mahal mo pa rin si Carie pero pasensya na dahil kailanman ay hindi kita pakakawalan. Kasal na tayo at dahil mahal na mahal kita, obligasyon mong suklian iyon," sabi niya. "Kahit anong mangyari, mananatili ka sa tabi ko at susuklian mo ang nararamdaman ko," aniya pa sa madiin na tono.

Bumilis ang tibok ng aking puso sa sinabi niya. Teka, bakit ang saya ko nang marinig kong mahal na mahal niya ako?

Ano ba talagang nangyayari sa akin?

Hindi kaya...

Mahal ko na rin siya?

ANDREI FELIX HIDALGO

"So, siya pala si Carie your love," sabi sa akin ni Angelique. Nasa gilid kami ng football field at magkatabing nakaupo sa damuhan. "Infairness, maganda siya pero may anak na," dugtong pa niya.

Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni Angelique.

Tumingala ako nang tingin sa kalangitan. Naalala ko 'yung tagpo namin kanina ni Carie matapos ang klase.

Tiningnan ako ni Carie mula ulo hanggang paa. Nasa labas na kami ng classroom kung saan nagkasabay kaming lumabas.

Napangiti siya nang tingnan na niya ako sa mukha.

"Malaki na ang ipinagbago mo," nangingiting wika niya.

Napangiti na lamang ako nang tipid sa sinabi niya.

"Mas lalo kang gumwapo pero hindi maikakailang nerd ka pa rin," sabi niya saka mahinang tumawa.

Napakamot naman ako sa batok. Medyo nahiya ako sa sinabi ni Carie.

"Anyway, kumusta ka na?" tanong niya.

"O-Okay lang," sagot ko. Nautal pa ako.

"Huwag kang masyadong kabahan. Ilang taon lang tayong hindi nagkita," saad ni Carie.

Ngumiti na lamang ako ng maliit.

"Oo nga pala, sorry kung hindi ako nakapagpaalam sayo nang umalis ako. Biglaan kasi ang lahat ng mga nangyari," paghingi ni Carie sa akin ng sorry.

"Okay lang, hindi mo naman obligasyong magpaalam sa akin," wika ko.

"Anong hindi? Kaibigan kita, 'di ba?" tanong ni Carie habang mataman akong tinitingnan.

Kaibigan? Napangiti na lamang ako sa sinabi niya.

"Anyway, mas bagay sayo ang may salamin sa mata," sabi niya na ikinagulat ko.

"T-Talaga?" tanong ko.

Tumango-tango si Carie.

"Pero okay na rin na ganyan ka," nangingiting sabi ni Carie. "Anyway, kailangan ko nang umalis at naghihintay na sa akin si Cardee," pagpapaalam pa niya sa akin.

"Okay," sagot ko na lang na may kasamang pagtango-tango.

"See you around, Andrei," wika pa ni Carie saka tinapik niya ako sa balikat.

Natawa si Carie dahil sa napapiksi ako sa tapik niya.

"Sige na, ba-bye na," paalam niya ulit. "Oo nga pala, congrats at may girlfriend ka na," sabi pa niya na ikinagulat ko.

"Ha?"

"Yung katabi mo na kausap mo, girlfriend mo siya tama? Infairness, maganda siya."

Ah, si Angelique.

Umiling-iling ako. "Nagkakamali ka. Hindi ko siya girlfriend, best friend ko siya," paglilinaw ko kaagad sa kanya.

Napangiti na lamang si Carie saka dahan-dahang tinalikuran na ako.

Nakasunod ang tingin ko kay Carie habang naglalakad siya palayo. Napangiti na lamang ulit ako.

"Siguro disappointed ka, 'no?" tanong ni Angelique sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Ako? Dissappointed?" tanong ko nang tingan ko siya.

"Oo, kasi may anak na siya," wika ni Angelique. "Sino naman kasing single at gwapong lalaki ang gugustuhin na makipag-date sa babaeng may anak na?" dugtong pa niya.

Binawi ko ang aking tingin kay Angelique.

"Wala namang masama dun," sabi ko.

"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Angelique.

Hindi na lamang ako nagsalita ulit. Sa totoo lang, hindi ko nagustuhan iyong sinabi ni Angelique. Oo nga at may anak na siya pero dahilan ba iyon para hindi siya magustuhan ng iba?

CHRIS ALDRICK FORTALEJO

"Carie!" malakas na pagtawag ko kay Carie na sinusundan ko ngayon papunta sa faculty room.

Tumigil naman sa paglalakad si Carie at nilingon ako. Naging mataman ang pagtingin niya sa akin.

"Let's talk," sabat naman ni Eugena na kasama ko rin ngayon.

Hinarap kami ni Carie saka nilapitan.

"About what?" tanong ni Carie na huminto sa harapan namin at salitan kaming tiningnan ni Eugena.

Huminga ako ng malalim. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Maya-maya ay tiningnan ko si Carie ng diretso sa mga mata niya.

"About our son," sabi ko sa kanya.

Ngumiti nang maliit si Carie. "Oh, sige. Mag-set na lang kayo ng time and meeting place," aniya. "And by the way, congrats sa wedding niyo. Sorry kung late na ang pagbati ko," dugtong pa niya.

"Salamat," wika ko. Mukhang okay na si Carie ngayon. Kitang-kita ko sa kanya.

Ngumiti nang matamis si Carie.

"Thank you, for taking care of him," sincere na sabi ko pa. Malaki ang pasasalamat ko na inalagaan niya si Cardee.

Lalong napangiti si Carie.

"Bukas, ihanda mo ang sarili mo dahil ipapakilala kita sa kanya," wika niya na ikinagulat ko.

"Talaga?" tanong ko.

Marahang tumango-tango si Carie.

"Pero mo sabi mo noon-"

"Past is past Chris," putol ni Carie sa sinasabi ko. "Galit ako noon sayo pero ngayon ay hindi na. Isa pa, karapatan mong makilala siya," dugtong pa niya. "Hindi ako 'yung klase ng ina na ide-deprive ang anak niya na makilala ang daddy niya," sabi pa niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. Sobrang saya ko.

"Salamat," sincere na wika ko. Malaki talaga ang pasasalamat ko ngayon sa kanya.

Tumango-tango si Carie.

"Anyway, I'll go ahead at may kailangan pa akong gawin," pagpapaalam niya.

Napatango-tango na lamang ako.

Tiningnan pa niya kami ni Eugena bago talikuran saka naglakad palayo. Nakasunod ang tingin ko kay Carie.

"Ang laki ng ipinagbago niya," pabulong na sambit ni Eugena.

"Oo nga," sabi ko habang tumatango.

"Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis."

Tiningnan ko si Eugena. Nakasunod rin ang tingin niya kay Carie. Napangiti na lamang ako ng maliit sa sinabi niya.

Continue Reading

You'll Also Like

13K 560 68
Isa sa mga Kalandian na Storya nang Jikook. Medyo Walang magawa si Author Nim kaya ito nalang. Start: 8|12|18 End: basta malapit na
246K 2.4K 39
⚠⚠short story⚠⚠ Can you be attracted to someone who'll bring chaos in your life? ××UNEDITED×× ××COMPLETED××
6.3K 136 71
Walang pamagat kaya wala ring diskripsiyon.
24.9K 988 20
High Rank #56 Hi am Catherine Lopez aka Cathy for short, a successful doctor--and single. Tama! Sa edad kong thirty years old ay wala pa rin akong as...