The Playgirl's Tale (Romance...

FrancisAlfaro tarafından

1K 177 0

Even a kind-hearted girl can be the best b*tch in town. (C) 2024 ALL RIGHTS RESERVE 2024 Daha Fazla

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
EPILOGUE

CHAPTER 16

9 2 0
FrancisAlfaro tarafından

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 16

THIRD PERSON

Matamang nakatingin si Angelique kay Andrei. Magkaharap silang nakaupo sa pang-apatang mesa na nasa loob ng school garden.

Nakatingin sa kung saan si Andrei at tulala. Napailing-iling na lamang si Angelique at bumuntong-hininga. Nagbaba siya ng tingin.

Narinig ni Andrei ang malalim na pagbuntong-hininga ni Angelique kaya napatingin siya rito. Kumunot ang kanyang noo.

"Bakit? May problema ka ba?" pagtatanong ni Andrei sa nagtatakang tono.

Muling tumingin si Angelique kay Andrei. Marahan siyang umiling-iling.

"Wala akong problema. Baka ikaw meron," wika niya.

Lalong kumunot ang noo ni Andrei.

"Ako?" nagtatakang tanong pa nito saka itinuro ang sarili. "Wala naman akong problema-"

"Wala kang problema pero iniisip mo na naman siya," putol ni Angelique sa iba pang sasabihin ni Andrei.

Hindi na nakasagot si Andrei. Napagiti na lamang ito nang tipid.

"Mahigit two years na, Andrei. Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin siya makalimutan?" tanong ni Angelique. May pagkadismaya ang tono niya.

Umiling-iling si Andrei. Nagbaba siya nang tingin. Huminga siya ng malalim.

"Pasensya ka na, hindi ko lang mapigilang isipin siya," sincere na salita ni Andrei.

Sa totoo lang, pakiramdam ni Andrei ay na-ghost siya. Sa nakalipas kasi na lagpas dalawang taon, wala nang naging paramdam sa kanya si Carie. Hindi nga niya alam kung nasaan na ito o kung anuman ang nangyari dito.

May mga ginawa naman si Andrei para malaman kung ano na ang nangyari kay Carie gaya na lamang nang pag-alam niya kung saan ito nakatira. Nalaman niyang umalis ito ng bansa pero hindi sinabi sa kanya kung saang bansa nagpunta at kahit pinilit niyang alamin iyon ay wala rin naman siyang napala. Hindi maikakaila na sobra rin siyang nahirapan ng mga panahong iyon.

Gayunpaman, hindi pa rin nakalimutan ni Andrei ang mga pinagsamahan nila ni Carie at kahit hindi na niya ito nakikita, umuusbong pa rin sa kanyang puso ang pakiramdam ng pagkagusto sa dalaga. Hindi na nga lang yata pagkagusto ang nararamdaman niya rito kundi pagmamahal na.

Hindi maikakaila ni Andrei na name-miss niya ito. Sobra at umaasa siyang maghimala para mag-krus muli ang kanilang mga landas.

"Hay! Dapat pala nanatili pa ako sa US kung ganyan kitang daratnan dito," nanghihinayang na sambit ni Angelique.

Tiningnan ulit ni Andrei si Angelique. Ngumiti siya ng maliit. "Pasensya ka na talaga. Natutuwa naman ako na nandito ka na," aniya.

Umismid si Angelique. "Talaga ba?" tanong niya saka ngumiti nang nakakaloko.

"Oo naman, best friend kaya kita," nangingiting sagot ni Andrei.

Mahinang natawa na lamang si Angelique saka umiling-iling.

"Tara na nga at tapusin na natin itong report natin at baka ito pa ang maging dahilan ng pagbagsak nating dalawa at hindi pag-graduate," pag-aaya na lamang ni Angelique sa kaibigan.

Tumango-tango na lamang si Andrei saka ipinagpatuloy na nila ang ginagawang report. Kailangan dahil graduating na sila sa kursong BSBA at ayaw rin naman niyang bumagsak.

---

Pababa ng hagdanan si Eugena habang paakyat naman si Chris dito sa loob ng malaki nilang tirahan na moderno ang istilo. Napangiti si Eugena nang makita si Chris at humarang sa dadaanan ng asawa.

Napahinto naman si Chris at tiningnan ng malamig si Eugena.

"Kumain ka na ba, Hon?" tanong ni Eugena sa tono na malambing.

Pagtango lang ang isinagot ni Chris sa asawa. Mahigit dalawang taon na silang kasal ngunit hindi pa rin maganda ang pakikitungo niya rito. Aminado si Chris na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makausad mula sa nakaraan.

"Oo nga pala, nagawa ko na iyong report mo. Check mo na lang kung may mali," pagpapa-alam ni Eugena.

Tumango-tango na lamang si Chris.

Napangiti si Eugena. Hindi maitatanggi sa kanya na masaya pa rin siya sa kabila nang hindi magandang pakikitungo sa kanya ni Chris. Simula nang ikasal sila, mas lalong nagbago ang pakikitungo ni Chris sa kanya pero wala na siyang pakiealam dahil ang mapasakanya ito ay sobra-sobra na para sa kanya.

"Aakyat na ako," malamig na pagpapaalam ni Chris kay Eugena.

Ngumiti lalo si Eugena saka tumango-tango. Bahagya pang nagulat si Chris nang halikan siya ni Eugena sa labi bago siya bigyan ng daraanan paakyat.

Mabagal na napailing-iling na lamang si Chris pagkalagpas niya kay Eugena. Humugot rin siya ng malalim na hininga para mapakalma ang loob na nagsisimula na namang kumulo dahil sa asawa.

Itinuring ni Chris na impyerno ang kinasasadlakan niya ngayon ngunit wala naman siyang magawa para makalabas rito. Kung si Eugena ay masaya na kasal silang dalawa, kabaligtaran naman ang nararamdaman ni Chris.

Iniisip na lamang ni Chris na para sa kumpanya kaya siya nagtitiis ng ganito. Sa pagiging mag-asawa nila ni Eugena, mas lalong lumakas ang mga kumpanya ng magulang nila na maituturing niyang kabutihang dulot ng impyernong sinuong niya.

Muling huminto si Chris. Nasa itaas na baitang na siya. Naisip niya si Carie, ang babaeng mahal pa rin niya hanggang ngayon. Hindi niya maikakaila na miss na niya ito. Gusto na rin niyang makita ang anak nilang dalawa.

Nakasunod naman ang tingin ni Eugena sa asawa na muli nang naglakad.

"Hinding-hindi kita susukuan Chris. Darating din ang araw na mamahalin mo rin ako ng higit pa sa nararamdaman mo para sa kanya," madiin na salita niya sa hangin.

Nang mawala na si Chris sa paningin ni Eugena ay saka na siya tuluyang bumaba ng hagdan.

---

"Ayan! Perfection!" natutuwang sambit ni Shone ng matapos nitong ayusin ang buhok ni Carie.

Napangiti naman si Carie habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin na nasa harapan nila.

"Ano? Nagustuhan mo ba ang ayos ko sayo?" nangingiting tanong ni Shone kay Carie.

Marahang tumango-tango si Carie. Nagustuhan niya ang ayos sa kanya ni Shone.

"Ang ganda! Baklang Pilipino ka nga talaga," pagbibiro niya. Ang galing naman kasi ni Shone pagdating sa pag-aayos ng buhok at pagme-make up. Baklang-bakla sa kilos si Shone kapag kasama si Carie pero lalaking-lalaki pumorma at manamit.

"Sira ka talagang babae ka! Gusto mo bang mag-away tayo dito sa loob ng condo mo?" mataray na tanong nito.

Natawa na lamang si Carie sa sinabi ni Shone. Naalala niya 'yung unang beses na nagtagpo ang landas nilang dalawa dito sa US. Nag-away sila sa isang salon noon dahil sinabihan niya itong pangit kahit may itsura naman si Shone. Akala nga niya ay hindi siya nito maiintindihan pero biglang naging leon ang bakla at inaway at inokray-okray siya. Doon niya nalaman na kapwa Pilipino pala niya ito. Habang nag-aaway nga sila, pinagtitinginan sila ng ibang mga customer at staff ng salon na mga American kasi hindi sila maintindihan. Tagalog ba naman sila magbangayan.

Mabuti na lang at hindi naman jinombag ni Shone si Carie kasi buntis ang huli nu'ng mga panahong iyon. Nagtalakan lang sila.

Hanggang sa lagi na silang nagtatagpo sa kung saan-saang lugar at magkapit-bahay pa sila kaya hindi naglaon ay naging best friends silang dalawa.

"Oo nga pala, si Cardee?" nagtatakang tanong ni Shone.

"Ayun! Tulog na tulog ang bata sa kwarto niya," nangingiting sagot ni Carie na sinisipat ang tingin ang sarili sa kaharap na salamin.

Natawa naman si Shone.

"Hilig talagang matulog ng batang iyon," sabi nito.

"Hayaan mo na, kailangan niya iyon lalo na ngayon at two years old siya," sagot ni Carie.

Christopher Aldrich Cardee Andersen ang buong pangalan ng anak na lalaki ni Cariedee. Bibo at matalinong bata na mahilig matulog. Mana sa amang si Chris ang itsura pero may nakuha din naman kay Carie gaya ng mata at labi nito.

Hindi rin naging madali kay Carie ang mga pinagdaanan niya lalo na at mag-isa lamang siyang binubuhay si Cardee. Mabuti na nga lang at tinutulungan rin siya ni Shone sa pag-aalaga sa kanyang anak kaya kahit papaano ay gumagaan ang lahat sa kanya. Sa pamamagitan naman ng pagpapadala sa kanya ng pera nakakatulong ang magulang niya.

Pero nu'ng mga panahong bumalik siya sa pag-aaral pagkatapos manganak at magpahinga ng isang taon, hindi niya maikakaila na muntik na rin siyang sumuko at naisipang bumalik ng Pilipinas para magpatulong na sa kanyang pamilya.

Nagtagumpay naman si Carie na malagpasan ang lahat. Naayos niya ang kanyang buhay dahil ginawa rin niyang inspirasyon si Cardee. Nag-aral siyang mabuti hanggang sa makapagtapos sa kursong BSBA. Kumuha na rin siya ng MBA at masteral habang sinasabay ang pag-aalaga kay Cardee. Kaagad siyang nakapagtapos dahil nagtuloy-tuloy siya sa pag-aaral ng walang bakasyon, Christmas at New Year lang ang naging bakasyon niya.

"Oo nga pala, paano kung bumalik ka na sa Pilipinas? Handa ka na bang harapin siya?" tanong ni Shone na biglang sumeryoso.

Tiningnan ni Carie ang repleksyon ng kaibigan sa salamin na mataman namang nakatingin sa kanya. Simula ng maging best friend ni Carie si Shone ay wala siyang nilihim dito.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Carie.

"Handa akong harapin siya," sagot nito. "Pero hindi ako magpapakita sa kanya. Ano ako? Palay na lalapit sa manok? Para saan pa?" tanong pa niya saka nag-smirk.

Natawa naman si Shone sa sinabi ng kaibigan.

"So gusto mo this time ikaw na ang maging manok at siya ang palay?" nangingiting tanong ni Shone.

Tumawa naman si Carie.

"Sa tono mo mukhang hindi ka pa nakakamove on-"

"Matagal na akong naka-move on kay Chris," mabilis na depensa ni Carie. "Sayang naman ang paglayo ko kung hindi. Ano pang saysay ng ilang milyang layo ng Pilipinas at US? Isa pa, si Cardee lang ang lalaking mahal ko ngayon at wala ng iba pa," dugtong pa niya saka kumindat.

Napangiti naman si Shone. Nagustuhan niya ang sinabi ng kaibigan.

"'Yan! Ganyan nga! Si Cardee na lang ang lalaking mahalin mo," sabi nito. "Hay! Safe ang mga boylets ko!" dugtong pa niya saka tumawa.

Natawa na naman si Carie habang napapailing sa sinabi ng kaibigan. "Sira ka talaga," bulong pa niya.

"Pero Carie, wala naman na sigurong galit diyan sa puso mo, 'di ba?" tanong ni Shone habang inaayos muli ang buhok ng kaibigan. Medyo nag-aalala siya dahil dun.

"Mukha bang galit pa ako?" balik-tanong naman ni Carie.

Tiningnan ni Shone si Carie. Umiling-iling siya saka ngumiti.

"Ang fresh mo na nga ngayon. Parang hindi ka ina," pambobola ni Shone na ikinatawa ni Carie. "Penge namang freshness diyan," dugtong pa niya.

"Alam mo? Na-realize ko sa mga nakalipas na taon na ang galit, walang maidudulot na mabuti sa akin. Dinadagdagan lang niya ang fine lines at wrinkles ko kaya nagmumukha akong matanda," aniya ni Carie habang nakatingin sa salamin. Natawa naman si Shone. "Pero seryoso, pinakawalan ko 'yung galit sa puso ko kasi gusto ko nang mag- move-on pero hindi ibig sabihin nun ay nakalimot na ako," sabi pa niya.

"So, mahal mo pa nga siya?" tanong ni Shone.

Umiling-iling ang ulo ni Carie.

"Nah! Hindi na!" sagot niya. "Hindi ko lang makalimutan 'yung mga pinagsamahan naming dalawa, maganda man o pangit kasi ayoko rin namang kalimutan. Kahit papaano naman, naging masaya ako kasama siya at may mga natutunan ako sa mga ginawa niyang hindi maganda. Babaunin ko na lang ang mga alaalang iyon dahil naging bahagi na siya sa kung ano ako ngayon," sabi nito.

"Saka isa pa, kasal na siya at ayoko namang maging kabit!" natatawang sabi ni Carie. "Tama ng ama na lang siya ng anak ko," dugtong pa niya.

Natawa na lamang din si Shone.

"Tapusin mo na nga itong pag-aayos ko sa buhok ko. Kailangan kong maging sobrang ganda dahil haharapin ko sila mommy at daddy sa video call," pahayag pa ni Carie. Family day ngayon kaya haharapin niya ang pamilya online.

"Oo na!" nangingiting sambit ni Shone. "Sali ulit ako sa family day niyo. Gusto kong makita si Papa Cax, Papa Cen at Papa Card," kinikilig na sabi pa nito.

"Hoy! Pati ba naman si bunso gusto mong patulan?" hindi makapaniwala at natatawang tanong ni Carie. "Makakatikim ka sa akin," pagbabanta pa niya.

"At ano namang ipapatikim mo sa akin?" tanong ni Shone.

"Babae! Papatikimin kita ng babae para maging straight ka!" pagbibiro ni Carie.

"Eeewww! Yuck!" pandidiri ni Shone at nagkunwaring nasusuka pa.

"Makasuka ka naman diyan! Hoy! Masasarap din kaming mga babae. Kaya nga nahuhumaling sa amin ang mga lalaki," singhal ni Carie sa kaibigan saka tumawa. Alam naman niyang nagbibiro lang si Shone at sinasakyan niya lang ito.

Natawa naman si Shone. Kung bakit ba kasi ang gagwapo ng kapatid ni Carie kaya naaakit siya. Kunsabagay, maganda rin naman ang kaibigan katulad niya.

Napailing-iling na lamang si Carie sa kalokohan ng kaibigan saka napangiti. Hindi maikakaila sa kanyang mukha na masaya na siya ngayon, malayong-malayo sa nararamdaman niya nang umalis siya ng Pilipinas.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

28.2K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
4.4M 100K 66
[Vampire City Series #2] "Your cold embrace is my sanctuary." -Lorelei. They say history repeat itself. Mauulit nga ba sa kambal ang nangyari sa k...
101K 4.8K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
626K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...