For The First Time

By KakashiSensei_07

34.3K 2.2K 662

GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴 More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 28
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40 - Last Part

Part 5

656 35 2
By KakashiSensei_07

Jema's POV

"Ced naman eh! Sabing wag na eh!" inis na sabi ko pagkatapos nilang mag-usap ni Dean

"Bakit? Sinasabi ko sayo Jema, epektib yung gagawin natin!" sabi nya

Ano nga bang gagawin namin??

Pagseselosin lang naman namin si Fhen, kanina kasi galing ako sa bahay nila para sana makipag-usap sa kanya, pero nakita kong may kasama syang babae kaya nasaktan nanaman ako ng sobra. 

"Kaya nga, malay mo kapag pinagselos mo yun si Fhen baka bumalik sayo!" sabi naman ni Kyla

"Saka wag kang mag-alala, hindi ka daw nya type! Hahah!" sabi ni Ced kaya kumunot yung noo ko

Ah talaga ba?! Pwes! Parehas lang kami!

"Saka parang mabait naman si Dean, offeran mo lang ng work papayag yon" sabi naman ni Kyla

"Sino bang Dean yan?" tanong ni Jho

"Yun yung taxi driver na sinakyan ni Jema kagabi nung tumakas sya satin" sagot ni Kyla

"Pogi ba?" tanong ni Jho

"Oo naman! Jusko! Baby face!" sagot ni Kyla

"Hoy Kyla, ikaw ha! May jowa kana" sabi ni Jho

"Tsk! Parang tanga naman, nagagwapuhan lang naman ako sakanya" sabi ni Kyla

Natawa si Jho

"Hahah! Oh, balik tayo sa problema nito, pano natin kakausapin si Dean?" tanong ni Jho habang nakaturo sakin

"O-Oo nga" sang-ayon ko

Ayaw ko naman na humarap sa lalaking yon na hindi ako ready!

"Ganito nalang Jema, diba naghahanap ka ng driver? Gawin mo syang driver, tapos kapag nandyan si Fhen magpe-pretend sya na boyfriend mo" suggestion ni Ced

"AYOKO!" sigaw ko

"OA naman nito! Kunware lang naman! Pagseselosin nga natin si Fhen diba?? Malay mo kapag nakita kayong dalawa na magkasama magselos tapos makipagbalikan agad sayo" sabi ni Ced

Natawa sila Kyla at Jho

"Hahah! Kaya nga!" sang-ayon ni Kyla

"Parang maganda yang plano ni Ced, saka sinabi naman ng lalaki na hindi ka nya type diba? Kaya wag kang OA Jema" sabi ni Jho

"Kaya nga, kung gusto mo lang naman na magkabalikan kayo, malay mo kapag nakita ka nya na may kasamang iba marealize nya na mahal ka pa pala nya" sabi naman ni Kyla

Nag-isip ako

Sabagay, tama siguro sila... 

hay! Bahala na nga!

"Sige na nga! Papayag na ako!" sagot ko

"Yun! Itetext ko na si Dean kung saan tayo magkikita" sabi ni Ced

"Don nalang sa coffee shop ko" sabi ni Jho

"Okay" sabi ni Ced habang nakangiti

Ilang oras pa yung lumipas at nandito na kami sa coffee shop ni Jho, hinihintay nalang namin si Dean

"Ang tagal naman ng lalaking yon!" irap ko sabay inom ng iced coffee

"Maghintay ka nga Jema, masyado ka namang excited makita si Dean" asar ni Ced kaya tiningnan ko sya ng masama

"Tigil-tigilan mo nga ako Ced!" inis na sabi ko

"Oo na!" 

Maya-maya bumukas yung entrance kaya saba'y-sabay kaming napatingin doon

Nakita kong pumasok si Dean

Tumaas yung kilay ko nang nakita ko yung itsura nya

Pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa

"Dean!" tawag ni Ced sakanya pero mukhang hindi sya narinig nito

"Ayos ha! Pogi nga! Taxi driver ba talaga yan?" tanong ni Jho pero hindi ko sya pinansin

Nakatingin lang ako kay Dean

"Dean, dito!" tawag uli ni Ced kaya napatingin samin si Dean

Naglakad sya palapit samin

"S-Sorry! Nalate ako, uhm! Medyo traffic kasi sa EDSA" sabi nya

"Okay lang, upo ka heheh!" sabi ni Ced

"Jema?"

Natauhan ako nang tawagin ako ni Ced

"*Ehem! U-Upo ka!" utos ko sa kanya

Nakataas parin yung isang kilay ko

Ngumiti sya

"Thank you!" sabi nya sabay upo, "Ahh, ito nga pala yung mga requirements ko, ito yung resume, NBI, Police Clearance, Birth Certificate, form 137, 2 valid ID at kung ano-ano pa"

Isa-isa nyang binigay sakin yung mga papel habang nagsasalita sya kaya kumunot yung noo ko

Grabe! Anong gagawin ko dito?! Sabagay mas maganda ng may mga record sya sakin!

Binasa ko yung resume nya.

Name Dean Wong, age 25, date of birth July 18, blablabla... hindi pala sya tapos ng college...

Tumingin ako sakanya

"Magkwento ka tungkol sa sarili mo" sabi ko

Ngumiti uli sya

Yung totoo ibang-iba sya ngayon kesa nung una ko syang nakilala, magaan yung awra nya ngayon

Siguro dahil nag aapply sya...

"Ahmm, pano ko ba uumpisahan yung pagkukwento?"

"Bahala ka, tungkol sa buhay mo, sa magulang mo at kung ano-ano pa" sagot ko

"Aahh, wala na akong magulang, bata palang ako nasa ampunan na ako" panimula nya

Parang nagka-interes ako dahil sa kwento nya, ganon din naman sila Ced

"Iniwan daw ako don ng nanay ko, pero habang lumalaki ako nakilala ko si Tatay Dante at nanay She, sila yung kinikilala kong magulang ngayon, dati silang nagtatrabaho sa bahay ampunan, dahil walang umaampon sakin sila nalang yung umampon sakin, may tatlo silang anak, una si Danric, pangalawa si Sab, at yung bunso naman si Dani, meron din akong kuya na tinatawag, Jessie yung pangalan nya--ahmm ano pa ba?? G-Gusto kong magtrabaho kasi gusto ko silang matulungan"

"Aawww... laki ka pala sa bahay ampunan?" tanong ni Kyla

Tumingin ako sa kanya

"Kakakwento lang diba??" pagtataray ko sakanya

"Heheh! Sorry na.. ang sungit!" sabi ni Kyla, napailing nalang ako pagkatapos tumingin uli ako may Dean

"Okay, pag-usapan naman natin yung aalukin kong trabaho sayo" sabi ko

May lumapit samin na waiter

Humingi pala ng drinks si Jho

"Wait lang, bigyan muna natin ng inumin si Dean, nagpakuha ako ng iced coffee" sabi ni Jho

Ibinigay ng waiter yung iced coffee kay Dean

"T-Thank you!" sabi ni Dean pagkatapos tumingin uli sya sakin, "Ano nga palang trabaho yung sinasabi nyo?" tanong nya

"Driver..." sagot ko

"Driver? Okay yon" sabi nya habang nakangiti, "Sinong ipagda-drive ko?" tanong nya

"Ako.. Sino pa ba? Ako yung kausap mo diba?"

"Ah s-sorry.." sabi nya

"Maliban sa pagiging driver may ipapagawa pa ako sayo" sabi ko

"Ano yon?" tanong nya pagkatapos uminom sya ng iced coffee

"Magiging boyfriend kita--AAAAYYY!! ano ba?! Ang bastos naman!" inis na sabi ko, bugahan ba naman ako ng iced coffee

Natawa sila Ced

"S-Sorry! Sorry!" mabilis syang kumuha ng tissue at pinunasan nya yung kaunting iced coffee na naibuga nya sa mukha ko

"Kainis naman eh!"

"Sorry na nga po Ma'am! N-Nangbibigla ka kasi!" sabi nya habang pinupunasan yung mukha ko

"Eh hindi pa nga ako tapos eh! Akina nga yan! Kaya kong punasan yung sarili ko!" inis na sabi ko, kinuha ko yung tissue sa kamay nya at ako na yung nagpunas sa mukha ko

Kainis! Ang lagkit!! hays!

Umupo uli sya

"B-Bakit kasi may ganon?" tanong nya

"Hoy! Uunahan na kita! Hindi kita type, okay?! Kailangan lang nating magpanggap kapag nakikita natin yung ex ko!" sabi ko

"So gagamitin mo ako?" tanong nya

"Hindi! Trabaho yon, babayaran naman kita!" sabi ko

"Ganyan ba talaga kayo mag-usap? Para kayong nag-aaway" sabi ni Kyla

"Sya kasi eh! Nakakainis! Wait nga lang! Maghihilamos lang ako!" paalam ko sakanila

Tumayo ako at nagmadali papunta sa CR

Hays! Kakainis!

Pagdating ko sa CR agad akong naghilamos ng mukha

Naiinis talaga ako! Hay! Wag ko nalang kaya syang kunin?!

Pagkatapos kong maghilamos bumalik na ako sa pwesto namin

"Bes, ano na? Tanggap na ba sya?" tanong ni Kyla sakin

Huminga ako ng malalim at tumingin ako kay Dean

Tatanggapin ko ba sya? Pero hindi ko pa nga alam kung payag ba sya eh...

"Ang tanong, payag ba sya??"

"Ayon lang, payag ka ba Dean?" tanong ni Ced sakanya

"Yung gagawin ko lang ay magiging driver at magkukunwareng boyriend para pagselosin yung ex mo diba?" tanong nya sakin

"Oo!" sagot ko

"Magkano naman yung sahod ko?" tanong nya sakin

"Sige, 20K monthly--"

"Lang?! Ang hirap kaya ng gagawin ko! Kapag nandyan yung ex mo makikipag holding hands pa ako sayo, tapos magiging sweet, tapos yayakapin pa kita, tapos ikikiss!" sabi nya

Kumunot yung noo ko

"Aba! At sinong nagsabi na magpapayakap at magpapakiss ako sayo?!" inis na tanong ko sakanya

Narinig kong nagbungisngisan yung mga kaibigan ko

Uminom si Dean ng iced coffee

"Ang labo mo naman, pano maniniwala o magseselos yung ex mo kung walang ganon?" tanong nya sakin

"Tama nga naman bes!" sabat ni Kyla

Taena! h-holding hands, yakap tapos k-kiss?!! Hindi pwede eh!

Napakamot ako sa ulo ko

Pero tama nga naman sya... pano maniniwala si Fhen kung walang holding hands? Kapag hindi kami sweet??

Huminga ako ng malalim

"Okay! May bonus kapag ganon! Kapag holding hands may dagdag na 500, kapag kailangan mong maging sweet sakin may dagdag na 1K, kapag yakap naman 1,500, tapos k-kapag kiss 2K... pero wag kang umasa sa 1,500 at 2K! Hindi ko hahayaan na mangyare yon!" sabi ko

"Ano? Payag ka na?" tanong ni Ced sa kanya

Nag-isip sya

Ano kayang iniisip nito?!

-----------

Update ulit...

Continue Reading

You'll Also Like

75K 2.7K 88
Anong gagawing mo when you realized everything a little too late? This is a GaWong Version of the Story Inspired by Si Fueras Mia (If you were mine)...
35K 1.7K 40
This is an intense and passionate story of Isabel Beatriz De Leon and Jessica Margarett Galanza. They unexpectedly crossed paths when they were headi...
16.5K 443 15
A GaWong short story. PUHON -In God's perfect time. -Hopefully, someday Author's favorite masterpiece. Written and finished less than a week 😊💜💗
13K 1.8K 45
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...