'Yung katabi ko sa Jeep

stylistnoona द्वारा

153K 4K 1.3K

[Do Kyungsoo FF, XOXO Basketball Team Series Part 2] Part 1 - COMPLETED Part 2 - COMPLETED Ang magulong buhay... अधिक

PART 1
UPDATE 1
UPDATE 3
UPDATE 4
UPDATE 5
UPDATE 6
UPDATE 7
UPDATE 8
UPDATE 9
UPDATE 10
UPDATE 11
UPDATE 12
UPDATE 13
UPDATE 14 (1/2)
UPDATE 14 (2/2)
UPDATE 15
[!!!] MUST READ [!!!]
UPDATE 16
UPDATE 17
UPDATE 18
UPDATE 19
UPDATE 20
UPDATE 21
UPDATE 22
UPDATE 23
UPDATE 24 (1/2)
UPDATE 24 (2/2)
UPDATE 25
END OF PART 1
PART 2
UPDATE A
UPDATE B
UPDATE C
UPDATE D
UPDATE E
UPDATE F
UPDATE G
UPDATE H
UPDATE I
UPDATE J
UPDATE K
UPDATE L
UPDATE M
UPDATE N
UPDATE O
UPDATE P
UPDATE Q
UPDATE R
UPDATE S
UPDATE T
UPDATE U
UPDATE V
UPDATE W
UPDATE X
UPDATE Y
UPDATE Z (1/2)
UPDATE Z (2/2)
END OF PART 2
PROMISE
PROMISE 1.0

UPDATE 2

6.2K 149 22
stylistnoona द्वारा

UPDATE (2)

"Are you my stalker?" Nakakunot noong sabi niya.

Pangalawang beses niya nang sinabing STALKER daw ako!!!

Ang kapal nang mukha niya, kasing kapal nang pinaghalong semento at lupa! Bwiset.

Naikuyom ko naman ang kamay ko, asar na asar na talaga ako sa kayabangan niya. Gwapo siya, oo pero para sabihan niya akong 'STALKER' sa ikalawang pagkakataon, hindi katanggap-tanggap 'yun! Dahil unang una sa lahat, hindi ko siya kilala. Pangalawa, hindi ko siya gusto. Pangatlo, ang yabang niya!

Sinamaan ko lang siya ng tingin, he smirked, "Silence means yes. I thought so." Sabi niya, wearing a mocking smile.

Sa sobrang asar ko sa kanya, sinapak ko ang pagmumukha niya, he was caught off guard kaya napasubsob siya sa sahig. Kahit na sobrang tangkad niya, tumalon pa nga ako para maabot lang siya eh. =____=

"Hindi nga kita kilala eh, tapos stalker mo ako?! At saka magtagalog ka nga! Nasa Pilipinas ka, wala ka sa States at lalong-lalong hindi ka mukhang Amerikano! Ang yabang mo!" Sigaw ko sa kanya, hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin. Hindi niya naman inakalang sasapakin ko siya kaya nanlalaki ang mga mata niya at 'di ko rin inakalang masasapak ko siya sa sobrang kayabangan niya.

But instead na gantihan niya ako (LOL! As if naman na magawa niya, babae pa rin ako kahit papaano! :D), nag-indian seat siya at tinawanan ako, "Really? I don't believe you." Sabi niya sabay tawa ulit habang hawak-hawak pa ang tiyan niya.

Sasapakin ko ulit sana siya nang mapansin kong madaming tao na pala ang nakatingin sa amin.

Sa hiya ko, tinago ko ang mukha ko.

"Attention seeker." He mumbled, still there a sign of mocking.

Kapag naririnig ko talaga ang boses niya, naiirita ako. >:/

Kaya sinipa ko na lang siya. Napa-aw naman siya pero tumawa din agad, masokista ba siya?! >____<

"Freak!" Sigaw ko sa kanya at naglakad palayo.

"Amasonang sadista!" Rinig kong sabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad, nagtagalog ba siya ngayon ngayon lang?! O.o Bakit parang... ang cute ng boses niya? ㅡang sarap niyang tirisin.

Nilingon ko naman siya, nakatayo na siya pero nakatingin sa akin. I raised my middle finger on him.

"Fuck you!" I mouthed and turned my back on him.

Sana hindi ko na siya maka-encounter pang muli! Baka mapatay ko na siya. Ang yabang-yabang niya talaga. Kaasar! >____<

**

PASIG CITY, 7PM.

Hindi na ako nagtagal sa Mall kanina, umuwi na ako agad kasi naaasar pa rin ako sa 'lalaking' yun. Gusto ko talagang tapusin ang buhay niya kanina eh. Grabe, ang yabang niya! Nung nagpaulan nang kayabangan, salong salo nya 'ata at open arms pa.

"Oh, problema mo?" Nakita ko ang pinsan ko na kakababa pa lang galing sa taas, nakaporma si gago.

Inirapan ko siya, "Pinagsasabi mo diyan?"

Umupo siya sa couch, habang ako naman ay naglalaro ng XBOX, "Para ka kasing papatay ng tao, dinudurog mo XBOX ko eh!" Angal niya sabay agaw nung controller.

"Akin na nga 'yan Justin, kung aalis ka ngayon. Lumayas ka na! Namemerwisyo ka pa." Sabi ko sabay agaw ulit ng controller niya.

Tumayo naman siya, "Meron ka ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Bakit mo tinatanong?!" Angil ko sa kanya, ang dami niyang tanong. Bwiset!

Tumawa naman siya, "Init ng ulo mo eh, dapat sa'yo binabato ng yelo sa ulo para lumamig."

Ibabato ko sana 'yung controller sa kanya kaso tumakbo na siya palabas ng bahay, "Hoy, kapag may nasira kang gamit ko diyan! Patay ka sa akin!" Rinig kong sigaw niya mula sa labas.

"ULOL!" Sigaw ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot, narinig ko na lang na bumukas ang gate at sumara.

Mag-isa lang dito na nakatira ang pinsan ko sa Apartment niya, minsan sinasamahan ko siyang tumira dito pero madalas eh umuuwi ako sa bahay namin.

*I got a boy meotjin~ I got a boy chakhan~*

Ay, @#%&*/()

"Hello?!" May tumawag kasi sa akin eh, pagpasensyahan niyo na. Badtrip kasi ako ngayon.

[Anung Hello?! Hindi ka man lang nagtext na umuwi ka na pala, kung 'di ko pa tatanungin si Justin eh hindi ko malalaman?] Okay, makinig tayo sa Homily ni Venice. Punyemas!

I rolled my eyes, ipinatong ko pa ang dalawa kong paa sa lamesa, "May sasabihin ka pa?" May attitude problem na 'ata ako dahil grabe na inaasal ko. :D

[A-anong?! Hoy, JC! Ikaw ang nang-iwan! Ayos makaasta, ah?!] Sigaw niya mula sa kabilang linya.

'Oo nga naman, Jade... kasalanan mo!!' anang sabi nang konsensya ko.

Putek! Nababaliw na 'ata ako, kinakausap ko na ang sarili ko. ㅠ ㅠ

"May nangyari kasing 'di maganda!" Sabi ko sabay higa sa couch habang nakapatong pa rin ang paa ko sa mesa.

[Oh? Ano ba kasing nangyari?] Medyo humina na ang boses ni Venice. Kwento ko na lang kaya sa kanya na si Starbucks 'cute guy' ay si 'katabi ko sa jeep'?

"Ah, wag mo na alalahanin. Okayㅡ" Hindi pa ko tapos magsalita eh sumigaw na naman siya mula sa kabilang linya kaya inilayo ko sa tainga ko 'yung phone. Mabibingi ako nang 'di oras nito eh.

[ANUNG 'WAG INTINDIHIN?! EH PARA AKONG TANGANG NAGHINTAY SA RESTAURANT TAPOS HINDI MO SASABIHIN 'YUNG DAHILAN?!] Galit na galit talaga siya. Ansabeeee!

Tumawa ako nang bahagya, "Oh, kalma ka lang!"

[Leche ka!] Kumalma naman siya. Good dog!

"Oh? May sasabihin kaㅡ?" Ayan na naman tayo sa paninigaw at hindi niya ko pinapatapos sa pagsasalita.

[JADE CARLA ARAGON! BUBUGBUGIN NA TALAGA KITA!!]

Tumawa na naman ako, natutuwa talaga ako kapag napipikon siya. Pikunin kasi eh. Hahaha!

[Sige, tawa pa! Ang saya mo eh!] Sabi niya na may halong sarkasmo kaya natawa ako. Sabihin ko na nga sa kanya nangyari baka ma-highblood pa siya nang di oras, kasalanan ko pa kapag nagkataon. :D

"Oo na, magku-kwento na!"

[Talaga?! Ano ba ang nangyari?! Nadapa ka ba o nasubsob?! At saan nangㅡ] It's time for me to shine, kaya ako naman nagputol sa mga sasabihin niya. :D Hahaha.

"Huwag kang atat, Elizalde." Sabi ko na may seryosong tono pero ang totoo niyan... natatawa talaga ako. Hahaha.

[Sige na nga, makikinig na ako. Go!]

Sa wakas at nagpaawat naman siya kahit papaano, 'di ba? Baka magbago pa isip ko at hindi i-kuwento sa kanya eh.

"Ganito kasi 'yun..."

Minutes have passed, alam kong taimtim lang siyang naghihintay at nakikinig.

[Ano na?! Huy!]

Natawa ako! Hahaha! Curious talaga siya.

"Hahaha! Eto na nga, ano kasi... uhmㅡ Si Starbucks Cute Guy kanina sa mall at si Katabi ko sa Jeep ay iisa."

[Oh, taposㅡ WEH?! Aba't kay gwapong nilalang pala ni katabi mo sa Jeep! Peroㅡ siya ba talaga 'yun?!] Exaggerated niyang pagkakareact, oo EXAGGE.

"Oo nga, kalma ka lang! Siya nga 'yun, walang mintis at pagdududa." Sabi ko na may malamyang tono. He's not even GWAPO! Duh, bulag ba 'tong si Venice? O malabo ang mata?

[Aba, siguradong-sigurado ah? Oh, ano naman kung siya 'yun? Ang issue naman dito eh iniwan mo ako sa ere. Hayop ka, walang hiya!]

I rolled my eyes, kahit hindi niya nakikita. :D "Tapos na ba ako magkwento? 'Yan kasi hirap sa'yo eh, mahilig magconclude." Sabi ko at nilaro-laro ang buhok ko.

[Sabi ko nga eh, sige kwento ka na ulit. Hehe!]

"So, ayun nga. 'Di ba iniwan mo muna ako sa NBS (National Bookstore) kanina? Nakabanggaan ko siya kanina at ang walang hiya hindi man lang nag-sorry... inakusahan pa nya akong stalker niya 'daw'!" Sabi ko at naikuyom agad ang kamay ko.

[Oh, sabagay gwapo siya eh at 'di malabong mangyari 'yun. Ikaw pa? Hayok ka din sa gwapo like me eh. Hahaha!]

Aba'tㅡ @#%&*/()

"Hoy! Venㅡ"

*toot* *toot* *toot*

Bwiset, bastos! Pinatay ang linya nung tawag. Kabanas! Ako pa?! Ako pa talaga ang hayok sa mga lalaki? Samantalang, siya ang may radar sa mga gwapong lalaki. Bwiset!

**

That month went so smooth.

NO Sign of 'katabi ko sa jeep'.

NO Sign of Elvis-Sabrina sweetness that makes me go to puke.

NO Whining Venice. (Dahil bakasyon na eh)

Okay naman ang grades namin sa report at presentation namin nung finals week, kami ang highestㅡ thanks to Venice dahil sinalo niya lahat ang tanong ni Dr. Dorojaㅡ our college dean and professor.

Idol ko na talaga sana si Venice kaso aanga-anga nga lang.

For now, nag-iimpake ako nang mga damit ko dahil may out of town kami ng mga pinsan koㅡ

WE ARE GOING TO BORACAY, BABY! *O*

Kararating lang nang isa kong pinsan straight from Japan, gusto niya daw mag-unwind from studies and stress.

Sagot niya naman daw lahat ng gastos kaya Gogora kami nang Boracay. Mwehehe! Swerte. :D

*tok* *tok* *tok*

"Ano?!"

Obviously, may epal na kumakalabog ng pinto ko habang nasa kalagitnaan ako nang sentimyento at pagku-kwento ko sa inyo, kaya pagpasensyahan niyo na.

"JC, tara na! Mahuhuli na tayo sa flight. Bagal mo!" Rinig kong sigaw ni Joemariㅡ siya 'yung pinsan kong sinasabi ko sa inyo na galing Japan, magaling siya magtagalog dahil dito rin naman siya lumaki at nagbinata, nag-migrate lang kasi ang Mama niya at sinama siya.

"Oo! Eto na, ataters ka?!" Sigaw ko pabalik.

"Bilisan mo!" Tapos nun ay narinig ko na lang ang mga yabag niya palayo.

Malapit na akong matapos, isasara ko na lang ang maliit kong maleta. One week kasi kami dun sa Bora eh.

Pagdating ko naman sa baba nang Apartment, nakahanda na silang tatloㅡ apat kasi kaming magpipinsan na sabay na lumaki, si Jeremy 'yung isa.

Yup, nag-iisang babae lang ako at kasama ko ang mga 6 footer kong mga pinsan. Hanggang balikat lang nila ako. ㅠ ㅠ

"Bagal nito!" Sabi ni Justin habang si Joemari naman ay kinuha ang maleta ko at lumabas para siguro ilagay sa taxi 'yung maleta.

"Andito na nga eh, angal ka pa! Hmp!" Inirapan ko siya at naglakad na palabas ng apartment.

Nakita nang peripheral vision ko na napailing na lang siya. Hmp! Feeler!

**

OMGGGGGGGG! *O*

AS IN, OH MY GOSH! <<(O///O)>>

Ang ganda-ganda dito sa Boracay, ang puti nang buhangin at kulay asul ang karagatan.

Hindi naman halatang first time ko dito eh, 'no? :">

"Igno, 'wag kang pahalata!" Rinig kong kantiyaw ni Justin kaya nagtawanan naman si Joemari at Jeremy.

Sanay na ako, ako lagi pinagtutulungan nang mga 'yan dahil ako ay isang napakagandang diyosa. Hahaha! Charot.

Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang sight seeing, binubusog ko ang mga mata ko sa napakagandang view na nakikita ko.

"Oy, laway mo JC tumutulo! Tara na sa hotel!" Sabay hila sa akin ni Joemari.

Nagpahila naman ako syempre, kasi baka tuluyang tumulo ang laway ko sa sobrang ganda ng view.

Tig-iisang room kami, aangal nga sana ako kasi ang mahalㅡ pero dahil wala naman akong gagastusin kahit ni isang kusing, never mind na lang. Hahaha.

Naghahanap ba kayo nang pogi at hunk? Jusko, madamiㅡ sila nga 'yung tinutukoy kong magandang view eh. Hahaha!

Inilapag ko ang maleta ko at tumakbo, lumundag papunta nang kama. Grabe ang lamboooot~

**

Naglalakad ako sa dalampasigan, habang 'yung mga pinsan ko ay hindi ko alam kung saan nagsipunta.

Nagpi-picture lang ako, para sana may souvenir ako. Mwehehe! :">

"Stalker!"

Napalingon ako, shit! Si katabi ko sa Jeep ba 'to bakit ang gwapo-gwapo niya? Teka, bakit sinabi ko 'yun?! :O

Hayaan na nga lang, totoo naman eh. Pero napaka-unusual naman kasi nakangiti siya sa akinㅡ a genuine smile.

"Huh?" Sabi ko sabay turo sa sarili ko, nakita ko naman siyang tumango at naglakad palapit.

*DUG* *DUG* *DUG*

Napayuko ako.

Shit! Bakit parang kinakabahan ako?! Teka, kinakabahan naman talaga ako eh. Pero, BAKIT?!

Naramdaman ko na lang na nakalapit na siya sa akin kaya napaangat ako ng tingin.

Nakangiti na naman siya! Bakit?! Bakit ang gwapo-gwapo niyaaaa?! >_<

Masakit mang aminin sa inyo, mas gwapo pa siya kay Elvis.

Jet black messy hair, rounded but almond eyes, pointed nose, sensous, red and full lips. OMG! Is he really that handsome?! =///=

He smirked, "Why blushing?" Sabi niya sabay lapit nang mukha niya sa mukha ko.

B-bakit ba siya nandito?! At bakit tinatawag niya na naman akong stalker?!

Napaurong ako, pakiramdam ko lahat ng init sa katawan ko ay napunta sa mukha ko kaya nangangamatis na ako sa pula ngayon. >///<

Ngumisi siya, "You really like me that much, huh?" Sabi niya sabay lapit ulit kaya napaurong na naman ako.

Para kasing umurong ang dila ko, 'di ko alam kung bakitㅡ siguro sa pagkagulat dahil nandito siya?

Grabe talaga ang presensya niya, parang kaya niya akong patahimikin at kaya niya rin akong pabulyawinㅡ without exerting an effort.

Palapit pa rin siya nang palapit habang ako ay paurong ng paurong.

He's still wearing his famous smirk with him.

Hanggang sa mahulog ako sa tubig.

Shit, hindi ako makagalaw at hindi ako makabangon. Punong puno na ako nang tubig at pakiramdam ko nawawalan na ako nang hininga.

Hanggang sa maramdaman kong may sumagip na sa akin, gising ang diwa ko pero hindi pa rin ako makagalaw.

Pero alam kong si 'katabi ko sa jeep' 'yung may hawak sa akin, basta alam ko lang.

"Dude, CPR!" Narinig kong sabi nang hindi masyadong pamilyar na boses.

"Do I have to do that?" Sabi niya.

"Yes. It's your fault anyway." Sabi ulit nung lalaki kanina.

7 seconds have passed bago siya sumagot (Oo, nabilang ko 'yun) "Okay!"

Hinawakan niya ang baba ko.

Nararamdaman ko na ang init nang hininga niya.

Kaya nagpanic ako, ewan ko lang kung pansin niya dahil hindi ko pa rin makontrol ang sarili ko. Ano ba 'to?!

Hanggang sa naramdaman kong dumampi ang labi niya at nagbigay ng hangin.

Shit, did he just kissed me?!

"HINDIIIII!" Bumangon ako.

O.O

"Hoy, ang ingay mo JC!" Nakita ko ang pinsan kong inaayos ang iba kong bagahe sa hotel room ko.

Nasa hotel room ako, at panaginip lang 'yun?

Bakit parang nakaramdam ako nang panghihinayang? Woooah?! Hindi ito maaari! >_____<

"Jeremy, kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko.

Tumaas naman ang kilay niya, "Tanga ka ba? Sabay tayong pumasok dito, ah?" Sabi niya sabay sarado ng maleta.

Kumunot ang noo ko, "Eh di hindi pa pala ako lumalabas ng kwarto mula kanina?"

"Oo." Sabi niya sabay tayo.

Feeling ko parang nabunutan ako ng tinik, "Talaga?" Nako, buti na lang at panaginip lang! Pero, bakit hanggang sa panaginip ko ay naghahasik siya nang lagim?!

Kumunot ang noo niya, "Oo nga. Dami mong tanong." Sabi niya sabay labas nang kwarto ko.

Napabuntong hininga ako, buti na lang. Hay!

Biglang bumukas ang pinto.

"JAAAAAAAAAAADE!" Napatakip ako sa tenga ko, grabe ang sakit sa tainga nun ah?!

Napatingin ako sa pinto, si Venice lang palaㅡ WTH?! Anong ginagawa nitong babaeng 'to dito?! O.o

"Jade, I miss youuuuuu!" Sabi niya sabay takbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Hindi ako makahingaaaaa! ACK~

"H-hind-di a-ako mak-kahi-nga, Ve-Ven!" Sinikap ko talagang sabihin 'yan, sinasakal niya na ako eh. May balak ba siyang tapusin agad ang buhay ko?!

Bumitaw naman siya, "Ay, wala man lang 'I miss you too'?" =____= Inalala niya pa 'yun. Bwiset, muntik na nga akong mamatay sa higpit ng yakap nya eh.

Inirapan ko siya dito, "Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot noo kong sabi, pero alam ko namang sumunod siya dito dahil tinanong niya si Justin kung nasaan akoㅡ close sila nun eh kasi magkaklase sila nung High School pa sila.

"Obvious ba? Binibisita ka. :D" Nakatawang sabi niya.

I rolled my eyes, "Whatever!"

Hinila niya naman ako patayo, "Tara, punta tayo ng club!" Excited niyang sabi.

"Ano?!" Alam niya namang 'di ako pumupunta sa mga ganung lugar, "Luh, pinagsasabi mo diyan? Tumigil ka nga!"

Sumimangot siya, "Ewan ko sa'yo, Jade! Ang KJ-KJ mo talaga. Bakit ka pa pumunta dito sa Boracay kung magmumukmok ka lang dito sa loob ng Hotel?!" Eto na naman tayo sa matinding homily ng babaeng 'to. =____=

Tinulak ko siya nang bahagya, "Pwede ba, Venice? Tigilan mo ko."

Tinaasan niya ako nang kilay, "Ah, basta! We will go bar hoppin' later, whether you like it or not."

Tinaasan ko din siya nang kilay, "ASA KA!"

Nginisian niya lang ako.

Parang ayoko 'yung mga ganyan niyang ekspresyon, kinikilabutan ako. >___<

**

Madilim na lugar, tanging colorful dim lights lang ang nagbibigay liwanag sa paligid, filled with crowded people, full volumed music disco soundtrip...

Hindi ko inakalang mapipilit ako ni Venice na pumunta dito.

Nasa isa akong Bar, kasama si Veniceㅡ 'yung mga pinsan ko? Aba'y malay ko kung nasaan sila. Wala din akong paki.

"Jade, dito!" Sigaw ni Venice habang tinuturo ang isang rounded red couch and table sa hindi kalayuan, hindi kasi kami magkarinigan dahil sa sobrang lakas nang sound system. =____= At saka, ang daming tao. Grabe! Para kaming sardinas! =____=

Sumunod na ako kay Venice at umupo na rin sa couch. "Ayoko na dito, Ven." Sabi ko, di talaga ako komportable lalo na't ganito ng suot koㅡ revealing clothes.

Umiling si Venice, "Heh! Behave!"

Napailing na lang ako at tumingin sa paligid. And gahd, puro nag-iinom at nagme-make out ang mga nakikita ko. >___<

Napatingin naman ako sa mga sumasayaw, kailangan ba talagang sexy dance ang sinasayaw nila? Gross.

"Two margarita!" Rinig kong sabi ni Venice.

Umo-order na pala siya.

"Uhm, just make it one. Orange juice lang ang akin." Sabi ko habang sinesenyasan si Venice na huwag ng kumontra. Ni hindi nga kasi ako makaubos ng isang bote ng Tanduay Ice, margarita pa kaya?

Tumango naman 'yung bartender siguro (?) at umalis na sa harap namin.

"Ang KJ mo talaga."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at tiningnan ang mga taong nagsisidayo habang dumadami ang mga tao dito.

Hindi rin nagtagal, dumating na ang in-order namin.

Napansin ko namang todo pa-cute si Venice sa nagdala nang order namin kaya napatingin ako sa itsura nang nagdala ng orderㅡ kaya naman pala ang gwapo nun. :O

"Hi, this is your orderㅡ Orange Juice and Margarita." Ngumiti siya, nakatingin kay Venice, "Anything you need?"

Lumapad ang ngiti ni Venice, "You..." Sabi pa niya. O.O

Bahagyang ngumiti 'yung lalaki, "I'm Chase, you are?" At nilahad ang kamay. Grabe ngayon ko lang napansin ang puti niya.

Tinanggap naman ni Venice ang kamay niya, "Venice."

Ngumiti ulit si Chase, "Nice name, see you around Venice." Sabi nito at umalis na.

"Grabe, JC! Ang gwapo-gwapo niya! Type ko na siyaaaa~" Sabi niya habang niyuyugyog ang magkabilang balikat ko.

Tinanggal ko naman ang dalawa niyang kamay, "Lahat naman eh." Sabi ko at ininom ang Orange Juice.

Inismiran naman niya ako, "Bitter!"

Pinabayaan ko lang siya at 'di na siya kinausap, pinagmasdan ko na lang ulit ang mga masalimuot na lugar na 'to.

Nakakaantok talaga kapag ganito, napatingin ako sa relo koㅡ 2:15AM na pala.

"CR muna ako." Sabi ko kay Venice na umiinom pa rin hanggang ngayon.

Tumango naman siya, may tama na 'ata 'tong babaeng 'to.

Kailangan kong maghilamos para man lang hindi ako antukin. Ang sakit na rin nang ulo dahil sa usok. Ang dami kasing naninigarilyo.

Naglakad na ako papunta nang restroom, nasa kabilang banda nang club pa ang restroom kaya kailangan ko makipagsapalaran sa napakaraming tao sa paligid ngayon. =___=

I'm halfway to the bathroom, sumingit talaga ako sa dancefloor dahil wala nang madadaanan sa mismong daanan, nang biglang masapak ako sa mukhaㅡ putang ina! Sino 'yun?!

Tumingin ako sa paligid, may nagsasapakan pala at nadamay pa ako, uminit ang dugo ko at pakiramdam ko buhay na buhay na ako.

Dalawang nagtatangkarang lalaki ang nagsasapakan.

"Sino ang sumapak sa akin?!" Sabi ko habang hawak-hawak ang pisngi ko na kani-kanina lang nasapak.

"Iyong nakablack longsleeve." Rinig kong sabi nung mga tao, wala na ring tugtog at nakapaligid na ang mga tao sa amin.

Tumingin ako sa dalawang lalaking nagsasapakan pa rin ngayon, pakiramdam ko nagngingitngit ako sa lalaking nakalongsleeves ngayon.

Lumapit ako.

"Tangina ka! Mamili ka ng babaeng lalandiin mo!" Singhal nung lalaking naka-black longsleeves sa lalaking sasapakin niya sana.

Hinarang ko ang kamao niya gamit ang kamay ko.

Kumunot ang noo niya, "Sino ka?!"

"Pumili ka rin nang babaeng sasapakin mo!" Sabi ko sabay sapak sa mukha niya hanggang sa bumulagta na siya sa dancefloor.

Pinatungan ko siya at sinapak ng sinapak sa mukha, di ko siya titigilan hangga't hindi nasisira ang pagmumukha niya.

Hindi siya makalaban kasi dinaganan ko ang dalawang kamay niya gamit ang magkabilang tuhod ko.

Sasapakin ko pa sana ulit siya nang biglang may nagsalitang pamilyar na boses.

"You're killing him." Kaya napalingon ako sa lalaking kanina ay binubugbog lang nang lalaking sinasapak ko.

"Wala kang paki!" Matigas kong sabi at sasapakin pa sana ulit 'yung lalaking nanapak sa akin kanina kaso may humila sa akin patayo.

Biglang nagsimula na naman ang tugtog.

Napatingin ako sa kanyaㅡ siya pala, kaya pala pamilyar ang boses niya.

Yellow diamonds in the light

And we're standing side by side

As your shadow crosses mine

What it takes to come alive

It's the way I'm feeling I just can't deny

But I've gotta let it go

Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko habang hila-hila ako sa kung saan man kami pupunta.

We found love in a hopeless place

We found love in a hopeless place

We found love in a hopeless place

We found love in a hopeless place

Pakiramdam ko nag-slow motion ang paligid at ang tagal-tagal naming naghihilaan dito.

Shine a light through an open door

Love and life I will divide

Turn away cause I need you more

Feel the heartbeat in my mind

It's the way I'm feeling I just can't deny

But I've gotta let it go

Hinila ko mula sa kanya ang kamay ko pero kinuha niya ulit ito at tinitigan ako ng mataman.

We found love in a hopeless place

We found love in a hopeless place

We found love in a hopeless place

We found love in a hopeless place

"Look at you, you looked molested." Sabi niya sabay hila na naman sa akin.

Yellow diamonds in the light

And we're standing side by side

As your shadow crosses mine...

We found love in a hopeless place

We found love in a hopeless place

We found love in a hopeless place

We found love in a hopeless place

Naaasar ako sa kanya kasi umaakto siyang mabait kahit hindi naman.

We found love in a hopeless place

We found love in a hopeless place

We found love in a hopeless place

We found love in a hopeless place

Hanggang sa maramdaman kong nasa labas na kami nang bar.

Pabalikwas niyang binitawan ang kamay ko, "Next time, do not intrude someone's fight, Stalker." At tinitigan ako ng masama. "And why do you keep on following me? Even here in Boracay?!"

Oo, si 'katabi ko sa jeep' 'yung walang awang binubugbog kanina.

Umiinit talaga ulo ko kapag sinasabihan niya ako nang 'Stalker'.

"Anong feeling mo, kaya ko binugbog 'yun dahil sa iyo?!" Singhal ko sa kanya, baka kapag hindi ako nakapagpigil eh bugbugin ko rin siya.

Ngumuso naman siya, "Why, yes." Sabi niya sabay ngiti.

Inambaan ko siya nang sapak kaso umilag agad siya, "Tang ina mo!" Sabi ko sabay talikod.

"Wait!" Sabi niya sabay hila nang kamay ko, sinamaan ko siya nang tingin, "Let's heal your wound." Sabay turo sa pisngi ko.

Hinila ko kamay ko, "Hindi kailangan!" At nag-walkout ako.

"Ayokong magka-utang na loob sa isang stalker!" Rinig kong sabi niya, kaya napatigil akoㅡ nagtagalog siya.

Nilingon ko siya, "Ang kapal talaga ng mukha mo!"

NOTE:

Hello, Update!

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

205K 6K 36
Sinaktan nyo ako noon, sasaktan ko naman kayo ngayon. Si James Dean Lopez o mas kilala ngayon bilang Steph Lopez. Isang beki na ginawa ang lahat par...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
Sa Talon ng San Vicente Ginoong Ramon द्वारा

ऐतिहासिक साहित्य

16.9K 1.3K 44
Pilipinas, 1872 Mula nang ipatapon sa malayong bayan ang kanyang pamilya, natuto nang magbanat ng buto si Linong upang matustusan ang pangangailanga...
2M 79.1K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.