Status: Single But Married [U...

By OfficiallyYours143

1.8M 23.4K 1K

"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the h... More

Status: Single But Married Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight and Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen (Part 1)
Chapter Seventeen (Part 2)
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter TwentyOne
Chapter TwentyTwo
Chapter TwentyThree
Chapter TwentyFour
Chapter TwentyFive
Chapter TwentySix
Chapter TwentySeven
Chapter TwentyEight
Chapter TwentyNine
Chapter Thirty
Chapter ThirtyOne
Chapter ThirtyTwo
Chapter ThirtyThree
Chapter ThirtyFour
Chapter ThirtyFive
Chapter ThirtySix
Chapter ThirtySeven
Chapter ThirtyEight
Chapter ThirtyNine
Chapter Fourty
Chapter FourtyOne
Chapter FourtyTwo
Chapter FourtyThree
Chapter FourtyFour
Chapter FourtyFive
Chapter FourtySix
Chapter FourtySeven
Chapter FourtyEight
Chapter FourtyNine
Chapter Fifty
Chapter FiftyOne
Chapter FiftyTwo
Chapter FiftyThree
Chapter FiftyFour
Chapter FiftyFive-55.1
Chapter Fiftyfive-55.2 (The revised one)
Chapter FiftySix
Chapter FiftySeven
Chapter FiftyEight
Chapter FiftyNine
Chapter Sixty
Chapter SixtyOne
Epilogue
Dear readers,

Chapter Twelve

28.3K 423 0
By OfficiallyYours143

Chapter Twelve

Nandito ako sa labas ng hotel at nag aabang ako ng taxi. Nine palang naman eh. Ang tagal kong mabihis hindi ko kasi alam kung ano yung susuotin ko kinakabahan kasi ako baka hindi ako matanggap. May padating ng taxi kaya pumara ako at sumakay na.

"Saan po tayo mam?"

"ACCP Company po manong."

"Sige po mam"

Grabe excited talaga akong kinakabahan. Ano ba yan baka hindi ako na talaga ako matanggap sa sobrang nerbyos ko.

"Doon po kayo nag tatrabaho mam?"

"Hindi pa po. Nag apply palang po ako ngayon po yung interview ko."

"Naku mam balita ko ho mahirap maka pasok jan, buti po natawag kayo"

"Manong naman.. Lalo nyo po akong pinapakaba"

"Biro lang ho mam. Siguradong matatanggap po kayo dun."

"Sana nga po."

"Anong oras ho yung interview nyo mam? ang haba po kasi ng traffic."

"Naku oo nga po. Alas dyes pa naman po yung interview ko."

"Malayo pa po ba manong?"

"Mejo ho mam."

Naku baka ma late ako neto. Hindi kasi gumagalaw yung mga sasakyan. Grabe naman pala yung traffic pag ganitong oras.

"Monong heto po yung bayad bababa na po ako"

Bumaba nalang ako. Alam ko naman yung ACCPC hindi naman siguro ako maliligaw kesa naman ma late. Binilisan ko nalang yung lakad ko para umabot ako dun ng before ten. Habang naglalakad ako parang may nararandaman akong sumusunod sakin kaya mas binilisan ko pa yung lakad ko. Kung minamalas ka nga naman oh..


Lumingon ako sa likod ko at meron ngang sumusunod sakin na lalake. Ang aga aga may mga hold upper na nga. Pumasok ako sa isang iskenita para iligaw sya kaya lang...

"Kung bibigay mo na lang samin lahat ng pera mo hindi ka na sana nasaktan pa."

"Oo nga pre. Teka lang parang maganda yang kwintas mo ah"

"Huwag nyo tong hawakan!!"

"Aba lumalaban ka pa ah tong dapat sayo"

*Bogsh*

*Bogsh*

May mga lalaking nambubugbog dun sa isang lalake. Ano ba yan.. Gusto ko ng umalis kaya lang nakaka awa yung lalake. Pero pano yung interview ko? Waaah Lorraine ano ba!!!!

"Ibigay mo na samin yan"

"Hindi!!"

"Ayaw mo ah"

Sapilitang hinila nung lalake yung kwintas at nilabas nung lalake yung kutsulyo nya. Hala papatayin nya ata yung lalake.. Anong gagawin ko? Mag isip ka Lorraine.. Mag isip ka!!

"Waaaaahhh.. Mamang pulis ayun po sila! dalian nyo po hulihin nyo po sila!!"

Sigaw ko para umalis yung mga masasamang lalake na nang hohold up.

"Sino yun pre?!"

"Ayun yung babae!"


"Mamang pulis ayun po sila!"

Tumakbo yung tatlong lalake palayo. Nilapitan ko yung lalakeng binugbog nila.

"Okay ka lang?"

"Yung necklace ko.."

"Ano?!.. gusto mong bawiin ko sakanila yun?"

"Yung necklace.."

"Sige.. Susubukan ko silang sundan pero tumawag ka na ng pulis ha."

Tumayo ako at tumakbo kung saan nagpunta yung mga lalake kanina, iniwan ko na muna yung lalake dun. At hindi pa sila nakakalayo. Kumuha ako ng bato at hinabol ko sila

"Hoooy!!"

Binato ko yung may hawak ng kwintas at.. Booom three points..Nabitawan nya yung kwintas sabay hinto ng mga kasama nya at tumingin sakin.

"Uh-oh.."

Grabe Lorraine pagkatapos nito ipapatayo ko na ang monumento mo.

"Ikaw babae ka!!"

"Mamang pulis nakita ko na po sila!! Nandito po sila!!"

"Tara na pare.. May kasama syang pulis"

"May araw ka rin samin."

"Halikana pare buhatin mo na sya"


"Dalian nyo po mamang pulis!!"

Sa takot nung dalawa iniwan na nila yung kasama nilang na sapulan ng bato. Ang tanga lang.. Wala namang pulis..

"Mga uto-uto"

Pumunta ako kung saan nnandun yung lalake, bat ba nila to iniwan bakamamaya tumayo pa to. Hindi naman sguro sya patay maliit lang yung batong binato ko. Pinulot ko na yung kwintas at naglakad na ko paalis..

"Waaaahh!!!"

May humawak sa paa ko.

"Bitawan mo ko!! Pulis!!!"

"Sa tingin mo ba maloloko mo ko."

"Waaaah!! bitawan moko!!!"

*Bogsh*

May sumipa dun sa lalake at nakita ko yung lalakeng binugbog nila kanina. Hawak hawak nya yung tiyan nya. natamaan ata sya nung kutsilyo kanina.

"Okay ka lang?"

*Blag*

"Hoy mister! uy!"

Bumagsak sya.. Anong gagawin ko? may interview ako ngayon.

"Parang awa mo na gumising ka! Hoy!"

Ayaw nya parin gumising. Tumayo ako naglakad palayo..Ano bang gagawin ko? hindi ko naman sya pweding iwan dito ng ganito.. Pero pano yung interview?!! Hindi ko rin pweding balewalain yun.

"Bahala na.."

*****

"Mam kayo po ba yung guardian ng pasyente?"

"Ano po kasi--"

"Mam may problema po kasi, kailangan po ng dugo ng pasyente AB possitive po yung blood type nya. Naubusan na po kasi ang hospital ng stock ng  AB possitive"


"AB possitive po ako"

"Sige po mam sumunod nalang po kayo dito"

Hindi ko alam kung bakit ko ba to ginagawa. Tinulungan ko na nga sya tapos bibigyan ko pa sya ng dugo... Parang gusto nang humiwalay ng kaluluwa ko sa katawan ko...

"Mam higa na po kayo dito"

Sinunod ko lang yung  sinabi nung nurse at pagkatapos itinusok nya na yung karayom sa mabraso ko. Pinikit ko yung mga mata ko at nagpahinga...

Kyle's POV

"Nasaan na ba yung babaeng yun?!"

Kanina ko pa sya tinatawagan cannot be reached naman!! Alas dos na wala parin sya, ang sabi  nya ten o'clock yung interview nya huwag nyang sabihing kinain na sya nung nag i-interview sakanya. Lagot talaga sakin yung babaeng yun pagbalik nya.

Dinaial ko ulit yung number nya baka sakaling pwede na pero wala talaga. Inuubos nya talaga yung pasensya ko. Pupuntahan ko nalang sya sa hotel..

"Oo nga bat di ko naisip yun.. Baka nasa hotel na nga sya"

Pinaandar ko na yung kotse at nagmadali akong pumunta sa hotel. Pagdating ko dun dumiretcho ako sa room nya.

"Lorraine.. Lorraine nandito ka ba?"

"Hindi ako nakikipag biruan sayo kaya lumabas ka na"

Wala paring sumasagot para lang akong baliw na nakikipag usap sa hangin dito. Bakit wala pa sya? posible kayang naligaw na naman sya?..

"Ano ba sa tingin nya yung ginagawa nya?!"

Bakit ko ba sya hinayaang mag commute mag isa. Wala pala syang masyadong alam sa mga lugar dito. Pumunta ako sa lobby at tinanong yung mga hotel personel kung nakita nila si Lorraine pero kaninang uaga pa daw sya umalis at hindi pa bumabalik.

Bumalik ako sa kotse hahanapin ko na nga yung babaeng yun. Baka kung saan saan pa yun nagpunta. Dinial ko yung number ni mama baka dinaanan nya si mama.

*Mommy calling..*

"Hello son?"

"Ma have you seen Lorraine?"

"Today? not yet. why?"

"Wala po sige ma bye."

 Bakit ko ba sinasayang yung oras ko sa babaeng yun, hindi naman sya importante sakin.

*Phone ringing..*

Baka sya na yun. Tinignan ko yung cellphone ko kung sino yung tumatawag. Si mama pala. Nilagay ko yung earplugs then sinagot ko.

"Kyle what happen?"

"Nothing mom. Everythings okay"

"Are you sure? it seems that  the both of you have a problem. Have you seen Lorraine by the way?"

"Nothing mom. She already text me and will pick her. On the way na nga po ako ma."

"Okay then see you later"

"Later? Why?"

"Let's have dinner"

"But mom.."

"7:30 at the hotel. Bye.."

Binabaan na ako ni mama. Nasaan na ba kasi yung Lorraine na yun.. Inuubos nya na talaga yung pasensya ko. Pinatayan pa ko ng cellphone.

Lorraine's POV

Nagising ako sa isang kwarto na puro white. Nasan na ba ko? nag ikot ikot ako ng paningin ng may makita akong nurse chaka ko lang naalala na nasa ospital pala ako.

"Gising na po pala kayo."

"Pwede na po ba akong lumabas"

"Opo mam. Paki sulat nalang po yung name nyo pati cellphone number"

"Para saan po?"

"Kayo po yung guardian nung pasyente sa room 116 diba mam"

"116?"

"Opo mam yung lalakeng dinala nyo dito kanina. Nilipat na po sya sa room 116 dahil okay na po sya kaya lang hindi pa po sya gumigising."

"Ah ganun ba.. Pero hindi kasi--"

"Nurse tawag ka ni doc"

"Sige susunod na ko. Mam paki fill up na po"

Wala naman akong nagawa kaya sinulat ko nalang yung pangalan ko pati yung contact number ko. Gusto ko na rin kasing umuwi. Lumabas na ko sa ospital at paglabas ko medyo dumidilim na.

"Uulan kaya?"

Tinignan ko yung cellphone ko.. Patay! battery empty ako! Paano na yan yari ako nito! na missed ko na talaga yung interview. Nilapitan ko yung babae para itanong yung oras.

"Miss anong oras na po?"

"Six seventeen"

"Ano po?!"

"Six seventeen"

"Hala!!.. Sige po salamat"

Nagmadali akong naghanap ng taxi at nagpa hatid ako sa hotel. Kung minamalas ka nga naman oh traffic pa. Siguradong yari na naman ako nito kay Kyle.

"Manong malayo pa po ba tayo?"

"Malapit nalang po mam"

"Sige po. Kung meron pong short cut daanan na po natin para mas mabilis po nagmamadali po kasi ako eh."

"Wala na po mam. Pero malapit na po tayo"

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na rin ako. Pagdating ko dun tinitignan ako ng mga nagtatrabaho dun. Bakit kaya?. Nilapitan ako nung isang babae.

"Mam kayo po si miss Lorraine diba?"

"Opo bakit po?"

"Sabi po ni sir Kyle tawagan nyo daw po sya kanina pa po nya kayo hinahanap mam."

"Ah sige po. Pero teka lang po miss.."

"Ano po yun?"

"Galit ba sya?"


"Mejo mam.. Kaya tawagan nyo na po sya, ang init po ng ulo nya kanina mam."

 "Ganun ba.."

Sabi ko na nga ba eh.. Lagot na talaga neto.. Pano ba yan battery empty pa naman ako.

"Teka lang mam.. Pwede ba kong makitawag?"

"Naku mam bawal po samin yung cellphone kapag working hours. Dun nalang po sa manager namin. Dito po mam"

Sinama nya ko dun sa office daw nung manager. Grabe naman makikitawag lang aabalahin pa yung manager. Kumatok sya at pumasok ako naman nag hintay muna dito sa labas.

"Mam eto po."

"May number kaya sya ni Kyle?"

"Meron daw po mam. Sige po mam tawagan nyo na po si sir."

"Sige po slamat.'

Hinanap ko yung pangalan ni Kyle at nakita ko nga. Kyle montefalcon ito nga siguro. Dinaial ko na yung number nya at nag riring... Ano kayang sasabihin ko?...

"Yes manage--"

"Kyle.."

"Bakit mam may problema ba?"

"Si Lorraine to"

"So i guess nasa hotel ka na ngayon.."

"Oo. Kyle sorry kung--"

"Saan ka nagpupupunta?!!"

"Ano kasi eh.."

"Hintayin mo ko jan at huwag na huwag kang lalabas ng kwarto mo okay. Kapag may nag doorbell huwag mo ring bubuksan."

"Oo sige naiintindihan ko. Sor--"

Pinatayan nya ko ng cellphone ni hindi man lang hinintay yung paliwanag ko. Ano ka ba kasi Lorraine!! kainis wala na nga akong trabaho masesermonan pa ko.

"Heto na yung cellphone. Paki sabi salamat."

"Sige po mam"

Naglakad nako paalis pupunta nako sa kwarto ko. Haaaay kung iisipin ko yung mga nangyari ngayong araw siguradong sa mental hospital ang direcho ko nito. Malayo nako dun sa office nung manager nung may marinig kong may tumawag sakin.

"Mam Lorraine!!"

"Bakit po?"

"Gusto po kayong makita nung manager namin"

"Ako po?"

"Opo"

"Bakit daw po?"

"Ewan ko po. Baka tatanungin kayo tungkol sa kasal. Congratulations mam ha"

Sabay ngiti ng nakakaloko nung nung babae. Kasal? sa init ng ulo ni Kyle parang walang kasal na matutuloy.

"Ah ganun po ba sige."

Kumatok ako dun sa pinto at pumasok. Pagpasok ko nakita ko yung manager nila babae pala sya, ang laki ng ngiti nya sakin.

"Have a seat"

"Ah salamat po pero hindi po ako magtatagal."

"Bakit naman madam? may lakad kayo ni sir Kyle?"

"Ah ano po kasi.. Wala naman po--"

"Kung ganun dito ka muna. Bonding tayo"

"Pero kasi po--"

"Miss Lei ipagtimpla mo kami ng kape ni miss Lorraine"

"Ako nga pala si Kimberly Mendoza. Manager Kim ang tawag nila sakin. Magkwento ka naman tungkol sainyo ni sir Kyle. Pano kayo nagkakilala?"

"Tungkol po dun--"

"Saan mo sya unang nakita?, Ilang years na ba kayo? diba si miss Hanna yung girlfriend nya dati?"

"Alin po sa mga tanong nyo yung sasagutin ko?"

"Pweding lahat..?"

"Sige po pero sa susunod nalang po. Hinahanap na po kasi ako ni Kyle eh. Pasensya na po talaga mam."

"Ay ganun ba.. Sige, pero invited ako sa kasal nyo mam ha?"

"Kung matutuloy po..'

"Ano yun?"

" Ah.. Ano po.. Ang sabi ko kung matutuloy po next week.. Baka kasi ma resched po eh."

"Ah ganun ba sige. Basta huwag mo kong kakalimutan ah."

"Opo. Salamat po pala sa cellphone kanina"

"Wala yun ikaw pa. What are friends for diba?"

"Ah.. Opo"

Sabay ngiti sakanya. Ang dami nyang tanong buti na lang pinaalis pa ko, kung hindi ko pala babanggitin yung pangalan ni Kyle hindi nya ko paaalisin dito. Muntik na ko dun.

Lumabas na ko ng office nya at habang papunta ako sa may elevator nakita ko si Kyle papalapit sakin. Ang bilis naman nya. Nakakatakot yung mukha nya, para syang kakain ng tao.

"Where have you been?"

"Ah.. Tara doon na lang tayo mag usap"

"Ang sabi mo ten a.m ang interview mo diba at may usapan tayo na ngayon tayo bibili ng mga gamit para sa bahay pero saan ka pumunta?"

"Ganito kasi yan.."

Hindi ako makapag concentrate natatakot talaga ako sakanya. Iba palang magalit to'

"What?!"

"Kasi kanina habang papunta ako sa.. Mama!"

"Mama?"

Nakita ko yung mama ni Kyle papasok dito sa hotel kaya tinawag ko sya para naman ma abswelto ako dito.

"What are you doing here? Diba i told you na sabay-sabay tayong mag di-dinner"

"Oh yes ma. Mauna na po kayo susunod nalang po kami."

"Okay, sige sunod nalang kayo"

"Mama hindi na po, sasama na po ako sainyo. Mamaya nalang po kami mag uusap ni Kyle. Diba Kyle?"

Tapos naglakad na kami ni mama papunta sa restaurant ng hotel. Abswelto na ko 'sa ngayon'. Kasi hindi ko na talaga maipinta yung mukha nya. Sorry Kyle pero pagod ako ngayon sa ibang araw na lang yung sermon mo. I'm sorry talaga.

Continue Reading

You'll Also Like

497K 8.4K 51
Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang makita ang babaeng 'yon, pero wala rin siya...
28.9K 2K 71
Ano ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at ma...
437K 6.2K 24
Dice and Madisson
108K 2.4K 52
ā I didn't expect that I will be in love once again. āž TPMMM Sequel: Lyron Shin and Yassi Jhae