Masked, Unmasked

By alconbleu

31K 1.1K 452

Behind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise. More

1: Start
2: So Near Yet...
3: In a Very Distant Past
4: First Heartache
5: Moving Forward
6: Uncovering
7: Sad Endings + Surprising Beginning
8: Barrowed Time
9: Painful Truth
10: Two Can Play this Game
11: Present Time
12: Mood
13: The Song
14: First Signs of...
A/N
15: Trust Issues
16: Change of Heart?
17: Perturbed D
18: Stuck With You
19: Fantasy
20: Unexpected Twist
21: Is It Over Now...
22: Something to Look Forward to
23: Pent-up Emotions
24: Detour
25: One Good Reason
26: DOA
27: Marry You
28: I Do
29: The Things You Do....
30: Honeymoon eh?
31: Another Ordinary Day
32: Why
33. Reunited
34: Untitled(hahaha)
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Next
Chapter 43
Chapter 44: Missing You
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47. Ang Adobo at si Alyssa
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51: Lakas Tama
Chapter 53: Loving Her

Chapter 52

645 23 8
By alconbleu

Katulad ng kanyang sinabi, matapos makipag-sagutan kay Alyssa, ay hindi nagpapigil at umalis saka deretso umuwi ng mansion si Dennise. Syempre sinamahan siya ng dakila at loyal niyang bestfriend na - si Ella, ay nga pala may isa pa! Sinundan din pala sila kaagad ni Alyssa.

Naghintay lang muna itong makabalik ang ilan pa nilang mga kasama bago sumunod sa dalawa.

Bago umalis ay ipinaliwanag narin muna niya sa mga ito ang nangyari!

Nagmadali narin si Alyssa, kailangang makasunod siya kaagad sa magkaibigan! Kailangan kasi niyang masigurado ang kaligtasan ng mga ito. Sinabi narin niya sa mga kasamahan, na sisikapin niyang makabalik within the day, but on the event na hindi niya magawang makabalik bago dumilim, sa umaga nalang niya sila babalikan

Sinundan ni Alyssa ang dalawa, noong una ay nasa malayo lang siya at nakadistansiya, habang patuloy sa pagsunod sa dalawa, ipinaalam lamang niya ang kanyang presensiya ng malapit na silang makarating sa pinagbabaan sa kanila kanina ng driver.

As expected, nagtaray pang muli si Dennise pagkakita sa kanya.

Pati ang kaibigang si Ella ay hindi rin nakaligtas sa sumpong ng arkitekto!
Nakaramdam tuloy si Alyssa na awa at pag-aalala para sa dalaga.

Remember, the idea of them going for a trek and doing all of this, came from Ella herself! Tapos dahil lang sa away na nangyari between her and Dennise, mapapauwi ito ng wala sa oras?

Nasaan ang hustisya?

"Ano ngayon ang sasakyan natin, at wala na dito ang van at ang driver aber, Dennise?" Hindi lang naman si Dennise ang solong taong marunong magtaray! Kaya din syempre iyan ni Madam Ella! Lalo pa at frustrated ito right at that moment!

Mangilan-ngilang sasakyan lang kasi ang napapagawi sa parteng iyon ng bayan. Kadalasan mga private vehicles na susundo/maghahatid lang din ng mga adventure seekers. Malayo kasi mula sa main road ang naturang daan.

"Let's wait for a bit besh! I'm pretty much confident, any minute from now may darating din na sasakyan. I know your disappointed, I'm so sorry, for ruining this trip!" Sinsero niyang hinarap ang kaibigan saka humingi ng tawad.

Nanatiling naka-poker faced lang si Ella. Walang kareareaksiyon! Na ikinaiis muli ni Dennise.

Isa sa pinakaayaw kasi neto ay ang dinideadma sa tuwing humihingi ito ng paumanhin!

Si Alyssa na naman tuloy ang naging tagasalo ng galit nito!

Isang pagkatalim-talim na tingin ang ipinukol nito sa direksiyon ni Alyssa!

Kung akala niya ay bibigay nalang ng ganoon si Alyssa puwes nagkalamali siya!

Hindi kasi ito nagbaba ng tingin at sa halip ay nakipagtitigan ito kay Dennise!

Ramdam na ramdam ang papataas na tensiyon sa paligid!

Naantala iyon, dahil sa pagdating nang isang sasakyang may lulang mga bakasyunista.

Pagkababa ng mga pasahero, ay kaagad na lumapit at kinausap ni
Alyssa ang driver. Sinabi niya dito ang intensiyon niyang magpahatid sa isang partikular na lugar! Kaagad namang pumayag ang driver.

Ganoon nalang ang pagkagulat ni Dennise.

Isang bagay lamang kasi ang ipinahihiwatig ng ginawang iyon ni Alyssa. Samama itong pabalik sa kanila ng mansiyon!

Ihahatid sila neto at syempre makakasama niya ito sa loob ng sasakyan! Makakasama niya ang pinakakinaiinisan niyang tao, sa buong durasyon ng byahe pauwi! Ano ba ang naging kasalanan niya at pinarurusahan siya ng ganito!

"Balikan mo nalang sila Alyssa, kaya na naming dalawang umuwi ni Ella!" Mataray nitong wika saka may pagmamadaling lumulan ng sasakyan.

Ngunit para naman walang narinig na kung ano si Valdez! Binuksan nito ang pintuan ng passenger seat saka pumasok!

"Tayo na manong! Alis na po tayo!" Wika niya sa driver na agad namang tumalima!

Maliban sa manaka-nakang usapan sa pagitan ng driver at ni Alyssa ay nabalot ng katahimikan ang buong byahe!

Madilim na nang marating nila ang mansiyon.

"Bayaran mo si manong! Doblehin mo narin, reward sa naging effort niyang ihatid tayo kahit gabi na! Bibyahe pa iyan pauwi ng syudad!" Nakasmirk na utos ni Alyssa sa noon ay kaharap nang arkitekto!

Nakababa na sila noon!

Pinagbuksan lang siya ng pintuan para sabihan ng ganoon?

Hindi napigilan ng pag-ihip ng malamig na panggabing hangin ang pagkulong muli ng dugo ni Dennise!

Bago nikapitan ang driver ay isang irap muna ang ibinigay nito sa pilyong nakangiting si Alyssa.

"Heto po manong, salamat sa paghatid, at mag-iingat po kayo!" Wika niya sabay abot dito ng may ilang pirasong kulay asul na papel.

"Maraming salamat po ma'am, sige po at tutuloy na ako. Maraming salamat din po sa inyo!" Napatingin pa muna ito sa gawi nila Alyssa at Ella bago muling pumasok at pinaandar na ang sasakyan!

"Sino ka sa tingin mo, para manduhan ako ng ganun?" Pataray niyang wika.

Nakalapit na at nasa harap na siya noon ni Alyssa!

Napataas ang kilay saka napangising si Alyssa!

"Sino ako? Uhm, sino nga ba ako Dennise?" Hinawakan nito ang pisngi ni Dennise sabay inilapit ang sariling mukha dito.

Ilang magkakasunod na paglunok ang kumawala mula sa dalaga!

"Ella, mauna kanang pumasok ng mansiyon, at may pupuntahan pa kami. Kapag may magtanong o kung may maghanap kay Dennise, sabihin mo kasama ng asawa niya! At isa pa nga pala, kung gusto mong bumalik bukas ng campsite, hintayin mo ako sa umaga, at paparoon tayo!" Ngumiti din ito ng pagkatamis-tamis kay Ella

Tumango saka tumalikod din naman kaagad ang parang nawala sa sariling katinuan si Ella. Lol!

"Come with me!" Utos niya sabay hila sa kanina pang hawak na kamay ng katabi! Hindi na niya iyon binitawan magmula ng mahawakan kanikanina lang.

Syempre pa, nagpumilit ding manlaban at kumawala ni Dennise. Pero, ayon na nga, katulad ng inaasahan! To no avail!

Isinakay ni Alyssa sa nakaparada nitong pickup si Dennise, saka sila umalis.

"Saan mo ako dadalhin?" Hindi mawari ni Dennise kung bakit pero nakaramdam siya ng kaba just by looking at Alyssa.

Sobrang seryoso na ng mukha nito, nawala na ang kaninang mapang-inis nitong aura. Ang pangisi-ngisi nito at pagngiti, nowhere to be found na!

"Matuto kang maghintay at malalaman mo rin!" Sa seryosong boses ay wika nito!

Sabay sa pagtikom ng kanyang bibig ay ipinikit nalang din ni Dennise ang kanyang mga mata.

Dennise's too emotionally and mentally drained to care! Wala na siyang pakialam sa kung ano at kung saan man siya dalhin nitong bakulaw na ito!

Itinigil ni Alyssa sa tapat ng isang bahay ang pick-up. Inalis niya ang pagkakabit ng sariling seatbelt at binalingan ang katabi, para sana gisingin.

Parang may kung anong humaplos sa kanyang puso ng makitang nakatulog na ito habang, nakaupo sa passenger's seat.

Imbes na kaagad itong gisingin, minabuti muna ni Alyssa na pagsawain ang sarili sa pamamagitan ng pagtitig dito!

Yeah, there are fine lines here in there, pero hindi madideny na sobrang ganda parin talaga nitong si Dennise. She's aging like a very fine vine!

"Kapag tulog ka, talagang napakaamo ng mukha mo, mukha kang anghel. Malayong malayo sa kung ano ka kapag gising. Nagtatransform ka kasi bigla sa dragon eh!" Napangiti na uli si Alyssa. Para siyang timang na kinakausap ang natutulog na si Dennise.

Parang may saring isip narin ang kamay nito. Hindi niya namalayang mabini na pala niyang hinahaplos ang pisngi ng dalaga.

Naramdamam siguro nito ang ginagawa niya. Marahan kasi itong gumalaw saka dahan-dahang iminulat ang sariling mga mata.

Mabilis naman na napatuwid ng upo si Alyssa.

"Where are we?" Sa boses na kababakasan ng antok na tanong ni Dennise. Kinusot-kusot din nito ang sariling mata.

"Mabuti at gising kana, nandito na tayo. Halika na't bumaba." Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan saka nagpatiunang bumaba.

"Kaninong bahay ito?" Dennise's squinting her eyes.

"Nakalimutan mo na yata. You've been here a few times already!" Wika ni Alyssa habang nakatingin sa daan, sinipa niya pa ang maliit na batong nasa gitna noon.

"Your old house!" Paanas na wika ni Dennise.

"Mismo!"

"It looks different, hindi ko nakilala kaagad, and I thought binenta mong lahat ng properties mo noong umalis ka the first time?" Nakatingin lang noon si Dennise sa kabuuhan ng lugar.

"Naibenta ko pero binalik ng nakabili, halika na. Pumasok na tayo, medyo gumiginaw na ang paligid!" Naglakad siya saka binuksan ang pinto.

Gamit ang susi ay binuksan niya ang pintuan

Hinintay na muna niyang makapasok si Dennise bago isinarang muli ang pinto.

"From the looks of it, mukhang kakarenovate lang nito." Inikot ni Dennise ang tingin sa kabuuan ng lugar.

"Bilang isang tanyag at kilalang arkitekto, be my judge, pasado naman ba ang design nitong lahat?" Alyssa took the nearest seat.

"Simple lang siya ngunit elegante tingnan. Pinag-isipan, saka nasiguradong mama-maximize ang bawat furniture and appliances. Simple, functional and homey!" Napangiti si Dennise.

"Mabuti naman at nagustuhan mo!" Bulong ni Alyssa.

"You were saying?" Nakakunot ang noo na baling niya kay Alyssa.

"I said, dyan ka muna at magluluto lang ako ng dinner. Gabi na ito and hindi pa tayo nakakakain. Siguradong nagutom ka!" Iyon lang at mabilis na tumalikod si Alyssa.

Naiwan sa sala si Dennise. Inabala nalang niya ang sarili sa pamamagitan ng pagtingin-tingin sa mga displays.

One particular thing caught her attention. Isang floor to ceiling wall cabinet. Nakapwesto ito malapit sa isang pintuan.

She made her way near it.

Nakadisplay doon ang ilang figurines. Dennise's certain, memorabilia ang mga iyon ng mga naging byahe ni Alyssa, particularly, the once that is out of the country.

Ang gitnang bahagi noon ay nagsilbing lagayan ng mga libro. Iyong book collections ni Alyssa.

Bilang booklover, herself, lumapit pa siyang lalo saka sinipat ang bawat piraso ng libro. Pinadaanan ng daliri ang mga ito, habang isa-isang binabasa ang nakasulat na titulo!

Isa sa mga naturang libro ang hinugot niya saka dinala pabalik ng sala para basahin.

Bubuksan na sana niya iyon ng dumungaw mula sa kusina si Alyssa.

"Kain na tayo Dennise!" Pagtawag nito.

Dahil narin sa nararamdamang gutom, ay kaagad na ibinaba ni Dennise ang libro at naglakad patungo sa kung saan naroroon si Alyssa.

Para hindi mainip ang kasama ay simple saka mabilis na putahe lang ang inihanda ni Alyssa.

Nang makaupo ay wala ng sinayang na oras ang dalawa, kaagad na silang kumain.

Kapuna puna ang labis na katahimikan habang sila'y kumakain.

Matapos ang humigit kumulang kalahating oras ay natapos na silang maghapunan, nagboluntaryo si Dennise na siya na ang nagliligpit ng kanilang pinagkainan.

Wala naring nagawa pa si Alyssa, kundi ang pumayag nalang sa kung ano man ang gusto ng dalaga.

Iniwan niya sa kusina si Dennise para pansumandaling pumunta sa sarili niyang kwarto si Alyssa.

Mabilis siyang naglinis ng katawan saka nagpalit ng damit.

Matapos iyon ay bumalik din siya ng sala.

Pansin niyang wala parin doon si Dennise.

Napakunot ang noo niya, tatalikod na sana siya para balikan ito sa kusina ng may biglang mapansin na kung ano.

Isang librong nakapatong sa itaas ng munting lamesang makikita sa gitna ng sala.

Nangunot ang noo ni Alyssa.

Syempre, alam niya kung ano ang nakaipit sa aklat na iyon.

"Kaya pala sobrang tahimik niya kanina! Nakita pala niya ito!" Sa pag-aakalang nakita na ni Dennise ang nakaipit doon ay pinulot niya ang aklat.

"Natagalan ako, hinugasan ko nalang kadi iyong mga ginamit mo sa pagluto, baka kasi dapuan ng langgam saka ipis."

"Nakita mo pala ito?"

Thinking na ang aklat mismo at hindi ang kung anong nakaipit doon ang tinutukoy ni Alyssa ay napatango si Dennise.

"Ever wonder where it came from?" Tumigil siya at hinintay ang sagot ni Dennise.

One.

Two.

Three seconds....

Ngunit ng tingnan niya ito ay pagkalito lang ang mababasa sa pagmumukha nito.

"I got it, the very day we met. I kept it! A memento. A souvenir, a reminder that, signifies that day does exist. Ang araw kung kailan nagsimulang magbago ang lahat! Tanda ko pa lahat. Tanda ko, kung gaano kalawak ang aking pagkakangiti habang lihim kitang pinagmamasdan habang ako'y nakakubli mula sa likod ng isang puno. Ang reaksiyon mo ng ikaw ay magulat dahil sa biglaan kung pagsulpot. Pinigilan kasi kita sa balak mo sanang pagsamyo sa isang piraso ng bulaklak, nagulat ka, kaya tuloy mabitawan mo ang tangkay niyon! "Excuse me! Ano iyong sinabi mo?" - sabi mo, kasabay ng ekspertong pagtaas ng iyong kilay. Agad akong humingi ng paumanhin, hindi mo pala naintindihan ang sinabi ko. Dayo at taga-Maynila ka pala! Imbes na kumalma ka, mas lalo ka pa yatang nainis sa pag-sorry ko, nadagdagan kasi ang pagkakaarko ng iyong kilay! Kinuwestyon mo pa kung paano ko nasabi iyon, kamu, sino o ano ba ako? Ekspertong Botanist ba o isang nagmamarunong lang na kutong-lupa? Pero kahit ganoon? Tinarayan mo na nga ako at sinungitan, pero hindi ko parin napigilan ang sarili kong mapangiti? Bakit may pakiramdam akong gusto ko nang maging subject ng pagtataray at pagsusungit mo?" Alyssa paused. There's this dreamy look in her eyes.

"Evident sa mukha mong lihim mo akong pinagtatawanan, what do you want me to do? To smile and befriend you that instant? Nope, I will not! In contrast, I tried to intimidate you by gawking. It worked, you got conscious of my stares. You then, nervously smiled and asked me to stop what I am doing, but I was not able to stop myself. I endeed up laughing at you pa nga, coz, you looked like you're really uncomfortable. That understandably pissed you off, you started walking away from me! To my surprise, that triggered something within me. Seeing you taking those steps away from me somewhat alarmed me. Instinctively, I ran after you, successfully stopping you by holding your arm." Hindi maintindihan ni Dennise kung ano ang nagtulak sa kanya para dugtungan ang pagbabalik tanaw na ginawa ni Alyssa.

"And the rest, they say is history! Looking back at that, hindi ko inaasahang aabot at magiging ganito kakomplikado ang lahat Dennise." May lungkot na wika ni Alyssa. Hindi sapat ang kaalamang hindi rin kinalimutan ni Dennise ang pangyayaring iyon para ma-uplift kahit papaano ang spirit ni Alyssa.

"Malungkot, komplikado, masakit even. Pero bakit hindi mo parin binibitawan ang alaalang iyon Alyssa?"

"Iyon nalang kasi ang natitirang meron ako Dennise! Mga alaala!" Sabay buklat sa pahina ng aklat at kinuha ang nakaipit na bulaklak."

"Ito mismo ang tangkay ng bulaklak na nabitawan mo noong araw na iyon. As I said earlier, pinulot ko at itinabi, ginawang memorabilia. Hanggang maaari kasi ayaw kong kalimutan ang araw kung kailan kita nakita. Ang araw kong kailan kita minahal!" Naglakad si Alyssa palapit sa noon ay nakaupo ng si Dennise.

Ipinatong niya ang libro sa lamesa at sa ibabaw noon ay inilagay niya ang nakatupi pang kapirasong papel pati narin ang tangkay ng natuyo ng bulaklak.

Parang wala sa sarili niyang pinulot naman iyon ni Dennise.

Kasabay ng paghawak sa bulaklak ay kinuha niya sabay binasa ang kung anu mang nakasulat sa papel.

Ang petsa kung kailan sila unang nagkatagpo ni Alyssa.

"I want you to have that Dennise." Mahina at puno ng emosyon na wika ni Alyssa.

"Pero bakit? Diba sabi mo ayaw mong kalimutan ang araw na iyon? At ito nalang din ang bagay na patuloy na nagpapaalala sayo ng pangyayaring iyon?" Hindi niya mapigilan ang mapatanong.

"May mga bagay kasing kapag lalo mong hinigpitan ang pagkakahawak, lalo ding magpupumilit kumawala!" Nakita ni Dennise kung paanong tumingala sa kisame si Alyssa, tanda na pinipigilan nitong pumatak ang kanyang mga luha. Rinig din ang bahagyang pagkabasag at panginginig ng boses nito.

"What do you mean by that?" Kinabahan si Dennise. Masama ang kutob niya sa bagay na ito.

"Let's get a divorce!"

**********

A/N.

Hey guys!

What do you think will happen now that it is Alyssa who's giving up?

Can't thank you enough for all the support!

Brace yourself for the finale!

Thank you and keep safe everyone!

alconbleu(10/22/23)

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 132K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
1.5M 113K 43
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
23.6K 875 50
narda's love for Regina is beyond words and Regina's love for narda is a question for her until nagbago LAHAT . is it too late for Regina to have a h...
4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...