Feelings Deleted

By Lilian_Alexxis

1.5K 412 500

Dylan concluded that love is a fraud, so he learned how to restrain and tame his emotions. But could he contr... More

From The Writer
PROLOGUE: Love is Fictitious
Chapter 1: Meet the CEO
Chapter 2: A Blessing in Disguise
Chapter 3: The Message
Chapter 4: The Heartless CEO
Chapter 5: Let's Catch a Thief
Chapter 6: The Kind CEO
Chapter 7: Connecting the Dots
Chapter 8: His almost-first kiss
Chapter 9: The good show
Chapter 10: He brought her home
Chapter 11: Family first
Chapter 12: Potential Threat
Chapter 13: Still Under Control
Chapter 14: Unrequited Love
Chapter 15: That Smile
Chapter 16: Software Upgrade
Chapter 17: You're Just Jealous
Chapter 18: The programmer
Chapter 19: The Broken CEO
Chapter 20: Trust and Care Without Love
Chapter 21: Business Proposal
Chapter 22: Let's connect the dots together
Chapter 23: I'll Be Your Star
Chapter 24: I want to live for her
Chapter 26: Successful Operation
Chapter 27: No Visitors Allowed
Chapter 28: Forgiveness
Chapter 29: The AI Version
Chapter 30: Betrayal
Chapter 31: The Enemy
Chapter 32: The Invitation
Chapter 33: I Stopped Believing in Love
Epilogue: Feelings Deleted

Chapter 25: The Operation

33 9 1
By Lilian_Alexxis

Bumukas ang pinto ng opisina ni Lee kaya nag-angat nang tingin si Lianne. Hindi na siya nagtaka na invisible na siya sa paningin ng pinsan ng CEO. Hindi siya manhid para hindi maramdaman ang biglang paglayo ng loob sa kanya ni Lee at sigurado siyang may kinalaman iyon sa pagiging tagapagmana ng Lexie Computer Corporation.

Dumiretso ang binata sa opisina ni Dylan. Pagpasok doon ay nakita niyang nakaupo ang kanyang pinsan sa couch, halatang hinihintay ang kanyang pagdating.

"Anong pag-uusapan natin?" masungit na tanong ni Lee.

Iminwestra ni Dylan ang kanyang kamay para paupuin si Lee sa kanyang harapan na ginawa naman ng pinsan niya.

Binuksan ni Dylan ang kanyang laptop. Pumasok naman si Lianne dala ang isang tray na naglalaman ng dalawang tasang kape at dalawang clubhouse sandwiches. Tahimik niyang inilapag ang meryenda ng magpinsan sa center table.

"Thank you," mahina at puno ng lambing na sabi ni Dylan kay Lianne na sinuklian lamang ng tipid na ngiti ng dalaga.

Nang makalabas ng pinto si Lianne. Iniabot ni Dylan kay Lee ang laptop. "That's the result of my security's investigation about her. If you still have doubts, let me know and I will answer everything."

Sinabi ni Dylan na wala siyang pakialam sa mga pag-aalinlangan ni Lee kay Lianne ngunit nais pa rin niyang ipaalam sa kanyang pinsan ang katotohanan para linisin ang pangalan ni Lianne at muli silang magkasundo ng kanyang pinsan.

Kunot-noong tinanggap ni Lee ang laptop at tahimik na nagbasa. Paminsan-minsan ay lumalaki nang bahagya ang mga mata nito sa kanyang mga nababasa.

Inabot ni Dylan ang tasa at dahan-dahang uminom ng kape habang nakatitig kay Lee. Pagkuwan ay ibinaba niya ang tasa at saka dinampot ang isang putol ng clubhouse sandwich. Naubos na niya ang dalawang cut ng sandwich at ang kape sa tasa ngunit hindi pa rin tapos magbasa si Lee. Tumayo siya at saka nagtungo sa side table ng kanyang mesa kung nasaan ang baso at isang pitcher ng mineral water na laging inihahanda ni Lianne. Nagsalin siya ng tubig at saka uminom.

Nang lingunin niya si Lee ay kumakain na ito ng sandwich at sinasabay ang pag-inom ng kape. Napangiti ng lihim si Dylan. Alam niyang nakumbinse na niya ang kanyang pinsan tungkol kay Lianne. Bumalik siya sa kinauupuan kanina at saka kinuha ang laptop sa center table. "May tanong ka ba?"

"Na-miss ko itong kape ni Ms. Chen. Sasabihin ko nga sa kanya na igawa ako ulit tuwing umaga," seryosong komento ni Lee habang ngumunguya ng sandwich.

Agad na sumama ang mukha ni Dylan. "As if papayag ako."

Ngumiti nang nakaloloko si Lee. "You troubled yourself and your security to investigate her and now you are being possessive."

"She's now my girlfriend, Lee," bored na sagot ni Dylan sa pinsan. Alam niyang inaasar na naman siya nito.

Lalo pang lumaki ang ngiti ni Lee sa narinig. "I am so curious on how did you ask her to be your girlfriend?"

Kinuha ni Dylan ang laptop sa center table at saka nagtungo sa kanyang mesa. "You are being too nosy."

Tumaas ang dalawang kilay ni Lee na sinabayan niya nang pag-angat ng dalawang kamay upang ipakitang hindi na siya makikipagtalo pa kay Dylan. Ibinagsak niya ang dalawang kamay sa kanyang mga hita bago tumayo mula sa couch at humarap sa kanyang pinsan. "May mga tatapusin muna akong mga natambak na documents sa mesa ko. Mamayang hapon ang dating ni Dr. Howard, ako ang susundo sa kanya sa airport."

Kumunot ang noo ni Dylan. "Ano ba kasing ginawa mo nitong mga nakaraang araw at hindi ka nagpapakita rito sa opisina?"

"You are being too nosy," paggaya ni Lee sa sagot sa kanya kanina ni Dylan.

Sumama ang mukha ni Dylan ngunit tinawanan lamang siya ni Lee. "Galit galit tayo noon kaya nagpaka-busy ako sa ibang bagay."

"Sa mga babae mo?" naiiling na tanong ni Dylan.

"Bro, hindi naman puwedeng ikaw lang ang masaya," natatawang sagot ni Lee habang pinipihit ang seradura ng pinto. "Huwag na kaya ako magtrabaho para sisantehin mo na ako."

"Tapos? Kikita ka lang sa shares mo sa kompanya ng hindi nagtatrabaho? No way!" Tumatawa na ring sagot ni Dylan. "Magtrabaho ka na!"

Kumaway pa si Lee bago tuluyang lumabas ng pinto. Nginitian niya si Lianne nang makitang nakatingin ang babae sa kanya na ikinagulat nito.

Naging busy si Lianne dahil walang hinto ang dating ng mga dokumentong dapat pirmahan ng CEO. Nag-announce kasi sila sa mga managers na lalabas ng bansa si Dylan at matatagalan bumalik para sa isang importanteng business transaction kaya hindi magkandaugaga ang mga departamento sa mga dapat ipa-approve na mga proposals, budget at iba pang documents.

Habang si Emily naman ay busy sa paghahanda sa mga kakailanganin ni Dr. Howard at ng ospital para sa operasyon dahil possible umanong ipatawag si Dylan anumang oras na makahanap na ng magma-match sa kanya na donor.

Pagdating ng tanghalian, nag-ring ang telepono sa mesa ni Lianne at nang sagutin niya ito ay nalaman niyang si Dylan iyon. Malambing itong nagsalita, "my star, punta ka rito please."

Sinipat pa muna ni Lianne ang sarili sa salamin at sinigurong maayos ang hitsura niya. Pinihit niya ang doorknob at saka pumasok.

"Hi! May kailangan ka?" malambing na tanong ni Lianne na sinabayan ng matamis na ngiti.

Tumayo si Dylan mula sa kanyang mesa at lumapit kay Lianne para yakapin ang babae. "Miss kita."

Natawa si Lianne sa narinig. "Kanina pa tayo magkasama."

Humaba ang nguso ng binata. "Nasa labas ka, hindi kita nakikita."

Tumaas ang isang kilay ni Lianne at saka ngumiti. "Talaga ba, Mr. James?"

Alam ni Lianne na may access si Dylan sa mga CCTV ng kompanya at alam din niya na lagi siyang sinisilip ni Dylan sa CCTV.

Idinampi ni Dylan ang kanyang bibig at ilong sa buhok ng dalaga. "Hindi kita mayakap ng ganito."

Tila hinaplos naman ang puso ni Lianne sa paglalambing ng lalaki sa kanya kaya sinuklian niya rin ng yakap si Dylan.

"Kain na tayo ng lunch," pagyaya ni Dylan at saka bahagyang humiwalay sa katawan ng dalaga. Kinuha nito ang kamay ng kasintahan at saka hinila patungo sa pinto ng rooftop.

Pinauna ni Dylan si Lianne na umakyat sa hagdan habang nasa likod lamang ang binata. Paglabas sa rooftop, namangha si Lianne sa pagkakaayos doon.

"Ang ganda, Dylan!" hindi napigilan ni Lianne na maibulalas ang paghanga sa pagkakaayos ng rooftop. May mga idinagdag na Bauhinia sa paligid ng mesang pandalawahan kung saan nakalapag ang mga Chinese food na kakainin nila sa tanghalian.

Niyakap ni Dylan si Lianne mula sa likod at saka hinalikan ang dalaga sa pisngi. "I am glad you liked it. Our lunch break will be like this every day."

Lumuwag ang ngiti sa mukha ni Lianne. Nilingon niya si Dylan para halikan sa pisngi ngunit mabilis na pumihit si Dylan upang angkinin ang mga labi ni Lianne. Isang mainit at marahang halik ang iginawad ni Dylan sa dalaga. Pagkuwan ay ngumiti siya at saka iginiya ang kasintahan patungo sa upuan. Masaya silang nagkuwentuhan tungkol sa kung anu-anong bagay, mula sa kanilang mga hilig na pagkain, kulay, sapatos, damit, sasakyan at maging mga nais pang gawing AI gadgets.

"Ano pang gusto mong malaman?" nakangiting tanong ni Dylan kay Lianne habang magkasiklop ang kanilang mga kamay habang sumusubo ng pananghalian. Ngayon lamang siya nakaramdan ng ganitong kasiyahan sa buong buhay niya.

Sumeryoso ang mukha ni Lianne. Nais niyang tanungin ang ilang araw nang bumabagabag sa kanyang isipan ngunit nag-aalala siyang matakot si Dylan sa kanyang tanong. Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Mahal mo ba ako, Dylan?"

Mabilis na nawala ang ngiti sa mga labi ng binata. Gumuhit ang samu't saring emosyon sa mukha niya. Napamaang si Lianne sa nakikitang sakit, pait at tila naguguluhang mukha ng binata. Pakiramdam ni Lianne ay may kung anong matalas na bagay ang biglang sumaksak sa kanyang puso, bumigat din ang kanyang dibdib.

Bakit hindi niya masagot ang tanong ko? Pinaglalaruan lamang ba niya ako?

Mabilis na binawi ni Lianne ang kanyang kamay kay Dylan. Tumayo ang dalaga at nagmamadaling bumaba ng rooftop. Pakiramdam niya ay kailangan niyang makaalis doon dahil masakit na sa dibdib niya ang nakitang reaksiyon mula kay Dylan, paano pa kung sabihin ng lalaki na hindi siya nito mahal. Hindi niya iyon kakayanin.

"Lianne.."

Napahawak si Dylan sa kanyang ulo. Nakaramdam siya ng takot na tuluyan siyang iwan ni Lianne. Hindi niya alam kung kakayanin pa niyang maiwan muli sa ikalawang pagkakataon. Naisip niyang magpaliwanag sa dalaga na importante siya sa buhay niya. Gusto rin niyang ipaliwanag sa girlfriend na hindi naman totoo ang pag-ibig. Tumayo siya para habulin si Lianne.

Sa sakit ng dibdib ni Lianne ay namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Paglabas sa pinto ng opisina ni Dylan ay dumiretso siya sa kanyang drawer para kuhanin ang kanyang cellphone at handbag. Saktong bumukas ang pinto ni Lee.

"Ms. Chen, susunduin ko si Dr. Howard sa airport," pagpapaalam ni Lee.

Pinigil ni Lianne na tumulo ang mga luha niya. "Puwede ba akong sumama, Sir Lee?"

Napakunot ang noo ni Lee, nagtataka siya na gustong sumama sa kanya ni Lianne. "Sinong maiiwang kasama ng CEO dito?"

"Pabalik na si Ms. Emily. Tara na, Sir Lee!" nagmamadaling sabi ni Lianne na nauna pang sumakay sa elevator kaya wala na ring nagawa si Lee kundi ang sumunod kay Lianne.

Pagbukas ni Dylan ng pinto ng kanyang opisina ay tuluyan nang sumara ang pinto ng elevator. Pinindot niya ang arrow down sign para makasunod kay Lianne.

Paglabas nina Lee at Lianne sa lobby, naroon na ang itim na SUV ni Lee. Mabilis na sumakay si Lianne sa passenger seat habang umikot naman si Lee sa driver seat. Nakita ni Min ang pagsakay ni Lianne kaya bumuntot agad ang bodyguard. Nakatanggap din ng text message si Min mula kay Lianne na patungo silang airport para sunduin ang bisita ni Dylan.

Habang busy si Min sa pagbabasa ng text message ni Lianne, isang itim na lumang version ng SUV ang sumingit kay Min dahilan upang magkaroon ng isang sasakyang pagitan sa kanya at sa sinasakyang SUV ni Lianne.

Samantala, pagbaba ni Dylan sa elevator ay wala na sina Lee at Lianne. Nakita niya ang pagdating ni Emily. Kumunot ang noo ng babae sa nakitang pag-aalala sa mukha ni Dylan. "May lakad ka ba?"

Umiling ang binata habang nakatingin sa kanyang cellphone. "Si Lianne isinama ni Lee papuntang airport. Hindi man lang nagpaalam."

Napangiti si Emily sa pag-aakalang overprotective si Dylan sa kanyang girlfriend. "Hindi naman pababayaan ni Lee si Ms. Chen. Halika na sa taas!"

Wala sa sarili na sumunod na lamang si Dylan. Naisip niyang mamaya na lamang niya kakausapin si Lianne.

Nang magkaroon ng pagkakataon ay sinubukan ni Min na mag overtake ngunit hindi siya pinayagan ng sasakyan sa kanyang harapan. Agad na naghinala si Min at mabilis na inalerto ang back-up team.

Napansin ni Lee na dumidikit ang lumang SUV sa kanyang likuran kaya inapakan pa niya ang accelerator para bumilis pa ang kanilang takbo. Lumipat ng lane si Lee at nagtaka siya na nakabuntot pa rin ang lumang SUV. Papalapit na sila sa intersection at nakita niyang naka-green light pa rin kaya nagpalit siya ng gear para pabilisin pa ang pagtakbo.

Bahagyang kinabahan si Lianne ng mapansing mabilis na ang takbo nila kaya napahawak siya sa door handle. Nagulat pa ang dalaga ng may kumalabog sa gilid niya.

"Holy Sh*t!" pasigaw na sabi ni Lee nang makitang muntik nang sumalpok sa kanila ang isang elf truck ngunit binangga ito ng isang itim na SUV.

Napahawak silang dalawa sa kani- kanilang dibdib, dahan-dahang pinabagal ni Lee ang takbo ng kotse sabay lingon kay Lianne upang siguruhing okay lang ang dalaga. "Are you okay?"

Tumango si Lianne kahit bahagya pa siyang gulat sa pangyayari.

Itinuon ni Dylan ang kanyang atensyon sa mga binabasang mga proposal sa kanyang harapan ngunit wala siyang maintindihan. Bumabalik sa kanyang alaala ang gumuhit na sakit sa mga mata ni Lianne nang hindi niya masagot ang tanong ng dalaga. Bumibigat ang kanyang dibdib sa tuwing naaalala na nasaktan niya si Lianne.

Ipinilig niya ang kanyang ulo at muling inulit na binasa ang dokumento sa kanyang harapan.

Narinig niya na bumukas ang pinto ng kanyang silid kaya iniangat niya ang kanyang tingin.

"Dr. Howard is now waiting for you in the hospital," saad ni Emily.

Kumunot ang noo ni Dylan. Hindi niya napansin na ilang oras na pala ang nagdaan. Napatingin siya sa mga dokumentong natapos na niyang basahin. Marami-rami na rin pala siyang natapos.

"Dylan, tara na!" pagtawag ni Emily sa atensyon ng CEO.

Napatingin si Dylan sa kanyang cellphone. Dinampot niya iyon at tumayo. Sumunod siya kay Emily habang dina-dial ang numero ni Lianne.

"The number you dialled is not accessible at the moment, please try your call later."

Nilingon siya ni Emily na narinig ang telepono ni Dylan. "Si Ms. Chen ba ang tinatawagan mo?"

Tumango si Dylan.

"Sa basement daw sila magpa-park ni Lee kaya siguradong walang signal doon. Magkikita naman kayo pagdating sa ospital. Tara na, nakakahiya kay Dr. Howard!" paliwanag ni Emily at saka hinila na ang binata.

Pagdating sa lobby ng ospital. Nagulat si Dylan nang salubungin sila ng nurse at pinaupo siya sa wheelchair. "I can walk."

Isang apologetic smile ang pinawalan ng nurse. "Sorry, Mr. James. We are just following orders from Dr. Howard."

"Where is he?" takang tanong ni Dylan dahil hindi siya sinalubong ng doktor ngunit sumunod pa rin siyang naupo sa wheelchair.

"He is checking the OR right now. We will bring you there," sagot ng nurse habang tulak-tulak ang wheelchair.

Tahimik na sumunod sina Emily at Jonathan sa batang CEO. Nilingon ni Dylan si Emily para sabihin sanang tawagan sina Lee at Lianne ngunit busy ang babae sa kanyang cellphone habang nagtetext.

Nang bumukas ang elevator, sinalubong si Dylan ni Dr. Howard. Niyakap pa siya ng doktor. "I am happy you finally decided to do the transplant."

Ngumiti si Dylan sa doktor. "I also didn't think that I would change my mind."

Tumawa ng payak ang doktor at saka tinapik ang balikat ni Dylan. "Are you ready?"

Kumunot ang noo ni Dylan. "You told me all my test results are okay."

Hindi pa rin nawawala ang ngiti ng doktor. "Then we will do the operation now, a matched donor is now waiting inside the OR."

Napaatras si Dylan. "Wait. Let me make a quick call."

"Sure."

Continue Reading

You'll Also Like

240K 4.6K 174
An accident. She's pregnant. How unlucky. She got pregnant in one shot! What was even more unfortunate was that the end of the world had arrived, and...
592K 16.7K 82
NOTE: Not my story nor did I translate this. for offline reading purpose only ALL RIGHTS GOES TO THE RESPECTIVE AUTHOR Author: Ban Li Zi For Translat...
12.7K 505 15
Mafia Boss Kwon Soonyoung, a man who doesn't believe in true love, meets a soft kind hearted Kim Mingyu, a man who has the purest heart and believes...
25.4K 529 24
"what if I liked you?" "You don't? I thought we were friends." || Ok, y/n's stupid as hell and texts the wrong number bc, well this is a chat ff, wha...