Chapter 1: Meet the CEO

78 15 44
                                    

"Good morning, boss. The time is exactly 7:00 AM."

Unti-unting bumukas ang block-out curtains sa kaliwang bahagi ng silid at nagsimulang pumasok ang sinag ng araw sa kanina'y napakadilim na kuwarto.

Gumalaw ang braso ng isang lalaki sa kama. Kinapa nito ang paligid ng king sized bed hanggang sa madampot ang isang unan at isinaklob sa kanyang mukha.

"Boss, wake up. You have a meeting today in AI Victoria Tower at exactly 9:00 AM."

Muling gumalaw ang lalaki sa ibabaw ng kama at saka ito dumapa. "Did anyone from the Cyber Security Department send a report regarding the hacking attempt?"

Umingit ang isang machine, tila may kung anong binabasa. "I did not receive any report, Boss."

Nang marinig ito mula sa kanyang butler, agad napaupo ang lalaki sa kama. "So, what would be our agenda for the 9:00 AM meeting if they haven't resolved the issue?"

Umingit lamang ang machine.

"Jerson, why are you not answering me?"

"It's because I do not have any answer to that question, boss."

Nagpasya ang lalaki na tumayo sa kanyang kama at saka nagsimulang ligpitin ang hinigaan.

"Boss, just leave it there. I'll fix your bed after preparing your breakfast."

Umirap ang lalaki, "Just cook. I can make my own bed."

Nang makuntento sa pagkakaayos ng kama, dumiretso ang lalaki sa banyo para maligo. Suot ang fitted white undershirt at asul na slacks, bumaba ang lalaki mula sa ikalawang palapag ng bahay at saka tinungo ang kusina. Nakita niya ang pag-itsa sa itaas ng omelette mula sa non-stick pan at bumagsak ito sa puting ceramic plate. Mabilis ding dinampot ng robot ang dalawang waffle mula sa waffle maker at inilagay sa plato bago umikot paharap sa kanya.

"Good morning, Mr. Dylan James! Your breakfast for today—waffles and tuna omelette," isang line drawing ng labi at dalawang bilugang mata ang lumabas sa screen face ng robot.

"Thank you, Jerson," seryosong sagot ni Dylan at saka tiningnan ang countertop sa kanyang harapan ngunit walang kapeng nakahain.

"Ohhh, your coffee," mabilis na umusad ang robot patungo sa coffeemaker at saka nagsalin sa isang puting mug ng kape. "Do you want it plain black or with cream?"

"With cream."

Matapos makapag-almusal, muling umakyat sa kanyang kuwarto ang binata upang magsipilyo at isinuot ang kanyang polo long sleeves, asul na tie and suit na pinarisan ng itim na leather belt at sapatos.

Pagbaba niya, nasa pinto na ng salas ang kanyang butler robot at agad iniabot sa kanya ang susi ng sasakyan. Nakahanda na rin ang dalawang itim na SUV kung saan nakasakay ang kanyang mga bodyguard.

"Good morning, boss!" Nakangiting bati sa kanya ni Lee na nakatayo sa tabi ng kanyang asul na McLaren 765LT Spider.

Kumunot ang noo ni Dylan. Ilang ulit na niyang sinuway ang pinsan sa pagtawag sa kanya ng boss. "Lee, hindi ka robot. Huwag mo siyang gayahin."

Umingit ang machine. Nang lingunin ni Dylan ang robot na butler, lumitaw sa screen face nito ang translation sa English ng kanyang binitawang pangungusap.

"Ohhh, that hurts. For you, I am just a robot," sabi nito at saka lumitaw sa screen face nito ang mga matang umiiyak at labing nakasimangot.

Bago pa makapagsalita si Dylan ay tumalikod na ang butler robot at pinagsarhan na siya ng pinto. Napamaang siya sa inakto ni Jerson. "Kailan pa siya natutong mag-translate? Nagdabog pa!"

Feelings DeletedWhere stories live. Discover now