Chapter 7: Connecting the Dots

43 14 24
                                    

Napangiti si Dylan nang lumitaw sa screen ng kanyang mobile phone ang mukha ng isang sanggol na lalaki. Matangos ang ilong, mapula ang mga labi at mamula-mula ang mauumbok nitong mga pisngi. Nakasuot ito ng kulay abong onesie na lalong nagpa-cute rito.

"Ang guwapo ng pamangkin ko, manang-mana sa akin!" Hindi itinago ng binata ang sayang nararamdaman nang ipakita ni Emily ang mukha ng bagong silang niyang sanggol sa pamamagitan ng video call.

Agad namang lumitaw ang mukha ni Emily sa screen na kunot ang noo sa narinig mula kay Dylan. "Sa iyo nagmana?"

"Itanong mo pa kay Papa, sing-guwapo ko si Keith n'ung baby ako!" Mayabang na sagot ng binata kay Emily.

"Noong baby ka! Ngayon, hindi na. Hindi ko pinangarap na magmukhang busangot ang anak ko,"pang-aasar ni Emily sa lalaki.

"Tss. Guwapo naman!" Pairap na sagot ni Dylan kay Emily.

"Ang hangin!" Pambabara na sagot ni Emily. "At saka hindi Keith ang pangalan ng anak ko, Liam," natatawang sabi ni Emily habang itinatama ang pangalan ng anak.

Ngumuso naman si Dylan. "Hindi ba puwedeng Keith Liam?"

"Itatanong ko muna kay Karl kung okay sa kanya," napapangiting sagot ni Emily habang binabanggit sa kanyang isipan ang pangalang idinugtong ng kanyang nakababatang kapatid sa pangalan ng kanyang anak.

Keith Liam Daniel, maganda naman pakinggan.

"I'm sure my brother-in-law will approve it. Tell him that was my suggestion," tumaas baba pa ang kanyang mga kilay habang kausap si Emily sa video call.

"Don't use your brother-in-law card, Dylan," natatawang sabi ni Emily. Alam kasi ng kanyang asawa na kapag brother-in-law na ang tawag ni Dylan dito ay naglalambing na ito sa kanilang mag-asawa.

Bahagyang kumunot ang noo ni Dylan at saka ngumisi. "Then tell him, it was an order from the CEO."

Umikot naman ang mga mata ni Emily. Babarahin sana niya muli ang binata nang mapansin niyang hindi nawawala ang ngiti nito sa mukha.

Totoo kaya ang mga kuwento ni Jerson sa kanya?

Ang madaldal na butler robot ni Dylan ang laging nagbibigay ng update kay Emily. Mula nga raw nang mag-maternity leave ang babae ay may kakaibang pagbabago sa mood ng binata, maging sa pagiging mapagbigay nito sa kanyang temporary secretary ay hindi pinalagpas na ikinwento sa kanya ni Jerson.

Sandali lamang nagkasama sina Emily at Lianne sa trabaho, ngunit magaan ang loob ng una sa dalaga. Masarap din titigan ang mala-anghel at hugis pusong mukha ni Lianne habang ang singkit at dark brown eyes nito ay tila makapagpapatunay na inosente pa ito sa edad na 24. Kahit si Lee na ang mga nagiging girlfriend ay mga sikat na modelo ay sinabi ring maganda si Lianne.

Isang pilyang ngiti ang sumilay sa labi ni Emily. "How's Ms. Chen?"

Agad namang sumeryoso ang mukha ni Dylan. "She clock-in at eight in the morning and we go home around 6, at times 8:30 in the evening. Not bad at all."

Napangsi si Emily sa narinig niyang we. Aasarin sana niya ang binata ngunit naisip ng babae na makabubuting itikom na lamang muna niya ang kanyang bibig.

Nakibalita pa si Emily sa kompanya bago nagpaalam para asikasuhin na ang anak.

Bumalik naman sa kanyang trabaho si Dylan. Gustung-gusto na niyang matapos ang program ng airtanker drone na ginagawa niya. Alam niyang hindi siya kikita ng sobrang laki sa imbensyon niyang ito ngunit sigurado siyang bebenta ito sa mga bansang laging biktima ng wildfires.

Feelings DeletedWhere stories live. Discover now