Chapter 19: The Broken CEO

30 9 6
                                    

"Hello."

"Dylan, anak."

Nakaramdam nang pagkirot sa kanyang dibdib ang batang CEO nang marinig ang isang boses na matagal na niyang kinalimutan. Ngunit kahit nasasaktan siya sa narinig na tinig, hindi rin niya magawang ibaba ang tawag. Nanatili siyang tahimik at hinayaang magsalita ang nasa kabilang linya.

"Alam kong walang kapatawaran ang nagawa kong kasalanan sa inyo ng papa mo, pero alang-alang sa kapatid mo huwag mo nang ibenta sa market ang airtanker drone..."

Hindi na pinatapos ni Dylan ang sinasabi ng kanyang ina at agad na ibinaba ang tawag. Sinubukan niyang kontrolin ang nararamdamang galit sa pamamagitan nang paghawak nang mahigpit sa kanyang cellphone. Nang pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang dibdib sa sakit, ibinato niya ang hawak niyang phone at bumagsak ito sa kulay abong sofa sa 'di kalayuan.

Labing siyam na taon na mula nang iwan sila ng kanyang ina at nagparamdam lamang ito muli upang protektahan ang kinabukasan ng anak niya sa lalaking dahilan kung bakit sila iniwan ng babaeng iyon.

Lalong bumigat ang dibdib ni Dylan nang maisip na hanggang ngayon hindi pa rin siya ang prayoridad ng kanyang ina. Nagdilim ang mukha ni binara. "Ano pa nga bang bago?"

Tumayo ang binata at saka naglakad patungo sa kanyang cellphone. Dinampot niya ito sa couch at saka nagdesisyong umalis ng kanyang gusali. Pagdating niya sa lobby ay nakaabang na ang kanyang mga bodyguard.

Inilahad ni Dylan ang kanyang kanang kamay sa harap ni Jonathan. "Keys."

Iniabot naman ni Jonathan ang susi ng Maybach.

"I want to be alone, tell your team not to follow me," seryosong utos ng CEO.

Bahagyang gumalaw ang pagitan ng mga kilay ni Jonathan. "Can I accompany you, sir?"

Sinamaan niya ng tingin ang lalaki sa kanyang harapan. "Should I speak in French for you to understand me better?"

Tumuwid nang pagkakatayo at humakbang paatras si Jonathan. Sa hitsura ng kanyang boss ngayon ay alam niyang masama ang araw nito. "No need for that, sir."

Iyon lang at sumakay na si Dylan sa kanyang kotse habang naiwang nagsasalita si Jonathan sa lobby at nagbibigay ng order sa buong team na huwag susundan ang CEO.

Pinaharurot ni Dylan ang sasakyan sa highway. Wala siyang pakialam kung patong-patong na overspeeding penalties ang matanggap niya.

Dumiretso siya sa canopy entrance ng isang seven-star hotel at iniabot sa valet parking attendant ang kanyang susi bago pumasok patungo sa isang resto bar sa loob ng hotel. Naupo siya sa harap ng bar kung saan agad siyang nakilala ng bartender na hindi nalalayo ang edad sa kanya. "What made you visit me today?"

"You know what I want," masungit na sagot ni Dylan.

Umiiling na inabot ng bartender ang isang bote mula sa cupboard sa kanyang ulunan at saka nagsalin sa isang whiskey glass. Inilapag niya ang baso sa harap ni Dylan. "Your cousin will surely kill me for this."

"I can kill you quickly," pairap na sagot ni Dylan at saka kinuha ang baso at nilagok nang minsanan ang laman.

"Hey! Take it slow," pagsuway ng bartender.

"You're being talkative today, give me more!"

Muling nagsalin ang bartender sa whiskey glass at tulad kanina ay mabilis itong tinungga ni Dylan.

Kilala si Dylan sa bar na iyon dahil doon nila dinadala ni Lee ang mga investor na kanilang hinihikayat. Alam ng bartender na si Ryker na hindi maaaring uminom ng marami si Dylan. Kabilin-bilinan ito lagi ni Lee. Napalingon sa paligid si Ryker at tiningnan kung nasa paligid ba ang pinsan ng batang CEO sa kanyanag harapan. Nagtaka ang lalaki na maging ang mga bodyguard ng binata ay hindi nito kasama.

Feelings DeletedWhere stories live. Discover now