Chapter 13: Still Under Control

30 11 5
                                    

Nakaramdam nang panlalamig at medyo namamanhid ang buo katawan ni Dylan. Gusto niyang idilat ang kanyang mga mata ngunit napakabigat ng talukap ng mga ito. Nang maibuka niya nang bahagya ang kanyang mga mata, muli niyang isinara ang mga ito nang masilaw sa liwanag. Ramdam niya ang oxygen mask sa kanyang ilong at bibig, at kahit medyo hirap pang gumalaw at huminga ay hinila niya ito pataas.

"Don't remove it, bro," pakiusap ni Lee na muling ibinalik ang oxygen mask sa bibig at ilong ng pinsan. "Please hold out for 20 more minutes, we are about to land in Leicester."

Nang hindi nagpumilit si Dylan, bahagyang napayapa ang loob ni Lee. Mabuti na lamang at hindi niya inalisan ng tingin ang pinsan sa buong flight.

Dahil medyo nanghihina pa, sinunod na lamang ni Dylan si Lee. Alam niyang malala ang kanyang atake kanina. Matagal niyang pinaghandaan ang araw na ito, ngunit hindi niya inaasahan na ganito ang magiging epekto nito sa kanya. Hindi niya akalain na kaya pa rin siyang saktan ng kanyang ina. Yung taong naging sandalan niya, yung taong laging sinasabi sa kanya na mahal na mahal siya at kahit kailan ay hindi niya lubos maisip na nagawa siyang ipagpalit para sa pera. Ikinuyom ni Dylan ang kanyang mga kamao upang kontrolin ang nararamdaman galit.

Tumunog ang monitoring machine dahilan upang mapatayo si Lee sa kinauupuan kahit pa nag-anunsiyo na ang kanilang piloto na manatiling nakaupo at nakasout ng seatbelt dahil pa-land na sila.

"Dylan, kung anuman ang iniisip mo ngayon. Please lang kumalma ka," muling pakiusap ni Lee sa pinsan. Sigurado siyang naalala nito ang mga pangyayari kanina.

"Sir Lee, please take your seat and fasten your seatbelt," paalala ng flight attendant.

Tumango si Lee at muling bumalik sa pagkakaupo. Sinipat niya ang monitor sa tabi ng reclining chair ni Dylan at napansin niyang stable na ulit ang vital signs maging ang oxygen saturation ng kanyang pasyente.

Maayos silang nakalapag sa Leicester International Airport kung saan nakaabang na ang isang ambulansiya. Pagbukas ng pinto ng eroplano ay agad na pumasok ang apat na medic kasunod si Dr. Allen Howard.

"Dylan, this is Allen. I'm going to check your vital signs," pagpapaalam ni Dr. Howard kay Dylan na labing dalawang taon na niyang pasyente at itinuring na rin niyang anak.

Itinaas ni Dylan ang kaliwang kamay at saka iniangat ang kanyang hinlalaki.

Sinilip muna ng doktor ang kanyang mga mata bago pinakinggan ang kanyang dibdib at baga. Pagkuwan ay sinalat nito ang pala-pulsuan ng binata habang nakatingin sa kanyang wristwatch, tila nagbibilang.

"His heartbeats are slow. Let's bring him to the hospital," utos ni Dr. Howard sa mga medic na agad na binuhat si Dylan at inilipat sa stretcher. Marahan din nilang ibinaba sa eroplano ang binata habang nakasunod naman sina Dr. Howard at Lee.

Sa ambulansya na sumakay sina Dr. Howard at Lee. Naka-convoy naman ang mga bodyguard ng CEO. Pagdating sa ospital ay idiniretso na sa VIP floor si Dylan kung saan naghihintay na sina Dalton at Emily.

Pagkalipat sa hospital bed, kinabitan ng mga wire si Dylan sa dibdib at malapit sa tiyan upang ma-monitor ang kanyang heartbeat. Sinuutan muli siya ng panibagong oxygen mask at saka ipinag-utos ni Dr. Howard na kuhanan siya ng dugo para sa blood test.

"We will monitor him for 24 hours and we will also check if the pacer is still working properly," paliwanag ni Dr. Howard kay Dalton.

"Allen, tell me honestly. How is my son?" nag-aalalang tanong ni Dalton na hinila sa isang tabi ang kaibigang doctor.

"We still need to run some test before I could tell you what is exactly happening to him. Let's hope and pray that this is just due to stress," saad ni Dr. Howard at saka nito tinapik ang balikat ni Dalton bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

Feelings DeletedWhere stories live. Discover now