Chapter 33: I Stopped Believing in Love

24 9 6
                                    

Nakaupo sa reclining chair si Lianne habang nakatanaw sa bintana ng eroplano. Napalingon siya nang maramdamang naupo sa kanyang tabi si Dylan.

"Hindi ka ba inaantok?" tanong ni Dylan at saka marahang idinampi ang kanyang mga labi sa sentido ng kasintahan.

"Inaantok pero hindi ako makatulog nang nakaupo," sagot ni Lianne na bahagyang ngumuso.

Tinanggal ni Dylan ang suot na seatbelt ng dalaga at saka niya marahang hinila para tumayo ang huli.

Kumunot naman ang noo ni Lianne at saka napangiti. "Saan tayo pupunta?"

Yumukod si Dylan at saka bumulong kay Lianne. "Matutulog."

Napahagikgik si Lianne sa ginawa ni Dylan. Napilitan na rin siyang tumayo dahil sa malamyos na tingin sa kanya ng kanyang boyfriend.

Dinala siya ni Dylan sa bandang likod ng eroplano at binuksan ang isang pinto. Napauwang ang mga labi ni Lianne sa nakitang silid. May queen size bed sa gitna na may puting beddings, may full length mirror sa headboard at gray ang carpet ng buong silid.

Hinila siya ni Dylan sa loob ng kuwarto at saka isinara ang pinto. Iginiya siya ng binata sa kama. "Let's sleep!"

Sumibol ang kaba sa dibdib ni Lianne. "T-tabi tayong matutulog?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Dylan at saka sumilay ang nakalolokong ngiti sa labi. "Yes. The last time you slept on my bed, mukhang hindi ka naman kinabahan."

Uminit ang buong mukha ni Lianne at pakiramdam niya ay mukha na siyang kamatis sa pamumula.

Lumawak ang ngiti sa labi ni Dylan. "Ang cute mo mag-blush!"

Sinamaan niya nang tingin ang nobyo dahilan upang matawa si Dylan. Hinampas niya ang braso ng lalaki. "Kailangan kita bantayan noon sa pagtulog, ang dami mo kasing nainom at saka wala ka nang energy noon sa kalasingan kaya hindi ako natatakot."

Umumbok ang kaliwang pisngi ni Dylan habang nakangiti at saka nagtaas baba ang mga kilay.

"Dylan! Anong iniisip mo?" nagkunwaring naiinis si Lianne upang itago ang kanyang nararamdamang hiya.

Lalong lumawak ang ngiti ni Dylan. "Wala! Halika na kasi. Let's sleep. Promise, I will behave."

Lumabi si Lianne sa binata. "Promise?"

Napangiti si Dylan at saka niyakap ang kasintahan. Pinatakan niya ng halik ang noo ni Lianne. "I swear! We will not do it unless you initiated it."

Nanlaki ang mga mata ni Lianne. "Ako pa talaga?"

Napahalakhak si Dylan. "Siyempre, hindi kita titiisin kapag gusto mo na. Kailan naman tumanggi ang manok sa palay?"

Nagpumiglas si Lianne sa yakap ni Dylan. Bahagyang kumunot ang noo ni Dylan at saka tinitigan ang mukha ni Lianne na ngayon ay sambakol na ang mukha. "Bakit?"

"Kapag may lumapit pala sa iyong babae hindi mo mapipigilan?" Lumayo si Lianne sa lalaki at naupo sa kama. Padabog niyang tinanggal ang suot na sneakers.

Napahalakhak si Dylan at saka pinisil ang pisngi ng nobya. "Ang cute mo!"

Sinamaan ni Lianne nang tingin ang binata.

"Halika na, matulog na tayo. May meeting pa tayo pagdating nating ng Victoria," malambing na yaya ni Dylan sa dalaga sabay hila nito pahiga sa kama.

Nang mahiga si Lianne ay nakatagilid lamang ito at nakatalikod sa lalaki. Niyakap ni Dylan sa baywang ang dalaga at saka hinila papalapit sa kanyang katawan ang kasintahan. Hinagkan pa niya ang bumbunan nito bago pumikit. "Sa iyo lang ako, mon amour!"

Feelings DeletedWhere stories live. Discover now