Chapter 28: Forgiveness

37 11 2
                                    

Iginala ni Dylan ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid niya sa ospital. Ngayon ang ika-sampung araw ng bago niyang puso at pakiramdam niya ay matagal na iyon sa kanyang katawan. Sa loob ng sampung araw ay bumilis lamang ang tibok ng puso niya noong araw na nakausap niyang muli si Lianne pagkatapos ng kaniyang operasyon, mula noon ay unti-unti nang nag-adjust sa kanyang sistema ang bago niyang puso.

Naalala niya ang huling pag-uusap nila ni Lianne bago ang kanyang operasyon. Ang dahilan na kanyang naiisip kung bakit hanggang ngayon ay tila nanlalamig ang kanyang kasintahan. Napapansin niya na parang laging nagmamadali ang babae sa tuwing kausap niya sa telepono. Gustong ipaliwanag ng binata kay Lianne ang importansya ng huli sa buhay ng binata.

Napailing si Dylan sa kanyang naisip, maayos naman kasi ang takbo ng bagong relasyon nila kung hindi lamang naisipan itanong ni Lianne kung mahal ba siya ng lalaki. Nagsimula siyang tanungin ang sarili tungkol sa pag-ibig.

Bakit ba nila naimbento ang salitang pag-ibig at bakit nila ito ikinokonekta sa puso ng tao? Kung totoo ang pagmamahal, ibig ba sabihin ay magbabago na ang nararamdaman ko kay Lianne dahil napalitan na ang puso ko? Kung puso ang basehan ng nararamdaman ng bawat tao, anong mangyayari sa isang wala nang puso?

"You're dead."

Ibinaba ni Dylan ang kanyang tingin sa kanyang cellphone. Namatay ang hero niya dahil nabaling ang atensyon niya sa pag-iisip tungkol sa pag-ibig. Itinigil niya ang paglalaro sa kanyang cellphone at inilapag iyon sa side table. Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng kama at saka inabot ang stand ng kanyang swero upang makatayo nang maayos. Naglakad siya patungo sa bintana at tahimik na nagmasid sa mga sasakyan sa kalsada.

Napalingon siya nang bumukas ang pinto ng comfort room at lumabas mula roon ang kanyang ama. Bagong ligo ito at napakapagpalit na rin ng damit. Bahangyang kumunot ang noo nito nang makitang nakatayo si Dylan. "Naiihi ka ba?"

Tipid na ngumiti si Dylan sa ama at saka umiling. "Naiinip na ako dito sa ospital. Kailan ba lalabas ang resulta ng mga laboratory at diagnostic test na ginawa sa akin?"

"Huwag kang mainip. Pag-uwi natin sa bahay ay mas malawak na ang gagalawan mo," nakangiting saad ni Dalton.

Kumunot ang noo ni Dylan. "Sa Leicester ba tayo uuwi?"

Tumango si Dalton. "Kailangan eh. Hindi puwede magtagal dito si Dr. Howard dahil marami rin siyang pasyente doon."

Humaba ang nguso ni Dylan. Mula nang maoperahan siya, hindi na nasunod ang gusto niya.

"Anim na buwan lang naman, anak. Kapag mas okay na ang sitwasyon mo, puwede ka na bumalik dito sa Victoria at kada buwan na lamang ang checkup mo," mahinahong paliwanag ni Dalton sa anak.

Tahimik na naglakad si Dylan pabalik sa kanyang kama at naupo sa gilid nito. "This heart will never reject me, Papa."

Umaliwalas ng kaunti ang mukha ni Dalton. "I also believe in that, son. We just need to be careful."

Nahiga si Dylan sa kama. "Can you call Lee, Papa? I want to ask about the company."

Umiling si Dalton. "No stress, son. Lee, Emily, and Lianne are handling AI Victoria well, and AI Leicester is in good hands with Tom and Liam. So, stop worrying."

"I am not. I just want to talk to my cousin," paliwanag ni Dylan.

Parang bata na humaba ang nguso ni Dylan, hindi niya magawang tawagan anumang oras ang sinumang nais niyang kausapin. Maliban kasi sa tinanggal ang sim ng kanyang mobile phone, nakadisable rin ang mga messaging and call app sa kanyang telepono. Masyado siyang pinaghihigpitan ni Dr. Howard dahil alam ng matandang doktor na hindi siya madaling pigilan magtrabaho.

Feelings DeletedWhere stories live. Discover now