Chapter 3: The Message

60 13 24
                                    

"Wake up, heavy sleeper!"

"Jerson, please close the curtain again," yamot na utos ni Dylan.

"Aren't you going to work?"

"I'm not in the mood to work today," pangangatwiran ng lalaki. Pagkuwan ay umikot ito upang dumapa at saka isinubsob ang ulo sa unan.

"The Cyber Security Department was not successful in decrypting the message of the hacker. Aren't you going to do something?"

"Okay! You won!" Sagot ni Dylan bago tumayo at sinimulang ayusin ang kanyang kama.

"You know I always win," pakanta pang sagot ni Jerson.

"When did you learn to sing?" Nagtatakang tanong ni Dylan.

"Don't you know that I like music?"

"Yeah, right!" sagot ni Dylan bago pumasok sa banyo para maligo.

Pagkatapos maligo ay isinuot na niya ang nakahandang grey suit sa kanyang kama at nagmamadaling bumaba ng hagdan para makaalis.

"Whoops! Not so fast, young man!"

Nilingon niya sa kanyang likuran ang kanyang butler robot.

"I don't have time for breakfast today," sagot ni Dylan na muling pumihit upang tunguhin ang pinto.

Mabilis na umusad ang butler robot at sa isang iglap ay nasa harapan na siya ng binata. "You are not leaving without eating your breakfast."

Iniangat ni Dylan ang kaliwang braso at saka nilislis ang manggas ng kanyang suit upang silipin ang oras sa kanyang suot na relo.

7:45 AM

"Come on. Remove your suit jacket and eat your breakfast."

Walang nagawa ang binata kundi ang hubarin ang suit at sumunod sa kagustuhan ng kanyang butler robot.

Pinaupo siya ni Jerson sa dining table. Nang sumunod siya ay mabilis itong pumihit patungo sa kusina. Pagkuwan ay muli itong bumalik dala ang isang tray.

Nagliwanag ang mukha ni Dylan nang makita ang kanyang almusal at saka tinapunan ng tingin ang kanyang butler robot.

Minsan gusto na niyang muling kalkalin ang parts ng central processor ni Jerson. Alam niyang ginawa niya ito na mag-isip na parang tao, ngunit hindi niya inaasahan na lalagpas ito sa kanyang inaasahan.

Maingat na inilapag ni Jerson ang platito na naglalaman ng Sour Cream Coffee Cake sa harap ng binata. Kasunod ang cappuccino na nakasanayang niyang isabay sa paborito niyang cake.

"Just one cut?" Tila batang ngumuso si Dylan sa kanyang butler nang makitang isang two by three inches na hiwa ng cake lamang ang laman ng platito sa kanyang harapan.

"There's an eight by twelve inches size of a cake waiting for you inside your Maybach."

Lumabas ang isang maluwag na ngiti sa labi ng binata. "You are the best, Jerson!"

"I know."

Napapikit ang lalaki ng sumayad sa kanyang dila ang matamis at nutty flavor ng pecan na sinabayan ng mabangong flavor ng cinnamon. "This is life!"

Lumitaw ang masayang mukha sa screen face ni Jerson. Masaya siyang napasaya niya ang kanyang boss sa araw na ito.

Matapos kumain ay sumakay na sa naghihintay na itim na Mercedes Maybach si Dylan. Ang Second in command bodyguard ang nasa steering wheel habang katabi nito ang close in bodyguard.

"Where is Lee?" Nagtatakang tanong ng lalaki nang makitang wala ang pinsan sa loob ng sasakyan.

"He thought you're not going to work today and went ahead, boss," paliwanag ng kanyang bodyguard. "I already informed him that we are about to leave, and he said he will see you at the office."

Feelings DeletedWhere stories live. Discover now