Chapter 15: That Smile

28 10 21
                                    

Maganda ang sikat ng araw habang bughaw na bughaw ang kulay ng kalangitan tanda na magiging maayos ang panahon buong maghapon sa Victoria City.

Pumasok sa Canopy Entrance ng AI Victoria Tower ang convoy ni Dylan at huminto sa glass door ng lobby. Mabilis na yumukod ang mga opisyal ng kompanya na nagulantang sa maagang pagdating ng CEO. Nagtatatakbo rin ang mga empleyado na kararating lamang para pumuwesto sa assembly. Napatingin sa orasan sa lobby ang receptionist, 7:45 am pa lamang. Pinagdikit nito ang dalawang palad na para bang nagdarasal na huwag magalit ang CEO sa mga empleyado na kararating pa lamang.

Bumukas ang pinto ng itim na Maybach at bumaba mula roon si Dylan. Guwapong-guwapo ang CEO sa suot na black turtleneck top at pants na pinarisan ng apricot long coat.

"Good morning, Sir," sabay- sabay na pagbati ng mga empleyado habang nakayukod.

"Good morning," masiglang bati ni Dylan na mahahaba ang mga hakbang patungo sa elevator. Tahimik namang naglakad sa kaliwang bahagi ni Dylan si Lee, habang nasa kanan naman ang close-in bodyguard ng CEO na si Jonathan at nasa likod si Christian.

Ang ilang empleyado na bagong dating at hindi na nakapuwesto sa assembly ay yumukod na lamang sa pagdaan ng CEO sabay dasal na sana ay hindi sila kagalitan.

Nang makapasok ang apat na lalaki sa elevator, mabilis na inunat ng mga opisyal at empleyado ang kanilang katawan na ang ilan ay humawak pa sa kani-kanilang mga balakang dahil sa pangangawit nang pagyukod kanina.

"Maaga ngayon ang CEO, nagulat ako nariyan na ang convoy," saad ni Mr. So.

"Sana maganda ang gising baka kami na naman kasi ang puntiryahin sa monthly meeting mamaya," komento naman ni Mr. Lim.

Tinapik ni Mr. So ang balikat ni Mr. Lim. "Hindi naman siguro, kaka-launch lang naman natin ng Airtank Drone."

"Kunsabagay. Sige, mauuna na ako kailangan pa naming magmeeting ng team ko," pagpaalam ni Mr. Lim at saka ito humabol sa R&D Team na patungo na ng elevator.

Makinang ang mga mata ni Dylan habang sumisipol sa loob ng elevator. Nagtinginan sina Jonathan at Christian habang nangingisi lamang si Lee. Gusto sana niyang asarin ang pinsan ngunit naisip niyang hayaan na lamang muna ito lalo na at kagagaling sa atake. Masaya na siyang makita ang kasiglahan ng pinsan sa pagpasok sa trabaho.

Pagbukas ng pinto ng elevator sa floor ng opisina ni Dylan, biglang sumama ang mukha ng CEO nang makitang bakante ang mesa ni Lianne. Kanina ay excited siyang makita ang dalaga kaya ganun na lamang ang panlulumo niya na walang Lianne ang nakatayo ngayon sa kanyang harapan.

Napansin agad ni Lee ang pagbabago sa mood ng pinsan. "Maaga kasi tayong dumating."

Napalingon si Dylan kay Lee at saka siya napatingin sa kanyang wristwatch. Dapat 7:30 am ay narito na siya. Mula nang ilipat ko siya rito ay araw-araw siyang dumarating ng maaga.

Bago lumiko sa kanyang opisina ay huminto maglakad si Dylan at hinarap si Christian. "Are you sure you did your job properly last week?"

Napakunot ang noo ni Christian nang subukin niyang intindihin ang ibig sabihin ng CEO. Nang maisip niya na ang pagbabantay kay Lianne ang tinutukoy nito ay agad na nagliwanag ang kanyang mukha. "Yes, Sir. The Lazurite was delivered safe and sound."

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Dylan at saka nito kinagat ang sulok ng pang-ibaba niyang labi. Tumango ito at saka pumihit muli upang buksan ang pinto ng kanyang opisina ngunit natigalgal ang lalaki nang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang nakangiting si Lianne.

"Good morning, Sir!"

"Ehem," pagtawag ni Lee sa atensyon ni Dylan na ilang segundo nang nakatitig sa magandang babae sa kanyang harapan.

Feelings DeletedWhere stories live. Discover now