Chapter 21: Business Proposal

26 9 2
                                    

Paglapag ng private plane ng AI Technologies sa Leicester International Airport, agad na nag ring ang cellphone ni Dylan. Napakunot ang noo ng binata nang makitang si Emily ang tumatawag. Ni-reject niya ang call.

Hindi ba nila mahintay na makarating ako sa bahay?

Salubong ang mga kilay na pumasok sa kanilang pinto si Dylan. Nang makita siya ni Dalton ay masaya itong lumapit at niyakap ang anak. Sa likuran ng kanyang ama ay nakita niyang nakatayo at nakangiti sa kanila ang isang pamilyar na lalaki habang katabi nito ang Marketing Manager ng AI Victoria.

"Papa, why did you ask me to come home?" Walang emosyong tanong ni Dylan sa ama. May hinala siya na hindi niya magugustuhan ang dahilan ng ama.

Nang tawagan siya ni Emily kagabi, wala itong maibigay na solidong dahilan upang umuwi siya. Kung anu-anong ikinakatwiran na kailangan umano niyang ayusin sa AI Headquarters ngunit nang tanungin niya ang COO ay wala naman daw problema.

"We have guests today. I am sure you already know Mr. Cassius Gonzales, the CEO of Leicester Bank and his sister, Cassidy," malawak ang pagkakangiti ni Dalton ngunit hindi ito makatingin ng diretso sa mata ng anak.

Bilang pagpapakita ng respeto sa ama, napilitan si Dylan na kamayan si Cassius at tanguan si Cassidy. "So, what brought you here?"

Napalunok si Dalton at saka ngumiti sa anak. "Let's have dinner first, son."

Sa dining room, naupo sa sentro si Dalton habang sa kanyang kanan ay naupo naman si Dylan. Sa tapat ng binata ay pinaupo si Cassius at katabi nito si Cassidy. Tahimik silang kumain.

Makaraan ang ilang minuto, tumikhim si Cassius. "I don't want to beat around the bush. I came here to ask you, Dylan, for a business proposal."

Iniangat ni Dylan ang kanyang paningin. Pagkuwan ay pinunasan niya ang kanyang bibig ng table napkin habang nginunguya ang kasusubong piraso ng sirloin steak. Pagkalunok ay inabot niya ang baso ng tubig at saka uminom ng kaunti.

"Go on. I am listening," seryosong sagot ng binata.

Ibinaba ni Cassius sa pinggan ang hawak na mga kubyertos. "Leicester Bank is now the second biggest bank here in UK and we've been expanding in Asia and other continents. And while we are expanding to different regions, our bank has become a target of hackers and phishing attempts."

Napahalukipkip si Dylan at tumaas ang isang kilay niya habang hinihintay ang kadugtong na sasabihin ni Cassius. Kilala si Cassius sa business community na isang tusong businessman kaya nakasisiguro si Dylan na hindi ito simpleng business proposal lamang.

"I want AI Technologies to supply new computers and servers with a unique operating system suited for our needs. Aside from supplying our computer and software requirements, your company will also do the system maintenance," nakangiting paliwanag ni Cassius na tila proud na proud sa iniaalok na trabaho para sa AI.

Hindi naman natinag sa kinauupuan niya si Dylan. "How much is your budget?"

Humalakhak si Cassius. "Let's not talk about the price right now. You know my bank can pay, just name your price."

Napatingin si Dylan sa kanyang ama na malawak ang pagkakangiti ngayon at tumatango-tango pa. Kumunot ang noo ni Dylan. "You may send the extent of your computer and operating system needs to my office and I will get back to you after I meet with my team. I am sure we could give you the best deal."

Muling humalakhak si Cassius na lalong ikinakunot ng noo ni Dylan. "Mr. James, I am not yet through with my business proposal."

Inip na bumuntong hininga si Dylan. Salubong ang kanyang mga kilay na tila naghihintay lamang ng sasabihin ng kausap. Ngunit sa kanyang isipan ay inis na inis na siya sa kapreskuhan ng kapatid ni Cassidy. Kung hindi lang bisita ng kanyang ama ang lalaking ito ay kanina pa niya ito pinaalis sa kanilang pamamahay.

Feelings DeletedWhere stories live. Discover now