Chapter 27: No Visitors Allowed

29 10 1
                                    

Tatlong nurse ang busy sa kani-kanilang trabaho sa nurse station ng Cardiac Surgery Intensive Care Unit. Ang isa ay nagbabasa ng mga chart sa kanyang harapan, ang isang ay nasa computer habang ang isa ay iniisa-isa ang mga gamot na dadalhin sa kaniyang pasyente.

Masiglang dumating ang isang nurse at binasag ang katahimikan sa nurse station. "Ang guwapo talaga ni Mr. James!" nakangiti nitong sabi sabay hawak sa kanyang mga pisngi na parang may pinapantasya.

Nagkatinginan ang tatlo at saka tipid na ngumiti.

"Ang tagal nga niyang gumising, nag-aalala na ako," napapangusong saad ng isa pang nurse na maiksi ang buhok.

Pinanlakihan siya ng mga mata ng kararating na nurse. "May asawa ka na, Len. Huwag mo na akong agawan."

Naghagikgikan ang tatlo at saka sabay-sabay na napailing sa kalokohan ng kasamahan nila.

Tumayo ang Head Nurse at saka naglakad palayo sa kanila upang silipin sa glass window si Dylan. Tila walang buhay na nakahiga ang lalaki sa hospital bed sa loob ng kanyang silid. May tubong nakasuksok sa kanyang bibig na siyang sumusuporta sa kanyang paghinga at maraming wires ang nakakabit sa kanyang dibdib. Nakamonitor din ang blood pressure ng binata. Humumpak ang mga pisngi nito ngunit nangingibabaw pa rin ang kanyang kaguwapuhan.

Hindi namalayan ng Head Nurse na nasa tabi na niya ang tatlo pang mga nurse. Lumapit pa ang isa sa glass window at parang nagpapantasyang tinitigan ang lalaki. "Ang guwapo talaga! Sana magising na siya para makita na niya ang kagandahan ko."

Tinapik ng Head Nurse ang balikat ng babae. "Bali-balita na cold si Mr. James sa mga babae."

Humaba ang nguso ng nurse. "Okay lang, paiinitin ko siya."

Binatukan naman ng isang nurse ang kasamahan sa sinabi nito dahilan upang mauntog ang noo nito sa glass window. "Aray!"

"Gising ka na ba? Huwag mo ngang pagnasaan ang pasyente mo!" natatawang sabi ng nurse na nambatok sa kanya.

Inis na pumihit paharap ang nurse sa tatlo na nakapang-aasar ang mga ngiti. Humaba ang nguso nito at nagsalubong ang makakapal na mga kilay na sinabayan ng paghalukipkip. "Nakakainis kayo. Ayaw ninyong suportahan ang love life ko."

Lalong bumunghalit nang tawa ang tatlo at napapailing na naglakad pabalik sa nurse station.

Muling tiningnan ng nurse si Dylan. Tinitigan niya ang makapal na kilay ng lalaki, matanos na ilong at mga labing parang nang-aakit na mahalikan. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang bumubukas ang mga mata ng binata.

Nilingon niya ang nurse station at hindi naiwasan ang mapasigaw. "Ma'am!!! Gising na si Mr. James!"

Nagbabasa ng libro si Dalton habang nakaupo sa reclining chair sa loob ng VIP Room ni Dylan sa ospital. Nilingon niya muna ang anak na mahimbing na natutulog sa hospital bed bago muling itinuon ang pansin sa kanyang binabasa.

Kaninang umaga lamang nailipat si Dylan sa VIP Room mula sa ICU makalipas ang dalawang araw na pamamalagi roon. Tulog pa rin nang tulog ang binata dahil sa patuloy na pagre-recover mula sa heart transplant operation.

Bumukas ang pinto ng kuwarto at magkasamang pumasok sina Dr. Howard at Emily. Dumiretso si Emily sa mesa upang ilapag doon ang dala niyang pagkain ni Dalton habang si Dr. Howard ay tiningnan ang natutulog na batang CEO.

"Did he eat lunch?" tanong ni Dr. Howard kay Dalton.

Umiling ang ama ni Dylan. "He's been sleeping for 4 hours. Is that normal?"

"All his tests after the operation are fine. His body is still recovering. You can feed him when he wakes up," seryosong paliwanag ni Dr. Howard bago nagpaalam na babalik na lamang mamaya.

Feelings DeletedWhere stories live. Discover now