Chapter 20: Trust and Care Without Love

35 9 5
                                    


Nagising si Dylan sa sakit ng kanyang ulo, medyo mabigat din ang kanyang dibdib kung kaya't minabuti na lamang niyang umupo at sumandal sa headboard ng kanyang kama. Nagsalubong ang kilay niya nang maalalang nagpunta siya sa bar kagabi, ngunit hindi niya matandaan kung paano siya nakauwi.

Napansin niyang hindi siya nag-iisa sa kanyang king size bed, nilingon niya ang kanyang kaliwa at nagulat siya na isang babae ang mahimbing na natutulog sa kabilang side ng kanyang kama. Dahan-dahan siyang lumapit at pinakatitigan ang mala-anghel na mukha nito.

Napangiti siya sa kanyang nakita. "Am I dreaming?"

Hindi niya napigilan ang sarili na ilapit ang likod ng kanyang palad upang damhin ang pisngi nito. Gabi-gabi ay dinadalaw siya ni Lianne sa kanyang panaginip, lagi niyang nakasasama ang babae at ninanamnam ang bawat ngiti nitong nakapagpapayapa sa kanyang damdamin.

Napangiti si Dylan nang maisip na kaiba sa mga normal niyang panaginip ang gabing ito dahil mahimbing na natutulog ang dalaga sa kanyang kama. Bahagyang napapikit si Dylan nang maramdaman niya ang pagguhit ng sakit sa kanyang ulo, parang hinahati ito sa sakit. Ngunit mabilis din siyang dumilat sa takot na mawala sa kanyang harapan si Lianne. Napangiti siya nang malamang nananaginip pa rin siya. "Are you also dreaming about me?'

Muli niyang pinakatitigan ang mukha ng dalaga. Bumaba ang kanyang tingin sa mga labi nito. Napalunok siya sa naipong laway sa kanyang bibig. "Can I kiss you?"

Biglang sumagi sa kanyang isipan ang panaginip niya kanina. Sa kanyang panaginip ay inaalagaan siya ni Lianne, niyakap niya ang maliit na bewang ng dalaga at bumagsak sa kanya ang buong katawan nito.

"I wasn't able to kiss your lips earlier, can I taste it now?" Nakangiting saad ni Dylan. Ito ang panaginip na ayaw na niyang matapos.

Muling napapikit si Dylan sa pagguhit ng sakit sa kanyang ulo, napilitan siyang mahiga. Sinubukan niyang masahiin ang kanyang sentido gamit ang kaliwang kamay, at saka iniyakap ang kanan niyang braso sa bewang ni Lianne. Napangiti siya nang maramdaman ang katawan ng dalaga, hinila niya ito nang bahagya papalapit sa kanyang katawan hanggang sa muli siyang makatulog.

Mabigat pa rin ang ulo ni Dylan ng muli niyang idilat ang kanyang mga mata. Yakap niya ang kanyang buddy pillow at napangiti siya nang maalala ang magandang panaginip kagabi. Tumayo siya at saka dumiretso sa banyo upang maligo. Pinili niyang isuot ang itim na workout shorts at plain white shirt bago bumaba para mag-almusal. Naabutan niya si Jerson sa kusina na abala sa pagluluto. Agad itong umikot nang maramdaman ang presensya ng CEO.

Mabigat man ang ulo ay masaya pa ring binati ni Dylan ang kanyang butler robot. "Good morning, Jerson. What's for breakfast?"

"Good morning to you too, boss. Your breakfast was already discarded in the trash bin, you know that I am implementing the two-hour rule on food," sagot ni Jerson na sinabayan ng line smile sa kanyang screen face.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Dylan at saka niya nilingon ang wall clock sa kusina.

"You're seeing it right, it is past eleven o'clock in the morning," saad ni Jerson na gumalaw patungo sa refrigerator at inilabas ang isang bowl. Ipinasok niya ang bowl sa microwave oven at makaraan ang isa't kalahating minuto ay muli niya itong kinuha at inilagay sa harapan ni Dylan.

Napatingin si Dylan sa light soup na nasa kanyang harapan.

"Ms. Chen cooked that chicken soup for your hangover. Eat that first, I am about to finish cooking your lunch," mahabang litanya ni Jerson habang abala sa kanyang niluluto.

Napakunot ang noo ni Dylan sa sinabi ni Jerson. "Ms. Chen was here?"

Bahagyang lumingon si Jerson at saka muling ibinalik ang atensyon sa pagluluto. "She brought you home last night and took good care of you. You don't remember anything?"

Feelings DeletedWhere stories live. Discover now