✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSO...

By YuChenXi

186K 9.1K 1.2K

STATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB "I will marry you someday." Iyon ang mga kata... More

SYNOPSIS
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #1:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #2:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #3:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #4:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #5:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #6:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #7:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #8:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #9:
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #10:
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON: #11
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #13
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON: #14
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #15
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #16
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #17
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #18
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #19
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #20
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #21:
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #22
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #23
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #24
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #25
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #26
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #27
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #28
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #29
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #30
SPECIAL CHAPTER

OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #12

4K 250 32
By YuChenXi

Typos and grammatical errors ahead!!

○○○
XAVIEL POV
○○○

"Didn't anyone ever tell you that staring at someone is a bad habit?"

Napakurap ako ng marinig ko ang sinabing iyon ni Prince Manjar. Hindi ko napansin na ang pagsulyap ko sa kanya ay naging pagtitig dahil nga sa kamukha talaga ito ni Mandy kahit na saang anggulo ko tignan at ka-boses niya din ito. Kung makikita ko siguro ang tinging laging ipinupukol sa akin ni Mandy sa mga mata nito ay baka iisipin ko talagang iisang tao lamang sila.

"Sorry for that, Prince Manjar. You just look like one of my acquaintance." Totoong sagot ko naman dito dahil iyon naman ang totoo. "And come again?"

"Like what I told you, I like this area." Sabi naman nito na itinuro ang maluwang area sa mapa na tinitignan namin. "This is where I want to build a building for our antique figurine." Dagdag pa nito.

"I'm glad to hear that, Prince Manjar and if you decide you like that area, we can discuss the next detail."

"Yeah. The earlier, the better." Sagot naman nito kaya muli naming pinag usapan ang iba pa naming mga plano.

"I have a friend, if you don't mind, I want to hire him as an engineer for the building to be built."

"If you know he's good, it's up for you to decide." Pagtugon naman nito kaya napangiti ako.

"I will bring him to our next meeting, prince Majar." Sabi ko dito na sinaraduhan na ang aming usapan. Nagpaalam na ito sa akin na mauuna na daw silang umalis.

Napangiti ako. Hindi ako nabigo dahil tuloy tuloy na ang pag uusap namin sa plano ng nasabing proyekto. Kailangan ko na lang sabihan si Mandy na siya ang kukunin kong engineer sa aming proyekto.

Nais ko sana siyang tawagan para sabihin iyon sa kanya. Pero hindi na din kailangan dahil ng bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko.

"We need to talk." Kuway sabi niya sa seryusong tinig.

Napatitig ako sa kanya dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryuso. "I'm about to call you but.."

"I know. Pero saka na natin iyan pag uusapan."

"Okay! Pwede kang maupo muna bago tayo mag usap."

Napansin ko ang paglunok nito. Hinila nito ang isang upuan at pumwesto sa tabi ko. Mahigpit na hinawakan pa ang kamay ko ng makaupo ito na seryuso parin ang tingin niya sa akin.

Kunot na ang nuo ko dahil kakaiba siya ngayon. Tila balisa.

"Now tell me, anong pag uusapan natin."

"Marry me Xaviel." Sabi niya na ikinabigla ko at nanlaki pa ang mga mata ko.

"Are you kidding? Hindi nakakatuwa, Mandy. At iyan ba ang seryusong pag uusapan natin?" May inis na sabi ko sa kanya.

Akala ko pa naman kung ano ang sasabihin niya. Isang walang kwentang bagay. At bakit naman niya naisipang alukin ako bigla ng kasal? Alam ba niya ang salitang kasal na inaalok niya sa akin.

Nagpakawala siya ng buntong hininga na may lungkot na sa mga matang nakatingin sa akin. Natigilan tuloy ako dahil naisip ko na dahil ba iyon sa naging sagot ko sa alok niya.

"Look, Mandy. Kasal ang inaalok mo kaya..."

"I'm getting married." Putol niya sa sinasabi ko na muli na namang nakapagpatigil sa akin at napatitig sa kanya. Mas nangunot ang nuo ko at nagkasalubong na yata ang mga kilay ko dahil doon.

"What are you saying?"

"I'm getting married, Xaviel." Pang uulit nito sa sinabi niya.

"To whom? Then, why are you asking me to marry you if you are getting married?" Dagdag tanong ko pa sa kanya.

Pero sa kaseryusuhan ng mga mata niyang nakatingin sa akin ay alam kong hindi siya nag bibiro.

"I'm the real Prince Manjar."

"What?" Mas nagulat na naman ako sa rebelasyong sinabi niya.

"Ang kausap mo kanina ay isa lamang sa inutusan ko para magpanggap. He wore a mask to copy my face. And he also used a voice changer to imitate my voice." Paliwanag pa niya.

Pero gaano katotoo ang mga sinasabi niya ngayon sa akin?

"Ayaw kong magsinungaling patungkol dito. Nais kong umiwas sa katotohanang isa akong anak ng sultan kaya ako kumuha ng magpapanggap bilang ako. Pero nalaman ko mismo sa inutusan ko ang plano ng aking ama na balak akong ipakasal sa isang anak din ng maharlika."

Napalunok ako. Tumikhim na tila may bumara sa lalamunan ko. Wala akong alam na isasagot sa mga sinabi niya sa akin dahil hindi talaga ako makapaniwala.

"Pero bakit mo ako niyayayang magpakasal kung ikakasal ka na."

"Because I love you, Xaviel." Sagot niya sa akin na nasa mga mata na ang pagsusumamo. "At ikaw lang ang nais kong pakasalan. Kaya kita inaalok na pakasalan ako para hindi na ako ipakasal ng aking ama sa iba."

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga saka ako tumitig sa kanya.

"Labas na ako sa problema mo, Mandy dahil hindi ako magpapakasal sayo." Sabi ko. "And about our business. I take it back dahil hindi na iyon matutuloy pa." Sabi ko sa kanya na sinundan ko na ng pagtayo. "Don't call and don't show up in front of me anymore." Seryusong sabi ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.

Hahakban na akong palayo sa kanya ng pigilan niya ako sa kamay.

"Sinabi ko na sayo. Labas na ako sa problema ng pamilya niyo. At kung ayaw mong ipakasal ka ng ama mo sa iba ay kausapin mo ng maayos ang iyong ama." Sabi ko bago ko binawi ang kamay ko sa kanya.

Walang lingong likod akong iniwan siya at umalis sa lugar na iyon. Hindi ako papasok sa gulo ng kanyang buhay. At kung talagang ayaw niyang magpakasal ay walang magagawa ang kanyang ama.






Naimasahe ko ang kamay sa aking leeg habang nakaupo sa swivel chair at nakatanaw sa malaking bintana ng aking opisina.

Hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil hindi ako tinantanan sa kakaisip sa naging usapan namin ni Mandy na basta ko na lamang siyang iniwan sa restaurant.

"Fuck." Mura ko na lumipat sa aking sintido ang kamay ko. Mariin kong naipikt ang aking mga mata. Hindi ako mapakali.

Masyado bang naging matigas ang puso ko para kay Mandy at hindi ko man lang siya binigyang ng pagkakataon. Pero kasal ang inaalok niya at hindi ako handa pagdating sa bagay na iyon.

Pero may bahagi ng pagkatao ko ang umaasa  na sana huwag isapuso ni Mandy ang mga sinabi ko kanina.

Palagi ko naman siyang sinasabihan na tigilan ako pero patuloy lamang siya sa pangungulit sa akin.

Sana nga. Para akong nagsisisi sa ipinakita ko sa kanya kanina. Gusto ko itong tawagan pero ano ang sasabihin ko? Paano kung alukin na naman niya ako ng kasal at makapagbitaw na naman ako  ng hindi magandang salita.

Tatlong katok ang nakapagpapukaw ng lalim ng iniisip ko. Ipinaikot ang kinauupuan ko at humarap sa pintuan.

Bumukas iyon at iniluwa doon ang sekretarya ko.

"Sir, Prince Manjar want to see you." Sabi nito na ikinalubag ng loob ko dahil hindi ako nagkamali.

Pupuntahan at pupuntahan parin niya ako.

"Let him in."

"Yes, sir." Lumabas ulit ito. Wala pang isang minuto ay muling kumatok ito. Pumasok at kasama na nga nito si Mandy.

Pero.. hindi si Mandy ang kaharap niya kundi ang kamukha nitong nagpapanggap na siya.

But wait. Paano ako nasabing hindi ito si Mandy?

"Good day, Prince Manjar." Tumayo ako at sinalubong ito. "Have a sit."

"Prince Manjar told me everything, sir. You don't need to acknowlegde me as prince Manjar."

"Okay. So, what do you want?" Sumeryuso akong tumingin dito.

"Prince Manjar is getting married two months from now on. Babalik sa susunod na linggo ang Prinsipe sa Brunie para ayusin ang nalalapit nitong kasal."

Natahimik ako. Kunot ang nuong napatitig lang dito. Ano pa ang silbi kung sasabihin iyon sa akin. May magagawa pa ba siya kung buo na ang pasya nilang maikasal?

"Then why are you telling me this kung tuloy na ang plano nila."

"Prince Manjar, is waiting for you to stop him. He said that you know where to find him if you want him to stay." Sagot nito na muling tumayo na sa pagkakaupo. "Hindi na ako magtatagal. Good day, Mr. Anderson." Paalam nito sa akin. Tumango na lang ako bago ito tuluyang umalis.

Naiwan na naman akong nalilito dahil sa sinabi ng inutusan niya.

"Then, kung gusto pala niyang manatili dito bakit hindi siya manatili? Kailangan ko pa ba siyang pigilan?" Naikuyom ko ang kamao ko dahil idinadamay pa niya ako sa problema ng pamilya nila.

"Damn it. Bahala ka sa buhay mo. Hindi ako gagawa ng hakbang para pigilan ka at makialam sa problema niyo." Gigil na turan ko na muling naupo sa swivel chair ko at ipinaikot iyon paharap muli sa malaking bintana. Tumingin sa labas sa kung saan aabot ang paningin ko.

Hindi ko hahayaang maapektuhan ako sa kanya. Kung siya ang may kailangan at kung talagang ayaw niyang umalis ay mananatili siya kahit na hindi ko siya pigilan.





Hindi ako mapakali sa kinahihigaan ko at hindi dalawin ng antok kinagabihan. Palagi naman akong ganito matulog noon pero nag iba lang nitong mga nakaraang araw habang nasa paligid ko lamang si Mandy o katabing matulog.

Hindi ko mapigilan ang muling mapamura dahil kahit na anong gawin ko ay hindi siya maalis sa isipan ko.

Nakikita ko ang imahe niyang nakatitig sa akin na nagsusumamo ang mga mata.

Marahas na napabangon ako sa aking kama. Umalis sa pagkakasampa saka ako lumabas ng silid at nagtungo mini bar ko sa sala.

Tama! Dati naman akong ganito kaya masasanay ulit akong mapuyat. Masasanay ulit akong matulog mag isa. Masasanay ulit akong uminom ng alak bago makatulog. At masasanay akong muling magising ng maaga kahit na hindi sapat ang naging tulog ko sa gabi.

Wala namang talagang mananatili sa tabi ko. Dahil hindi nila alam ang pinagdadaanan ko. Walang nakakaalam kung ano ang kalagayan ko maliban sa mga magulang at kambal ko.

Walang ibang may alam na may mabigat akong sekretong itinatago sa katawan ko. At walang gugustuhin akong makasama dahil hindi ko kayang suklian kung ano man ang nararamdaman nila sa akin.

Like Mandy. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang pagmamahal na nararamdaman niya sa akin. Hindi ko din alam kung gaano iyon katotoo. Dahil kung talagang mahal niya ako tulad ng sinasabi niya ay hindi siya magpapakasal kung talagang ayaw niya at ipaglalaban ang nararamdaman sa akin.

"Damn. Why do I need to think about it?" Gigil na puna ko sa sarili kong iniisip. Mahigpit na nahawakan ko ang baso ng alak na kung manipis lamang iyon ay baka nadurog na sa mga kamay ko.

Minsanan ko iyong itinungga at muling nagsalin ng alak sa baso. Nakatatlong baso ako ng alak bago ako nagpasyang bumalik sa aking silid.

Nahiga. Ipinikit ang mga mata kahit na hindi pa ako inaantok. Hinayaan kong marelax ang isip ko hanggang sa kung anong oras ako dadalawin ng antok.

Isang oras? Dalawa? Hindi ko na nabilang hanggang sa maaga parin akong nagising kinaumahan.

Bumangon ako. Ipinaikot ang ulo ko at minasahe ang leeg ko. Ang bigat ng pakiramdam mo na tila ayaw ko pang bumangon pero hindi nadin naman ako makakatulog ulit kahit na muli akong mahiga.

Napatingin ako sa gilid ng kama kung saan nandoon ang maliit nalamesa na kinatutung-tungan ng alarm clock. Pasado alas cinco na umaga.

Umalis ako sa pagkakasampa sa kama at tulad ng araw araw kong routine sa umaga ay deretso ako ng banyo. At lumabas doon na nakaligo na't malinis na ang katawan ko.

Kumuha ng damit pang opisina saka ko iyon dinala sa sala. Iniwan doon saka ako nagtungo sa kusina.

Nagtimpla ng kape. Doon na ako nagpalipas ng oras. Hanggang sa oras na para sa pagpasok ng opisina.

Sa isang gusali naman ako nakatira kaya nagmaneho pa ako ng ilang minuto at lumipat sa gusali kung saan nandoon ang kompanya ko. Na sa gusali ding iyon kung saan nandoon ang nerentahang penthouse ni Mandy. Sa ikalabing siyam na palabag ng gusali.

Sa ikalabing isa, dalawa, tatlo at apat naman na palapag ang kompanya ko. Sa apat na palapag na iyon ay sakop ng kompanya ko. At ilan sa palapag ay ang mga pinarerentahan kong mga unit.

Dahil sa maaga pa naman para sa oras ng pasukan ay restaurant muna ako sa unang palapag nagtungo para doon na mag agahan.

Hindi ko naman ugaling mag agahan pero nasanay na ako dahil kay Mandy.

Natigilan ako ng muli na namang sumagi si Mandy sa isip ko. May mga bagay na nagagawa ko na may kinalaman kay Mandy.

Hindi ba siya mawawala sa isip ko?" Tanong ko pa sa aking sarili. Kaya ang pagpasok ko sana sa restaurant ay hindi ko na itinuloy. Dumeretso na lamang ako sa aking opisina sa ikalabing apat na palapag. Pero hindi ko napansin na ang napindot ko ay sa ikalabing siyam na palapag. Saka ko na lang iyon napagtanto ng amaglakad ako at tumapat ako mismo sa number 106. Sa mismong penthouse ni Mandy.

"Damn." Naisuklay ko ng wala sa oras ang kamay sa sarili kong buhok. Naisandal ang isa sa saradong pintuan ng unit nito.

Nagpakawala ako ng buntong hininga bago ako nagpasyang magdoorbell sakaling nasa loob lamang siya.

Hindi naman masama ang mangumusta. O kaya ay yayain ito na kumain ng agahan sa baba.

Pero nakatatlong doorbell na ako ay wala paring nagbukas ng pintuan para sa akin kaya naman napilitan akong gamitin ang password niya para mabuksan iyon.

Bumukas iyon. Malaya akong nakapasok sa loob. Naisip ko na baka natutulog pa siya kaya naman agad kong tinungo ang silid nito. Pero hindi ko siya doon nakita at walang palatandaan na nagamit ang kama niya sa pagtulog.

Hinanap ko siya sa buo nitong penthouse pero wala siya. Nangunot ang nuo kong nagpakawala na naman ng buntong hininga bago ako nagpasyang lumabas na ng penthouse niya.

Kung ganun ay hindi sa penthouse ko siya hahanapin kung sakaling gusto ko siya pigilan.

Huh! At bakit ko naman siya pipigilan. Sa anong dahilan?

Nailing na nagpatuloy ako sa paglabas. Sakay ng elevator at tumigil sa palapag ng aking opisina.

At habang naghihintay sa datingan ng mga empleyado ko ay sinimulan ko ng abalahin ang sarili ko sa mga naiwan kong trabaho kahapon para mawala siya sa isipan ko.







○○○
MANDY POV:
○○○

Nakatingin ako sa kawalan. Pangalawang araw na simula ng huli naming pag uusap ni Xaviel.

Gusto ko siyang puntahan dahil talagang namimiss ko na siya. Pero masakit sa damdamin ang mga binitawan niyang salita.

Lagi naman niya akong itinutulak palayo pero ng araw na iyon ay doon ko naramdaman na wala akong puwang sa puso niya.

Siguro nga. Dala lamang sa init ng katawan kaya niya ako pinakikisamahan. Pero ang isipin wala akong halaga para sa kanya ay parang nagkapira-piraso ang puso ko.

"Anak." Napalingon ako kay mama ng marinig ko ang pagtawag niya?

"Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin na nasa tinig ang pag aalala.

Alam ko na kahit hindi ko iyon sagutin ay alam ng mama kung ano ang nararamdaman ko. Wala akong itinago dito. Alam ng mama kung gaano ko pinapahalagaan si Xaviel. Kung ano siya sa buhay ko.

"Kung talagang mahal mo siya ay bakit hindi mo ipaglaban?"

"Mama. Paano? Ipaglalaban mo parin ba ang taong mahal mo kung siya na mismo ang nagtutulak sayo palayo?" Tanong ko kay mama.

Napatitig ito sa akin.

"Naisip ko na din iyan mama. Pero tama siya. Hindi ko siya dapat idamay sa problema ng ating pamilya dahil ayaw ko din naman siyang mahirapan sakaling pag initan siya ang aking ama sakaling malaman kung ano ang relasyon ko sa kanya." Sabi ko pa kay mama.

Ang mama naman ngayon ang nagpakawala ng buntong hininga. Mas lumapit ito sa akin saka ako niyakap.

"Patawarin mo ako anak. Wala akong magawa sa desisyon ng iyong ama dahil hindi legal ang aming pagsasama."

"Wala kayong kasalanan mama. Sadya lamang na napabilang tayo sa pamilya ng aking ama."

May apat na asawa ang aking ama. Panglima na ang aking mama na hindi naman pwedeng maikasal sa aking ama dahil hindi ito residente sa naturang bansa. Kailangan munang maging residente ang mama bago sila maikasal pero bago pa man siya noon maging residente at nalaman na ng ama ng aking ama ang relasyon nila kaya tumakas ang aking mama sa bansa.

Nagtago dahil ipinagbabawal ang anak sa labas ng nasabing bansa. Pero ng namatay ang lolo ay tuluyan ng nabago iyon ng aking ama kaya niya ako ngayon kinukuha. Dahil ako lamang anh nag iisang lalaki sa mga naging anak nito sa lahat ng naging asawa. At lalaki lamang ang dapat pumalit sa kanya kaya ako ang naturang crown prince ng bansa.

Pero wala akong pakialam doon. Hindi ko ipinagmamalaking anak ako ng isang sultan. Mas gugustuhin ko pang mamuhay ng simple kaysa ang buhay na ipinagpipilitan ng aking ama. At ngayon.. ipinagkasundo pa ako sa anak ng kaibigang maharlika din.

Nais kong marebelde. Ipaglaban ang pag ibig ko kay Xaviel. Pero alam kong hindi magiging madali dahil siguradong gagawa ng paraan ang aking ama na pabagsakin si Xaviel at iyon ang ayaw kong mangyari.

At kung ang pag iwas sa kanya para hindi siya madamay ay pipilitin ko kahit na nasasaktan na ako sa katotohanang wala akong halaga sa kanya.

"Susundin ko na lang ang gusto ng aking ama, mama." Sabi ko na kumuwala sa yakap nito.

"Pero labag iyon sa kagustuhan mo, anak."

"Okay lang mama. Kung iyon lang ang paraan para hindi madamay ang taong mahal ko." Sagot ko kay mama pero ang totoo sa puso ay ang bigat ng pakiramdam kong malayo sa kanya at maikasal sa ibang tao.

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
65.1K 2.1K 28
EROTIC AGREEMENT Mr. Troy Descanzo ( BL/ MPREG story ) Paano nalang kung ang Daddy mo ay bigyan ka ng isang agreement sa isang lalaki na hindi mo kil...
204K 3.8K 21
Dice and Madisson
3.5K 113 19
Synopsis: "I'll make you scream. Scream my name in pleasure." Riley Montesa has a difficult life. Having to live with his mute mother and his abusive...