Rise of the Hidden Blood

By -Wuxie

63.7K 2.8K 350

Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left e... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
-----
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
chapter 55
Epilogue
Omega's Playtime

Chapter 48

981 49 5
By -Wuxie

PAULIT ULIT ang mga nangyayari at ganon din ang desisyon ni Amaris.




Ilang beses syang nanatili sa ala ala nito at ilang beses nyang nakita si Amaris sa pinipili ang parehong desisyon. At yun ay ang iligtas sya. Every single time, she would hurt herself for him. Kahit na alam nito kung gaano kasakit iyon, hindi parin sya nito iniiwan.




He saw how she tried to leave him many times, but always fail. Sa tuwing tatangkain nitong talikuran sya o iwan sya, sa tuwing susubukan nitong piliin ang sariling ina hindi ito nagtatagumpay. Because she would always run back to him and say sorry.



Naintindihan na rin ni Griffin kung bakit hindi ito makaalis sa sariling bangungot. Because Amaris will never leave him. She will not allow him to die. Tuluyan ng nakalimutan ni Amaris na parte lang ito ng nakaraan. She thought she's back on the past. Her mind is no longer on the present.


Griffin finally decided to step out of the shadows. Linapitan nito si Amaris bago nito saktan ang sarili.





The moment his hand touched her, everything around them stopped.



Tumingin sa kanya ang walang buhay nitong mga mata "G-Griffin....."




Pilit syang ngumiti dito kahit tumutulo na ang luha nya.




"Ok na Amaris......hindi mo ako kailangang piliin ng paulit ulit" wika nya. .




Maya maya ay nag unahang pumatak ang luha nito "H-Hindi pwede........m-mamamatay ka... I can't....."



Umiling sya at hinila ito saka yinakap "Hindi ako mamamatay promise. So.... you can stop chosing me now. "



Maya maya pa ay unti unting lumakas ang hagulhol nito "Griffin......."




"Amaris... it's ok..." He  mumbled.



"Griffin...... Griffin...." Amaris cried while calling his name. Inilabas nito ang bigat ng nararamdaman. At the same time, there's a hint of relief on her voice.






"I'm right here....." Hinalikan nya ito sa noo "Andito ako...."



"Pagod na ako......" Nahihirapang pag amin nito "Pagod na pagod na ako......sobrang sakit na. "




"It must've been hard. I'm sorry for making you suffer " humigpit ang yakap nya dito "I'm sorry....."





"Umalis na tayo dito " muli itong tumingin sa kanya "Pagod na ako. Ayoko na......."



Amaris looks fragile at this moment. Para itong binasag ng paulit ulit. She looks so weak and vulnerable. Hindi pa nya nakita si Amaris na nagkakaganito.  Ipinapakita lang nito kung gaano kahirap ng mga pinagdaanan nito habang nakakulong sa mga ala ala.




Tumango sya "Oo, aalis na tayo. So Amaris, stop chosing me. Sa pagkakataong to piliin mo na ang nanay mo. She's waiting....."




Muling nanumbalik ang mga luha nito "Pero......kung pipiliin ko sya...."




He cupped her cheeks to stop her from overthinking. "Hey, ok lang. You can choose her this time. Walang mangyayaring masama. "




Nagbaba ito ng tingin na tila ba nahihirapan.



Agad nyang iniangat ang mukha nito at muling pinagsalubong ang kanilang mga tingin.




"Amaris.......narito tayo sa nakaraan mo. Pwede mong gawin ang kahit anong gusto mong  gawin. Pero Amaris, hindi ka na dapat narito. Hindi ka na dapat parte ng nakaraan. Everything in here is part of what happened in the past. So you can't stay here. Dapat nasa kasalukuyan ka. You're the Rogue Queen remember? Ikaw na ang alpha ng Terra Gaia. You have your people out there waiting for your return. So.......leave this place. Chose your mom this time and go..."




Humikbi ito ay ibinaon ang mukha sa kanyang leeg.



"I'm sorry...." He whispered. This is his fault. He did this to her. He did love her in the past, and until now. Pero siguro kung hindi nya ito sinaktan noon at mas ipina-intindi nalang ang kanyang sitwasyon maaaring hindi naging ganito ang resulta ng mga pangyayari.




"I'm sorry....kung pipiliin ko muna si mommy..." Umiiyak na sambit nito "I'm sorry Griffin..."



"It's ok...... it's ok..... this is my fault anyway..." Malungkot syang ngumiti.




Suddenly, something different happened. The comfort they share to each other grew, and they felt a ticklish spark when their skin touches. Griffin can smell a strong sweet scent coming from Amaris. Hindi nya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman sa pagitan nila ni Amaris. Pero isa pang ang masasabi nya. It was overwhelmingly good.


Hindi sya maaaring magkamali. This......This is the feelings that mates shares when they're together. And they're feeling it now.



Griffin smiled again. Sa oras na ito, sobrang saya nya. Humigpit ang yakap nya kay Amaris na tila ba sinusulit ang natitirang panahon kasama ito. He thanked the moon goddess in his mind. Dahil naramdaman pa nya ang espesyal na pakiramdam na yon bago sila maghihiwalay.




Amaris raise her face and look at him. Nagulat sya nang sapuin nito ang magkabilang pisngi nya at pinagdikit ang kanilang noo.



They both closed their eyes, enjoying the warm feeling between them.



"I'm sorry...." Maya maya ay sambit ni Amaris.



Parang napakalalim ng kaguluhan ng sinabi nito. As if she was apologizing for something else.




Hinalikan nya ito sa pisngi "Time to go home. "


Ilang segundo sya nitong pinagmasdan saka tumango. Tumayo na ito at sinulyapan muna sya nito bago tuluyang umalis. This time, Amaris didn't look back at him, she is finally chosing her mother.




Malungkot syang ngumiti habang tinitignan ang papalayong bulto nito.



"I love you...." He whispered before everything around him crumbled. And finally, he went back to his own body but couldn't open his eyes anymore.












Amaris.....




ILANG araw na syang nagkamalay ngunit dahil sa sobrang panghihina ng katawan hindi nya magawang imulat ang mga mata. Dahil doon, napakarami nyang narinig na bagay na hindi dapat nya nalaman. Ang akala ng mga tao sa paligid nya ay wala parin syang malay, ngunit hindi alam ng mga to na naririnig nya lahat ng pinag uusapan nila.



"I already cast a spell on her. Hindi na nya maalala ang mga nangyari" dinig nyang wika ni Aruna.




Ang mga nangyari? Siguro ang mga nangyari sa ala ala nya ang tinutukoy nito. Too late, she already saved everything in her mind. Siniguro nyang maaalala nya ang bawat bagay na nangyari doon.


After hours of resting,  nagawa na rin nyang imulat ang mga mata. Napangiwi sya dahil sa liwanag sa paligid. Siguro dahil matagal na syang  nakapikit.


She  sat up  and look around her room. Napatingin sya sa kabilang panig ng kama. She can still smell Griffin's scent on the sheets. He was there. Pero nasaan na ito?




Napaisip na rin sya kung ilang araw syang nawalan ng malay. At ang labanan? Ano na ang nangyari? Did they win? Tapos na ba? Ano na ang nangyari kay Ruthee?



Ang daming tumatakbo sa kanyang isipan pero biglang bumukas ang pinto. Agad syang napatingin sa kung sino ang dumating.




Ruthee, Kaeden, Nala, Theron and a very familiar man.




Napako ang tingin nya sa lalakeng kasama nila Nala. Kilala nya ito.





"Gising ka na" sabay na sambit nila.




And when realization finally hit her, every nerve in her body was awakened.




"Gising ka na?!" Bulalas nya.




Nagkukumahog na lumapit ang mga to sa kanya. Pero sa iisang tao parin sya nakatingin.



"Alpha kailan ka pa nagising?!"


"Kaeden yang boses mo! Kumusta ang nararamdaman mo Alpha?"



"Amaris baby may masakit ba sayo?  Yung ulo mo? Nahihilo ka ba?"


"Do you want water?"



Sunod sunod ang tanong ng mga to pero bigo parin silang kunin ang atensyon nya.



"Aruna..."she tug  Aruna's dress "Gising na sya. "




Napatingin ito sa taong tinutukoy nya at tumango "Oo, nagising sya nang nasa kalagitnaan ng labanan."


Napaawang ang bibig nya. Thellion Maraja, ang lolo nya sa tuhod. Ang Alpha ng Terra Gaia bago si Anthon. Ang alpha na trinaydor ng sariling anak.  Finally gising na ito!



"Give her water" utos ng lolo nya sa mga kasama nila sa silid.




They didn't even let her drink on her own. Sila ang nagpainom sa kanya.



Sa kalagitnaan non narinig nya ang maraming yabag na nagmamadaling pumunta sa silid nya.



Leaders from her territories and some friends look at her with wide eyes when they saw her.




"Alpha!" Sabay sabay na bulalas ng mga to at nag uunahang lumapit sa kanya.




Tulad nila Aruna, sunod sunod ang tanong ng mga to.



Mabuti nalang inawat pa ng  lolo nya ang mga to at pinaalis. Naiwan lang ito at ang tito Rakim nya.




"How's your body?" Tanong ng tito nya.



"Ok lang" tipid na sagot nya.




"Mabuti naman at nagkamalay ka na" wika ng lolo nya. "Ilang araw ng nagpapabalik balik dito ang tatay at mga kapatid mo. "



"Nagkamalay huh.." ngumisi sya "Paano kung  sabihin kong ilang araw na akong may malay. Hindi ko lang maibukas ang mga mata ko dahil masyado pang mahina ang katawan mo."



Parehong natigilan ang dalawa.

"So, ano na ang nangyari kay Ruthee?" Tanong nya.



"She was killed by Aruna. " Sagot ng lolo nya "Binalak kunin ng alpha king si Ruthee at sinabing pwede daw gamitin ang babaeng yon sa mga darating pang labanan. But Alphas are not stupid, they know the Alpha king's intention. The alpha king tried to argue with the witches. Sa huli pinatay ni Aruna si Ruthee at hinamon ang Alpha king. No one sided with that stupid king, not even the Arno's or Visconti's or any major family heads"


She scoff "Kahit kailan talaga...."




"By the way Amaris. Nagkaroon ng botohan sa meeting. Pinaalis na nila ang dating Alpha king sa pwesto at pinalitan. Ang kapatid din nya ang pumalit" wika ni Rakim.



"Mabuti naman. That man can't even do his job properly. Akala siguro nya walang makakaalam sa mga pinag gagagawa nya. To think that he's even planning to betray the Arno's."




Malaki ang utang na loob ng Royal family sa mga Arno. Noong may labanan noon, nadala ng takot ang alpha king at umatras. Kung hindi naguna ang mga Arno sa labanan, hindi sana sila nanalo. Thanks to the leadership of the Arno's that time, they won the war. But after that war, every Alpha lost their respect to the coward royal family. Kaya lang naman nasa Royal family ang kanilang titulo ay dahil walang Alpha ang may gustong sumalo sa responsibilidad ng mga to.



"Ang Rogue city?" Tanong nya kay Rakim..


"It's doing great. Ang totoo nyan, ang Rogue city ang may pinakamaliit na damage na natamo. Kaya yung ibang mga Rogue nag alok ng tulong sa restoration sa ibang maliliit na pack" sagot ni Rakim.

"Alam namin nag aalala ka sa mga tao sa paligid mo, pero kailangan mo ring magpahinga" wika ng lolo nya.




"Ah, oo nga pala" sambit nya habang nakatingin dito at naalala ang mga ginawa nya noon. She suddenly felt tired while thinking about her sacrifices. "I deserve a break. Looking at you right now, I just realize kung gaano karami ang mga nagawa ko. Fine, I'll rest. Kayo muna bahala sa mga trabaho ko"



Bumalik sya sa pagkakahiga at inayos ang kumot at masayang nag relax.  The two look at her as if she's weird or something.

Tumingin sya sa dalawang nakatitig sa kanya at mas nilinaw ang sarili"I mean, hangga't sa hindi natatapos ang trabaho sa labas, hindi muna ako lalabas sa silid na to" nakangiting sambit nya "Please tell my  secretary that I'm very sick."

Alam nyang maraming natambak na trabaho ngayon. Iniisip palang yon, napapagod na sya. So she's just going to stay in this comfy room and recuperate.

"Goodness, I can't believe you're an Alpha" umiiling na wika ni Rakim "Sa tamad mong yan. "

" Narinig ko mula sa sekretarya mo na lagi ka daw umaalis ng pack noon para takbuhan ang trabaho mo.   That's quite irresponsible. Pero sa dami ng mga nagawa mo, from becoming the leader of the Rogue city, to sneaking on this pack to kill my son." Tumango ang lolo nya "I think wala akong karapatang magreklamo. I'm very satisfied with you."





"Ofcourse! Sobra sobra ang mga nagawa ko. Lumagpas pa yon sa responsibilidad ko. Kaya nga po ....." Ngumisi sya "Kayo muna ang bahala sa lahat. Because I'm very sick.."



Parehong napailing ang mga to. Her grandfather frowned and shook his head again. Ipinikit nya ang mga mata at nagpanggap na magpapahinga. Narinig nalang nya ang yabag ng mga to na lumabas ng silid nya.


Nang marinig nya ang tunog ng pintong sumara, iminulat nya ang mga mata at nawala ang maliit na ngiti sa labi.  Her expression became cold while thinking about the thing they're planning to hide from her.


Kung iniisip nilang para sa ikabubuti nya ang ginagawa ng mga to nagkakamali sila.






Lumipas ang ilang araw tuluyan na nyang nabawi ang kanyang lakas. Nagdesisyon na rin syang itigil ang pagpapanggap at deretsuhin na ang mga to.



Ilang araw syang hindi lumabas ng silid at sa dami ng mga bumisita sa kanya hindi nya nakita kahit ang anino ni Griffin. Sa lahat ng taong pwedeng balewalain ang sitwasyon nya, alam nyang hindi kasama si Griffin sa mga yon. Makapal ang mukha nito at kahit pa harangin ito ng mga tauhan nya hindi ito papayag na hindi ito makakadalaw sa kanya.


Sa mga panahong hindi pa nya nagagawang magising, narinig nya ang bagay tungkol sa 'sakripisyo' nito. Gusto nyang malaman kung ano ang ginawa ni Griffin.




Hindi sya tanga para hindi malaman na mahirap ang iligtas sya sa sitwasyon. She was forced to suffer her past pains over and over through a  witchcraft. Hindi lang yon bagay na madaling sirain.


Alam nyang nasa opisina ang ilang mga malapit na tauhan nya at kinakausap ang mga to ng lolo nya tungkol sa mga importanteng bagay. Kaya naman nang makapag bihis sya ay pumasok sya doon ng walang paalam.


Bakit sya magpapaalam? She is the Alpha....


Nagulat ang mga to nang makita sya. The betas bowed their head to give her respect.


"Nakarecover ka na ba ng tuluyan?" Tanong ng lolo nya.




Mahina syang tumango "Yup, ofcourse. Please don't mind me. Ituloy nyo lang."


"Oh, actually tapos na. Nagbibigay lang ng mga instructions si Alpha Thellion" wika ni Aruna.

"Hmmm." Tumango tango sya.



Nagkatinginan ang mga to nang hindi na sya umimik. Hinihintay nilang magsalita sya pero wala silang narinig.

"Uhh....alpha? May gusto ka bang itanong or idagdag?" Tanong ni Magenta.

"Hmm.......baka lalabas ako ng pack one of these days" wika nya.

"Y-You can't!" Mabilis na tutol ni Kaeden "Alpha kakarecover mo lang."


"So?" Kunot noong wika nya "Since nakapag recover na ako, ibig sabihin non balik na ako sa dati. May kailangan akong puntahan."


"At saan ka naman pupunta ?" Tanong ng lolo nya.


"I don't know yet, kailangan ko pang tanungin si Aruna" sagot nya saka bumaling kay Aruna "Aruna, where's my mate?"

Nanlaki ang mga mata nito. Pati ang ibang nasa silid ay tila nabuhusan ng malamig na tubig. The room became awfully silent and cold.



"Alpha, hindi mo pa nakikilala ang mate mo...." Nagpanggap si Aruna  na naguguluhan "Anong sinasabi mo? Oh no, hindi kaya't nagulo ang mga ala ala mo sa mga panaginip mo nang wala kang malay?"


"Aruna..........." Her soft expression suddenly became cold. "....may lakas ng loob ka na palang magsinungaling saakin..."




Agad na nawala ang pagpapanggap ni Aruna. Napalunok ito at nagbaba ng tingin.


"Alpha ......hindi naman sa ganon..." Nag aalangan itong tumingin sa mga kasama.

Naupo sya sa  sofa  at tumingin kay Arya "Arya? Where's my mate?"

Kinakabahan itong napalunok at hindi sumagot.


Her cold glare went to each and everyone in the room. Even her grandfather became uncomfortable because of the coldness in the room.


"Kailangan bang magkagulo bago kayo sasagot?" Banta nya "Kung hindi nyo pala kayang maging tapat saakin bakit andito pa kayo? I don't need people who can't offer their one hundred percent  loyalty to me. "


"Amaris, ginagawa lang nito para protektahan ka " saad ng lolo nya "Wag kang magalit sa mga taong concern lamang sayo."

"Pero ang mate ko ang pinag uusapan natin dito. Sa tingin nyo ba manatili na lamang ako kahit nararamdaman kong nasa hindi magandang sitwasyon ang taong yon?"



The betas gulped. Tila naipit naman sa sitwasyon sila Aruna. Hindi makaimik ang mga to.



"Aruna...." She warned her witch. Her eyes glowed, indicating that her anger is about to explode.


Napapikit naman ito at sa wakas ay bumigay..


"Alpha, nangako ako sa kanya".wika nito.


"So? Sino ba saamin ang alpha mo?" Tanong nya pabalik "You better speak up.  Or else, hindi na kita bibigyan ng karapatan sa botanical gardens ng pack.  Wawasakin ko rin ng working area mo. "


Tila namutla naman ito sa takot. Nasa working space ni  Aruna lahat ng mga research nya ng ilang taon. At sa buong bansa, iilan lang ang may collection ng mga rare plants na madalas gamitin ng mga witches.




"Nasa Melten Levanna sya" mabilis na wika ni Aruna "Iniuwi na sya doon........ Alpha mas mabuti kung wag mo na syang puntahan."



"Ako ang magdedesisyon nyan at hindi ikaw" malamig na turan nya "Marami kang kailangang ipaliwanag saakin. Pero saka na kita kakausapin."



Pagkasabi non ay umalis na sya at bumalik sa kanyang silid.



She promised that she will remember every single thing that happened on her memories. Pero nang magising sya tila ba may ilang naging malabo sa kanyang ala ala. Halata namang may ginawa si Aruna.


Pero malinaw sa kanya ang nararamdaman nya. She felt her anger towards Griff suddenly melt like an ice. Ito rin ng hinahanap hanap nya dahil  hindi  maganda ang kutob nya dito.




She is honestly confused, paano sila naging mates ni Griffin? There was no sign of them being mates for a long time. But when they were at her memories, she can still remember the tingling sensation on her skin when he touched her. She can still remember his addicting scent. Bakit ngayon lang?



Kaya ba nawala na ang galit nya dito? Dahil si Griffin naman talaga ang mate nya?


Mabigat syang napabuntong hininga. She can't understand the suddenly changes of her body and mind. Especially right now, she is craving for his touch. Gusto nyang marinig ang boses nito.



Marahas nyang sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Kahit anong gawin nya hindi na nya maalis si Griffin sa isipan. She can feel his sadness.




Biglang may kumatok sa kanyang pinto "Alpha, si Gimel to. Andito ang buong pamilya mo para bumisita sa nakakatandang Alpha."





She once again sigh. Nagpunta sya sa closet at kumuha ng ilang piraso ng damit.


Sleeveless top and trousers. Bahay naman nya ito kaya hindi mahalaga ang suot nya.


Dinala ng kanyang secretarya ang pamilya ng kanyang ama sa sala at doon naghintay. Nagulat sya nang makitang naroon din ang mga tito nya kasama ang mga pamilya nila.


She couldn't help but scoff. They really took their chance to come here. Hindi kase nya madalas pansinin ang mga to. Kahit para sa kanya ang pagdalaw nila dahil nag aalala sila, madalas binabale wala lang nya iyon. So her family doesn't really visit her that much.




"Anong ginagawa mo?" Tanong ng lolo nya nang makitang hindi pa sya bumababa ng hagdan.




Inginuso nya ang maraming tao sa sala "Pinapanood ang bisita mo. Ang dami nila."



"Amaris, they're also your family. Bakit mo ba ihinihiwalay ang sarili mo sa kanila?" Napailing ito "I heard from Magenta n hindi ka daw nila madalas bisitahin dahil hindi mo naman sila pinapansin."



Nagkibit balikat sya "Eh anong magagawa ko? Hindi ako lumaki kasama sila. Ang tanging taong naging pamilya ko lang ay si mommy. For me these people are..... strangers?"



"They are strangers, not until you give them chance to love you. Gusto rin namang magpakatatay sayo ng daddy mo pero napakataas ng pader na nailagay mo sa  pagitan nyo. Why can't you just let them become your family?"




"Sinubukan ko ok? Naglalaan din ako ng oras para sa kanila. Sinusubukan ko talagang kausapin silang lahat. But I just can't open up to all of them. " Depensa nya.




"Well, you tried. Yun naman ang importante. Maybe hindi pa talaga kayo  magiging close ngayon. But who know, things will become better in the future." Ngumiti ito  "Halika na, kanina pa sila nagtataka kung bakit hindi tayo bumababa. "




Tinatamad nyang sinundan ang lolo nya pababa ng hagdan.  Nang makababa sila, agad na bumati lahat ng myembro ng pamilya.


Her uncles and dad hug the older Maraja. Yumakap naman sa kanya ang mga kuya nya maliban kay Cent na nakahawak sa dalawang bata. Hindi nya ito yinakap pabalik tulad ng madalas nyang gawin. Her sister in laws hug her too. Malaki na ang tyan ng asawa ng kuya nya. Mabuti nalang at nasa magandang kalusugan pa ang bata kahit na nagkaroon ng gulo.



Nagulat nalang sya nang may dalawang pares ng maliliit na braso na yumakap sa kanyang mga binti. She look down and saw the two angels hugging her while grinning.


Napangiti naman sya at hinaplos ang mga buhok ng mga to. They finally changed Ani and Mimi's name. Ani became Zanara, and Mimi became Zareena. Ayaw ni Vanessa sa mga maiiksing pangalan ng mga to. As expected. Ipinaayos na rin nya ang papel ng mga to at naging official na myembro ng pamilya ang dalawang bata.




Nagkaroon na rin sila ng balita tungkol kay Jolene. Namatay ito sa kalagitnaan ng labanan. Hindi ito namatay dahil nakipag laban ito. Jolene died because she went back to the dr*g den to find some left over dr*gs. Saktong pinasabog ang lugar na yon at doon na ito namatay at naibaon.




"Ang saya saya nyo yata ngayon ah" wika nya sa mga to.




"Opo, kase po nakita ka po ulit namin" nakabungisngis na sagot ng dalawa.



Lumuhod sya upang pantayan abg nga to "Masaya kayo pag nakikita nyo ako?"



"Opo!" Sagot ni Zareena.



"Kung ganon.....gusto nyo bang dito nalang kayo?" She asked.



"Hoy! Hoy! Manahimik ka! Umayos ka nga." Vanessa pulled the two kids on her side "Ako ang ate nila kaya  saakin sila."



"Bakit? May pera ka na?" Tinaasan nya ito ng kilay.



Nameywang naman si Vanessa "Oo! Akala mo ikaw lang may cash. Malaki din binabayad saakin  sa trabaho no!"




"Yeah, so you can stop sending us their allowance. Kayang kaya namin sila" sang ayon ni Cent.



Pumalatak sya "Bakit ba punong puno kayo ng pride. Kailan lang ayaw nyong maputulan kayo ng allowance "



"Noon yon, pero ngayon sumasahod na kami." Vanessa snickered.



Napailing sya. "Mga bata lang pala ang magpapatino sa inyo."



The two shrugged. They can't really disagree. Vanessa is now a model, while Cent has his own business. Parehong napamahal ang mga to sa kanilang trabaho, lalo na at mas mahalaga na sa kanila ang bawat salapi na kinikita nila.





Nagdala ang mga kasambahay ng mga maiinom at makakain. Nagkakasihayan na ang lahat at nagmistulang family reunion na ang kanilang mga pagkikita. Pero habang ngakakatuwaan ang mga to nakaupo lang sya sa isang tabi at tahimik na pinapanood ang mga tao sa harap nya.



Maya maya ay linapitan sya ng kuya nya at naupo sa tabi nya.




"Ikaw ang kasalukuyang Alpha ng Terra Gaia, basically ikaw na rin ang family head. Pero anong ginagawa mo dito mag isa?" Wika ni Montrell.



Umiling sya "Para kay lolo naman ang pagtitipon na to kaya hindi na ako kailangang makisali. Isa pa, I don't feel good."




Kumunot noo ito "Bakit? May dinadamdam ka pa ba?"



Umiling nanaman sya "Hindi sa ganong paraan. Kuya, kailan ko lang nalaman. Griffin is my mate."



Akala nya magugulat ito, pero bumuntong hininga lang ito.



"Alam mo?" Gulat na sambit nya.



"Oo, alam na actually ng buong pamilya. When you were trapped because of the spell, sinabi ni Aruna na kailangang may pumasok sa ala ala mo. Actually nagprisinta si Theron na sya na ang gagawa. Mag aaway na nga yata sila ni Griffin. That's when Aruna told us that only Griff can enter your memories because he's your mate."



Saglit syang natahimik "So....ano na ang nangyari sa kanya? Bakit hindi sya nagpaparamdam hanggang ngayon? I tried calling his number. Bakit parang bigla nalang syang naglaho?"





Nag aalalang tumingin ang kapatid nya sa kanya "Gusto ko mang sabihin sayo hindi ko magawa. I have no idea what happened. Itinago nila Aruna ang nangyari. Ang tanging alam ko lang ay walang malay si Griffin nang umalis sila ng Terra Gaia."




Yung hindi magandang pakiramdam nya ay nadagdagan ng pag aalala.




"Walang malay?" Wika nya. Imposible namang iuwi nila si Griffin sa kanilang pack ng hindi pa nakakabawi ng lakas.




Could it be that the situation is worse than she thinks? She needs to see him.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 51.2K 53
[COMPLETED | UNDER FIRST EDITING] Alphas of Lair 1 Assassin is next to her name. She's merciless, the strongest of their clan, and the most powerful...
63.7K 2.8K 59
Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left empty with no one to rely on. Like an in...
955K 25.9K 42
Surrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twi...
196K 5.5K 60
SYNOPSIS: Eros De Guzman was born to find her queen. The new luna of their clan. The clan of Lotharion Canids. He was not persistent at first for he...