Owning Her Innocence (R-18)

By RaceDarwin

64.1M 1.2M 125K

Callante Fontanilla was hot. Dayum hot. But for some reason, galit si Kira sa lalaki na forever kapitbahay na... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four (Part 1)
Chapter Forty Four (Part 2)
Chapter Forty Four (Part 3)
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two (Part 1)
Chapter Sixty Two (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 1)
Chapter Sixty Three (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 3)
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue

Chapter Forty Five

639K 12.1K 629
By RaceDarwin


 DALAWANG araw na mula ng bumalik sila ni Callan sa Laiya, Batangas. Baon-baon pa rin niya ang magagandang alaala nila sa pagbabakasyon sa rest house nito. Tuwing naalala ni Kira ang mga ginawa nila sa lugar na 'yon, hindi niya maiwasan ang mapangiti.

 Tulad ng ipinangako ni Callan sa kanya, pina-print nga nito ang lahat ng pictures nila na kinuha nito gamit ang cellphone nito. Gumawa pa sila ng photo album kagabi at gumawa pa sila ng photo collage.

 Tawa sila ng tawa habang ginagawa iyon. Hindi niya maiwasan maikumpara ang relasyon nila sa mga teenagers na nagkakaroon ng kasintahan. Sino pa ba'ng matured couples ang gumawa ng photo collage ngayon? Sila na lang yata.

 Mahigit two-hundred pictures din 'yong pina-print ni Callan. Madami na talaga 'yon kumpara sa iba.

 "Kira," tawag sa kanya ni Themarie pagkapasok niya sa Shakira's. Tanghali na siya nakaalis sa bahay niya.

 Kinailangan pa kasi niya na tapusin ang paglalaba at paglilinis ng bahay. Mula ng bumalik sila ni Callan sa Manila, hindi pa siya nakakapaglinis. Dapat nga ay hindi na siya ang maglalaba at maglilinis kanina.

 Nagbilin sa kanya ang nobyo na kumuha na lang ng maid para hindi na siya mahirapan pa at ang baby nila. Tinawanan na lang niya ito at ipinilit na hindi na kailangan pa ang humanap ng maid.

 She's just a pregnant woman, not an invalid person.

 "Ano 'yon?" nakangiting tanong niya. Lumapit sa kanya ang kaibigan at manager ng Shakira's. May napansin si Kira dito. Parang tumaba si Themarie.

Isang linggo lang naman siyang nawala, anong pinagkakakain nito?

 May nanunuksong ngiti sa labi nito. "Ikaw, ha? Ang sweet-sweet n'yo pala ni Callan sa Batangas. Ikaw na talaga, girl."

 Napakunot-noo si Kira. "Ano ba'ng pinagsasabi mo?"

 "Sus. Magdedeny ka pa. Tingnan mo, o." Ipinakita nito sa kanya ang isang litrato sa cellphone nito. Halos lumuwa ang mata ni Kira sa nakita.

 "What the hell?" Inagaw niya kay Themarie ang cellphone at pinakatitigan ang larawan. Siya lang ang tanging nasa picture. Binasa niya ang caption: My sleeping beauty.

 "See? Hindi mo nasabi sa akin nagsasama na pala kayo." panunukso pa ni Themarie. Nag-init ang pisngi ni Kira. Inirapan niya ang kaibigan para pagtakpan ang pagkapahiya. Walanghiyang Callante 'yon! Kuhanan ba siya ng picture habang natutulog?

 "Anong website 'to?"

"Instagram. Duh? Hindi ka ba nakakagamit pa ng IG?"

Napakunot-noo siya. She was totally clueless. "Sorry ka. Friendster at Facebook lang ang alam ko. Paano ba ito matatanggal?" Hinanap niya ang delete button.

Napahalakhak si Themarie at inagaw ang cellphone nito sa kanya. "Gagi! Syempre, si Callan lang ang makakatanggal niyan. Bakit ba? Gusto mong tanggalin niya?"

 "Oo! Luko-luko 'yon! Sabi ko sa kanya, ipa-print na lang niya ang mga pictures namin at huwag na lang niya ilagay sa Facebook."

 "O, di ba sinunod ka naman niya? Hindi niya inupload sa Facebook. Sa Instagram nga lang." sinundan nito ng hagikhik ang sinabi niya.

Napasimangot siya. "Naisahan ako ng mokong na 'yon, ah."

"Hindi ka lang niya naisahan dahil hindi lang isang picture mo ang nakalagay sa IG. Ang dami mo kayang picture dito!"

Nanlaki ang mata niya.

"Eh?!" Nang tingnan niya ang ibang picture na inupload nito, hindi niya mapigilan ang mapanganga. Dinaig pa ni Kira ang may-ari ng IG account ni Callan. Puro picture niya ang nandoon. Hindi lang basta picture, kundi stolen pictures! Ibig sabihin, tuwing hindi siya nakatingin kinukuhanan siya nito ng mga litrato sa cellphone nito?


Naningkit ang mata ni Kira. "Lagot sa akin mamaya ang lalaking 'yon!"

Tumawa si Themarie. "Bakit naman? Ang sweet kaya ni Callan! Ilan lang ang lalaking gumagawa n'yan 'no. Puro stolen pictures mo ang nakalagay dito. That only means one thing. Nasa iyo lang lagi ang atensyon niya. At kapag ang atensyon ng isang lalaki ay nasa iyo lang, ikaw lang talaga 'yong babaeng mahal niya at gusto niyang makasama."

Umangat ang isang sulok ng labi niya. "Ano'ng nakain mo, Thems? Hugot, eh."

"Sisihin mo 'yang si Cadyuth!"

"Oh my G. Anong ginawa sa 'yo ni Cadyuth? May nangyari na ba sa inyo dito sa resturant ko habang wala ako?"

"Ang greenminded naman nito! Hindi 'no. Beki 'yon. Hotdog ang gusto nun at hindi hamonado."

"Eh, ano nga ang ginawa sa 'yo?"

"Aba't hinawahan lang naman niya ako sa mga hugot lines niya." Umismid ito, pagkatapos ay ngumiti sa kanya. "So, ano na nga ang real score sa inyo ni Callan? Alam kong in a relationship na kayo ni Mamang pulis at hindi mo na naman maidedeny sa akin na hindi n'yo pa nagagawa 'yong mag-ano. You know... S*x."

Nag-init ang pisngi niya. "Thems!"

Nakakalokong ngumisi ang kaibigan. "You know, girl. With the look in your face, madaling mahulaan na active ang s*x life mo. Sabi nga sa akin ng isang kakilala ko, kapag nangingislap daw ang mata ng isang babae at blooming na blooming siya, ibig sabihin daw nun, active ang s ex life niya."

"Ganoon ba 'yon?"

"Sabi nila. Pero naniniwala naman ako doon. So, tell me, may balak na din ba kayong magpakasal ni Callan?"

Napabuntong-hininga si Kira. "As of now, hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa marriage. Hindi ko pa nga nasasabi sa parents ko ang relasyon namin ni Callan."

"Bakit hindi pa? Dapat sabihin muna."

"Ewan ko nga rin. Pakiramdam ko 'pag sinabi ko, may ibang mangyayari. Basta, hindi ko maipaliwanag. Kaya kumukuha pa ako ng tamang sandali para sabihin ko sa kanila. Hindi ko pa rin sila nakakausap mula ng magbakasyon ako sa Batangas. Hindi nga rin nila alam ang tungkol doon. Syempre, baka magtampo sila. Hindi nga ako nakauwi sa Palawan nang dumaan ang semana santa dahil sa pagiging abala sa trabaho."

"That's your parents, Kira. Maiintindihan naman nila. Malaki ka na kaya kung ano 'yong desisyon mo, 'yon ang sundin mo."

 Tumango siya. Balak niyang tumawag mamayang gabi sa kanyang mga magulang. Nakadama siya ng hindi maipaliwanag na pagsugod ng kaba sa dibdib.

 Bakit ba siya nakakaramdam ng ganoon? Wala naman masama kung malaman ng mga ito na may nobyo na naman siya, di ba? Maiintindihan siya ng kanyang mga magulang.

Tatanggapin ng mga ito si Callante at magiging masaya para sa kanila. Iyon ang inaasahan niya na mangyayari.

Continue Reading

You'll Also Like

687K 25.3K 8
A collaboration of CC, Race Darwin, Makiwander
623K 22.5K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
8.8K 207 13
"Why do you think moving on is so hard?" "Because it is hard to accept that you're not just going to let go of the past, but also the future you w...