Rise of the Hidden Blood

By -Wuxie

63.9K 2.8K 350

Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left e... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
-----
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
chapter 55
Epilogue
Omega's Playtime

Chapter 46

889 47 9
By -Wuxie

"KUNG ganon ano na ang gagawin?" Desisdidong tanong nya "Do we need to do something? O baka may kailangan kayo para makawala sya sa bangungot nya. Kahit ano sabihin nyo lang. Kailangan na natin syang gisingin ngayon. "

"Tama si Griffin" wika ni Magenta "Ano na ang gagawin Aruna?"

"Kailangang may pumasok sa ala ala nya. We need to make her realize that she's only facing her past. We need to get her out of her deep memory. Pero hindi madaling bagay yon " Sagot ni Aruna.

"I'll do it " sabay na wika nila ni Theron.

Agad silang nagpalitan ng masamang tingin.

"We appreciate your help Griffin, but this is a family matter. " Malamig na turan ni Theron "Besides, hindi gugustuhin ni Amaris na makita ka. So I'll do it."

Parang pasabog ang sinabi nito, hindi nya mapigilan ang masaktan. But he doesn't have any plan to back off.

Tumingin si Theron kay Aruna "Ako na ang papasok sa ala ala ni Amaris."

"Hindi pwede" malamig na wika ni Aruna na ikinagulat nila.

"Anong hindi pwede?" Tanong ng lolo ni Theron "Anong ibig mong sabihin?"

"Ang pwede lang pumasok sa ala ala ni Amaris ay ang taong may malalim na kuneksyon sa pagkatao nya. Someone who's connected to her soul." Sagot ni Aruna.

Lahat sila ay naguluhan. Hindi nila alam ang ibig sabihin ng sinabi nito.

"What she meant was...."tumingin si Alpha Thellion sa apo "....this kid's mate."

"Mate!" Ulit ng ilan na nasa silid na yon.

"Imposible yan. Hindi pa nga nakikilala ni Amaris ang mate nya. Paano pa kaya tayo? Paano natin hahanapin ang mate ni Amaris? Sa panahon ngayon halos hindi na makilala ng ibang lobo ang mga mate nila. " Napailing si Theron.

"Actually, nakilala na ni Amaris ang mate nya. Nagkakilala na sila pero hindi nila alam ang tungkol sa kuneksyon nilang ito" wika ni Aruna na ikinagulat nila.

Parang piniga ang puso nya sa nalaman. Parang bombang sumabog ang impormasyon na biglang ibinagsak ni Aruna sa kanila. For a minute there, his body couldn't function.

May mate si Amaris? She's going to be with another man? No! No! Hindi pwede!

Griffin's possessiveness is starting to take over. Hindi sya papayag na mapunta sa iba si Amaris! He will kill that guy! No one can claim Amaris!

"Griffin...."

Para syang natauhan nang marinig ang pangalan nya na tinawag. Napatingin sya kay Aruna.

"Ikaw ang gagawa non. Get Amaris out of her nightmare" wika ni Aruna na hindi agad nya mairposeso sa kanyang isipan.

He was silent for a second, unti unting nanlaki ang mga mata nya nang sa wakas ay naintindihan ang sinabi nito.

"A-Ako?" Mahinang sambit nya "P-Pero diba.....sabi mo..."

Ngumisi si Alpha Thellion "It means your her mate son!"

Hindi nya namalayan na nag uunahan na palang pumatak ang luha nya. Hindi nya mapunto ang nararamdaman. Was it excitement? Happiness? Maybe he's overwhelmed.

He can't really say it. Parang sasabog  ang puso nya sa sobrang saya. The incredible feeling was so much that it's leaking out from his body. Hindi nya alam nanginginig na pala ang kamay nya. Kung hindi pa hinawakan ng nanay nya ang kamay nya hindi pa sya kakalma.

Some people in that room has this small genuine smile on their faces. Pero ayaw nyang umasa na totoo yon. It's too good to be true.

"Papaano ...pa-"hindi nya magawang magsalita. Natatakot sya na baka bawiin nila ang sinabi nila.

"Paano ko nalaman?" Malungkot na ngumiti si Aruna "May mga nakikita ang mga mata ko na hindi nakikita ng ibang tao. Do you know? The red thread of fate actually exist and I can see it. The thread on my Alpha's hand, and the thread tied in your hand is connected. "

Muli nyang tinignan ang kamay. Gusto byabg sumigaw at magpasalamat sa dyosa ng buwan dahil sa  ginawa nito. For making Amaris his mate.

Mabilis nyang pinunasan ang luha dahil halos wala ng tigil ang pagpatak non. May mga gusto pa syang itanong pero mas kailangan nilang unahin si Amaris.

"Ok......ok...." Humugot sya ng malalim na hininga  at tumango "Anong kailangan kong gawin? Paano ko mapapasok ang ala ala nya?"

"Hindi basta basta mangyayari yon. Kailangan natin ng gabay. " Mabigat na bumuntong hininga si Aruna. "Unfortunately I don't have it."

"Ano ang gabay?" Kunot noong tanong ni Kaeden..

"Ang gabay ay isang klase ng kakaibang apoy. Hindi yon basta basta mamamatay. At iyon ang susi na bubukas sa ala ala ng isang tao at gagabay sa kung sino man ang papasok doon. Kung wala ang gabay, hindi natin mapapasok ang ala ala ng alpha" paliwanag nito "Wala ang gabay saakin pero......may alam ako na nagmamay ari ng gabay na apoy"

"Eh di puntahan na natin! Saan ba? Let's get that fckng fire. Lead the way Aruna" Tumayo ang mga beta.

Umiling si Aruna "Hindi ako pwedeng sumama. Baka hindi ako makaalis doon ng buhay pag sumama ako."

"Bakit?" Tanong ni Theron.

Lahat sila ay nagulat sa sinabi ni Aruna. Aruna is strong, stronger than most of the Alphas. She mastered different kinds of magics. Kaya paano ito matatalo?

"Ang may ari ng gabay ay isang katulad ko rin. No, actually that witch is stronger than me. Her name is Espera. Mas matanda  sya saakin. Dahil sa hindi magandang nakaraan nya, ayaw nyang may pumupunta na ibang witch sa teritoryo nya" umiling si Aruna "Instead of getting the fire, baka mapalaban pa ako pag sumama ako. And a fight between a  two grand witches is not a good thing. May pagkabaliw pamandin ang babaeng yon."

" Then I'll go" wika nya "Sabihin mo kung saan."

"Sasama ako" prisinta ni Theron.

"I'll accompany these kids" wika naman ni Alpha Thellion na hindi sinang ayunan ni Theron.

"I'm sorry Alpha, pero mas mabuti siguro kung dito ka muna at ikaw ang tumayong alpha habang wala pang malay si Amaris. I can't tell you the whole detail but Amaris can't really thrust her family. Complicated po ang relasyon ng pamilya nila, maybe Magenta will tell you about the other details. Pero alam ko may dahilan kung bakit tinangka kang gisingin ni Amaris"

The big man frowned "Are you sure?"


"Kaya na po namin" wika nya dito.


"Kung ganon, sasama na rin ako" prisinta ni Kaeden "Tatlo ang beta ng pack na to, at sa tingin ko sapat na ang dalawang maiiwan para asikasuhin ang mga nasira dito. Isa pa nandito na rin naman si Magenta. "

"Hindi ako makakasama dahil sa dami ng responsibilidad ko, but I can lend a hand. Marami akong tao na maaaring sumama sa inyo" wika ni Alpha Aslan.


"Malaking bagay na po yon para saamin" wika nya "Ngayon palang nagpapasalamat na ako.".


"Hindi na kailangan alpha Griffin. Ginagawa ko ito dahil malaki ang pasasalamat ko kay Alpha Amaris. She's such a strong kid, malawak ang pang unawa nya sa mga tao. Salamat sa maayos na pamamahala nya sa rouge city, nagkaroon ng positibong pananaw ang mga Rogue. These packless wolves found their real value, and stopped creating problems. Thanks to that, hindi na ganon kalaki ang problema sa mga Rogue. Malaking bagay yon kung tutuusin. Ang pagbigay ko ng tulong na to ay maliit lang na bagay kumpara sa mga ginawa ni Alpha Amaris." Wika nito.

"On the other hand, I can ask my son to help you" wika naman ni Alpha Romano.

Nagulat ang ilang beta sa sinabi ng alpha. Maski sya ay medyo nagulat din. Ang alam nya, kakapasa lang nito ang posisyon nito sa anak nito kaya bakit naman ipapadala ni Alpha Romano ang anak sa isang medyo delikadong misyon?

Hindi lang yon, kilala ang anak nito sa pagiging halimaw sa labanan. Alpha  Arkin Vestia is known as a tyrant leader. Bago ito naging alpha naging parte muna ito ng hunters organization ng ilang taon. It is also rumored that Arkin became a part of the assasin group of the org.

Minsan lang nya ito nakaharap at hindi nya yon makakalimutan. That guy radiates a murderous aura. Pagtitignan mo ang mga mata nito mangingilabot ka kase parang ikaw ang magiging target nya.

Arkin is also known for his incredible charismatic look and body, yet no lady tried to seduce him. Masyadong takot ang mga babae sa presensya ni Arkin.

"I know marami ng experience ang anak ko kaya alam ko na malaki ang maitutulong nya" dagdag ni Alpha Romano.



Sa isang tabi, kumunot ang noo ni Alpha Thellion habang nakatingin sa babaeng hindi pamilyar sa kanya ngunit ayon sa mga tao sa paligid nya ay apo daw nya ito. He can definitely feel the strong power sleeping on her body.









HINDI na nagsayang ang grupo nila ng panahon. Kailangan nilang gisingin si Amaris as soon as possible. He can't allow Amaris to experience her terrible past over and over.

Ibinigay sa kanila ni Aruna ang lugar kung saan nila makikita si Espera. May binigay din itong kakaibang klase ng kandila na sisindihan nila gamit ang apoy na kukunin nila.

Nagtipon tipon silang lahat sa pack ni Amaris. Maaga palang nakarating na si Alpha Arkin. At sa pagdating nito, parang kasama nito si kamatayan. Tila lumamig ang paligid. He had to dismiss the other people in the room because he saw that they couldn't stand Arkin's aura.


Kahit ang ilang beta doon ay hindi mapakali. Tanging si Kaeden at ang beta ni Theron lang ang tila kayang tumagal doon. Surprisingly, Amaris's secretary is not even bothered. Siguro immune na ito sa nakakatakot na aura dahil lagi nitong kasama si Amaris.



"Alpha Arkin" bati nya dito


Alpha Arkin didn't say anything but he nod to acknowledge his greeting.



"P*tang ina. Alpha din naman ako pero bakit parang hindi ako makasabay sa inyo" mahinang wika ni Kon.

Mahinang tumawa so Asher at binatukan nag kaibigan.

"Oh sh*t" dagdag na sambit pa ni Kon nang mapansin ang nakakakilabot na aura sa pagitan nila Arkin at Theron.


Those two are giving them the same scary feels. Parehong seryosong mga tao, tapos magkaharap pa. Pakiramdam ni Kon pag bumuka ang bobig ng isa sa mga to may mamamatay.

"Kon, dun ka sa gitna " utos ni Zen dito.



"Tang *na mo. Ayaw ko pang mamatay" mura ni Kon dito na tinawanan lang ni Zen.



"Griffin, seryoso ka ba talaga? Ayaw mo talaga akong sumama?" Tanong ni Sage sa kanya.


Oo at nandon sila Sage at ang iba pa pero hindi sila sasama. That battle had left a great damage to each pack. Maraming trabaho ang kailangang tapusin ng bawat isa.


"Kaya na namin to. Tignan mo naman oh kung sino ang mga kasama ko" wika nya.



Napatingin si Sage sa dalawang alpha na tahimik lang na naka upo.



"Yeah...."

Biglang bumukas nanaman ang pinto at pumasok sina Aruna at Arya. Napansin agad nila ang hindi magandang timpla ng dalawa.



"Ok! Listen up!" Tawag ni Aruna sa atensyon ng lahat "As of the moment, the situation became sh*tty again. Yung tangang Alpha king nyo may balak na hayaang mabuhay si Ruthee. Ang sabi nya, pwede daw gamitin si Ruthee pag magkaroon ng malakihang labanan. But obviously, that stupid motherfckr wants that btch to himself. Para may magamit sya laban sa inyo. Kase nga alam nating lahat na mahina ang hayop na yon."



Lahat sila ay napamura sa nalaman. Akala nya pinatay na ni Aruna si Ruthee.


"Wag kayong mag alala. Alam naman natin na nagtatago lang ang royal family sa likod ng mga Arno. Kahit si Alpha Aslan ay hindi natuwa sa sinabi ng Alpha king. Sang ayon na rin ang mga elder witches na patayin na si Ruthee. Sinasabi ko na ito sa inyo dahil alam kong pwedeng maging distraction ito sa inyo pag narinig nyo ito sa daan. I want you all to finish this mission without any problem. Dahil hindi magiging madali ang pagpasok nyo sa gubat. " Dagdag na saad ni Ruthee.



May inilabas itong kwintas at isa isang ibinigay sa kanila.


"Pagpasok nyo sa teritoryo ni Espera marami kayong makakasagupa. Mahigpit ang bantay doon, at maraming nakatanim na patibong. Yang kwintas na binigay ko sa inyo ay makakatulong para hindi kayo maaapektuhan ng hallucinations sa gubat na yon. Tandaan nyo, wag na wag kayong kakain ng kahit na ano mula doon. Dahil kahit ang pinakanormal na halaman, pati na ang damo ay punong puno ng lason. Don't even attempt to hunt animals. Kase baka akala nyo kumakain kayo ng hayop, yun pala bangkay ng tao. "


Bawat bilin ni  Aruna ay pinakikinggan nila. They're going to enter a witch mountain, alam nilang lahat ay posibleng mangyari.




"Pag nakarating na rin kayo sa  bahay ni Espera, maaari nya kayong alukan ng masasarap na pagkain. Pero wag na wag kayong tatanggap ng kahit anong galing sa kanya. Sinasabi ko na ngayon. Espera is very beautiful, napaka inosente ng ganda na taglay nya pero kabaliktaran non ang ugali nya. She can kill a person while smiling innocently. Wag kayong mahuhulog sa ganda nya. When you see her, try to negotiate with her. And leave her territory as soon as possible.  Wag kayong magpapadistract. Kung sino ang kasama nyong pumasok, sila lang din dapat ang kasama nyong lumabas"



Kumunot ang noo ni Kon "Bakit Aruna? Sino naman ang pwede nilang maimasang lumabas?"



"Ligaw na kaluluwa" sagot ni Aruna na ikinaputla ni Kon.


"Kakaiba kase si Espera. Nakaka-attract sya ng mga ligaw na kaluluwa dahil sa klase ng mahika na ginagamit nya. She's a witch who can torture someone even after death." Dagadag ni Arya. "Nga pala, pag nagkagipitan na, wasakin nyo yung bato dyan sa kwintas nyo. Hindi kami pwedeng pumasok sa teritoryo ni Espera pero hindi rin naman namin kayo pwedeng pabayaan. Those stones could summon Aruna. She can take you out from that place. "

"Kung nakahanda na ang lahat, magbubukas na ako ng lagusan papunta sa labas ng teritoyo ni Espera, mula doon sundan nyo yung binigay ko na direksyon" wika ni Aruna.


They all nod and check everything before finally leaving.


"Griffin!" Tawag ni Kon sa kanya.


Nang lingunin nya ito,  seryoso itong nakatingin sa kanya.


"Get that fire no matter what" seryosong saad nito.


"I will" sagot nya bago tuluyang umalis.



Isinama nya ang Aire dahil  kaya ng mga to na makipagsabayan sa mga Alpha.




Sa paanan sila ng bundok iniluwal ng lagusan. Unang ginawa nila ay pagmasdan ang isang tila tahimik at normal lang na bundok na yon. Halos hindi sila makapaniwala na isa iyong teritoryo. Napakasarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin, maliban doon ang gaganda ng mga puno.


"Let's go.." wika ni Theron.


"Alpha?" Tawag ng pinuno ng Aire sa kanya "Kailangan ba naming humiwalay?"

Tinutukoy nito ay ang laging ginagawa ng mga to na dumistansya sa kanila at bantayan sila mula sa malayo.


Ngunit sa pagkakataong to, hindi pwede yon. Baka mapahamak lang ang mga tauhan nya.


"Magkakasama tayong papasok" sagot nya.

As soon as they all stepped inside the forest, a wave of dark energy welcomed them. As if something dangerous is stopping them from going in.

Nagkatinginan silang mga Alpha at tumango saka nagpatuloy.


Ang unang ilang minuto ng kanilang paglalakad ay naging payapa. Hinihintay nilang may mangyari ngunit parang normal lang naman ang lahat. But his instinct is telling him that something is about to happen. And as an alpha, it's important to follow their instinct.


Bawat isa ay mahigpit na nag oobserba sa paligid. Kahit  ang pagbabago ng direksyon ng hangin at ang pinakamaliit na tunog ay hindi nakakalagpas sa kanila. They moved in a high level of observation.

Nang nasa kalagitnaan na sila ng gubat, napatigil silang lahat sa paglalakad nang may makitang paparating.


Isang duguang bata na tila pinahirapan. Her clothes are thorn and she's crying, begging them for help.


"Parang awa nyo na, tulungan nyo ako!" Paki usap nito "Tulungan nyo ako! Papatayin nila ako."


None of them move. Tinignan lang nila ito.


Lumapit pa ito sa kanila hanggang sa matisod ito. Hirap itong tumayo, nakita pa nya ang pagdugo ng tuhod nito. Sobrang nakakaawa ang bata. Parang ang dami nitong pinagdaanan.


"Tulong...."pagmamakaawa nito sa nanginginig na boses. Tumakbo nanaman ito papunta sa kanila at lumapit kay Arkin. "Tulong po kuya..."

Itinaas ni Arkin ang isang kamay nito. Pero hindi para tulungan ang bata kundi para ibaon iyon sa dibdib nito.


Kumalat agad ang dugo at nanlaki ang mga mata ng bata.

Nagulat ang mga assasin nya dahil sa ginawa ni Arkin. Pero hindi yon nagtagal dahil biglang nagbago ang itsura ng bata. Umitim ang balat nito at tila naging halimaw ang itsura.


Binawi ni Arkin ang duguang kamay nito at sinipa ang halimaw palayo sa kanila.


As expected from this cold blooded guy. Hindi manlang ito nakaramdam ng awa sa bata. But honestly, napansin naman nilang mga alpha na may kakaiba sa bata.



Pero yung sinipa ni Arkin biglang tumayo ulit. Doon na sila naalarma. Maya't maya pa ay may mga nagpakita na katulad nito. Parang mga puppet na halimaw. Sa sobrang dami ng mga to agad silang napalibutan.


That's when they all decided to separate and fight.



Noong una hindi nila alam kung paano papatumbahin ang mga to dahil tila hindi sila mamatay matay. Hanggang sa nakita nila si Arkin at Thellion na   tinatanggal ang ulo ng mga to.

Hindi nya masasabing madali ang laban dahil natagalan din sila. Para silang dinagsa bigla.

Nang sa wakas ay naubos na rin ang mga to, isa isa nyang siniguro na maayos lahat ng mga kasama.


And when they moved forward, they are welcomed with something again. Habang pataas sila ng pataas ng bundok, lalo silang pinapahirapan sa laban.


They even had to fight against nature. Sobrang kakaiba ng bundok na yon. May pagkakataon pa na may tila karayom na lumipad papunta sa kanila. Mabuti nalang at naka ilag sila. Nang tignan nya ang mga karayom, doon nya napansin na nababalot iyon ng likido na may hallucinogens. Kung natamaan sana sila kahit isa lang, it could've been over.

Finally, after hours of struggle, naabot na rin nila ang tuktok kung nasaan ang bahay ni Espera. They took a moment to breath.


Simple lang ang bahay na gawa sa kahoy. Mahahalata na ang taong nakatira doon ay gusto lang mabuhay ng mapayapa.


Mabilis silang napatingin sa pinto nang biglang bumukas iyon. Isang maganda at mahinhin na babae ang lumabas.


"Sino kayo? Anong ginagawa nyo dito?" Tila ba natatakot na tanong nito.


"Nandito kami para sayo Espera. May kailangan kami mula sayo" deretsong saad nya.

Mabilis itong umiling"H-Hindi ako si Espera. Pero ...kung gusto nyo..tuloy muna kayo."


Nagkatinginan silang lahat bago pumasok sa bahay nito. Nagulat sila sa nakita dahil tila ba lumaki ang bahay nang pumasok sila.


"Maupo muna kayo" matamis itong ngumiti "Kukuha lang ako ng maiinom."


"Hindi na" mabilis na tanggi ni Arkin.


They're actually very tempted right now. They're hungry and thirsty, but they can't forget about the fact that this is a witch's house.


"Bakit naman? Alam kong mahirap ang pumunta dito kaya kahit tubig lang ang mai aalok ko sana tanggapin nyo" pilit nito saka sila binigyan ng tubig.


But none of them drank it. Tila hinihintay naman nitong uminom sila.


"S-Sige na....inom na..."wika pa nito.


Inilapag nya ang baso sa mesa "Mamaya na. Gusto muna kitang kausapin Espera."


The girl cutely giggle "Hindi nga ako si Espera..."


"Wag ka ng magpanggap. Sinabi na saamin ni Aruna ang tungkol sayo" wika ni Theron na hindi nagustuhan ng babae.

Unti unting nawala ang ngiti ni Espera at tuluyang napalitan ang aura nito.



Napairap ito "Yung babaeng yon? Bwisit sya! Kung gusto nya ng magulong buhay wag nya akong idamay!" Masama itong tumingin sa kanila "Anong kailangan nyo?"


"Ang gabay, sana bigyan mo kami ng gabay na apoy" saad nya.


"Hindi" agad na wika nito"Umalis na kayo."

"Please!" He beg "Kailangan kong iligtas yung mate ko. At walang ibang paraan kundi ang pasukin ang mga ala ala nya. "



"At wala akong pake alam. Kahit mamatay pa kayong lahat. Wag nyo nga akong iniistorbo" malamig na saad nito.


"Espera, nakikiusap kami" wika ni Thellion "Kailangan namin ang tulong-"


"Ang sabi ko layas!" Sigaw ni Espera at nanlaki ang mga mata nila nang lumindol sa loob ng bahay dahil sa galit nito "Layas! Wala akong intensyon na tumulong! Kung ayaw nyong patayin ko kayo lumayas kayo!"



Natahimik silang lahat, iniisip kung paano ba ito kukumbinsihin. Ang totoo nyan, matagal nya itong pinag iisipan. Dahil pati si Aruna, wala daw alam kung paano makumbinsi si Espera.

"Umalis na kayo" malamig na saad nito bago tumalikod.


"Kahit ano..." Wika nya na nagpatigil dito "Kahit ano Espera gagawin ko. "

Kumuyom ang palad nya. He really mean it. He'll do anything for Amaris. He can even die for her.


Lumingon si Espera na tila naging interesado sa sinabi nya "Kahit ano?"


"Griffin" Theron warned him.


Pero buo na ang desisyon nya.


"Kahit ano." He confirmed "Kunin mo ang buhay ko, pahirapan mo ako, alilain mo ako......wala akong pake alam. Kahit anong kapalit ibibigay ko, basta ibigay mo lang ang apoy na kailangan namin. "


His eyes glistened from tears. Pero mabilis nyang pinigilan ang luha nya.


"Alpha Griffin!" Si Arkin naman ang nagsalita "Be careful with your words. "



"Ok lang...."malungkot syang ngumiti "Kaya kong magsakripisyo para sa kanya. I don't care anymore."


Isang kakaibang ngiti ang gumuhit sa labi ni Espera "Aww......sana lahat ng lalake kagaya mo." Lumapad ang ngiti nito "Sige, payag ako. Bibigyan ko kayo ng gabay. Kapalit ng kalahati ng kauluwa mo."

"No" agad na tanggi ni Theron saka tumingin sa kanya "Don't you fckng agree..."


"I have to" saad nya.

"But she'll take half of your soul!" Galit na wika nito "Hindi mo ba alam kung ano ang ibig sabihin nito?! She can torture you even after your physical body dies!"


"Tama si Theron " sang ayon ni Arkin "You can't give her your soul "


"I know, but there's no option" wika nya na ikinatahimik ng mga to.


For the first time, nakitaan nya ng emosyon si Theron para sa ibang tao. Nag aalala itong tumingin sa kanya.


"Pero hindi mo na makakasama si Amaris" mahinang wika nito "What's the point of doing all these?"

"The point is, I want Amaris to be happy. " He smiled at Theron "Wag kang mag alala para saakin. Kinikilabutan ako sayo. Masyado ng maraming nagawa si Amaris para sa ibang tao. I need to do something for her para naman sumaya sya"

Mariin itong napapikit at tumalikod "Fck!"


They're all Alpha but they're helpless.

Tumingin sya kay Espera "Payag ako...."


Nakita nya ang tuwa nito sa pagpayag nya. Maya maya ay pumikit ito at may ibinulong. Inilapat nito ang palad sa kanyang dibdib.


Napasigaw sya ng malakas nang bigpa syang makaramdam ng sakit sa kaibuturan ng kanyang katawan. He can feel the pain from his head to toe. Agad syang napaluhod dahil hindi nya makayanan ang sakit. As if his soul is being torn apart.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!""


Stop! He can't take it! It's too painful! His whole body is shaking in pain. At sa halip na normal na  luha, napaluha sya ng dugo.

Muli nyang naalala kung para kanino nya ginagawa ito. At mas pinatibay nya ang loob. He can do this. He can endure anything for Amaris.


Hindi makayanan ng mga kasama nya ang nakikita. Tumalikod ang mga to habang nakakuyom. Baka kase bigla nilang pigilan si Espera pag hindi nila makayanan.


Parang naninikip ang kanyang dibdib. His heard, his heart, his body, it's all throbbing in pain. Napaluwa na sya ng dugo. Walang tigil sa pagsigaw.


Matapos ang ilang sandali tumigil na rin ito. Hinang hina sya  at halos manlabo ang kanyang paningin.



"Ang apoy, amin na" demanda ni Theron.

Malapad  ang ngiti ni  Espera. Ibinuka nito ang palad at umalab iyon.


Kinuha nito ang kandila na ibinigay ni Aruna sa kanila at sinindihan iyon..


"Hawak ko na ang kalahati ng kauluwa nya pero hindi ko pa tuluyang kinuha. Kailangan pa nyang iligtas ang mate nya hindi ba? Sa oras na nailigtas na nya ang babaeng mahal nya saka ko na tuluyang sisingilin ang bayad nyo" wika ni Espera.


Tinulungan syang tumayo ng mga kasama nya. He can't even carry his own body.


But it's ok, this is nothing. Matitiis nya ang lahat ng klase ng sakit para sa babaeng mahal nya. Hindi lang ganito ang  pipigil sa kanyang magmahal kay Amaris. Amaris deserve the best, she deserves all the happiness in this world. At para maging masaya ito, isasakripisyo nya ang lahat. Kahit na alam nyang darating ang panahon na sasaya ito sa ibang lalake.


Masaya na syang isipin na may nai-ambag sya sa kaligayahan nito.

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 438 58
Helliza was living in an isolated place, away from the outside world. But she could never say 'no' to her Grandfather. Labing dalawang taong gulang s...
48K 1.8K 25
Kilala bilang isang taong lobo na may dugong Alpha, ang katotohanan sa likod ng katauhan ni Priscilla ay isa siyang dakip mula sa kalabang pack. Sa k...
FADED ✔ By AyEmMaylin

General Fiction

3.1K 153 38
Ford Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the e...
196K 5.5K 60
SYNOPSIS: Eros De Guzman was born to find her queen. The new luna of their clan. The clan of Lotharion Canids. He was not persistent at first for he...