Masked, Unmasked

By alconbleu

30.9K 1.1K 450

Behind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise. More

1: Start
2: So Near Yet...
3: In a Very Distant Past
4: First Heartache
5: Moving Forward
6: Uncovering
7: Sad Endings + Surprising Beginning
8: Barrowed Time
9: Painful Truth
10: Two Can Play this Game
11: Present Time
12: Mood
13: The Song
14: First Signs of...
A/N
15: Trust Issues
16: Change of Heart?
17: Perturbed D
18: Stuck With You
19: Fantasy
20: Unexpected Twist
21: Is It Over Now...
22: Something to Look Forward to
23: Pent-up Emotions
24: Detour
25: One Good Reason
26: DOA
27: Marry You
28: I Do
29: The Things You Do....
30: Honeymoon eh?
31: Another Ordinary Day
32: Why
33. Reunited
34: Untitled(hahaha)
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Next
Chapter 43
Chapter 44: Missing You
Chapter 45
Chapter 47. Ang Adobo at si Alyssa
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51: Lakas Tama
Chapter 52
Chapter 53: Loving Her

Chapter 46

466 24 17
By alconbleu

Masayang masaya si Dennise sa naging resulta ng pag-uusap nila ng kanyang Nana Martha.

After a long while, sa wakas masasabi niyang ayos na ang lahat sa pagitan nilang mag-lola.

"Rinig ko naging maayos ang resulta ng pag-uusap ninyo ni Nana, ate ah?" Si Jia.

Hapon na noon ng sumunod na araw. Nasa hardin sila noon at kasalukuyang nagkakape, kasama si Ella.

"Kaya nga kita namang ang saya niya ngayon, Ji. Nabunutan ng tinik, nagkaayos na kasi sila ng lola niyo." Singit ni Ella. Ito na ang sumagot sa tanong na sana ay para kay Dennise.

"Nabanggit nga rin ni Mama kanina. I am happy for you ate, finally nagkapatawaran na kayo ni Nana. Mula kasi noong nagkasamaan kayo ng loob nagdecline din ang health niya. Dinamdam talaga niya iyon ate." Malungkot na napatitig si Jia sa pinsan.

"I'm sorry Ji. I admit, napakastubborn kong tao. For the longest time, tiniis ko si Nana! Dapat noon pako umuwi saka nakipag-ayos sa kanya."

"Ang taas kasi ng pride mo besh. Tapos mukhang maling tao pa iyong ipinagtanggol mo." Sabat muli ni Ella.

"Ikaw, kanina ka pa ha? Hindi ikaw ang kausap ko Ella! Sabat ka ng sabat diyan!" Pinaningkitan niya ng mata ang kaibigan na siya namang ikinatawa ni Jia.

"Ay may violent reaction! Eh sa totoo naman di ba? Maling tao naman talaga ang ipinagtanggol mo! Ikaw mismo makakapagpatunay niyan. Ay oo nga pala, mukhang limot mo na ang yugtong iyon. Kasi before tayo pumunta dito may pa 'I think I am slowly starting to feel something for Alyssa besh' kana with matching 'I missed her' pa. Oh diba ang lala lang?" Imbes na tumigil ay hindi natinag si Ella. Inirapan pa nga nito si Dennise!

Kung nakakamatay lang ang tinging ipinukol ni Dennise, siguradong nakabulagta na itong si Ella!

"Maling tao, pero namiss mo ate?" Isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa labi ni Jia.

"Kaya nga Ji, ang arte-arte niyang pinsan mo! Siya ang umaway doon sa tao tapos ng umalis at hindi na umuwi, namiss? Parang tanga lang!" Patuloy sa kanyang patutsada si Ella. Not minding the deathly glares thrown by Dennise!

"Wala namang masama kung namiss ni ate Den si ate Ly. Asawa niya kaya yun ate Ells!"

"Asawa o mag-asawa ba talaga silang matatawag? Eh, sa dinami-rami ng duties and responsibilities na dapat nilang gampanan as a married couple, isa lang na yata ang na achieve nila. Iyon ay ang punan ang pagnanasa nila sa isa't isa! Liban doon wala na, kaya nga nagtataka ako eh, napapatanong narin ako kung mag-asawa nga ba talaga silang dalawa? Hindi nga nila mahal ang isa't isa. Erase that, between the two of them si Alyssa lang pala ang nagmamahal. Siya kasi nastuck doon sa isang matagal ng nahimlay! Wala rin silang tiwala sa isa't isa. Pinakamalala sa lahat, until now sekreto parin sa  lahat ang pagpapakasal nila! Liban yata sa iyo, sa boyfriend mo, kay Beatriz, sa ilan naming mga kaibigan, pati kaibigan ni Alyssa, wala ng may idea na kasal sila. Ako ngang bestfriend kuno nitong babaeng ito ay nito lang din nalaman ang tungkol sa bagay na iyon!" Nag-pout saka sabay sad face si Ella!

"Kung pag-usapan niyo akong dalawa parang wala ako rito ah? Parang hindi tayo magkaharap at hindi ko naririnig ang convo ninyo!" Nanggagalaiting wika ni Den.

"Pero, seryoso besh? Wala ba talagang alam ang parents mo sa pagpapakasal mo kay Alyssa?"

"Prrrffffttt..." Naibuga bigla ni Jia ang kapeng nasa loob ng kanyang bibig!

**********

Samantala.

"Mabuti at nakasama ka ate Kim!" Nagagalak na wika ni Bea ng makita si Kim.

Nasa isang bar sila ngayon para magcelebrate. Celebration, kasi sa wakas tapos na ang project nila sa Sarangani Province.

"Hindi ko naman kasi pwedeng hayaang mag-isang pumunta ito dito. Hindi pa kasi talaga siya fully recovered mula sa alam mo na. Masakit pa yata mga kasukasuan nito. Kaya ng sabihin niyang may schedule siya with you ngayon, nagvolunteer na'ko to be her driver!"  Hindi maitago ang amusement sa boses ni Kim habang nagkukwento.

"Bunganga mo talaga kahit kailan Kimtot! Pasensiya kana nga pala kung hindi ako nakapunta doon sa get together at the same time celebration party Bei."

"Hinanap ka nga nila Russ ate Ly. Si Savannah kinukulit akong tawagan ka daw at papuntahin sa venue. Si Rony at Richard naman makailang beses ding nagtanong kung bakit wala ka. Gumawa nalang ako ng alibi. Hahaha. Ewan kung naniwala ang mga iyon sa sinabi ko." Kakamot kamot ng ulo na napapangiwi si Bea.

"Bawi nalang ako sa kanila next time Bei!"

"Next time nalang nga talaga Baldo. Pero, kasi napakaunexpected talaga nung nangyari sayo. Hindi nga lang iisang beses kong naimagine ang naging eksena eh. Record high siguro iyong stress level mo during that time. Pasalamat nalang tayo at iyon lang ang inabot mo. That could be worst alam mo iyon!" Naiiling na wika ni Kim.

"Sorry ate Ly!" Mahinang wika ni Bea. Hindi ito makatingin ng diretso kay Alyssa.

"Kalimutan nalang natin Bei, I deserve it naman! Let's drop that topic Kim." Malumanay na wika niya sabay ngiti.

"Pasensiya at ipinaalala ko pa. Mabuti pa nga kung kalimutan nalang natin at mag-move on na tayo. Tapos narin kasi iyon, isa pa nandito tayo para sa ibang bagay. Pumunta tayo dito para magsaya!"

"May tama ka dyan ate Kim! Order na tayo!"

Doon din ay tinawag ni Bea ang waiter para umorder!

"So kamusta nga pala ang naging byahe niyo sa Sarangani? I could only imagine ang sayang nadarama ng mga katutubo!" Pag-iiba ni Kim ng topic. Kaalis lang noon ng waiter.

"Expectedly, sobrang saya nila ate, and we are very lucky na mawitness iyon with our very own eyes. Higit pa nga yata sa kasiyahan ang naramdaman nila eh. Greatful, yeah. They're ecstatic and very appreciative. Alam mo iyon,  that project means alot to them. Parang through that nagkapag-asa uli sila. Lalo na doon sa isa which is spearheaded by ate Ly. Naiyak talaga ang mga kalalakihan ng community upon hearing na magkakaroon na ng regular at direct buyers ang mga produce na ibinababa nila. Hindi matapos tapos ang pasasalamat nila samin especially dito sa kaibigan natin." Beatriz sounding very proud of what Alyssa has done.

"Sila manong Nono at manang Belen pati narin si kuya Rudy hindi rin makapaniwala na nagawa iyon ni ate Alyssa! According to manang Belen, for the longest time those natives, they felt neglected. Walang pumapansin sa kanilang mga hinaing. Even their local government officials dedma! Thankfully, came ate Ly. An outsider, dayo lang pero hindi takot tumulong."

"Simula't sapul ganoon na talaga ang ugali nitong si Baldo. Kaya maraming nagmamahal nito sa kanya eh. So paano na tol, welcome na welcome kana sa community na iyon, not to mention napamahal kana sa kanila. What if doon nalang tayo tumira?" Pabirong wika ni Kim.

"Ay huwag mong bigyan ng idea iyang si ate Ly, baka pagbigyan ka ate Kim. Hahaha. Baka mag-alsabalutan yan at bigla nalang mamundok! But seriously, having the priviledge na maexperience kung paanong mamuhay doon. I myself is very much willing to relocate in there. Malayo man, payak at simple man ang buhay mas pipiliin ko pading doon tumira. Ang reason? Ang mga taong nakatira sa lugar na iyon!" May ngiti sa labing dagdag ni Bea. Hindi niya mapigilan ang sariling balikan ang mga magagadang alaala mula sa panahong inilagi nila doon.

Konteng flashback lang.

Mga tatlong araw na ang nakakaraan mula ng makatanggap ng tawag si Bea mula kay manang Belen saying na malapit nang matapos ang library. Prior to that, Bea's already considering the idea of going back to Sarangani, to personally oversee the project's contruction. Hindi niya lang iniexpect na mapapaaga ang pag-alis niya, kaya naman wala ng sinayang na oras si Bea, agad niyang pinatawag at kinausap ang kanyang team members. Sila Richard and Russ ang siyang nagprisintang sumama sa kanya sa byaheng iyon.

The night before their scheduled trip Bea recieved a call from Alyssa. Ramdam agad ni Bea na may kakaiba kay Alyssa. Curious man, ay mas pinili niyang huwag pangunahan ang kaibigan, kaya hindi na siya nagtanong pa.

Alyssa then asked her kung nasaan siya. Sinabi niyang nasa condo siya ngayon at busy sa pag-iimpake. Tgat is because maaga kasi ang flight nila kinaumagahan pa General Santos city.

Nang marinig ang sinabi ni Bea, ay agad ding nagpahiwatig si Alyssa. Gusto daw nitong sumama. Ayon kay Bea wala iyong problema kaso nga unlike them na nakapagpabooked na, si Alyssa, wala pang plane ticket.

She told Bea she's coming over.

Not an hour later, dumating nga si Alyssa sa unit ni Beatriz. Kompleto rekado, may dalang bagahe, may backpack pa!

Nang makapasok, basta nalang nitong inilapag ang mga dalahin saka pasalampak na umupo sa couch ni Bea.

Napataas kilay si Bea dahil sa nakita. Ang dami niyang katanungan pero kahit ni isa wala siyang naisatinig.

"We'll talk later Bei. For now, tulungan mo muna akong makakuha ng flight para makasama ako sa byahe niyo bukas!" Nabasa yata nito ang laman ng kanyang isipan!

Ang ending, sa tulong ng ilang kakilala nagawang makasecure ni Bea ng ticket para kay Alyssa.

At ang talk na binanggit ni Alyssa? Nangyare syempre. At doon na nga nalaman ni Bea na umalis ng condo unit nila ng kanyang ate Dennise si Alyssa. May sagutan at hindi pagkakaunawaang nangyari which prompted her na umalis at iwan si Dennise.

Sa kagustuhang takasan ang problema Alyssa spend the next few days in Sarangani Province with Bea and her team.

Present time.

"Kung pagbabasehan ang sinabi mo Beatriz, mukha ngang masarap tumira doon."

"Sinabi mo pa ate Kim, kaya nga sabi ko huwag mo idare si ate Ly, baka pagbigyan ka!" She grinned!

"Mukhang napakaespesyal talaga ng lugar na iyon ah? Gusto ko na tuloy pumunta! Isama niyo naman ako sa susunod na balik niyo doon Bei!" Napukaw na talaga ang curiousity ni Kim sa lugar na iyon.

"Will surely do ate Kim! For sure tulad namin maiinlove ka din sa place na iyon! Ahm, but ate Ly, ano na ang plano mo ngayon? Balita ko may nag-offer sa'yo ng trabaho? Any thoughts on that? May plano ka bang tanggapin iyon?" Curious na bumaling si Beatriz kay Alyssa.

"Yeah, someone did Bei. Pero, hindi pa ako nakapagbigay ng sagot. Sinabihan kong bigyan nila ako ng enough time para makapag-isip." Wika ni Alyssa bago inabot ang baso ng tubig para uminom.

"No pressure tol, kung ano man maging desisyon mo, suportado kita!" Marahang tinapik siya ni Kim sa balikat.

"Tama si ate Kim ate Ly, kung ano ang sa tingin mo ang makakabuti iyon ang gawin mo!" Pagsang-ayon naman ni Bea.

"Alam ko namang maaasahan ko kayong dalawa eh. Pero, iyong offer ang lakas maka-life-changing oppurtunity! Miss or break eh!" Nalukot ang mukha ni Alyssa.

"Napakarami mo na kayang nagawang life changing decisions. Pero kung gagawan ko ng assessment ang mga decisions na iyon, lahat doon waley. Lalo na iyong ginawa mong pagpapakasal!"

"Loko ka Kim! Hindi naman lahat ng hinahangad natin makukuha natin eh. Ang take away ko lang is atleast nagka-experience ako. With experience comes learning so, I think hindi ako bokya, katulad ng sinasabi mo, kasi kahit papaano may napala parin ako." She gave her friend a smile. Isang ngiti na hindi umabot sa kanyang mga mata.

"Kung makapagsalita ka ate Kim, parang walang idinulot na mabuti iyong pagpapakasal ni ate Ly sa ate ko! Ate Den's not that bad naman, it's just that hindi lang talaga siguro sila meant to be ni ate Alyssa! Ate Ly, malay mo ito na ang break na hinihintay mo! Walang masama kung iconsider mo iyong offer."

Nang makaramdam na baka naoffend niya ang nakababatang kapatid ni Dennise ay mabilis na sumenyas ng peace sign si Kim kay Beatriz!

Ngumiti ito sabay tango, indikasyon na hindi naman ito naoffend!

Nakahinga ng maluwag si Kim!

"Sabi niyo kanina no pressure pero bigla bigla naman yatang nag-iba ang ihip ng hangin?" Alyssa smirked.

"Hahaha, ganoon talaga ate Ly, basta don't forget andito lang kaming lahat incase kailangan mo ng suporta!"

"Hindi ako magsasawang magpasalamat sa inyo Bea and Kimang! Enough na iyong alam kong hindi niyo ako iiwan!"

"Eeww. Masyadong pagirl tol!" Kesyo naalibadbaran na drama ni Kim.

"Oh eto na pala ang mga inumin! Simulan natin to habang maaga pa!" Bulalas ni Alyssa ng makitang paparating na ang waiter na may dala ng kanilang orders.

**********

Matuling lumipas ang mga araw, nakalimang araw na ang magkaibigang Alyssa at Dennise sa hacienda.

"Besh, gising na at may pupuntahan tayo ngayong umaga! We need to get ready at baka kanina pa tayo hinihintay ni Jia!" Naunang magising si Ella, at kanina pa nito sinusubukang gisingin si Dennise.

"Mauna ka ng maligo besh!" Inaantok na wika nito sabay takip ng unan sa mukha.

"Sige, pero mabilis lang ako sa banyo. Paglabas ko ikaw naman!"

"Oo na, shooo!" Pagtataboy nito sa kaibigan.

Mabilis na pumasok ng banyo si Ella.

After fifteen minutes lumabas na ito, nakapagbihis na at may nakapulupot na tuwalya sa ulo.

"Hay nako sabing paglabas ko sunod kaagad siya eh! But look at her, natulog pa uli!" Nakangusong tinitigan ni Ella ang kaibigang muling nahihimbing.

"Señiorita, alam kong masarap ang tulog mo pero kailangan mo na talagang bumangon, hinihintay tayo ni Jia!" Lumapit siya dito saka bahagyang tinapik ang braso.

"Hhmm." Kinuha naman ni Den ang unang ipinantakip sa mukha saka iminulat ang mga mata.

"Anong oras na ba besh?" Naghihikab nitong tanong!

"Alas sais dyes ng umaga! Ang sabi ni Jia seven am tayo aalis. Pero mukhang madedelay kasi hindi ka pa bumabangon diyan." Tinungo na ni Ella ang dresser at nagsimulang magsuklay.

"Mauna ka nalang bumaba besh. Magbreakfast kana, shower lang ako. Huwag kayong umalis ng hindi ako kasama ha?" Tumayo na si Dennise at mabilis na pumasok sa banyo.

Tinapos ni Ella ang pag-aayos ng sarili saka bumaba na para mag-agahan. Nasa hapag na at hinihintay na sila ng mag-asawang Rafael at Juliana kasama sila Jia at Gabriel.

As expected hindi pa nila makakasabay  si doña Martha.

Kahit maayos na kasi ang lagay nito, sa kwarto lang din ito. Ayaw parin kasi itong palabasin ng doctor.

"Magandang umaga po tita, tito! Ji, Gabby good morning!" Pagbati niya sa pamilya.

"Good morning Ella."

"Good morning ate Ells!"

"Asan ni si Dennise hija, bakit hindi mo siya kasamang bumaba?" Usisa ni Juliana, ng makitang si Ella lang ang naroroon.

"Take your seat Ella!" Wika sa kanya ni Rafael.

"Thank you tito!" Ngumiti siya at naupo na sa kanyang designated seat.

"Sunod nalang daw po siya tita, napasarap yata ang tulog, ayon hirap gisingin." Nakangiting turan niya sabay lagay ng kanin sa pinggan.

"Ji, huwag daw natin siya iwan. Hintayin daw natin at bibilisan niya ang pagligo."

"Napagod yata siya ate Ells. Pwede namang huwag na muna tayo sumama kay Papa papuntang manggahan. Pagpahingahin nalang muna natin si ate Den!" A hint of concern could be heard sa boses ni Jia.

"Don't stress yourself Ji, napasarap lang ng tulog iyong pinsan mo. Alam mo namang ibang iba dito sa probinsiya. Ako nga kung hindi lang excited sa lakad natin today, malamang like Den until now nakahilata parin ako!"

Nagkwentuhan sila while having their breakfast. Hindi nagtagal ay bumaba narin si Dennise para saluhan sila.

Mag-aalas syete y medya na ng umaga ng makaalis sila ng mansion.

Sakay ng pickup ay sinimulan nilang tahakin ang daan patungong manggahan!

"Magandang umaga señior Rafael, magandang umaga mga señioritas!" Ang masasayang pagbati at malalapad na ngiti ng mga obreros ang agad na sumalubong sa grupo the moment na makababa sila ng sasakyan.

Sinuklian nila ang mga pagbating natanggap.

Nang makita ang nakaparada ng sasakyan ay lumabas mula sa isang kubo si tatay Rene.

"Magandang araw toto Rafa." Bati nito sa ama ni Jia.

"Magandang araw po naman tay. Kamusta po? Nakaready naba ang lahat? Ang mga gagamitin natin sa pagharvest?" Inikot ni Rafael ang mata sa paligid.

Makikita malapit sa kubo ay ang mga nakasalansang kahon at ang hindi mabilang na mga kaing. Mayroon ding mga lubid at mga mahahabang kawayang pangungkit.

"Kagabi ko pa pinakuha kila Val ang mga iyan mula sa stockroom to. Ang mga karton naman nitong umaga lang ibinaba nila Caloy kasi kako baka umulan at mabasa. Pabago-bago kasi ang takbo ng panahon. Tag-init ngayon, pero paminsan minsan inuulan tayo sa gabi." Paliwanag ng matanda.

"Oo nga po tay. Hirap basahin ang panahon ngayon! By the way, may dala kaming kape at tinapay kainin niyo muna bago umpisahan ang pag-akyat!" 

"Nick, Caloy pagtulungan niyo munang makuha iyong mga dalang pagkain nila señior Rafael." Utos ng matanda sa dalawang lalake.

"Manong Nick, unahin niyo pong ibaba iyang sealed plastic ware na iyan!" Turo ni Jia sa isang may kalakihang lalagyan.

"Veges and meat ang mga iyan manong, pinadala ni Mama. Iyan daw ang lutuin para sa lunch nating lahat, may kasama din po iyang isang sakong bigas!"

"Ang señiorita Juliana talaga hindi nakakalimot. Maraming salamat sa mga ito señiorita Jia. Nick, pakideretso niyo nalang ang mga iyan sa loob ng kubo, at kami na nila Ruby ang bahalang maghanda at magluto." Si nanay Susana habang binibigyan ng instructions sila manong Nick.

Habang ipinapasok ng mga kalalakihan ang mga iyon sa kubo sila Dennise at Ella naman ay tinulungan si manang Ruby sa paghahanda ng kape at pandesal.

Nang makapagpakulo na sila ng tubig ay nagsimula ng magkape ang lahat.

Nagtipon-tipon sila sa isang papag na napapalibutan ng mahahabang upuang gawa sa kawayan.

Matapos nilang makapagkape ay nagpahinga lang ng kaonte ang mga trabahador at sumabak na sa pagharvest. Inuna nila ang mga punong nasa pinakadulong bahagi ng taniman.

Iisa-isahin nila sa pag-akyat ang may ilang daang puno ng mangga na nakatanin sa ilang ektaryang lupang parte ng hacienda.

Naiwan silang tatlo doon sa papag na nasa ilalim ng lilim ng punong mangga. Sila nanay Susana, kasama si manang Ruby at ang ilan pang mga kababaihan ay nagpunta na sa kubo para maghanda ng pananghalian.

Nag-offer silang tatlo na tumulong kaso sinabi ni nanay Susana na mas mainam ng naiwan sila doon sa labas, bakasakali kasing may kailangan ang mga kalalakihan ay may tao silang daratnan.

"Matatapos ba nilang lahat ito sa isang araw lang besh?" Parang wala sa sariling naiusal ni Ella habang nakatanaw sa malawak na pataniman.

"Malamang sa hindi besh. Kita mo naman siguro kung gaano kalawak itong manggahan!" Sarkastigong wika ni Den.

"Nakadepende sa dami ng tao ang bilis ng harvest ate Ells. On average, inaabot kami ng mahigit isang linggo bago matapos sa pagharvest." Paliwanag ni Jia.

"Sa dinami-rami ng mga tauhan niyo dito sa hacienda paniguradong hindi kayo magkukulang sa manpower!"

"May mga instances in the past na kumukuha sila Papa ng mga outsiders para mapabilis ang harvest time. Like one time may papadating na bagyo. Kaya walang choice sila Papa, kundi maghire ng additional manpower! Magagahol kasi sila sa oras kung sila-sila lang ang kikilos."

"Ngayon parang ang dinig ko from Uncle Rafa na may hinahabol rin silang time-frame Ji?" Nakaupo na noon si Dennise sa upuang kawayan.

"Ang international partner kasi natin ate nag-adjust sa time of delivery. Wala naman sanang problema, kung binigyan nila tayo ng enough number of days bilang palugit. Problema ilang araw palang ang nakakaraan since kinausap at ipinaalam nila kay Papa ang tungkol doon. Hindi naman kailangang iadvance ang araw ng harvest kasi malalagay sa kumpromiso ang quality ng produce/product at iyon ang pinakaayaw mangyari ni Papa. Like for example, itong mangoes kung kulang ito sa required number of days and will be harvested prematurely, iba ang magiging lasa nito. Hindi nito marereach ang level ng sweetness na kinakailangan para makapasa sa standards."

"Wow, marami-raming knick-knacks pala ang matututunan ko once na magdecide akong mamalagi ng matagal dito Ji. Honestly, ngayon ko lang nalaman na may required number of days palang kailangang imeet ang paborito kong manga bago iharvest!" Manghang wika ni Ella.

"Duh? Most fruits naman merong ganon besh hindi lang ang mga mangoes." Napaface-palm nalang si Dennise sa ignoranteng banat ng kaibigan.

"Duh ka rin besh! Eh sa wala talaga akong idea pagdating sa bagay na iyan eh, not to mention hindi ako haciendera katulad ninyo, wala rin akong background sa agriculture!"

Natawa nalang si Jia sa bangayan ng magkaibigan.

"Deadma nalang sa ate Dennise mo Ji. So, ano ang plano or should I say ano ang magiging taktika ng Papa mo para mameet ang deadline na binigay sa kanya? I guess, hindi naman pwedeng umatras nalang basta-basta ang Papa mo, kasi pangalan niya at ng hacienda ang malalagay sa alanganing sitwasyon kung sakali."

"Hindi naman talaga siya aatras ate, may tao siyang kinausap para hingan ng tulong. Hindi nga lang ako sigurado kung may magagawa iyong taong yun para tulungan si Papa sa problema niya. According kay Papa ngayong umaga ang dating noon eh. Pero anong oras na wala parin siya!"

Napalingon silang lahat ng marinig ang tunog ng papalapit na sasakyan. Nakita nilang tumigil ito at pumarada sa tabi ng pick-up ng señior Rafael.

Napakunot noo si Dennise, pamilyar sa kanya ang sasakyang ito!

"Ate Jia, ate Den, ate Ella! Late na ba kami?" Napalingon sila sa pinanggalingan ng tinig.

"Bea?" Magkapanabay na wika nila Ella at Dennise.

Lihim na napangiti si Jia!

"Anong ginagawa mo....." Nabitin ang iba pang sasabihin ni Dennise ng muling bumukas ang isa sa mga pintuan ng sasakyan, at iniluwa noon si...

Alyssa Valdez!

Na agad namang sinundan ng isang makinis, sexy at magandang dalaga!

**********

Hi everyone!

Pakilapag ng hula niyo kung sino tong makinis, sexy at magandang dalagang ito sa comment section.

May kasunod kaagad na update kung mahulaan niyo guys😂😂

Salamat ng marami! Ingat po tayo palagi!

(alconbleu 07/29/23)

Continue Reading

You'll Also Like

18.5K 542 11
the title says it all ⚠️Narda is intersex
2.6M 151K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
47.5K 927 50
Five years ago the then med-school student, Dennise Michelle Lazaro made the biggest decision of her life. Five years ago a well-known business figu...
1.3K 70 7
sparks fly when charming Narda Custodio meets single and proud Regina Vanguardia. But Regina reluctantly finds herself falling in love with a fierce...