Master's Servant (SIR Series...

By Sod4lite

8.8K 342 6

"I want to be free." Athanea Navarro has long been imprisoned in the cage of her parents' authority. She can'... More

Intro
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26

09

270 12 0
By Sod4lite

NAGISING ako dahil sa pagyugyog ni Jelay. Gabi na pala. Pagkalabas namin ay marami nang babae sa labas. May mga nauna na pala. Nasa MorkVille na pala kami, syempre nakita ko ang malalaking letter na may neon sa gilid na kulay green.

Nasa malayo pa lang ay nakalulula na ang mansyon. Para itong palasyo, kulay berde ang theme nito at kumikinang ang ilang bahagi nito. Napakaganda kaya naman nakakalaglag ng panga ito.

Hindi nakakasawang tingnan ang mansyon.

I'm already fascinated in to this beautiful and wonderful huge mansion. It was glittering green, and the moon are reflected into each emerald part of the mansion ...

Si Jelay naman ay literal na nakanganga at tila nag-pause sa kinatatayuan. Nakatutuwa ang itsura niya. But even she's in that reaction, she's still beautiful. Si Zilvane naman ay tahimik pero bakas sa mukha ang pagkamangha.

"Ang ganda," sabi ng mga babaeng nasa likod ko. In the trees, the lanterns are green too, and it was beautiful. All of this was beautiful.

Nanginginig pa ang tuhod ko na sumunod sa mga  guards. We're heading the mansion. Habang papalapit kami ng papalapit ay lalong lumalaki ang mansyon. Nang nasa harap na talaga, nang tingalain ko ito ay tila babagsak ito sa akin. Nakakalula.

"Heaven!" puna ni Jelay. Nakahawak ito sa ulo niya na tila nahihilo. Napahawak ito sa akin dahil parang hihimatayin nga siya. Kaya nabigla ako ng mawalan nga ito ng malay.

"Ay! Jelay!" naglapitan ang guards at binuhat ito. Gusto ko sanang sumama kaso bawal daw sabi ng naiwang guards. Hays, sana maging maayos iyon. Nahimatay ma ba naman sa laki ng mansyon!

Pinapasok na kami at lalo akong nalula sa laki ng loob. Sa harap ay isang babae na maganda, pero may edad na. Nakaupo ito sa isang upuan na tila tronong berde. Tumayo ito at lumibot sa amin. Tahimik lang ang lahat, at ang babae ay tila may hinahanap.

Nalaglag ang panga ko ng magkatinginan kami. This can't be! Siya yung nasa kotse dati nung last time na umalis na si Mavy. Siya nga!

Kinabahan ako ng maglakad ito sa akin papalapit, seryoso lang ang mukhang masungit niyang mukha. Nanginig ang tuhod ko ng tuluyan na siyang makalapit. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nanliit ako ng tumaas ang kilay niya. Maya maya ang ngumiti ito bigla.

"You must be Athanea." kay tamis ng ngiti nito sa akin kaya ngumiti ako kahit tabingi. Hindi ko na nagawang ngumiti ng maayos dahil sa tingin niya kanina. Napatinaod ako ng hawakan niya ako sa braso. Ramdam ko ang titig ng lahat sa akin.

"Doon ka muna sa tabi." tumango lang ako at sumunod. Baka matanggal agad ako eh. Nangangawit na ako kakatayo sa pwesto ko kaya umupo muna ako. Nahiya ako sa linis at lambot niyon. Tatayo pa sana ako kaso masakit na talaga ang aking tuhod.

Nagtitingin muna ako sa ceiling at natakot bigla dahil sa laki ng chandeliers na nakakabit doon. Paano kapag lumindol? Edi laglag 'yan lahat? Nakakatakot naman!

Nabihag ang aking atensyon sa lalaking nasa ikalawang palapag. Isang lalaking nakahawak sa railings na itim at nakatingin mismo sa akin. Lalo naman akong nagulat. Bakit nandito siya?! Napatingin ulit ako sa babaeng nagsasalita, hindi kaya, mag ina sila?!

Grabe, hindi mag-sink in sa akin ang mga 'to! Napanguso ako at tiningnan ulit si Mavy—I mean, si Xander. Grabe, ang laki na ng pinagbago niya. Hindi na siya yung palangiti sa akin. Hindi na siya mabait!

He's wearing a black coat and his white sleeve tuck in his slacks. Umiwas ito ng tingin at umalis na. What a rudeness. Nantititig ng walang dahilan. May dumi ba ako sa mukha? Did I have pimples? Sa pagkakaalam ko ay wala dahil makinis ang mukha ko.

Tsk. Ayoko na siyang problemahin dahil hindi nga ako pinanganak para problemahin ang problema ng iba.

Natapos na pala ang meeting at halos lahat ay pumupunta na sabandang likod ng mansyon. Hindi ko nga alam kung susunod ba ako, ang babae namang maganda ay maay hawak na plastic. May lamang damit ata. Lumapit ito sa akin at ibinigay iyon.

"Come with me." sumenyas ito kaya napasunod nalang ako. Ang dinadaan naming pasilyo ay napakalaki, napakakinis at nakamamangha. Hindi na gaanong berde ang mga kulay bagkus malinis na puti, abo at itim na.
Tumingin ako sa babae na katabi ko. Bagamat matanda na, mukha pa rin siyang mataray, maganda pa din at may postura. Ang buhok niya ay naghahalo ang puti at itim. Hindi naman nakababawas sa kanyang kagandahan...

Bigla kaming tumigil sa harap ng isang malaking pinto. Itsura palang ay kahoy ng narra ito. Kakaiba rin ang ukit sa pinto, ang astig at nakamamangha.

Pumasok kami roon at pinaupo niya ako sa malambot na swivel chair kaharap ng isa pang swivel chair . Nasa pagitan namin ang isang lamesang kahoy.
Sa likod niya ay malaking bintana na kita ang view ng isang bundok. Nagulaat ako roon, may bundok pala. At dahil gabi na, lalo akong namangha sa tila glitters na violet at red na naghahalo sa gilid ng bundok. Kasama ito ng mga bituin.

"I guess that you knew me." biglang nagsalita ang babae kaya tumingin ako sa kanya. She was smiling at me, genuinely. The beautiful smile I ever seen. Napangiti rin ako sa kanya.

"Opo. Nakita ko lang po kayo pero hindi ko kayo kilala. Uh, nanay po kayo ni Mavy—I mean, Xander?" tanong ko. I heard a slight chuckle from her before she answered. She rest his arms along the top of the table.

"Yes. I'm his real mother. And his old name was quite cute, right?" she said. I nodded for response. She said that I'm his real mother so tama ang hinala ko. Xander was adopted. And Mavy is not his real name.

"So let me introduce myself. I'm Narizza Clarriz Millec Abramovich. Xander Whizleighn Abramovich and Xylus Cleighn Beviriotte 's mother. "wow, detailed. The name of her sons was amazing. It was wonderful and unique names. And I'm right, the father of her sons was not the same.

" And I'm Athanea Crizelle Galilei Navarro. Nice to meet you, Mrs. Abramovich. "nakipagkamay kami sa isa't isa. What a warm meet. She's kind, I thought she's always grumpy forever.

"Because I know you, and my son too at the same time... I think you're the one that capable of serving him. I know you're kind, can I ask for a favor?" she asked. In unknown reason, kinabahan ako. What does she mean by serving?

"I'm looking for a new servant for my son, Xander. I'm really concerned for him because he's not taking care of himself." she said. Napayuko ako dahil doon. Bakit ang matcho niya kung ganoon? I pouted on my mind. At pakialam ko ba kung mamatay siya dahil sa hindi niya inaalagaan ang sarili? Hindi ko binabara si Mrs. Abramovich ha.

"He loves... breads." napaubo ako at muntik nang matawa. Iyon?! Mahilig sa tinapay? Haha! What a joke. Hindi ba't sosyalin na siya? Hindi ba niya paburito ang salad, macaroni, spaghetti o kahit anong sosyaling pagkain? Kumunot ang noo ng matanda sa akin, mali, ng babae pala namaedad na.

"Are you okay?" tumango lang ako sa kaanya dahil baka kapag nagsalita ako ay humalakhak na ako ng tuluyan.

"He loves kitchen foods. And base on your interview, you loves cooking and baking."napangiwi ako habang natulala sa kanya. Kaya naman pala iyon lang ang tanong! Siguro, simula't sapul, ako talaga ang pipiliin eh.

" P-Pero ako lang po ba ang sumagot noon? " tanong ko. She let out a short chuckle then look at me straight.

"Actually, no. Maybe a lot of women interviewed. But you're the only loves baking. That's why. And based on my investigator, you're the one who was baking the Nini Bread on the cafe that you are working at the last time."nanlaki ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala! It's a huge secret of ours!

" Don't worry. I will not spread it out. Sorry for stalking you, I just want the best for my sons. "napahinga ako ng malalim sa kanyang mga sinasabi. Anong gagawin ko?

Paano kung gahasain ako noon! O kaya'y patayin ako dahil sa pambabastos ko sa kanya. Kasi! Naiinis ako sa kanya. At kapag naging servant niya ako, baka mababa ang ipasweldo niya sa akin!

"Pwede po bang pag-isipan ko muna?" she smiled at me and nodded. Nakahinga ako ng maluwag doon. Pwede akong humindi!

"I'm not forcing you. But I will use the word please." I smiled a little.

"Besides, your salary in this job was bigger than here. Like if 50% salary of being maid here, in being a servant of him, it's like a 80-100%. Do you know? Cooking and baking in Russia have the highest salary among the all occupation. And I know, Nini Bread was delicious yet soft bread I ever ate. "bahagya akong nagulat sa sinabi niya.Bukod sa malaki ang sasahurin ko sa lalaking  iyon, natikman pa niya ang gawa ko?! Nakakahiya!

I was speechless and I can't say anything because I'm embarrassed.

"Don't ever feel remorse, dear. I'm saying the truth. And he went on the cafe like twice, right?" oo nga, nakadalawang punta na siya sa cafe tapos Nini Bread ang binibili bukod sa cappuccino.

"Babalik po ako kapag nakapag-isip na po ako."

MATAPOS nga ang pag-uusap namin ay hinatid na ako ng mga body guard sa room ko. At tama ako, ako ang pinakauna kasi number 1 ang nasa pinto ko. Talagang t-in-arget lock ako ni Mrs. Abramovich.

Malaki ang kwarto kung nasaan ako. Black and white ang theme tapos naka-tiles pa. May mini kitchen pa sa loob saka sala. May sarili pang banyo. Para ngang bahay na talaga, eh. Ano pa nga bang aasahan ko? Eh sa yayaman nilang iyan, para na silang mga royal family , parang sa france dati.

Malambot din ang kama, tapos may aircon pa. Saan ka pa?

Nakatulog na nga lang ako sa pagod pero naaninag ko pang bumukas ang aking pinto. Tapos nakatulog na ako ng tuluyan.

"DADADADA dadada~" pagkababa ko ng ala-singko ng umaga ay iyan ang boses na narinig ko. Mahina lang iyon at tila kumakanta kanta pa. Sinuot ko na yung lolita dress ko na fitted pa sa akin. May ilang maids na ang nagsisinulang gawin ang gawain nila , tapos nakita ko si Jelay na pasilip silip sa bandang dulo ng pasilyo.

Kunwari ay naglilinis siya pero halata namang may tinitingnan nakung ano.

"Huy," sinundot ko ang kanyang tagiliran kaya napatalon siya. Pabiro niya akong hinampas. "Sinong sinisilayan mo?" tanong ko ulit.

"Multo!" tiningnan ko siya ng hindi-ako-naniniwala-look kaya natawa siya."Tara na nga! Marites ka talaga."

Nakikita ko sa kanya si Mellaria. Parehas silang kalog. Kaya nammi-miss ko tuloy ang babae , hindi ko na rin kasi alam kung saan ba iyon napadpad.

"Saan ka naka-assign?" tanong ko sa kanya. Papunta kaming labas , ewan ko kasi tinangay lang niya ako. Besides, wala pang sinasabi sa akin kung saan ba ako magtatrabaho.

"Sabi ni Mrs. Abramovich, meron daw ditong mango tree. Linisin daw ang ilalim noon, kasi daw magkakaroon doon ng event. May mga kasama ako, kaso nautusan silang bumili ng mga fresh meat, vegetables and fruits. Kaya ako muna ang titingin. " napatango nalang ako. Siguro naman ay maliit lang ang back yard na iyon, or back yard ba? Ewan, saka anong event kaya iyon?

Tumatanaw tanaw pa ang babae na tila may hinahanap.

"Lampara... lampara—ayun pala! Ay?! Teka bakit ..." napatingin ako sa kanyang tinitingnan. Susmaryosep! Grabe naman ang lawak nito! Hays, dapat hindi ko na in-expect na maliit lang. Hello? Mayayaman nga pala sila.

Maraming nakapalibot na puno sa paligid. May mga lamparang nakasabit sa bawat sanga ng puno. Marami na ring dahong tuyo at medyo mahahabang damo.

"Grabe naman ang lawak nito." puna rin ng babae. Kumunot ang noo ko ng bahagya siyang matulala. Crickets was singing with the chicken. Ang ganda dahil magliliwanag na rin. Hindi ko nalang siya pinuna ng makita kong bahagya siyang naluha. Hindi ko naman maitatanong kung okay lang siya dahil halata namang may naalala.

"Tara na. Baka hanapin na tayo." hinila ko na siya dahil kanina pa siya nakatulala roon sa mga puno at paligid. Baka umiyak pa dito, at marindi ang mga kapre tapos ay kuhanin kami at hindi na ibalik.

Nang makarating sa mansyon ay bumalik na ang ka-hyper-an ng babae. Para naulit siyang bulateng inasinan. Biglang bumaba ang dalawang lalaki sa mahabang hagdan—dalawang lalaki?!

Lahat ng nag-uusap naa maids ay napatingin sa kanila at natahimik. What the fuck is that handsome faces. Ito na ba ang kapatid ni Xander? Halos wala akong marinig na ingay sa kapwa ko babae. Si Jelay naman ay naging seryoso ang mukha. Zilvane was missing in action, hindi ko ito makita.

Magkasunod na naglalakad pababa ang dalawang nagguguwapuhang lalaki. Ang isa ay naaka-wolf cut style ang buhok, ang isa naman ay malinis na nakasuklay . Xander was wearing a formal suit. Naka-amrilana ito at as usual, naaka-tuck in ang kanyang white sleeve sa slacks na itim. Nakapamulsa ito sa amerikanang brown.

Sa kabila naman ay lalaking simple ang damit pero sumisigaw ang ka-matchonah at kapogian. Namangha ako sa asul nitong mga mata. It was clear and visisible. Naka-border short lang ito naitim at gray na t-shirt. Tila walang paki sa suot, pero bagay pa rin sa kanya iyon.

Nang tumingin ako sa mukha nilang dalawa ay parehas silang seryoso. Ng tumingin ang mga ito sa amin ay nagpulasan ang mga babae. Kami lang ni Jelay ang hindi nataranta. Nagkatinginan kami at tila nagtataka dahil parehas kami ng reaction. Umalis nalang ako roon para pumunta sa office ni Mrs. Abramovich para sabihing ayokong maging servant. Si Jelay naman ay yinaya na ang kasama niya sa paglilinis sa backyard.

Kahit na ganoon ang reaksyon ko, grabi pa rin ang pagtibok ng puso ko. Parang hindi magkamayaw at natataranta. Para akong nagpa-palpitate kahit hindi naman ako lulong sa kape. Inayos ko rin ang paglalakad ko dahil nanginginig ang tuhod ko.

Nang makatapat sa pinto, kakatok sana ako ng makitang nakasiwang ito. Hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap ng ginang at ng tao sa telepono.

"Synok, moyemu synu nuzhen kto-to, kto budet yemu sluzhit'. Nadeyus', vy pozvolite mne reshit', potomu chto ya znayu, chto luchshe dlya moyego syna.
" narinig kong sinasabi ng ginang sa ibang lengwahe. Hindi ko man maintindihan, nahimigan ko ang pagmamahal sa boses at tono niya. May bahid ng kaunting inis.

[No Tita, pochemu gornichnaya zhenshchina? Mal'chik-sluga mozhet delat' vse, chto mogut delat' zhenshchiny. Chto, yesli eta zhenshchina flirtuyet s nim?]sabi ng nasa telepono at nahimigan kong boses babae iyon. Dahil wala naman akong maintindihan ay umalis nalang ako.

Pero narinig ko pa ang sagot ng ginang.

"Sledi za yazykom, Aurora."

Paliko na ako ng mabunggo ko ang isang matigas na dibdib. Napa upo ako sa sahig at napahawak sa noo ko. Inis kong nilingon kung sino iyon. Sisinghalan ko na sana ito ng makita ko ang lalaking walang iba kundi si Mavy. I mean, dating Mavy. Na ngayon ay Xander na.

"Why are you here?" tanong nito ng malamig sa akin. Siya pa talaga ang may balak na panlamigan ako ng boses. Masyado naman siyang paimportante. Anong gusto niya? Suyuin ko siya? Bakit? Ako ba ang nang-iwan?!

"Sasabihin ko lang po sa nanay niyo, na ayoko maging servant ng isa d'yan. Baka kasi mamaya, hindi ako tratuhin ng tama. Besides, ayoko din pong makasama ang isang lalaki sa iisang bubong, baka kung ano pang gawin sa akin. "lalagpasan ko na sana ito ng marinig ko sagot nito sa akin. At diniinan ko ang bawat kataga ng 'po'.

"Your dream was too high, miss. You can't even reach my standards." napatigil ako sa sinabi niya. Tiningnan ko siya na parang hindi makapaniwala at nakita kong biglaan siyang nakonsensya, hindi lamang pinahahalata. Okay na sana yung mataas ang pangarap ko. Pero yung pangalawang sentence? Grabe naman. Hindi na lang ako nakipag-away bagkus ay magpatuloy na paalis.

He's too harsh than I thought.

Wala namang mali sa sinabi niya pero parang iba ang dating sa 'kin. Para namang hindi niya ako inalagaan dati. Ano bang ginawa ko sa kanya? Wala naman, ah. Hinintay ko pa nga siya dati, umaasa na babalik siya. Kasi, umalis na nga siya, nawala pa si Mellaria. Kaya halos wala na talaga akong kasangga noon.

Pero ano nga bang pake nila sa akin 'di ba? Hindi naman ako kaano ano ng lalaking iyon. Ni hindi nga namin napag-usapan kung magkaibigan na kami.

Kaya tuturuan ko siya ng leksyon. Pahihirapan ko siya dahil bastos siya sa akin!

A/N-sorry for errors, again, tinatamad mag-edit hehe.

Continue Reading

You'll Also Like

20.4K 307 133
You know, I completely forgot about this in its entirety which is weird cuz I can remember a time when I used to read Senran Kagura stories on this s...
68.9K 1.3K 104
Dahil sa malaki ang utang na loob ni Lovely Rose sa mga magulang ni Fadz Monternel na isang kilalang casanova at wealthy son ng isang multi-billioner...
249K 1.3K 7
Nakilala ni Celine Deogracia si Marcus Lee sa bagong tayong Cafe. Hindi sinasadyang natapunan niya ang binata ng Coffee na hawak niya. Magmula ng ara...
13.7K 491 17
[COMPLETED] Zencia is naive when it comes to what we call "Love" and Zaijan took that as an advantage on Zencia's innocentness. Even though Zaijan k...