Master's Servant (SIR Series...

بواسطة Sod4lite

9.1K 345 6

"I want to be free." Athanea Navarro has long been imprisoned in the cage of her parents' authority. She can'... المزيد

Intro
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26

08

265 12 0
بواسطة Sod4lite

I'M nervously waiting inside the office kung saan mangyayari ang interview. Maayos naman ako sa pag-e-english kaso ang kanina ko pang iniisip, paano kung ang kailangan nila ay magaganda? Mga matatangkad-I mean, matangkad ako kaso sakto lang. Paano kung complete sa college? Hay, bakit naman sa pagiging katulong kailangan pa ng nakatapos ng pag-aaral 'di ba? Ano yun? Tanga lang.

Napasinghap ako ng pumasok na ang babaeng mag-i-interview sa akin. Sanaol, maganda sa formal attire. Napanguso ako sa isip ko, na-i-insecure nanaman ako, oo. Ngumiti ito sa akin at umupo na kaharap ko. May dala siyang IPad. Nahiya pa ako sa samsung kong laging natetegi. Itinago ko nalang iyon sa bag ko.

"Good morning." nakangiti nitong bati. Ngumiti rin ako saka bumati pabalik.

"Your name is Athanea Navarro, right? so let's start?" tumango na ako bilang sagot. Kinakabahan talaga ako. Paano kung hindi ako matanggap? Hays. Madami pang nakapila sa labas at nakaupo, at nagtataka ako kung bakit nga ba ako ang pinaka-una. Naalala ko na 01 ang flyer kaya naman lalo akong nagtaka. Grabe namang kaswertehan iyon.

"So, what's the house course that you are good at?" unang tanong nito. Unang pumasok sa isip ko ang pagbe-bake. And I bet, hindi naman sila hahanap ng baker eh. Kaya naisip ko, magaling rin ako sa pagluluto.

"I'm good at cooking. I love baking too, but since the Empire was looking for maids, not a bakers, I think the house course that I would love to do is cooking." ngumiti ito sa akin at nag-take down notes muna siya bago ulit nagtanong.

"Why do you want to be a one of the maid on Emerald Empire?" she asks. Napaisip ulit ako. Ano nga ba?

Sa totoo lang, hindi ko rin sure kung na-excite ba ako dahil magkakatrabaho na ako at malaki pa ang sweldo. O hindi kaya ay na-excite ako dahil hindi pa ako nakararating sa ganoong kalaking mansyon at empiro.

"Actually, kakatanggal ko lang sa trabaho. And I saw the flyer on my mailbox kaya sino pa ako para tumanggi? I just need a work, no deep reason attached." nakangiti siya pero nabawasan iyon. Para siyang nagtaka bigla .

"Is there's something wrong?" I asked. Tuluyan na kasi siyang nagtaka. Tumango tango siya at nag-take down notes ulit.

"Nothing. But am I heard it right? In your mailbox?" she asked once again. Tumango lang ako saka siya nagtapos. Nakipagkamay ako at nagpasalamat.

Pagkalabas ko ay kinakabahan pa rin ako. Omg, this is ugh! I can't believe it. Sa sobrang kaba ay hindi ko na nga namalayan kung gaano kalaki itong building. Oh my goodness, what a huge ...

"I-Ito na yung Emerald Company? Oh, grabe naman ang laki..." bulong ko sa sarili habang naglilibot ng tingin sa buong paligid. Ang tatayog talaga ng buildings, at nakaka-akit tingnan ang green tiles nito na kumikinang sa sinag ng araw. Kapag tumingin ka sa tuktok ng building, para itong babagsak sa iyo . Nakakalula.

Ang hagard ko na.

Tumingin ako sa isang kotse at nakakapagsalamin ako rito. Ang ganda ko, hehehe. Ngumiti ako sa kotse at nagpabebe. Wala namang nakakakita e, haha. Inilagay ko ang kaunting buhok nanaligaw sa mukha ko sa likod ng tainga ko gamit ang aking hintuturo.

Ch-in-eck ko na rin kung may tinga ba ako. Hays, thankfully, wala naman. Nag-flying kiss ako sa salamin saka umalis. Familiar ang kotse na iyon, ah. Hindi ko lang alam kung saan ko nakita. Ang gara kasi.

NAMILI ako ng gulay at karne para sa gabihan ko. Gamit ko iyong huling sahod ko, nakapagbayad na rin ako ng buo kay Aling Vina kaya hindi ako nabungangaan kanina. Malaki pa nga ang ngiti nito.

Dumaan muna ako sa gilid ng Mall dahil sa gilid niyon may nagtitinda ng milk tea. Umupo muna ako roon para magpahinga dahil napaka init ng tanghali.

Maya maya ay may nagsalita sa likod ko.

"Athanea?" napalingon ako doon bigla saka nanlaki ang mata ng makita kung sino iyon. Gumwapo siya! At bakit naka-formal attire siya? At wow! Grabe naman ang tangkad na iyan. Halos tumingala na ako.

"Vincent?!" nakangiti ako ng malaki habang inaaral ang mukha niya. Grabe naman, bakit lahat sila ay nag-glow up?! Bakit ako yata ay hindi?!

"You look more beautiful that the last time. How are you? "he's smiling at me a little. Saktong ngiti lang, kung baga. Why he seems so sad? Para siyang nagising ng 1:00 a.m. ng january 1.

"Okay lang! Kayo? Nasaan si Mell? Kasama mo ba?" tumingin ako sa likod niya pero walang tao. Napa-iwas siya ng tingin sa akin bago bahagyang lumunok. Nagpamulsa siya bago ulit nagsalita.

"We're no longer together. We broke up already. Like five years ago." hindi naniya naiwasan ang manginig. Pero hindi niya masyadong ipinahalata. Kumunot ang noo ko doon. Kailan pa? Five years? Saka bakit sila maghihiwalay? Sobrang bait ni Vincent, at mabait din si Mell. Bakit kaya hindi sinasabi sa akin ni Mellaria?

" Ah, sorry. Kaya pala kasama na siya ni Lurius, eh. "ako rin ay napatigil sa sinabi.

Hindi kaya nanglalaki si Mell?!

Hinawakan ko ang kwelyo nito at inilapit ang mukha ko sa kanya.

" Nanglalaki si Mellaria?! " sigaw ko. Kumunot ang noo ko ng mamula siya hanggang tainga. Pati na yung leeg niya.

"May allergy ka?! Tara na sa hospital!" hihilahin ko sana siya ng matawa siya. Nakakunot ang noo na tiningnan ko siya. Kanina lang ay malungkot siya, ngayon naman ay natatawa.

"No, nevermind. Napadaan lang ako then I saw your hair. So it's easy to find out that you're Athanea. By the way, nice to see you again. Punta na ako sa park, ha? I'm going home already. Do you want me to ride you home?"

Napasinghap ako ng malakas. Nanlaki ang mata ko sa kanya.

"Ano! Bastos!" anong ride you home?

"What? No! I mean, do you want me to drive you home?" nakahinga ako ng maluwag. I didn't really know why I'm turning like this. Matalino naman ako sa English, ah! Why I'm being like this?

"Teka! Sige, tutal nagtitipid ako. Kuhanin ko lang ang milk tea ko ha.

Matapos makuha ay sumama na ako sa park. Ayoko na maghintay sa shed, ang init init. Natutusta ang maganda kong balat kahit may bubong. Baka magkaputok pa ako kapag nagkataon. Ayoko nga.

"Teka, dito ka nagtatrabaho sa Emerald Company?" tanong ko. Umikot na siya sa driver's seat kasi pinagbuksan pa niya ako ng pinto eh may kamay naman ako.

"No, Um-attend lang ako ng meeting." seryoso lang siya, saktuhan lang ganoon. Hindi masungit, hindi rin galit. Napakunot ang noo ko dahil doon sa sinabi niya. Ano ba siya? Secretary ba siya tapos hindi naka-attend yung boss niya.

"I'm a CEO. My company is the one of the partners of the Emerald Company." CEO?!Aba! Bakit ngayon ko lang nalaman iyon?!

"C-Ceo ka pala?" tumango lang siya. Tahimik lang ang byahe. Palaisipan pa rin sa akin kung bakit sila naghiwalay. Eh matagal na sila, noon pang junior high kami, lagi na silang magkasama. Close pa ang pamilya nilang dalawa. Eh, nagtataka rin ako, mag-jowa na ba si Lurius at Mell? Pero bakit parang ang magkasintahan ay si Margoux at Lurius?

Hays, ewan ko na. Hindi ako ipinanganak para problemahin ang problema ng iba.

"How is she?" biglang nagsalita ang lalaki. Nagising ako sa pagmumuni muni at tumingin sa kanya. Seryoso lang siyang nagda-drive. Malungkot kaya siya? Kung ako iyon, masasaktan ako.

"Okay lang si Mellaria. Gumanda siya at pumuti lalo. Sumeksi din." sabi ko habang inaalala ang itsura ni Mellaria. I heard a sigh from him.

"Sila na ba ni Lurius?" tanong ulit niya. Ngumiwi ako at nagsalita.

"Hindi ko alam eh. Mabuti pa, si Mellaria ang tanungin mo. Gusto mo tawagan ko?" sabi ko sa kanya. Umiling ito kaya sumandal nalang ako habang tinitingnan ang mga tao sa sasakyan sa labas.

NAALIMPUNGATAN ako dahil may tumatapik sa balikat ko. Unti unti akong nagmulat at nagpunas ng laway. Wala na akong lugar para mahiya, no. Nandito na pala kami sa kanto ng Vicente.

"Saan ang apartment mo? Ihahatid na kita." umiling ako at nag-inat bago lumabas sa kotse. Nakatingin lang ang lalaki sa akin na tila naghihintay ng sagot.

"Huwag na. Malapit lang ako. Salamat pala, ingat ka." tumangk ito saka sumandal sa kotse. Paglingon ko ay nandoon pa rin siya.

"Alis na! Baka abutan ka pa ng mga pokpoks dito." ngumiti lang siya saka tumango pero hindi pa rin umaalis. Kaya naglakad na ako, nang nasa tapat na ako ng gate ng apartment, nakita kong kumaway siya bago pumasok sa kotse.

Pagpasok sa pinto ay balak ko sanang matulog ng tumunong ang cellphone ko. Buti nga at hindi nategi today. Hindi ko kasi masyadong ginamit.

"Hello?" takha kong tanong. Unknown number kasi. Inilapag ko sa lamesa ang pinamili at naupo sa sofa. Pagod ako ah, wala naman akong masyadong ginawa.

["Good afternoon , Miss Navarro! We just want to inform you that you are officially hired as a maid on the Emerald Empire Mansion!"]

Tila lahat ng pagod ko ay nawala. Napatili ako at nagtatalon sa sofa hanggang mapasubsob ng matapilok. Pero hindi ko iyon ininda. Inayos ko ang cellphone sa tainga ko saka nagsalita.

" Talaga po?! " paninigurado ko. I was very excited, my heart was beating fast. Omg! Makakapunta na ako sa Emerald Mansion. Nakakatuwa naman!

NAGHIHINTAY ako ngayon sa kanto ng Vicente. Ang puting van daw ang susundo sa amin. Dahil doon na kami maninirahan, dala ko halos lahat ng damit ko. Syempre, libre na nga lahat doon, pagkain, kuryente, tubig, kwarto at iba pa, malaki pa ang sweldo. Actually, nagtaka lang ako dahil nung dumaan ako sa kabilang street nung nakaraan ay sa mga pader nakalagay ang flyer.

Pero yung akin, nasa mailbox. Nakakapagtaka naman kasi talaga eh. Tapos, kaming mga maid siguro nasa 20+ kaya excited na ako, marami akong magiging friends.

Nang makita ang isang puting van ay hinintay ko kung titigil ito sa akin. Baka kasi mamaya, manunupot ito. May lumabas na lalaki at nagpakita ng ID. Edi wow, Emerald Guard. Tsk.

Inirapan ko ang nagpakita noon dahil kumikindat sa akin. Nauna na akong pumasok. At ako pala ang pinaka una. Panao kung may gawin silang masama sa akin?!

"This is EEG4, Miss Navarro is already in." sabi ng isang lalaki sa radyo nito. Nakahinga ako ng maluwag.

Napatingin ako sa side mirror ng makitang nakangiti ang lalaking kindat ng kindat sa akin kanina pa. Pogi naman kaso lang, masyadong... Weirdo.

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana, kaso, wala akong makita, kasi black window siya. Or baka sinadya nila? Hindi ba minsan, napapaltan naman ito.

Habang umaandar ay hinihila na ako ng antok. Kaya hindi ko na namalayang nakatulog na lala ako.

"HUWAG kayong maingay, baka magising."

"Huwag ka kasing magalaw!"

"Huy, hinaan mo boses mo."

Tila mga bubuyog ang boses na naririnig ko. Pero habang nagmumulat ako ay nakakarinig ako ng boses ng mga babae. Nagbubulungan sila at ingat na ingat ang mga iyon. Nakaramdam ako ng mga mata na nakatitig sa akin kaya nagmulat ako.

Unti unting luminaw ang mga pigura ng naggagandahang babae. Ang nasa harap ko ay nanlaki ang mata. Nakakunot ang noo kong umayos ng upo.

"Hala! Nagising na! Ang ingay mo kasi." sabi ng babaeng nagulat ng magising ako. Bigla akong nailang. Pasimple kong kinapa ang pisngi ko. Buti at hindi ako nag tulo-laway.

Malaki ang van at mga sexy siguro sila at nagkasya kami, siguro nasa sampu na kami. Nakangiti ang iba, yung iba naman ay tulog din.

"Hello! Ang ganda naman ng buhok mo. Bakit iyan lang ang pinakulayan mo?" sabi ng babaeng maganda. Hindi siya kulot, hindi din straight ang buhok. Maalon lang. Nailang ako sa titig niya na curious na curious.

Inayos ko ang buhok ko at sumagot sa hindi nag he-hesitation na tanong niya.

" It's natural. " walang emosyon kong sabi. Umayos ako ng upo at nasanggi ko ang babaeng payapang natutulog. Ang puti niya at simple lang ang damit. Bumalik na sa upuan niya ang babaeng madaldal. Katabi ko pala.

"Anong pangalan mo?" nakangiti nitong tanong. Kanina pa siya nakangiti sa akin. Tumikhim ako bago sumagot.

"Athanea." maikli kong sagot. Akala ko ay titigil na siya pero hindi pa pala. Ang hyper niya masyado.

"Ako pala si Jelay. Yung natutulog si Zilvane, tapos itong nasa harap si Athina, iyong nasa likod natin ay si Althea, tapos ito si Lhea, tapos..." halos lahat na ata ay kilala niya. Pumikit nalang ako at nagsuot ng earphone na dala ko. Kumonek ako sa aking cellphone.

Ang kaso, mabilis namatay kaya wala akong nagawa kundi ang mabingi sa aking katabi..

"Saan mo nakita ang flyer?" tanong nung Jelay. Nagmulat ako at tumingin sa kanya. Yung kanya kaya? Sa mailbox din? Dahil medyo gusto ko ang topic ay sumagot ako. Dahil maingay siya, pwes, ilalabas ko na ang brighter side ko.

"Sa mailbox. Hindi ko nga alam kung bakit nandoon, eh yung karaniwan nakadikit lang sa mga pader sa gilid ng mga kalsada. Yung sa iyo?" tanong ko naman. Napataas ang dalawa niyang kilay at ngumiti. Humarap siya ng maayos sa akin.

"Lumipad lang tapos dumikit sa mukha ko." na-imagine ko bigla iyon kaya natawa ako. Nagtawanan kami parehas.

"Nakakatawa naman iyon. Pero, okay lang iyan. At least nakarating tayo dito." sabi ko nalang pero ewan, natatawa pa rin ako sa isip ko. Sumandal na siya ng maayos pero nakangiti pa din.

"Haha! Sakto nga na kailangan ko ng work eh. May ipapasalubong at ipapadala na ako kila Nanay at Tatay." nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Bigla akong nainggit. Umiwas ako ng tingin dahil naiisip ko ang sira kong pamilya.

Minsan hindi ko na talaga maiwasan ang mainggit kapag tungkol na sa magulang. Buti pa yung ibang anak, mahal ng magulang nila. Eh ako, muntik pang mapatay. Hindi pa tinuloy.

Hindi ko na nga alam kung saan pa ako magpapatuloy, wala naman na akong patutunguhan.

Biglang bumangon sa pagkakasandal ang maganda na maputing babae. Ang antok niyang mata ay lumipat sa amin. Tila nahiya siya at umayos ng upo.

"Hi Zilvane, gising na si Athanea." so nag-usap siguro sila kanina, no. Kanina, iisa lang ako dito. Ang haba naman masyado ng tulog ko. Humikab ang babae o si Zilvane pagkatapos ay ngumiti at tumango.

Magkaiba sila, obviously. Itong isa, kalog, yung isa, mahinhin. What a world. Kung magiging ka-close ko sila,kawawa si Zilvane. Araw araw siyang stress.

Tumahimik ang lahat pagkatapos ay wala na akong napansin kasi nakatulog na ulit ako.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

9.8K 228 32
Completed✔️ Si Xian Justin Smith ay tagapagmana ng kanilang company, Halos lahat ng mga nagiging empleyado niya ay natatakot sa kanya dahil sa may pa...
129K 2.2K 38
Mature Content|R-18|SPG Dragon Boyz Series 1: Ajax Caden Lewis When love gives you many chances, will you take it and try again? Bella Alliena was o...
13.8K 491 17
[COMPLETED] Zencia is naive when it comes to what we call "Love" and Zaijan took that as an advantage on Zencia's innocentness. Even though Zaijan k...
5.7K 256 16
Jordan Francisco Francisco series #2