Rise of the Hidden Blood

Da -Wuxie

63.8K 2.8K 350

Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left e... Altro

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
-----
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
chapter 55
Epilogue
Omega's Playtime

Chapter 37

1.1K 56 33
Da -Wuxie

LUMIPAS ang mga araw na naging malamig ang pakikitungo nya, hindi lang kay Griffin kundi sa lahat ng Alpha. Some of the people around her are like walking into thin glass, ingat na ingat sila sa bawat kilos at salita nila. Natatakot sila sa ipinapakita nila sa kanya.

Ngayon, nagkaroon ng pagtitipon sa pagitan ng ilang alpha at pinuno ng hunters organization. Pili lang ang mga taong kasama sa meeting na yon. Kahit na importante ang pag uusapan nila ngayon sa bawat pack, hindi parin sila maaaring magtiwala kahit sa  ibang alpha.

"Anong nalaman mo Aruna?" Tanong nya sa kasamahan "Nakuha mo ba ang kailangan natin na impormasyon?"

Nang tumango ito, tila nakahinga sila ng maluwag. Sa wakas, makikilala na nila ang kalaban.

"Ang totoo nyan, hindi ko inaasahan ang nakita ko. Kilala ko kung sino ang kalaban natin ngayon, infact
some witches knew her. " Panimula nito "Sa tingin ko pamilyar din ang ilan sa kanya. Ang taong tinutugis natin ay nagngangalang Rosebella Parlatia. Pero ipinakilala nya ang sarili nya sa mundo bilang Ruthee."

"Ruthee?" Napakunot noo ng isa sa mga alpha "Parang pamilyar sa akin ang pangalan na yan"

"Sa tingin ko matagal ng hindi nababanggit ang pangalan nya kaya hindi sya madaling maalala sa panahon ngayon. " Saad ni Aruna.

"Teka, Ruthee ba kamo?" Naguguluhan na sambit ng Heneral.

"Oo, si Ruthee. Yung matandang baliw na babae noon na naglagay ng mga sumpa sa maraming pamilya at hiningi lahat ng mga anak nilang bata kapalit ng pagbawi nya sa mga sumpa" sagot naman ni Aruna na ikinagulat ng marami. "The witch who wanted to achieve the eternal youth using the lives of young children."

Dahil wala syang alam tungkol sa taong sinasabi nito, nanatili syang tahimik at nag observa lang.

"Imposible" napatayo ang heneral sa nalaman "Wala akong natanggap na report tungkol sa pagtakas nya ng kulungan! Baka nagkamali ka lang!"

"Hindi ako nagkamali sir" puno ng kumpyansa na wika ni Aruna "Twelve years ago, gumawa ng gulo ang mga taga suporta ni Ruthee para ilihis ang atensyon ng mga hunters at ibang mga tao. Habang nasa gulong yon ang atensyon ng mga hunters, itinakas nila si Ruthee"

"Pero sa mga kriminal na tulad nyang nakakulong sa isang napaka higpit na preso at madalas na dinadalaw, walang nakarating saakin na report. Ibig sabihin nasa kulungan parin sya." Giit ng pinuno ng hunters.

Napatingin si Aruna kay Kaeden, tila naging senyales naman iyon para kay Kaeden na magsalita.

"We conducted a secret investigation on this matter sir" Kaeden spoke "Ang totoo nyan, sila ang may pakana ng pag atake sa Reika Academia twelve years ago." Kinakabahan ba bumalik sa kanya ang kanyang beta "Alpha, sila din ang nag utos na sunugin ang Rogue land noon "

Nanlaki ang mga mata nya sa gulat. Akala nya nakapag higanti na sya sa taong sumira sa tahanan nya. Nagkamali sya, may ibang tao pa pala ng likod nila.


Naramdaman nya ang galit na nagsimulang umapaw. Lumakas ang tibok ng puso nya at tila hindi na nya marinig ang ibang tao sa paligid nya. Kinakain nanaman sya ng galit, habang iniisip na hindi pa pala nya naipag higanti ang ina.

Everyone in that room looked at her in panic. Agad na tumayo si Theron at tumabi sa kanya. Hinawakan nito ang nakakuyom nyang palad at marahang pinisil iyon.

"Alam kong galit ka. But try to control your anger. Kailangang mapagplanuhan natin ito ng maayos para mahuli natin ang totoong pumatay kay tita Froja. Kumalma ka Amaris, kahit mahirap." Bulong nito.

Mariin syang napapikit. Nanginginig syang bumuntong hininga.

"Are you ok Alpha Amaris?" Tanong ni Alpha Dominic sa kanya. Pero hindi nya agad ito nasagot. .

"Don't mind her" saad ng pinsan nya "Please continue."

"Kung ganon, sino ang nasa kulungan ngayon?" Tanong ng heneral kay Aruna.

"Hindi namin kilala. Pero naniniwala akong isang inosenteng tao ang nilagay nila doon. Ginamitan nila ng mahika ang  taong yon upang ilagay ang mukha ni Ruthee sa kanya. "Sagot ni Aruna "Sir, I'm sorry kung nangahas kaming pasukin ang kulungan nya. But we needed to confirm our suspicion that's why we had to do this. Alam namin na hindi kayo papayag kung hiningi namin ang permiso mo "

"Ginawa nyo lang ang sa tingin nyo ay tama. " Parang wala sa sarili na sambit ng pinuno. Maya maya ay tinawag nito ang kasamahan nito at inutusan na  kumpirmahin ang sinabi nila Aruna.

"Aruna, yung Ruthee na yon malakas ba?" Tanong nya.

"Sa naaalala ko, hindi sya ganon kalakas. Pero mautak sya, masyado syang gahaman sa kapangyarihan at magaling syang gumamit ng ibang tao. She knows how to use her charm very well" sagot nito.

Nagpigil ng tawa si Kon "Halata naman. Sa tanda nyang yon naakit pa nya si Julius."

"Ah, tungkol sa bagay na yan. Ginamitan nila ng gayuma si Julius. Kaya sa tuwing tumitingin si Julius kay Ruthee ng nakikita nya ay ang dalagang Ruthee. "paliwanag ni Aruna "Ilang beses din kaming nagkaharap ng babaeng yan in the past. Ilang beses ko na rin syang tinuturuan ng leksyon kaya hindi na nya gugustuhin ang  makalaban ulit ako. Ngunit hindi yon nangangahulugan na hindi nya kakalabanin ang mga tao sa paligid ko. Tulad ng sinabi ko, gahaman sya sa kapangyarihan."

"Ano talaga ang binabalak nyang gawin sa mga babaeng tinangka nyang kunin?" Tanong ni Griffin.

"Dahil matanda na si Ruthee, gusto nyang magkaroon ng mas bata at mas malakas na katawan" ani nito "Kaya nga sinabi ni Aya na gusto nila ng perfect body."

Kumunot ang noo nya "Bakit nya kailangang gawin yon? Kaya mong panatilihin ang pagiging bata mo, ganon din si Arya.  Hindi ba kayang gawin ni Ruthee yon?"

Ngumisi Aruna "Maintaining our youth requires a lot of things. There are  magics that only strong witches can master. Hindi lahat ay kayang gawin ang mga nagagawa ko Alpha. And it also happens that Arya is born with incredible amount of magic in her body. Pero ibang kwento si Ruthee. Para syang ipinanganak na may kasamang sumpa. "

"Hmmm" tumango si Alpha Dominic "Narinig ko rin ang kwento tungkol sa mga magulang nya."

"Anong kwento?" Sabay na tanong nila ni Kon.

"Ruthee is a child from an incest relationship. Magpinsan ang mga magulang nya. Bagay na ipinagbabawal sa lahi nila" paliwanag ng pinuno ng hunters.

"Tama ka sa incest part, pero mali ka sa parte ng relasyon" pagtatama ni Aruna "Matagal ng may gusto ang nanay ni Ruthee sa tatay nya, ilang beses na nyang ipinagpilitan ang sarili nya. Alam ng lahat na obsessed ang babaeng yon sa pinsan nya. Pero lumala lang yon noong ikakasal na yung lalake sa babaeng gusto nya. It drove Ruthee's mom mad and did the unexpected. At the night of his wedding, that woman stole the groom and raped him. Matapos ang ilang araw ng paghahanap, nahanap din nila ang tatay ni Ruthee pero nakatakbo na ang nanay nya. Bumalik lang sya sa tahanan nila nang malaki na ang tyan nya at ipinagbubuntis  na si Ruthee. Akala nya maaagaw na nya ng tuluyan ang pinsan nya mula sa asawa nito dahil sa  sanggol na dala nya. Pero nakalimutan nyang bawal ang pagkakaroon ng relasyon sa pagitan ng magkapamilya, lalo na ang magkaroon ng anak sa ganong relasyon. Kung sa normal na tao mali yon, mas malala ang tingin naming mga witches doon. Kaya sa halip na makuha ang ninanais nya, bawat isa ay pinagtangkaan na patayin ang bata sa sinapupunan nya. Once again, she ran away and never returned. Namatay sya nang ipanganak nya si Ruthee. Pero siniguro nyang makikita ni Ruthee ang mga ala ala nya paglaki nito. "

"At lumaki din si Ruthee na kagaya ng nanay nya. " Wika naman ni Arya "Nalaman nya ang tungkol sa nakaraan nya mula sa isang gamit ng nanay nya. Nakita nya ang mga memories ng nanay nya doon kaya nagpunta sya sa bahay ng pamilya ng nanay nya at nakilala nya ang ilang kamag anak ganon din ang tatay nya. Nagpanggap syang isang tagalabas at pinaikot ang pamilya ng nanay nya gamit ang maraming kasinungalingan. Inakit nya ang pinsan nya na kasalukuyang may kasintahan. Pero nalaman din nila kung sino sya, at pinagtangkaan na patayin. Ang problema, marami ng alam na mahika si Ruthee noong mga panahong yon. Kaya pinatay nya ang buong pamilya kasama ang kanyang ama."

"Sabi nga nila masarap daw ang bawal" mahinang tumawa si Kon pero agad na tumahimik nang walang pumatol sa joke nya. 

"Ah Alpha, may iba pa palang nalaman sila Aruna sa investigation. Ang totoo nyan may mas malaki pang binabalak yung matandang yon" wika ni Kaeden.

Ngumiwi si Kon "Ano pa? Ilang problema ba ang dadalhin saatin ng babaeng yan?"

"Wala ka pa ngang inaambag nagrereklamo ka na" nang aasar na wika ni Zen.

"Oi! Hindi ah. Tingin mo ba joke lang saakin yung iwan muna ang maganda kong asawa para sumama sa investigation?" Sumbat ni Kon na tinawanan ni Asher.

"Wag mo silang pansinin" wika nya sa mga kasamahan.

"Kaya marami silang kinukuhang babae, kase binabalak silang buksan" pagpapatuloy ni Aruna "Hindi ako gaanong sigurado noong una kaya kinausap ko muna ang ibang mga elders nakumpirma ko nga ang balak nya."


Tumaas ang dalawang kilay ni Theron "And that is?"

"Gusto ni Ruthee na buksan ang portal papunta sa mundo ng mga dragon" sagot nito.


Nagkatinginan silang lahat dahil hindi nila inaasahan ang narinig. Lalo na sya. Narinig na nya ang tungkol sa mundo ng mga dragon ngunit hindi nya
inaasahan na totoo pala yon.


"Dragon?" Ulit ni Sage "As in yung malaking nilalang na may pakpak?"

"Bakit naman nya gugustuhin na pumunta doon? Isang tapak lang ng dragon sa kanya naging panini na sya" dagdag naman ni Kon.

Naguguluhan silang lahat, halatang wala silang ideya.

"Hayaan kong ipaliwanag ko" si Aruna na ang nagsalita "Ang mga dragon na yon ay parang mga lobo lang. Tulad nyo, nagbabagong anyo din sila. They have human form and dragon form just like all of you. Pero ang dahilan kung bakit may sarili silang mundo dahil kailangan nilang protektahan ang lahi nila mula sa kasakiman. These dragons are the only creatures who directly received the blessing from God. At dahil doon, kahit isang patak lang ng dugo nila ay makakapagbigay na ng kakaibang lakas sa sino mang iinom.  Noon nakatira din ang mga dragon sa mundo natin. Napakabait nila at mapagbigay. Pero dahil doon, may mga umabuso sa  kanila. Hanggang  sa lumalakas na ang loob ng mga tao na hulihin sila at gamitin sa personal na interes. Nang hindi na sila makapag tiis, tumakas sila at bumuo ng sarili nilang mundo. "

"May ganon pala tayong kasaysayan"
Mahinang sambit ni Sage.

Nangalumbaba sya "Oy Aruna, diba matanda ka na? Naabutan mo ba yung pangyayaring yon?"

Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya "Kailangan mo ba talagang sabihin yan dito? " Parang naaapi ito sa tono ng boses "Hindi ko yon naabutan ok? Sobrang tagal na ng pangyayaring yon. Nakalimutan na nga ng halos lahat ng tao ang kwento. "

"Sa tingin ko mas mabuti yon" wika ni Alpha Dominic "Kung alam ng lahat ang tungkol sa dugo ng dragon, maraming gagawa ng paraan para buksan ang portal tulad ng ginagawa ni Ruthee ngayon."

Sinang ayunan ng maraming pinuno ang sinabi nito.

"Sandali" kinuha ni Griffin ang atensyon ng lahat "Kung gagamitin sana nilang alay ang mga babae, bakit ginawang prostitute ni Julius ang mga yon?"

"Ayon sa nalaman namin, yung mga babaeng nasa bahay na yon ay hindi pumasa sa standard na hinahanap nila" sagot ni Kaeden "Ang hinahanap nilang mga babae para sa ritual ay mga birhen, mateless, and lastly, girls who have pure kind heart."

Ngumisi sya "Sa panahon ngayon wala ka ng maghahanap na ganong babae.  Kaya naman pala wala silang itinago kahit isa." Umiling sya "Masyadong mataas ang pangarap nya. Kahit mabuksan nya ang portal hindi nya makukuha ang gusto nya. Kung totoong biniyayan ng dyos ang mga dragon, ibig sabihin hindi sya makakatagal doon. Darkness can never enter the lair of the light of God. Masusunog sya. Magmimistulang asido ang dugo ng dragon na papasok sa lalamunan nya at susunugin sya mula sa sikmura."

"Yan din ang iniisip ko" wika ni Aruna "pero dahil baliw sya, hindi na sya nag iisip ng tama. Inaakala nya kaya nyang gawin lahat. "

"Kung ganon, hindi ligtas ang mga babaeng dalaga habang nandyan pa ang kalaban. Kailangan muna nilang manatili sa loob ng mga pack at wag lumabas" wika ng hunter.

"Idamay nyo na rin ang mga batang babae" wika ni Theron na ikinagulat ng lahat.

"Tama ka" sang ayon nya dito nang mapagtanto ang ibig nitong sabihin.

"Kids  can meet those requirements" mahinang wika ni Griffin nang maintindihan din nito ang sinabi ni Theron "They are virgin, haven't met their mate, and purely kind because they're children."

"Sa tingin mo Aruna? Pwede bang magamit ang mga bata sa ritual " tanong ni Zen.

"Hindi sila pwedeng gamitin dahil ang dapat na magamit sa ritual ay mga babaeng nasa tamang edad. Pero dahil isang baliw na babae ang kalaban natin hindi imposibleng maisip nyang gumamit ng mga bata" wika nito.

"So ano na ang plano?" Tanong ni Kon. "Kailan natin huhulihin ang Ruthee na yon?

"Kinikumpirma muna namin lahat ng lugar at sinisigurado na nakuha natin ang lahat ng lokasyon na ginagamit nila. Pag kumpleto na lahat ng preparasyon saka tayo sabay sabay na umatake sa mga kuta ng kalaban. " Sagot ng Heneral.

"At si Julius? Ano na ang plano sa kanya?" Tanong ni Zen

"Dadalhin sya sa East Sea prison. Kung may kulungan man na hindi kakayaning pasukin ng mga kalaban, isa na ang East Sea prison doon. Ang warden doon ay isa sa pinaka malakas na kapitan sa hunter's organization. Hindi tatalab sa kanya ang dark magic."  Pagmamalaki ng Heneral. Habang binabanggit nito ang warden, nakikita nya ang pride sa mga mata nito. "Unfortunately karamihan sa mga kapitan namin ay nakadispatsa sa iba't ibang lugar para sa misyon. Walang makapagdala kay Julius sa kulungan nya "

Uminom sya ng tubig habang nakikinig sa Heneral. Pinagpalit naman ni Zen ang plato nila dahil ubos na ang cookies sa plato nya. Hindi nakatakas sa kanya ang masamang tingin ni Griffin sa ginawa ni Zen.

"Alpha Amaris, Alpha Griffin, kung pwede sana makikisuyo ako sa inyo" dagdag ng Heneral. "Alam ko ang kaya nyong gawin na dalawa. You're both strong in combat. Kung pwede sana kayong dalawa ang mag assist sa pagdadala kay Julius sa East Sea prison. Sa nakikita ko, mukhang magkasundo naman kayong dalawa eh"

Her two brows lifted unconsciously, and look at the general in confusion with a bit of disbelief. Mukha ba silang magkasundo ni Griffin nito?!


Sa isang tabi, kinagat ni Kon paloob ang labi nya saka kumapit kay Zen habang nagpipigil ng tawa.

"Mukha po ba kaming magkasundo?" Seryosong tanong nya.

"Well, ayon sa nalaman ko naayos nyo na daw ang naging gulo noon. At ngayon magkasundo na ang dalawang pack." Sagot naman nito saka bumaling kay Griffin "Ok lang ba sayo?"

A small smile appeared in Griffin's lips "Ofcourse sir "

Tinapunan nya ito ng masamang tingin.

"Alpha Amaris? " Kuha naman ng Heneral ng atensyon nya.

Bumuntong hininga sya. Kung tatanggi sya ngayon, iisipin ng ibang tao doon na hindi parin sila nagkasundo ni Griffin. Baka may mga tao doon na masama mag isip, at gumawa ng paraan para mas lumaki ang gulo sa pagitan ng mga pack nila. She already have too much on her plate right now, hindi na pwedeng padagdagan pa iyon.

"I'll go. Kami na ang bahala sa preso" wika nya na nakapagpahinga ng maluwag na Heneral. She shot Griffin a cold glare, pero parang hindi naman ito apektado. He even dare to look at her affectionately.


"Kung ganon, kayo na ang bahala na mag set up ng araw kung kailan nyo kukunin ang preso. Sabihan nyo nalang kami upang makapag handa kami sa pag alis nyo" wika nito.

Nagsulat si Asher sa maliit na papel at ipinakita sa kanya.

'Wag mo syang patayin sa daan.'

Napangiti sya at nagsulat din sa baba non.

'that sounds like a good plan'

Mahina sya nitong binatukan habang nakangiti.

Hindi pa man natatapos ang meeting, biglang dumating si Magenta na humahangos.

"Alpha emergency" wika nito nang makita sya "Yung tao sa cave..."

Nang marinig nya ang sinabi nito ayad  syang napatayo at hindi na nag abalang magpaalam.  Dali dali syang lumabas, sumunod na rin sa kanya si Aruna.

"Anong nangyari?" Tanong nya dito habang nagmamadali.

"Sabi nung bantay, humina  daw ang tibok ng puso nya" sagot nito.

She mentally cuss. Ano naman kaya ang dahilan kung nangyari yon. He should be perfectly fine! Wag mong sabihin na mamamatay ito!? Pagkatapos ng lahat ng ginawa nya, mamamatay lang ito?!

Binilisan nilang makauwi, at pinuntahan ito. Nang makarating sya, halos wala na itong pulso.

"Sht...sht.....sht...." Mura sya ng mura. "Aruna akin na ang punyal! Hindi sya pwedeng mamatay. "

Masyado syang maraming sakripisyo, hindi nya kayang bitawan ang lolo nya.
He can't die! May plano pa sya dito!

Sinugat nya ang palad at itinutok iyon sa bibig nito. Tumulo  ang maraming dugo mula sa palad nya. Kasabay non ay gumamit ng mahika si Aruna upang lagyan ng enerhiya ang walang malay na katawan.

Ilang minuto silang ganon. Nagsimula na ring lumabo ang paningin nya sa dami ng dugo na nawala sa kanya. Since she's releasing her healing ability on her blood, she can't heal her own body. Kaya nanghihina sya.

"Bumabalik na ang pulso nya" wika ni Magenta maya maya


Hindi na rin kinaya ng katawan nya at natumba na sya. Mabilis naman syang sinalo ni Kaeden.

"Masama to, masyadong maraming dugo ang nilabas nya" dinig nyang wika ni Aruna. "Dalhin nyo na sya sa bahay nya. Ako na ang bahala dito"

Naramdaman nyang gumalaw si Kaeden at linabas sya sa kweba. Binalot muna sya ng mga to ng tela  upang hindi sya matamaan ng init. Dahil sa oras na mangyari yon, masusunog ang balat nya. Her body is too weak to withstand anything right now, especially sunlight.







Six days later.......

NAG AALANGAN na nakatingin ang mga kasamahan nya sa kanya.

"Alpha sigurado ka ba?"  Nag aalalang wika ni Kai  "Baka hindi ka pa nakabawi ng lakas."

"Ipagpaliban muna kaya ninyo" suhesyon naman ni Magenta.

"Tumigil nga kayo. Nakabalik na ang lakas ko, sapat na ang pahinga ko. Tsaka ayoko namang isipin ng iba na iniiwasan ko si Griffin kaya pinapatagal ko itong trabaho namin." Aniya sa mga to.

Seryoso, parang mga anak nya ang mga to. Kung pwede lang hindi nila sya bibitawan.

"Habang wala ako gawin nyo ang mga trabaho nyo. Bibilisan ko at babalik ako agad. Ayoko rin namang makasama ang lalakeng kasama ko sa byahe no" naiinis na sambit nya.

"Kunin mo to" inabot sa kanya ni Arya ang ilang mga gamot na ginawa nito na nakalagay sa maliliit na bote "Sakaling bigla kang mawalan ng lakas, uminom ka nyan. It can help you boost your energy for a few minutes. Sakto lang para makapagpahinga ka at maiwasan ang mawalan ng malay"

Tumango sya at inilagay sa loob ng sasakyan ang ibinigay nito.


"Mag ingat ka sa  daan alpha" pahabol na wika ni Magenta bago nya isinara ang pinto.

"Babalik ako agad" wika nya bago tuluyang umalis. 

Naiintindihan nya ang pag aalala ng mga to, lalo na at aalis syang walang bantay. Hindi ito tulad ng dati na walang panganib na maaaring naghihintay sa kanya dahil wala pang nakakakilala sa mukha nya. Pero puno sya ng kumpyansa dahil alam nyang alam ng mga kalaban kung anong maaaring mangyari sa kanila sa  oras na umatake sila sa kanya.

Nang makarating na sya sa Hunter's basecamp, binati sya ng maraming hunters. Ang ilan sa kanila ay napatitig nalang sa kanya. Lalo na at ang suot nya ay loose muscles sleeves crop top at jogging pants. Kitang kita ang mga puting tattoo nya na bihira lang makita sa mga tao. Exactly why she chose white tattoos because it matches her  unique dark skin.

Papasok na sana sya sa building ngunit may isa pang sasakyan ba tumigil sa tabi ng sasakyan nya. Nararamdaman na nya kung sino iyon kaya wala syang balak lingunin ito. Ngunit hindi yata magkasundo ang utak at katawan nya dahil liningon nya si Griffin sa hindi malamang dahilan. She already made one mistake by looking at him and she can't make another one, so she planned to give a cold expression to show her disinterest.

Pero sa halip na bigyan ito ng blangkong tingin, napatigil sya nang makita si Griffin na lumabas sa sasakyan nito at nakasuot ng body fit na shirt na nagpapakita kung gaano kaganda ang hubog ng katawan nito.  Pinaresan pa nito ang damit ng cargo pants at combat boots. Kung ibang tao siguro aakalain nilang isa sa mga kapitan ng hunters si Griffin. He's tall, he got a fit body, and he radiates a dominant aura that can make anyone submit.


Nang bigla syang matauhan, sumimangot sya sa sarili. The f is wrong with her? Hindi dapat sya nag iisip ng ganito pagdating kay Griffin.

Yes, he got the  looks. Pero iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit sya nito napaikot.

Tinanggal nya ang kahit na anong emosyon na makikita sa kanyang mukha. Hindi naman naitago ng ilang  mga babaeng hunters ang pagkahanga nila kay Griffin. Titig na titig sila dito at tila wala sa kanilang bukabularyo ang salitang hiya.

Lalo syang nainis nang makarinig ng hagikhikan ng mga babae habang bumubulong ng mga malalaswang salita tungkol kay Griffin. Pinagnanasaan nila ito ng harap harapan. Kung umakto parang mga cheap na bayarang babae sa halip na Isang respetadong hunter.

Napaismid sya. Mga higad!

Muli syang napatigil nang mapagtanto nanaman ang ginagawa. Did she just got mad? Ano nanaman ang ikinakagalit nya? Bakit sya naiinis sa mga malalanding babaeng yon? Ano naman ang pake alam nya kung landiin nila si Griffin? Ok nga yun eh, magsama sama ang mga malalandi.

"Alpha Amaris..."

Halos mapatalon sya nang marinig ang baritonong boses ni Griffin sa likod nya.

Tinignan nya ito ng masama "Oh?Anong kailangan mo?"

"Hindi yata maganda ang gising mo. " Ani nito nang mapansin ang init ng ulo nya.

"Wala kang pake " inis na wika nya saka ito iniwan.

Pero nagulat nalang sya nang  biglang mabalot ng takot ang ilang hunters sa paligid. Nang lingunin nya ang mga to, nakita nya si Griffin na masamang nakatingin sa mga to, na para bang makakapatay na yata.

"Who the fck piss her off?" Mahina ngunit puno ng galit na tanong ni Griffin sa mga tao sa paligid "Sino ang gumalit kay Amaris?"

Takot na nagkatinginan ang mga hunters. Kumunot ang noo nya, iniisip ba nito na may gumalit sa kanya.

"Hoy! Tumigil ka nga. Ikaw ang gumalit saakin, ang bagal bagal mo kase. Ano, pinaglihi ka ba sa pagong? Ang layo pa ng pupuntahan natin tapos nagbabagal bagal ka pa dyan" sarkastikong aniya saka ito tinalikuran.

Agad na nawala ang galit sa mukha ni Griffin, mabilis sya nitong hinabol at tahimik na sumabay sa kanya sa paglalakad.

Nang makita sila ng pinuno ng nga hunters, agad nitong tinipon ang mga hunters na nasa basecamp. Mga nasa dalawampung tao ang nakatayo sa harap nila.

"Alpha Amaris, Alpha Griffin, sila ang mga hunters na sasama sa  prison. " Wika nito.

"Masyadong madami "agad na tutol nya.

"Masyadong halata ang ginagawa namin kung kasama namin silang lahat" sang ayon naman ni Griffin "Sa dami nila para mo na ring ipinagsigawan kung sino ang dadalhin nyo sa kulungan ".

"Kung ganon, kayo na ang pumili kung sino ang isasama nya" wika naman ng Heneral.

Humalikipkip sya habang nakatingin sa mga to. Yung ibang mga babae todo pacute kay Griffin, habang yung ilang lalake grabe kung makatitig sa kanya.

"Sino sa inyo ang gustong sumama sa mission?" Tanong nya sa kanila.

Halos lahat ng babae ay nagtaas ng kamay. Hindi rin nagpatalo ang mga lalake. Mga nasa limang tao lang yata ang hindi nag taas at kung titignan ang mukha nila parang wala silang interes sa misyon.

Ngumisi sya "Lahat ng nagtaas ng kamay, maiwan kayo. Lahat ng hindi nagtaas, kayo ang kasama sa mission." Matapos sabihin yon ay tumalikod sya.

Agad na nawala ang ngiti ng mga to. Nakarinig sya ng nga reklama.

"My gosh! Nagtanong pa sya eh hindi rin naman pala nya tayo pipiliin!" Reklamo ng isa

"This is not fair!" Dagdag pa ng Isang babae.

"What's not fair?" Naiinis na tanong nya nang muling harapin nya ang mga to. Tinignan nya sa mga mata ang babaeng kanina pa nagrereklamo "Hmm? Anong hindi fair?"

Natahimik ito at umiwas ng tingin.

"Sige ilabas nyo ang reklamo nyo!" Sigaw nya "Sa tingin nyo ba hindi ko napapansin yung mga kalaswaan na kanina nyo pa pinapakita? Hindi ko kailangan ng pabigat sa trabahong to. Hindi lang kayo napili nagrereklamo na kayo?! Ganyan ba dapat umasta ang mga hunters? Kung ganyan kayo mag isip pwes mag training ulit kayo! Mga letche!" Tuluyan ba nyang iniwan ang mga to..

"Lahat ng mga napili, maghanda na kayo. We'll leave as soon as we can. Wag nyo na kaming paghintayin" Griffin instructed before following her.

Umupo sya sa isang malaking bato doon malapit kung saan nakaparada ang sasakyan nya. Ilang sandali lang ay lumabas nag general kasama ng limang hunters na makakasama nila.

"Pagpasensyahan mo na alpha ang nangyari kanina. Hindi ko rin inaasahan na aasta sila ng ganon. It seems like they are not trained enough. Kaya naman pala iniwan sila ng mga kapitan nila. I'll make sure that they will get properly trained" saad ng general.

"Wala akong pake alam sa issues ng organisasyon nyo. Gusto ko lang matapos ng walang problema ang mission" aniya dito saka tumayo "Nakahanda na ba ang lahat?"

Tumango ito "Pwede na kayong umalis."

Lumapit sa kanya si Griffin "I'll take the lead".

"Good, sa buntot na ako" walang pake alam na wika nya. Sumakay na sya sa sasakyan at hinintay na maunang umalis ang mga to.

Lahat ng mga hunters ay sumakay sa sasakyan kung nasaan si Julius habang sya ay nakabuntot at si Griffin ang nasa unahan.

Hindi naman talaga sya natatakot kung may pag atake man na nangyayari. Wala rin syang pake alam kung hindi sila magtagumpay sa misyon. Kung mahirapan man sila sa pagprotekta kay Julius, papatayin nalang nya ito. Wala na rin naman silang kailangan dito.

Pero parang hindi sya makapaniwala na nakarating sila sa East Sea prison ng walang umaatake matapos ang ilang oras. Everything was smooth and easy. Tila yata pinabayaan na ng mga kalaban si Julius.

Pagkarating palang nila, nasa labas na ang warden ng prison at ang maraming mga tauhan nito.

Silang dalawa ni Griffin ang humarap sa warden. At nang makita nya ito ng malapitan, medyo nagulat sya. Dahil hindi nya inaasahan na ang  warden ng east sea prison ay isang napakagandang babae.
But she can see through her, sa likod ng ganda nito ay isang mabangis na nilalang.

"Hello warden" bati nya "I'm Alpha Amaris Maraja of Terra Gaia" nakipag kamay sya dito.

"I'm Alpha  Griffin Pravesh of Melted Levanna" ginaya ni Griffin ang ginawa nya at nakipagkamay sa babae.

Ngumiti ang babae "Welcome to east Sea prison. I am the Seventeenth captain of Hunter's organization. As well as the warden of East Sea prison. My name is Hazini. "

Continua a leggere

Ti piacerà anche

8.8K 438 58
Helliza was living in an isolated place, away from the outside world. But she could never say 'no' to her Grandfather. Labing dalawang taong gulang s...
955K 25.9K 42
Surrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twi...
FADED ✔ Da AyEmMaylin

Narrativa generale

3.1K 153 38
Ford Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the e...
63.8K 2.8K 59
Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left empty with no one to rely on. Like an in...