Owning Her Innocence (R-18)

Από RaceDarwin

64.1M 1.2M 125K

Callante Fontanilla was hot. Dayum hot. But for some reason, galit si Kira sa lalaki na forever kapitbahay na... Περισσότερα

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Four (Part 1)
Chapter Forty Four (Part 2)
Chapter Forty Four (Part 3)
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two (Part 1)
Chapter Sixty Two (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 1)
Chapter Sixty Three (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 3)
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue

Chapter Forty Three

683K 14.6K 1.3K
Από RaceDarwin


HINDI MAKAPANIWALANG nakatitig sa kanya si Callan. Namimilog ang mga mata nito. Hindi niya nagustuhan ang reaksyon ng lalaki. Pasimpleng tinadyakan nya ito. 

 Napaungol ito sa sakit. "Bakit mo naman ginawa 'yon?"

 "Eh, kasi naman po nagmumukha kang abnoy sa reaksyon mo!" Kanina pa siyang naiinis sa binata. Pagkatapos siya nitong iposas, paliligayahin nga siya nito pero ibibitin din naman.

Kanina pang nagwawala ang hormones niya, pero patigil-tigil pa ito. Talagang sinasadya nito na mabitin siya. Sa kanyang pagkainis, hindi na niya napigilan pa ang bibig. Nasabi na niya dito ang katotohanan na buntis na siya.

 "T-totoo ba?"

Humugot siya ng malalim na hininga. "Pakawalan mo muna ako."

 Hindi na kumontra si Callan. Pinakawalan na nito ang isang kamay niya mula sa pagkakaposas sa kama. Bumaba siya sa kama. Wala siyang pakialam kung wala siyang saplot. Ngayon pa ba siya mahihiya? Nakita na ni Callan ang lahat sa kanya.

 At nakita na rin naman niya ang lahat sa binata kahit ang nakagat ng langgam. Kaya dapat lang na hindi siya mahiya. Dinampot niya ang bag at hinanap ang pregnancy test kit doon.

 "Sa tingin ko sapat na 'yan para maniwala ka." Inabot na niya ang katibayan dito.

Matagal na tinitigan ni Callan ang bagay na 'yon. "P-Positive?"

 "Yes, positive. But i still need to see the doctor to confirm it." Pilit niyang di tiningnan ang binata. Kinakabahan siya. Kung siya lang ang tatanungin, wala siyang problema kung magbuntis siya. Basta si Callan ang ama ng ipagbubuntis niya.

 Maybe, she just really love him. Hindi totoo ang sinabi niya na babalikan niya si Jiro. Hindi siya tanga upang ipagpalit ang isang tulad ni Callan at balikan ang isang lalaking nanloko sa kanya. Kahit pagbaliktarin pa niya ang mundo, wala ng makahihigit pa sa binata.

 Nabigla si Kira nang bigla siyang yakapin ni Callan. Hindi niya inaasahan 'yon. Napatingala siya at nakita ang maluwang na ngiti sa gwapong mukha nito.

 "You're pregnant, hon." ang tono nito ay parang bata tuwing gabi ng Pasko. Masaya. Puno ng buhay. Kumikinang sa tuwa ang kulay asul nitong mga mata.

 Nag-init ang mga mata niya. Hindi pa siya nakakapagsalita nang bigla siya nitong buhatin. "Sa wakas, nabuntis din kita!" tuwang-tuwa na sabi nito, dinaig pa ni Callan ang tumama sa lotto.

 "You're not mad at me?" tanong niya nang ibaba siya nito.

 "Bakit ako magagalit? This is exactly what i want."

Naguluhan si Kira. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

 Matamis na ngumiti si Callan. "Una pa lang, ginusto ko na itong mangyari. Ang magbuntis ka at dalhin mo ang magiging anak natin."

 Napanganga siya. "Sinadya mo ito? Na mabuntis mo ako? Is that the reason why you're not using condom everytime we make love?"

 Nakangising tumango ang binata, kumikislap sa kapilyuhan ang mga mata nito. "At ngayon, nakakasigurado na akong hindi mo na talaga babalikan ang ex mong gago."

 Hinampas niya ito sa dibdib at malakas na tumawa ang binata. "Letse ka! Naisahan mo ako!"

 "Bakit ba? Gusto mo rin naman 'yong mga nangyayari sa atin, hindi ba? Huwag mong itatanggi 'yon, honey. You love me, you want all of me. Iyon ang sinasabi ng katawan mo tuwing magkalapat ang labi natin. Hindi mo tutugunin ang mga halik ko kung napipilitan ka lang."

 "Wala naman akong sinasabi na ayaw ko, ah?" Pinisil niya ang pisngi ni Callan.

"Hindi ko na itinatanggi na gusto kita, na mahal kita. Pero.."

 "Pero ano? Bakit ngayon mo lang sinabi ang tungkol sa baby?"

 "Dahil hindi pa ako sigurado. Sinabi ko naman sa 'yo di ba? Kailangan ko muna pumunta sa doctor para malaman kung kumpirmado ba na buntis ako. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa 'yo. Alam ko mahal mo ako, pero ibang usapan na kapag may baby na. Kailangan na nating mas maging responsable at mature para sa ikabubuti ng bata. Naisip ko rin na baka isipin mo na sadya akong nagpabuntis sa 'yo. At pinikot kita."

 Malakas na napahalakhak si Callan. Gumanti ng pagpisil sa pisngi. "That's crazy, honey. Hindi ako mag-iisip ng ganoon sa 'yo. Kahit na bigyan mo pa ako ng isang dosenang anak—"

 "Grabe naman 'yon!"

 "Bakit? Ayaw mo ba ng isang dosena?"

 "Malolosyang ako kapag nag-anak ako ng ganoon karami, Callan!"

 "Kahit malosyang ka pa, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko sa 'yo. Patay na patay pa rin ako sa 'yo at magseselos pa rin ako kapag may ibang lalaki na nagpalipad hangin sa 'yo."

  She chuckled. "That's silly! Losyang na nga, may magkakainteres pa ba?"

 Tumango si Callan at hinapit siya sa beywang. Naglapat ang hubad nilang mga katawan at tila nagsisimula na namang magliyab ang maliit na apoy. "Your beauty is timeless, Kira. Hindi ako magsasawang ipagmalaki sa buong mundo na akin lang ang pinakamagandang babae sa buong mundo."

 Napangiti si Kira. "Napakatamis talaga ng dila mo. Ilan na kayang babae ang nahulog sa mga ganyang linya?" pagbibiro niya. Napahalakhak siya ng makita ang pagsimangot ng lalaki.

 "Oh, Forget that. Just kiss me." Hinila niya ito sa batok at siniil ng mainit na halik sa labi. Ngunit hindi lamang siya nito hinalikan. Ipinadama nito sa kanya kung gaano ito kasaya sa kanyang pagbubuntis.

 Inihiga siya ng binata sa kama. For a moment, she thought he was going to make love with her. Pero bumaba muna ang mukha nito sa tiyan niya.

 Napamaang si Kira ng halikan nito ang hindi pa halatang umuumbok na tiyan.


"Callan.. Ano'ng ginagawa mo?"

Ngumiti ito sa kanya. "Sinisigurado ko lang na mararamdaman ng baby natin na mamahalin ko siya tulad ng pagmamahal ko sa 'yo." Muli nitong pinagtapat ang mga mukha nila. "Now that you're pregnant, nakakasigurado na akong akin na akin ka na, Kira. Mine only."

 Mga ilang sandali pa ay pinag-isa na nito ang kanilang mga katawan. Maingat itong gumagalaw sa ibabaw niya. Kahit ang pagsugod ng pagkalalaki nito ay ubod ng dahan at pag-iingat. Though she doesn't want him to be gentle and slow, still she couldn't help being emotional. Mahal na mahal nga siya ni Callan. Hindi lang nito iyon inilalapat sa salita kundi ipinakikita rin sa mga galaw nito.

 Yumakap siya dito at sinalubong ang bawat ulos ng pagmamahal nito. Mayamaya pa ay narating nila ang sukdulan na nasundan ng isa pa hanggang sa mapagod sila.


 NAIINTINDIHAN na ni Callan kung bakit ganoon kabilis ang reaksyon ang katawan ni Kira sa mga halik niya. Ramdam niya ang pag-iinit nito, ang agresibong pagtugon sa kanyang halik.

 Iyon ay dahil sa buntis ito. Pregnant woman are usually needy and h*rny. Kailangan na punuan niya ang lahat ng pangangailangan nito, emosyonal man o pisikal. Kanina lang ay binigay niya dito ang dapat ay ibigay nito. He made love with her. And it was the sweetest and most romantic lovemaking. Naging maingat siya sa pag-angkin dito dahil buntis nga ito.

 Kahit sinasabi ng dalaga na hindi pa naman kumpirmado at kailangan pa nitong magpatingin sa doctor, nakakasigurado na siya na dinadala na nito ang kanilang anak.

 Napangiti si Callan. Wala na yatang lalaki ang makakahigit sa saya na nararamdaman niya. Parang isang panaginip na nagkatotoo. Isang pangarap na nabigyan ng katuparan. Tila mapupunit na ang pisngi niya sa pagngiti.

 Napansin 'yon ni Kira. "Para sa lalaking nakabuntis ng girlfriend, ikaw na ang pinakamasaya. Bakit di ka ngumiti?" pagbibiro nito habang pinagmamasdan siya. Siya naman ngayon ang naghahain para dito.

 Ngayon na may isang buhay ang nabuo nila, dapat ay mas doble ang pag-iingat niya sa nobya. Ipipilit pa sana ni Kira na ito na ang maghain pero mas mapilit siyang huwag itong pagawain ng kaya din naman niyang gawin.


 "Lahat naman ng nagiging ama ay masaya."

 "D'yan naman ako hindi naniniwala, Callan. May mga lalaki na kapag nakabuntis, hindi masaya. May ibang lalaki na pagkatapos nilang habol-habulin ang babae para maikama, tatakbuhan naman nila kapag nabuntis na. Mayroon pa nga na inuutusan nila ang nobya nilang ipalaglag ang bata."

 "Kung mayroon man na ganoon talaga, sa tingin ko ay hindi sila lalaki." Umupo na si Callan at sinaluhan na ang dalaga. "Dahil ang lalaking walang paninindigan sa ginawa ay hindi tunay na lalaki."

 Napangiti si Kira sa sinabi niya. "Hindi ka lang pala puwede maging pulis. Bakit kaya mo rin pasukin ang pagpupulitika?" suhestyon nito habang kumakain na sila.

 Umiling siya. "Wala sa mga pangarap ko 'yon. Masyadong magulo ang mundo ng pulitika."

 "Tama ka. Pero magulo din naman ang mundo ng pagpupulis, di ba? Tingnan mo nga. Ang daming pulis ang nadadawit sa maraming issues. Ang pangit na tuloy ng tingin ng karamihan sa mga pulis."

 "Sa akin sila tumingin para di sila mapangitan sa mga pulis," aniya at pilyong kinindatan ang dalaga.

 Napahalakhak si Kira. "Luko-luko!" Kinurot nito ang pisngi niya. Hindi pa nakuntento at pinagpipisil pa ang mukha niya. "Gwapo talaga ng bebe ko. Sarap burahin ng mukha!"

 Natatawa, hinayaan niyang panggigilan siya ni Kira. Kaytagal niyang hinintay ang ganoong eksena: siya at si Kira. Masayang magkasama.

 Wala na yatang mahihiling pa ang binata. Ibinigay na nito sa kanya ang nag-iisang babae na noon pa man ay ipinagdadasal niyang maging bahagi ng buhay niya.

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

In Bed With My Ex (R-18) Από Race Darwin

Γενικό Φαντασίας

29.5M 523K 39
(R-18) Three years ago, iniwanan ni Kim si Diego. He was her first everything. Her first love. Sa kabila ng lahat, nagawa siya nitong lokohin at ipag...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
686K 25.3K 8
A collaboration of CC, Race Darwin, Makiwander
The Playboy's Punishment Από Race Darwin

Γενικό Φαντασίας

15M 292K 67
Men are trash--at least that's what Anne believes. But what if this photographer finds herself inexplicably attracted to an obnoxious womanizer who's...