Rise of the Hidden Blood

By -Wuxie

63.5K 2.8K 348

Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left e... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
-----
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
chapter 55
Epilogue
Omega's Playtime

Chapter 30

1.1K 49 0
By -Wuxie

WHAT happened at the wedding became the news's headline for a few weeks. The supposed to be joyous occasion became a disaster because of the bride's bestfriend. Sa laki ng kahihiyan na idinulot non sa pamilya ni Julius at Aya, siniguro ng kanilang mga pamilya na nasa balita din ang pangalan ni Shelly at ang naging kuneksyon nito sa mga witch.

Pero sa likod ng mga pangyayari, sinusubukang bawasan ng dalawang pamilya ang kahihiyan na natatanggap. They paid well known magazine to publish about the grand wedding and their incredible list of guests. Talagang ipinaalam pa nila ang pagdalo ng mga kilalang Alpha gaya nila Alpha Dominic at Alpha Griffin. They even specifically mentioned her and her wonderful gift to the newlyweds


She couldn't help but scoff. Bakit hindi nila binanggit ang tungkol sa pagrambulan ng dalawang bagong kasal at ang tungkol sa pagiging makasarili si Julius nang kainin nito ang rainbow tulip?

Makakalimutan talaga ng mga tao ang tungkol sa eskandalo pag nabasa nila ang pangalan nya. She, despite of being one of the strongest and richest alpha, ni minsan hindi pa sya dumalo sa kahit anong event. Panigurado magugulat ang mga tao pag nalaman nilang nagpakita na rin sya sa wakas.



May balak pa sana silang isali sa magazine ang picture nya na nakuha ng gabing yon, ngunit mamukhaan agad sya ng may ari ng magazine company nang ipadala nila dito ang picture nya. Fortunately the owner is one of her good seniors, so before publishing he called her to ask permission if she's ok with it. Alam nitong dapat lang na hingin ang permiso nya dahil isa syang Alpha. Malamang hindi  rin sya pumayag.


Kung papayag syang ilabas ang litrato nya sa publiko, yun ay dapat sa dahilan na  personal na konektado sa kanya. It should be an article about her pack members, her pack itself, the Rogue city or her own issue.


Sabi nga ni Magenta nang nalaman nya ang tungkol doon "Those vermin shouldn't even dream about putting your beautiful photo next to theirs. "


Kahit naman pumayag sya, hinding hindi papayag ang kanyang sekretarya. Minsan nawiwirdohan sya sa pagiging possessive ng mga tao nya.


Even Kaeden once said Your beauty is only for your people. Hayaan mo na yung mga hampaslupang taga labas..."


Minsan nag aalala na sya sa mga to, kung paano sila makakapag asawa. Masyadong nakatuon sa kanya ang atensyon nila. She's not complaining about their loyalty, she's actually happy that her people gave their whole heart to her. Pero parang labis labis naman yata ang loyalty nila.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng mga hunters ang nangyari sa kasal at hawak nila si Shelly. Plus, Aya is suing her bestie for a few millions for ruining her wedding. Tuluyan namang bumitaw ang pamilya ni Shelly dito. She's totally on her own now. At kahit hindi sya mahanapan ng  ebidensya ng mga hunters, matatalo naman sya sa korte laban kay Aya. So she'll be homeless after this.


Mas pinag igihan naman nila ang  imbestigasyon sa grupo ng mangkukulam. Baka biglang tumahimik nanaman ang lahat saka umatake ang mga ito ng biglaan. Bawat isa ay nag iingat. Halos wala ng nagpapadala ng imbitasyon sa kanilang mahahalagang okasyon dahil sa takot nilang mangyari din sa kanila ang nangyari sa kasal nila Aya.



Halos hindi na rin nya makita sila Aruna at Arya dahil abala ang mga ito sa paghahanap ng mga kalaban nila. The witch was clever, she was only using her pawns and not her own power. That's why it's hard to track her down.

Sa halip naman na invitation letter, ibang klaseng letter at emails na ang natatanggap nya. Each family is asking for  special potions, or magical  plants that could protect them from the witch. Iniisip yata nila na meron syang collection ng mga halaman na may iba't ibang abilidad. Hindi nya pinansin ang mga yon at itinabi lahat.


"Alpha, may dinner appointment ka ngayon sa pamilya mo at six pm" wika ni Magenta sa kanya nang pumasok ito sa opisina nya.


Tumango sya at ibinaba ang mga dokumentong hawak "Sige, bihis lang ako."


"Magpapahanda ba ako ng driver?" Tanong nito.


"Hindi na. I can drive." Aniya saka umalis.

Hindi sya ganon kaclose sa pamilya, ngunit sinusubukan ng kanyang ama na ilapit ang mga kapatid nya sa kanya. Minsan nagpapaset up ng dinner ang kanyang ama at iniimbita sya upang kumpleto sila.  Wala naman syang problema sa dalawang naunang kapatid na lalake, pero kay Vanessa at sa kapatid nito hindi maganda ang timpla sa kanya. Hindi nila sya gusto dahil sa pagpapalayas nya sa nanay nila.

She changed into her oversized hoodie and track pants before jumping into her rover. Sa labas ng bundok ang kinaroroonan ng Black River pack kaya hindi naman ganon kalayo. Kahit pamilya nya ang mga to, hindi nya basta basta pinapapasok ang mga to  sa pack nya. Who knows baka may gawin sila sa kanya. She was very transparent about her emotions, hindi dahil kadugo nya si Limus Maraja ay kailangan nyang maging close dito. They're still family but only by blood. Surprisingly, medyo naging close nya ng kaunti sa dalawang nakakatandang kapatid na lalake. Yon ay dahil nirerespeto nila ang mga kagustuhan nya at hindi ipinipilit ang sarili sa kanya.


Madali lang kausap ang mga to at magkasundo sila sa lahat ng bagay. Which is why she asked her father to step down on his position and hand over it to one of her brothers.

Noong una hindi nya alam kung bakit agad namang sumunod ang tatay nya. Ngunit napagtanto din nya na kaya magaan ang loob nitong sumunod ay dahil sa wala na ang ama nito, ang lolo nila na sakim sa kapangyarihan at walang pake alam sa pamilya. Her father doesn't want his children to work under such a dangerous man.


Pakiramdam nya memoryado ng mga pack members ng Black River ang mga sasakyan nya dahil ni minsan hindi nila sya hinarang.

Pagkababa palang nya sa sasakyan, isang pamilyar na eksena ang bumungad sa kanya. As usual, her sister-in-law greeted her with a warm smile.

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi mo ako kailangang salubungin" wika nya dito "Mga kadugo ko nga walang pake alam oh."

Heezen smiled "Ikaw parin ang pinaka alpha ng pack na to."

She rolled her eyes "Yung asawa mo ang alpha. Wala na  si Anthon para kailangan nyong sundin ang mga batas nya. "

Umiling si Heezen "No, hindi ko lang naman ginagawa ito dahil sa ikaw ang pinaka tinitingala ng lahat dito. Ginagawa ko ito bilang respeto. Please, hayaan mo akong ipakita sayo ang sinseridad ko kahit sa maliliit na bagay pag nandito ka. Halika na, hinihintay ka na nila."



Sa tagal ng panahon na nabuo ang Black River pack, medyo naging malaking pack na rin ito. At nang sya na ang naging Alpha sa Terra Gaia, dinagdagan nya ang pondo na itinutulong nila sa pack ng kanyang ama. Nakikita naman nya ang pinuntahan ng mga pera, dahil sa dami ng nabago doon.


Nasa dining room  ang lahat nang makarating sila. Everyone seems happy to see her, except Vanessa and Cent.

Minsan napakunot noo sya dahil hanggang sa sitting arrangement sa hapag kainan nakikita parin ang   kanilang posisyon. She sat across her father on the long table. Nakaupo sya sa pwesto ng may pinakamataas na posisyon habang ang kanyang ama ay pumapangalawa. On both of her sides are her brother; the current alpha of this pack at Heezen the Luna.

"I hope hindi ka naabala sa pagpunta mo dito" wika ng kanyang ama.

"It's fine, kailangan ko rin namang lumabas sa pack. Masyado na akong nakululong doon" aniya.

"I hope mas mapadalas ang pagpunta mo dito." Wika ni Heezan "Mas masaya pag kumpleto tayo "

Sa isang tabi, nakita nyang umirap si Vanessa.

Hindi naman maitago sa mukha ng kanyang ama  na masaya ito sa pagdating nya. She can see the warmth in his eyes. Simula nang malaman ng kanyang ama ang tungkol sa kanya at sa kanyang ina, hindi naging mahirap dito ang pagtanggap sa kanya.

"Oh sya, ano pang hinihintay nyo? Kain na!" Masayang wika ni Krisanta "Alpha Amaris tikman mo yung sweet and sour pork. Ako ang nagluto nyan."

Simpleng tango lang ang isinagot nya sa pangatlong asawa ng ama.

Halos mapangiwi sya nang makitang pinagsisilbihan ng mga katulong ang ate Vanessa nya na nakasimangot lang.


"Amaris tungkol sa nangyari weeks ago,  do you mind if I ask some update?" Tanong ng kapatid nyang si Alpha Montrell.


"Right, I heard hindi pa daw nahuhuli ang totoong may gawa " dagdag ni Lyon.

Nagkibit balikat sya "Wala eh, masyadong nag iingat ang kalaban. Pero kahit konting mahika lang sana nya ang mahuli namin, pwede naming gamitin yon para matunton sya."


Ngumisi si Vanessa "Akala ko ba malakas ka. Eh isang bruhang magkukulam lang hindi nyo pa mahuli." Nang uuyam na tumingin sa kanya ang ate nya "Siguro masyadong mataas ang expectations ng mga tao sayo. You're not that great after all."

She shot her a bored look while chewing "Alam mo, bilang isang babaeng walang ginagawa maghapon kundi magpawis ng maasim sa kama at mag cellphone wala kang karapatang maglabas ng opinyon dahil wala kang inaambag sa mundo kundi pollution. "


Nawala agad ang ngisi  nito  "Anong sabi mo?"

"Gusto mo ulitin ko?" Naang aasar na wika nya.

"Tama na yan" agad na awat ng tatay nila "Vanessa wag kang magsasalita ng hindi maganda sa kapatid mo. Hindi mo lang alam  kung gaano kahirap ang mga ginagawa nya ngayon. Atleast respect her because she deserves it "

Hindi naman nakaalma ang kapatid nya at tinapunan nalang sya ng masamang tingin.


Nangingiting napailing naman ang mga kapatid nyang lalake.



"Ah, I heard nagpapatayo daw kayo ng tutorial center para sa mga bata?" Maya maya ay tanong nya sa kapatid.


"Hmmm" ngumunguyang tumango si Lyon "Napansin ko kase na maraming bata dito sa pack. A tutorial center would be great."

"Ohh...."uminom sya ng iced tea habang inoobserbahan ang  pangalawang kapatid "Kuya Lyon parang magaling ka pagdating sa pagpaplano ng mga bagay para sa pack."



Tumango si Montrell habang kumakain at mabilisang nagbigay ng thumbs up bilang pagsang ayon.

She narrowed her eyes at him "Should I conquer a pack and give it to you?"

Muntik maibuga ng kapatid nya ang iniinom nitong juice dahil sa sinabi nya. They all look at her with big eyes.

"Is that a no?" Inosenteng tanong nya "Sayang, you got Alpha quality. You should use it. " muli nyang itinuon ang atensyon sa pagkain "Maganda siguro kung maging alpha ka rin ng isang pack. Aling pack kaya ang  sasakupin ko? Oh! How about the Red Sun pack? Pinikon ako ng  alpha nila noong meeting eh. " Muli syang nag angat ng tingin sa kapatid "Gusto mo ba-"

"No! No no no no no no no" marahas itong umiling "Please, no..."

"Ayaw mo?" Tumingin sya sa mate nitong si Thalini na syang naka upo s tabi nito "Gusto mo bang maging Luna Thalini?"



Namula ang babae sa hindi nya malamang dahilan.


Sinulyapan ni Lyon ang mate nito saka muling bumaling sa kanya "Gusto lang namin ni Thalini ng tahimik na buhay. Ok na ako sa pag alalay kay kuya. We just want to have a simple life."



Ngumiti si Thalini sa kanya at tumango. Tinanguhan nalang din nya ito at bumalik sa kinakain. Parang kagaya ng tito Rakim nya si Lyon. Mas gusto nito sa magaan na  buhay. Ayaw nito sa mga komplikadong bagay.

"Ako......" Biglang wika ni Cent sa isang tabi "Ibigay mo saakin ang Red Sun Amaris. Gusto kong maging alpha ng Red Sun. I want to have my own pack."

"No." Mariing  wika nya..

"No?" Nagsalubong ang kilay nito "Bakit kung kay kuya Lyon gusto mo? Bakit saakin hindi?!"


"Cent..." Their father warned.

"Hmm, bakit? " Ngumisi sya "Kung kasing mature ng utak ni kuya Lyon ang utak mo siguro papayag pa ako. Pero dahil sa makasarili ka, madaling mapikon, kurakot, walang pake alam sa ibang tao, at manang mana sa nanay hindi ka nababagay maging Alpha"

Napatayo si Cent "Don't disrespect my mother!"

"Sit!" She dominantly ordered him.


Nanghina ang tuhod nito at sapilitan na sumunod ng katawan nito sa utos ng alpha. Nanlaki ang mga mata ni Cent nang maranasan nya sa unang pagkakataon ang kapangyarihan ng dominance. Agad naman na natakot si Vanessa sa nakita nito.

"Wag nyong asahan na irerespeto ko ang nanay nyo matapos ang ginawa nya sa nanay ko" malamig na wika nya "Magpasalamat pa nga sya at hinahayaan ko kayong dalawa dito. "

"Tumigil nga kayong dalawa" saway ni Krisanta sa mga to "Nasa harap tayo ng pagkain, ayusin nyo yang mga ugali nyo."


Inabutan sya ni Heezen ng garlic rice nang makita nitong paubos na ang kanin nya. Hindi naman nya iyon tinanggihan dahil nakalimutan nya kaninang mananghalian.

Maya maya ay napansin nyang nagkatinginan ng mag asawang Montrell at Heezen na tila nag uusap ang mga to. Maya't maya pa ay may nag salita na rin.


"Uhm.... Alpha Amaris" kuha ni Heezen sa atensyon nya "May gusto sana kaming sabihin na magandang balita sayo...."

Agad syang napuno ng kuryosidad. "Ano yon?"

"Buntis si Heezen, dalawang buwan na..." Masayang wika ni Montrell.


Akala ni Amaris kahit kailan hindi na sya makakaramdam ng kahit na anong malalim na emosyon mula sa tinatawag na pamilya. Ang pinaka huling taong itinuring nyang pamilya ay ang kanyang ina. Pagdating sa mga kapatid at ama, tila formality nalang at kaunting respeto sa mga mas matatanda sa kanya. She's a bit cold when it comes to this family, she doesn't really care that much.

Ngunit sa pagkakataong yon, nang sabinin ni Montrell na buntis ang asawa nito hindi nya agad naitago ang pagkagulat. Hindi rin nya maintindihan ang tila may mainit na humaplos sa kanyang puso.

"Buntis ka?" Mahinang wika nya saka dumako ang tingin sa impis na tyan nito "Totoo?"

Naluluhang tumango si Heezen "Oo, buntis ako Alpha..."

Amaris slowly realize something. Oo at medyo malamig ang pakikitungo nya sa pamilya. Madalas syang nagiging sarkastikong sa mga to at hindi nagbibigay ng emosyon. But it's been two years since her brother married his mate. They've been trying hard to conceive. Alam nyang sinusubukan ng mga to  na magkaanak and for wolves it's very abnormal not to be able to conceive right away specially when you're married to your mate.


Amaris realized something about herself. She's been secretly rooting for them. Wala na syang ibang gustong makita kundi ang mabuo ang kulang sa pamilya nila.

Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa labi nya "That's good, ingatan mo ang sarili mo. Alam kong mga lobo tayo pero wag kang magpadalos dalos sa mga galaw mo" .

Mabilis na tumango si Heezen.

Umikot nanaman ang mga mata ni Vanessa nang makita ang kanilang pagiging emosyonal.

"Buti naman nagbuntis ka na. Akala ko kase may problema ka sa matres. You should be happy, kase kung baog ka, hindi na ako magtataka kung kukuha ng pangalawang asawa ang kapatid ko" maarteng wika ni Vanessa.


Tinapunan ng masamang tingin ni Montrell si Vanessa "Shut up! Kahit hindi kami magkaanak ni Heezen hindi ako magkakaroon ng pangalawang asawa. Do you really have to behave like this Vanessa? Hindi ka ba pwedeng maging masaya nalang para saamin?"

"Whatever......ang sensitive nyo. " Vanessa rolled her eyes again.

"Vanessa, once again bilang isang babaeng walang ambag sa mundo hindi namin kailangang dinggin ang opinyon mo. " Sarkastikong wika nya

"Ano bang problema mo sakin!" Hindi nakatiis at napatayo si Vanessa habang galit na nakatingin sa kanya "Anong gusto mong gawin ko? Gayahin ka? Kill my own blood?"


She chuckled "Oh goodness, do you really have a brain? Me, killing Anthon helped the people in Terra Gaia. Sa pagpatay ko sa kanya hindi lang naman ang mga tao ko ang nakinabang diba? You wouldn't have this freedom kung buhay pa sya. And you, if you kill your own blood for power that's murder. Why? You did it for a wrong reason. " She pointed her brain "Utak girl, gamitin mo yang utak mo at mag isip ka. At maraming paraan para makatulong ka sa mundo. Murder isn't one of them. "


"Syempre alam ko yon! Pero ano bang pake alam mo kung ilabas ko ang opinyon ko? Anong pake mo kung wala akong ginagawa? Ha?" Tumaas ang noo nito "Eh totoo naman yung sinabi ko tungkol kay Heezen. It's been fckng two year pero ngayon lang nagbuntis? Gaano ba kahina yang katawan nya?"


Hindi nakalagpas sa kanya ang luhang tumulo mula sa mga mata ni Heezen. Magsasalita sana ang kapatid nyang lalake nang pigilan nya ito.


"Ano ngayon?" She questioned her sister.

Kumunot noo ito "Ano?"

"Ang sabi ko ano ngayon kung umabot ng dalawang  taon? Dalawang taon lang naman yon, pero habang buhay silang magsasama ni Montrell Vanessa. Siguro nga mahina ang katawan  nya, but who knows baka ang dahilan ng paghina ng katawan nya ay dahil sa  matinding stress. Stress na nakuha nya mula sa trabaho, sa mga tao dito, at lalo na sayo dahil ang pangit ng ugali mo. Palibhasa wala kang alam dahil wala ka nga namang ginagawa maghapon. Habang tambak ang trabaho ni ate Heezen, ikaw hindi ka manlang tumulong. Lalabas ka lang pag kakain na, tapos paglabas mo pa  nagmamantika yang mukha ko dahil hindi ka na naliligo sa sobrang katamaran."

"Bwisit ka! Nang iinsulto ka na ah!" Dinuro sya nito

"Oh, relax. Nagsasabi lang naman ako ng totoo bakit nagagalit ka?" Ngumisi sya "Wag mo akong dinuduro, kung ayoaw mong putulin ko ang daliri mo."

Dahan dahan na nagbaba ng kamay si Vanessa dahil alam nitong kaya nyang gawin ang sinabi nya.

"Vanessa umupo ka na" Seryoso utos ng tatay nila "Ininsulto mo ang ate at kuya mo, ngayong ikaw ang ininsulto ng mas bata sayo nagagalit ka? You should reflect on your actions, ginagawa lang naman sayo ni alpha Amaris ang ginawa mo kanina kay Heezen. ",

"Pero daddy!" Naiinis na wika ni Vanessa "Sumosobra na sya! Hindi dahil sa sya ang alpha ng Terra Gaia ay ganyan na sya magsalita! "

"Kaya nga  ganito ako magsalita dahil ako ang Alpha ng Terra Gaia. " Nang aasar syang tumawa " Magsasalita ako sa paraang gusto ko. Magreklamo ka hangga't sa gusto mo, pero hanggang doon ka nalang. Kase nga, lahat inaasa mo sa mga tao  sa paligid mo. Do you even have your own money?"

Vanessa shamelessly smirked "Ofcourse! Binibigyan ako ni daddy. Sa tingin mo ba hihingi ako sayo? No way, baka kung saan pa galing yang pera mo."

"Vanessa umupo ka na" ulit ng tatay nila.

"Kailangan mo bang gumawa ng eksena sa tuwing nandito si Alpha Amaris?" Hindi mapigilang wika ni Lyon "Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nagkakaganito ka dahil  naiinggit ka sa kanya."

Vanessa scoff "Ako? Naiinggit sa mamamatay taong yan? She killed our grandfather-"

"So what? May nagawa bang maganda saatin yang grandfather na yan?" Putol ni Lyon dito "Hindi mo ba naaalala na sa tuwing pumupunta ang taong yon noon dito nanginginig ka sa takot? Why? Do want to keep that person around? Ang dami mong arte, totoo naman ang mga sinabi ni Amaris eh. Bawat pera na winawaldas mo, bawat pagkain na pumapasok dyan sa bibig mo hindi mo pinagpaguran pero ang dami mong reklamo. "

"Ano bang pake alam nyo?! Eh pera naman ni dad yon! Sa kanya galing, hindi nyo naman pera yon eh! Kung makapag salita kayo parang pera nyo yung ginagasto ko" sumbat ni Vanessa.

"Hmm, you think so?" Tumaas ang isang kilay nya "Kase sa naaalala ko, may budget ang Terra Gaia na ibinibigay sa pack na to. Pero maliban doon, mula sa sarili kong bulsa nagbibigay din ako ng allowance sa pamilyang to. So basically let's say kalahati ng pera na binibigay sayo ni Alpha Limus ay galing saakin."

Natigilan si Vanessa sa sinabi nya. "A-Ano?" Hindi makapaniwalang wika nito. Unti unting tumingin ito sa ama "She's joking right?" Tumawa ito at tila ayaw  maniwala. "Dad, kalokohan naman yata yon. Bakit natin kailangan ang pera ng babaeng yan. "

Sa halip na sumagot, isang malamig na tingin lamang ang ibinigay ni Limus sa anak.

"Hindi naman sa kailangan natin ang pera, as alpha Amaris said kusa syang nagbibigay ng allowance. At laging equally divided yon saatin. Yung binibigay ni dad sayo na pera basically kay Alpha Amaris galing" Paliwanag ni Montrell habang binibigyan ito ng nang aasar na tingin.

Sa mukha palang nila Cent at Vanessa halatang hindi nila nagustuhan ang nalaman.


"Sinabihan ko kayo noon na gamitin nyo ng maayos ang pera ko. In the end hinayaan mong gumasto sa walang kwentang bagay si Vanessa gamit ang perang yon. I can't believe I wasted my money" umiiling na wika nya habang nakatingin sa ama.

Alam naman nya kung bakit nito hinahayaan sila Cent at Vanessa. Pero mali ang paraan nito ng pag iintindi nn mga bagay.

"Hahayaan mo nalang ba na magpatuloy yang dalawang yan? " Seryosong tanong nya sa ama"Hindi ko maintindihan kung bakit hinahayaan mo lang sila. Yung ibang mga teenager sa pack ko nagpapaalam silang lumabas. Nang tanungin ko kung bakit, gusto daw pala nilang magtrabaho sa labas. Those kids are only teens dad, wala pa sa legal age. Provided na lahat sa kanila tapos may sobra pa but they want to earn  their  own money. Pero yang mga kapatid kong yan wala pang kahit anong experience sa trabaho. Kase hinahayaan nyo. ."

"Tumahimik ka! Wag ka ngang makealam" naiinis na wika ni Vanessa "Please don't listen to her dad."

"Kaya nga dad. Anak mo lang naman sya eh" dagdag ni Cent "No one need to listen to her. Kase kung iisipin taga labas lang naman sya eh. She might be your daughter but she knows nothing about our family. "

Napailing nalang sila Lyon ay Montrell dahil sa inaakto ng mga to.


Pero sa reaction ng kanilang ama, tila pinag iisipan naman nito.  Hanggang sa nagpakawala ito ng malalim na hininga.

"I agree  with Amaris"  sa wakas ay wika ng kanilang ama "Kailangan nyo na parehong maghanap ng trabaho."


"Dad!" Muling napatayo si Vanessa


"You can't be serious dad, mayaman naman tayo eh!" Hindi makapaniwalang wika ni Cent "I don't want to work, I want to live my life!"


Sya naman ang parang hindi makapaniwala sa naririnig mula sa mga to. Hindi nya inaakalang may mga ganitong tao. They have the audacity to fight for their laziness.


"Dad ayoko!" Galit na sigaw ni Vanessa



"Manahimik ka!" Hindi na nakapagtimpi ang dating alpha "Hinayaan ko kayong gawin ang mga gusto nyo dahil medyo nakukunsensya ako sa pagkaalis ng inyong ina. Nakita kong naapektuhan kayo sa pag alis nya. Pero sumosobra na kayo! Hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili nyo?!"


"Why should we?! Eh mayaman naman tayo!" Walang hiya na wika ni Vanessa "May sapat na tayong pera para hindi na kailangang magtrabaho."

"Pera ko lang yon Vanessa, yung pera sa bangko saakin lang yon at hindi sa inyo" pagtatama ng kanilang ama dito "I worked hard for that money, and I will decide kung bibigyan ko kayo o hindi."


"You can't do this to us! Responsibilidad mo kami!" Hasik ni Vanessa "Dahil lang sa sinabi ng babaeng yan  tatalikod ka na saamin daddy?! Wala na nga yung mommy namin eh! Pati ba naman ikaw?! You can't do this to us!"


"Ofcourse I can! " Galit na tumingin ang dating alpha sa anak nitong babae "Mabuti nalang pala ang binuksan ni Amaris ang mga mata ko. Ilang beses na akong sinabihan nila Montrell at Lyon tungkol sa inyo pero hindi ako nakinig kase may tiwala akong magtitino parin kayo. Pero sa nakikita ko ngayon, maling mali pala ang aking inakala kase wala na kayong nirerespeto! Hindi ako makapaniwalang nagpalaki ako ng mga tamad, walang respeto at mga nakakahiyang mga anak. "

Masamang tumingin sa kanya si Cent "Kasalanan mo to! Kung hindi ka lang sana dumating hindi kami magkakaganito!"


"Wag mong sisihin ang kapatid mo Cent!" Their father growl "She did nothing wrong. Nakapag desisyon na ako. Lahat ng mga bag collections mo Vanessa ay ipapabenta ko at yung pera ay ibibigay sa charity. "

"Wha-No!" Malakas na tutol ni Vanessa "Daddy wag naman. Saakin ang nga yon eh!" napapadyak pa ito sa inis.


"Oo sayo yon, pero pera ko at ni Alpha Amaris ang mga pinambili mo sa mga yon. No more luxury bags and shoes for you. Ganon din sayo Cent. Lahat ng shoes collection mo ay ibebenta."


Napatayo na rin si Cent upang magprotesta ngunit hindi na ito pinakinggan ng ama.



"Tumahimik!" Hinampas ng kanilang ama ang mesa dahilan para matahimik ang dalawang nagproprotesta. Dinuro nito ang dalawa"Kung gusto nyo ng mga mamahaling gamit, pagtrabahuan nyo! Uulitin ko, wag nyong titignan ang pera ko sa bangko dahil saakin yon! Yang dalawang mga kuya nyo ilang taon palang sila nagtratrabaho na, even your youngest sister Amaris didn't experience playing leisurely like a normal child because she was busy running errands for other people in order to earn money when she was a child. Kayo lang ang may pinaka relax na buhay dito, tapos magrereklamo pa kayo?!"



Hindi nakasumbat ang dalawa, ngunit si Vanessa ay nagsimulang humikbi.

Nilagyan nya ang ulam ang plato ni Heezen at sinenyasan itong wag pansinin ang mga kaguluhan sa table nang mapansin na medyo  nag aalala ito sa sitwasyon..

"Hindi kayo mayaman. " Their father harshly said "Kami lang ng mga kapatid nyo ang mayaman. Bawat isa saamin ay pinagtrabahuan ang sariling pera. Si Montrell, si Lyon, at si Amaris, may sari sarili silang pera na pinagpaguran nila. Amaris didn't even have her own degree but she's the richest among us. You want money, work for it. May degree kayo oh, gamitin nyo yung pinag aralan nyo. Tumigil kayo sa pag iinarte. "


"This is not fair" humihikbing wika ni Vanessa.



"What's unfair?" Naiinis na tanong ni Lyon "What exactly is unfair for you Vanessa? Na nagtratrababo kaming lahat dito tapos kayong dalawa ni Cent palamunin lang?"


"Hindi kami palamunin!" Sumbat ni Cent.


"Ows? Kung ganon anong tawag nyo sa sarili nyo?" Lyon questioned back.

Tipa napipi naman si Cent dahil hindi agad ito nakasumbat.

Silang tatlo na nasa kabilng dulo ng mesa ay wala ng pake alam sa mga nangyayari. They just eat like nothing is going on.


Not until Vanessa started screaming at her again..




"Bwisit ka! Sana wala ka nalang dito! Kung bakit kase pumunta ka pa dito sa bahay! Kasalanan mo to! You're ruining my life!" Sigaw nito sa kanya habang umiiyak "Sana namatay nalang kayo ng walang kwenta mong ina!" Hinampas nito ng  mesa.

At dahil napalakas ang  hampas nito, tumapon ang malaking mangkok ng ulam na may napaka init na sabaw sa direksyon ni Heezen.


Her instinct acted immediately, bago pa tuluyang matapunan ng mainit na sabaw ang  asawa ng kapatid nya ihinarang nya ang braso  sa dulo ng mesa upang pigilan na mapunta dito ang sabaw. Agad nyang naramdaman ang init sa kanyang balat pero hindi nya inalintana iyon dahil nauna ng lumabas ang galit nya. Sa dami ng sabaw na yon, kung hindi nya hinarangan ng braso nya baka tumama iyon sa tyan hanggang sa hita ni Heezen. That could've burned the pregnant woman!

Montrell rushed to his wife's side and pull her away from the table. Matalim na tingin ang ibinigay nya kay Vanessa.

"Punyeta!"kinuha nya ang babasaging mangkok at ibinato sa sahig. Nagkabasag basag iyon, kasunod ng katahimikan ng lahat.

Agad na bumalatay ang  takot sa mukha ng kanyang kapatid dahil sa kanyang galit.

"Ano?! May sasabihin ka pa?! Ha?! Ano pang reklamo mo sa buhay?! Putang ina magsalita ka!" She growled at her scared sister.

Vanessa whimper as she cry in fear.

"Muntik ng masaktan si ate Heezen oh! You could've hurt her! Muntik na syang masaktan dahil dyan sa walang kwentang pagrereklamo mo! " Salitan nyang tinignan ang dalawa at nagsimula ng humupa ang galit "Ang tatanda nyo na mga puk* ng ina nyo pero panay parin kayo reklamo! Isisisi nyo pa saakin na kailangan nyo pang magtrabaho ngayon? Ano kayo mga bata?! Nagagalit kayo dahil sa walang kwentang dahilan? Muntik nyo pang masaktan yung buntis!"


"S-Sorry......"humihikbi na sambit ni Vanessa.

Pero hindi nya ito pinakinggan, bagkus ay dinuro pa nya ang mga to "Alam nyo, hindi kayo  dapat manatili dito dahil wala kayong pake alam sa ibang tao. Hindi  manlang kayo nag iingat kahit alam nyong may buntis dito. Magdadala lang kayo ng stress kay ate Heezen. I want her to have a successful pregnancy, gusto kong maayos nyang maipanganak ang anak nila ni kuya Montrell. Pag may nangyari sa kanya at sa bata sa sinapupunan nya dahil sa inyong dalawa...." She gave the two a serious warning look "Binabalaan ko na kayo......magkakamatayan tayong tatlo."


Nanatiling nakababa ng mukha ni Cent dahil hindi nito masalubong ang nagbabantang tingin nya dito.


"Kung ayaw nyong mamatay tulad ng pagkamatay ng pinakamamahal nyong lolo na si Anthon, umayos ayos kayo....wag na wag nyong sasaktan sa kahit anong paraan si ate Heezen. Wag nyo syang gagalitin, wag pasasamain ang loob nya, don't stress her out. If anything happens to the baby, kayong dalawa ang mananagot. Naintindihan nyo?!"


Takot na tumango ang dalawa.


"Ptang ina sagot!" Sigaw nya.

"O-Oo..... Mag iingat kami" si Vanessa ang sumagot.


"Good, bumalik na kayo sa upuan nyo. Hindi na matapos tapos ang dinner na to dahil sa inyong dalawa" sarkastikong wika nya.

Mabuti nalang at mabilis na nilinisan ng mga kasambahay ang kalat. Kaya naayos din ang mesa na kinakainan nila.

"Gusto mo bang magbihis?" Tanong ni Heezen sa kanya.



"Hindi ok lang" tanggi nya saka hinila hanggang sa siko ang mahabang sleeve ng damit nya..


Kahit umiiyak, pilit na bumalik sa upuan si Vanessa. Ganon din si Cent na walang ibang choice kundi Ipagpatuloy ang salo salo nila.


"Vanessa, Cent, bukas mag empake kayo ng mga damit. Tumira muna kayo sa maliit na bahay natin sa west wing. Laging hindi maganda ang pakikitungo nyo kay Heezen, baka maging dahilan iyon para mahirapan sya sa  pagbubuntis. "

Nanlaki ang mga mata ng dalawa.



"Dad, you're kicking us out?" Hindi makapaniwalang wika ni Cent.

"No, I'm not kicking you out. Pwede parin naman kayo pumunta dito pag talagang kailangan nyo ang pamilya nyo. " Lumamlam ang mga mata ng kanilang ama "Pero gusto kong magsimula kayo sa baba. I will take away all your designer bags and shoes, your comfortable bed, and I want you to start from below. Gusto kong maranasan nyo ang magprovide para sa sarili nyo. I want you to value everything you have, kase walang halaga ang lahat sa inyo dahil hindi nyo pinagpaguran yon. "




"Pero biglaan to masyado daddy. Hayaan mo naman kaming makapag handa oh..." pagmamakaawa ni Vanessa. "We still need to find a job."



"Then find a job like a normal job seeker" wika ni Lyon "May pera pa naman kayo, gamitin nyo yon bilang pang gasto habang naghahanap ng trabaho. That's part of the experience. "


Tumingin si Cent sa kanya "Give us a job."

Ngumisi sya "Timang hindi ganyan maghanap ng trabaho. Parang kanina lang sinisigawan nyo ako, binastos nyo pa ang nanay ko. Ngayon gusto nyo pang humingi ng trabaho saakin? Tss.....the audacity." Napailing sya "I doubt makakatagal kayo saakin. Ayaw nyo ako bilang kapatid, paano pa kaya kung naging boss nyo ako?"

"Hindi naman kailangang sayo mismo ako magtrabaho. Kahit saang lugar sa Terra Gaia, I can work with anyone" puno ng kumpyansa na saad nito.


"Sa tingin mo ba hahayaan kong magtrabaho ka sa iba pag pumasok ka sa pack ko? Syempre doon ka lang sa  lugar na kitang kita kita at pwede kitang utusan na parang aso"  nang aasar na wika  nya


"Dad, hindi nyo ba naririnig ang babaeng to?" Pagsusumbog ni Cent.


Tumingin sa kanya ang kanyang ama.


"What?" Tumaas ang dalawang kilay nya "Joke lang ok? Wala akong balak na tanggapin sila sa pack, they're not that competent to work under me. Sa tingin ko wala ring tatanggap sa kanila doon dahil sa mga ugali nila. " Tumingin sya kay Cent "Go work somewhere else. Or better yet, mag apply kayo bilang tutor sa pinapatayong tutorial center ni kuya Montrell. Sakaling tanggapin nya kayo "

Montrell groaned "Don't even think about it. Hindi nyo kakayanin ang maging tutor ng maliliit na bata. "

Napatingin sya kay Vanessa na kanina pa nala yuko at tila natulala na. Parang hindi nito matanggap ang mga nangyayari.

Habang nag uusap ang nga to, nakatanggap sya ng tawag mula kay Ru. Agad naman nyang sinagot iyon ngunit hindi agad nya nagustuhan ang bungad nito sa kanya.


"Amaris, may umatake dito sa Rogue city. Muntik masunog ang buong south wing."











Wuxie's note: Alam nyo na, pag sinabi kong mag a-update ako wag kayong maniwala. As you can see, I'm the biggest liar 😂😂 sorry na..

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 438 58
Helliza was living in an isolated place, away from the outside world. But she could never say 'no' to her Grandfather. Labing dalawang taong gulang s...
42.1K 2.9K 68
Fighting is required. Killing is a choice. How will you face a situation where killing is required? Simula pagkabata iniiwasan na si Gaia ng lahat d...
FADED ✔ By AyEmMaylin

General Fiction

3.1K 153 38
Ford Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the e...
10.8K 369 35
In order to find herself she will face the harsh truth that is about to unveil. This is just the beginning she must imbrace to continue until the end...