Mr. Chickboy (Completed)

By WinonaSaiz

83.9K 1.5K 58

A chickboy's story. Warson ~ More

Introduction √
His Side √
Selfie Monday √
Long Wednesday √
Cosplay Friday √
Saturday Night √
Comeback √
Past √
The Bet √
Dinner √
Agreement √
Ligaw: Day 1 √
Ligaw: Day 2 √
Ligaw : Day 3 and 4 √
Status : In Relationship √
First Day √
Representative √
Mr. and Ms. Santa Claus. √
Christmas Break √
Christmas 1.1 √
Christmas 1.2 √
Special Chapter 1 √
Boracay Escapade 1.1 √
Boracay Escapade 1.2
Missing her.
New Years Resolution.
Abnormal Beat
Confused
Special Chapter 2
Special Chapter 1.2
Heartaches.
Leaving Him.
Miserable.
A life without Sam.
False Alarm
Operation:Finding Sam
Irish's Help.
Locating Samantha.
Summer.
Serenading Sam.
Courting all over again.
Mr. Chickboy Moves.
Satur-Date.
Beg.
Signs
Chance
Birthday.
Two
Eternity.
Second Life.
Last Wish
New Beginning
Graduation Day.
True Feelings
New Chapter
Our Love.
Right Time, Right Place.
SC: Harold's Love
SC: Harold's Love
SC : Harold's Love.
SC : Sandrex Girl
SC : Sandrex Girl
SC : Sandrex Love
SC : Rosas' Gumamela.
SC : Rosas' Gumamela
Epilogue
Book 2

SC : Rosas' Gumamela

762 11 0
By WinonaSaiz

Rosas.

Hindi ko naman kailangan mag paka emo kung makikita ko si Sophiya na may kasamang lalaki. Ewan ko pero pakiramdam ko'y nabutas ang puso ko't nawala ang dugo nito. Tila nawasak rin ito kapareho ng salamin at hindi ko na kayang maibalik pa ito sa dati gamit ang glue. Ganito pala ang feeling kapag broken hearted. Mas masahol pa ito sa nararamdaman ko kay Irish nun.

"Pare? Okay ka lang ba?" Tanong ni Sandrex.

Hindi ako sumagot. Ganito ang mga tao eh. Kahit nakikita nilang hindi ka naman talaga okay ay tatanungin ka pa talaga nila kung okay ka. Nasaan ang hustisya sa bansang Pilipinas?

"Ang tanga talaga ng tanong niyo. Di dapat tinatanong kung okay lang ba siya. Ang tamang tanong ay "Rosas? Kamusta ang pagiging broken hearted?" Pang aasar ni Warson.

Isa pa 'to eh. Akala ko matino na ang sasabihin. Palibhasa kasi wala ng problema kay Maegan. Tss. Mabuti na lang at nandito si Harold. Kahit hindi nagsasalita ay alam kong tumutulong sa akin.

"Kilala mo na ba ang tunay na naglason sayo?" Tanong niya. Tumahimik ang dalawa at nakinig sa amin. Nandito kami sa bahay ko. Nagiinuman na naman. Ilang araw na rin ng makalabas ako ng hospital pero anino ng fiancée ko ay hindi ko nakita. Tapos, malalaman ko nalang na may kasama siyang lalaki. Paano ko nalaman? May nagpasa na unknown number sa phone ko at nakita ko ang picture nilang magkayakap. Leche.

"Fiancée ko nga ata talaga eh. Siya talaga ang nagluto ng sinigang na yun." Nahihirapan kong sagot.

"Diba nag pa imbestiga ka naman? Ano bang sabi dun?"

"Oo nga. At saka, mukhang hindi ka pa sigurado eh. Kita mo nga oh, may ata ka pang sinabi."

I looked at the two. Seryoso ang mukha nila at walang bahid na biro ang pagkakasabi nila.

Totoo naman talaga na may doubt pa ako. Kung hindi si Sophiya ang may gawa nun? Sino naman? Masyado naman akong mabait sa mga babae ko kaya alam ko na wala akong nakaaway. Wala rin akong pinaasa na babae. Gwapo lang ako at habulin ng babae pero hindi ko ugaling mag paasa.

"Ang mabuti pa niyan Rosas. Kausapin mo si Sophiya. I think, you need to clarify some things. Hindi tama na siya agad ang huhusgahan mo. Hear her side. Ilang beses na rin ba siyang nagri reach out sayo?" Napakamot ako sa batok ko at tumango sa kanya.

Clarifications. Yun lang siguro ang kailangan namin.

————

Gulat na yumakap sa akin si Sophiya ng makita ako sa dala ng bahay nila. "Rosas! I'm very happy to know you're now okay." Yumakap ito ng mahigpit at humalik sa pisngi ko.

Humiwalay ako ng yakap sa kanya. "We need to talk." I said.

Natigilan ito at naguguluhang umupo sa tabi ko. "W-what is it Rosas?" She asked. Matagal na rin simula ng hindi kami magkita nito. At kahit ayokong aminin ay namimiss ko talaga siya.

"Didiretsuhin na kita. Ikaw ba ang naglason sa akin?"

Lumaki ang mata nito at yumuko. Please Sophiya. Sana hindi ikaw. Hindi ko kasi makakaya na siya ang gustong pumatay sa akin. Maya maya ay narinig ko ang pag hikbi niya.

"Do you think I'm capable of doing that crap Rosas? Don't you trust me?" She asked back.

Natigilan ako. I just wanna know the truth.

"Oo nga't hindi natin gusto ang isa't isa noong una tayong nagkita pero hindi naman sapat iyon para pumatay ako ng tao." Wika niya matapos ang ilang sandali.

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. "Pero ikaw ang nagluto ng sinigang na iyon. You only made it for me. Kaya sino ang hindi mag iisip na ikaw ang lumason sa akin?" Sigaw ko.

Tumayo ito at namewang."Hindi mo ba maintindihan? Hindi nga ako ang naglason sayo! Bakit ko naman gagawin yun?!" She yelled back.

"At bakit nga ba hindi?!" Sigaw ko ulit.

"I like you!"

Agad akong natigilan sa sinabi niya. Maging ito ay tila natigilan rin sa sinabi niya. Dahan dahan itong umupo sa sofa katabi ko. Itinaas nito ang mga binti at itinago ang mga mukha dito.

She likes me. Did she just confessed? Pero paano ang lalaki na kasama niya sa picture? Ganun rin ba ang sinabi nito dito?

Tumayo ako at nagsalita bago tuluyang lumabas.

"Let's call off the wedding."

———-

Iritado ang bawat kilos ko ng sumunod na araw. Lahat ay nasisigawan ko. Lahat ay kinaiinisan ko. Itinutuon ko ang atensyon ko sa pagma manage ng restaurant namin.

"Jasmine! Sinabi kong I cancel mo muna ang meeting ko kay Mr. Go diba? Di ka ba nakikinig?!" Bulyaw ko sa sekretarya ko. Mabilis naman itong kumilos at tinawagan ang ka meeting ko dapat mamayang alas tres.

I need to calm down. Refresh my mind. Heal my heart. Divert my attention and forget my Gumamela.

"Sir? Gusto raw po kayong kausapin ng head ng IT Department na si Mr. Salazar." Nanginginig ang boses na wika ni Jasmine ng makabalik.

"Okay. Tell him to come." Utos ko. Nakakapagtaka lang. Hindi naman sira ang computer ko.

Maya maya ay bumukas ang pinto. Pumasok si Mr. Salazar dala ang laptop nito.

"Sir Santino. I just discover something about the accident happened to you last month." Panimula niya.

Nagtatakang napatanong ako. "What is it?"

"Let me show you this." Iniharap niya sa akin ang laptop niya at may pinanood na CCTV footage. Ito ang tagpo kung saan inutusan ni Gumamela si Ms. Yso na ihatid sa akin ang pagkain na niluto niya from our restaurant kitchen. Nakangiti namang pumayag si Ms. Yso dito. Pinabilis ni Mr. Salazar ang video at nakita ko kung paano dumukot si Ms. Yso ng maliit na bote sa dibdib niya at ipinatak ito sa sinigang ni Gumamela.

Naikuyom ko ang palad ko.

"I want you to call Ms. Yso and bring her to my office immediately. Please call a police also. Thank You Mr. Salazar." Tipid itong ngumiti at lumabas ng office ko.

Nagpupuyos ang damdamin ko. Paano nagawa ni Ms. Yso ito? May kasalanan ba ako sa kanya? At bakit siya naging ganun? Nagalit pa naman ako kay Sophiya, my Gumamela nun. Tss.

Maya maya ay may narinig akong kumatok. Pumasok siya at nakangiti itong lumapit sa akin. Punong puno pa rin ang mukha nito ng maraming tigyawat at naninilaw pa rin ang ngipin. May beauty allowance naman kami ah? Saan naman niya ginagamit yung perang nakukuha para dun?

"Sir? Kakausapin niyo raw po ako?" She asked politely.

"Yes. I want you to pack all of your things now." Diretsong tingin ang ibiigay ko sa kanya.

Naguguluhan itong tumingin sa akin. "B-but.. Why Sir?" Tanong nito.

"Ikaw ang may kagagawan kung bakit ako naospital noong nakaraang buwan diba?" Diretso kong tanong sa kanya.

Tila tinakasan ng kulay ang mukha nito. "N-no S-sir." Unti unti itong tumayo at paatras na humakbang.

"Nakita na sa CCTV ang lahat. Didiretso ka na sa kulungan after this. Mabuti pa ay iempake mo na ang lahat ng gamit mo." I said.

Umatras ito at akmang tatakas na ng tuluyan ng harangan siya ng mga pulis. Naiiyak natumingin ito sa akin.

"Maawa ka sa akin Rosas. Kailangan ako ng pamilya ko. Nagawa ko lang naman yun dahil mahal na mahal kita Rosas. Please Rosas! Maawa ka sa akin!" She said.

Hinayaan ko siyang hatakin na ng mga pulis. Fvck. Paano ako mamahalin nun samantalang hindi ko naman siya kilala nun? Oo nga at nasa iisang school lang kami nun. Pero hindi naman sapat yun para pagbantaan niya ang buhay ko. Langyang pag ibig yan. Nakakamatay ah.

Maayos na kami ni Sophiya ngayon. Nakapag plano na akong ituloy ang kasal.

Napatingin ako sa phone ko ng mag ring ito. I saw my Mommy's number calling.

"Mom.."

Narinig ko ang pagsinghot nito. "Anak? Si Gumamela! Isinugod sa hospital!" Naiiyak na wika nito.

"Huh? Saang hospital po ba Mom?" Natataranta kong wika.

"Sa St. Luke's Medical Hospital. Please hurry up anak." Wika niya. Agad agad akong tumakbo at lumabas ng restaurant. Sumakay ng kotse ko at pinaharurot papunta sa hospital.

Naabutan kong umiiyak si Mom katabi si Dad sa waiting area ng ER. Nandito rin sila Mr. And Mrs. Sarmineto. Tingin ko ay hindi pa ito lumalabas hanggang ngayon.

"Mom? Ano po bang nangyari?" I asked. Niyakap ako ni Mom at pinaupo sa tabi niya.

"Bigla nalang daw nahimatay si Gumamela kanina. Nakita siyang dinudugo ng katulong kanina kaya agad siyang isinugod sa hospital. Tinawagan lang kami ng Mommy niya kaya sumugod rin kami dito." Paliwanag nito.

Tila tinakasan ako ng kulay. Dinugo? Don't tell me..

Nasagot lahat ng tanong sa isip ko ng lumabas ang doctor kasama ang nurse nito. Nagpunas ito ng pawis sa noo.

"Sino po sa inyo ang pamilya ng pasyente?" Tanong nito.

Tumayo sila Mr. And Mrs. Sarmiento.

"Kami po ang mga magulang."

"Well, ayos na naman po ang lagay ng anak niyo. Dinugo po siya dahil sa sobrang stress na naramdaman niya. Riresetahan ko po kayo ng gamot at vitamins na ipapainom sa kanila." Sabi ng batang doctor.

"K-kanila?" Naguguluhang tanong ko. Tumingin naman ito sa akin na may halong pagtataka.

"Fiancée ko po siya." Wika ko.

"Ah.. Yes Sir. Sophiya is 6 weeks pregnant. Sana po ay alagaan niyo siyang mabuti." Wika nito.

Tila bombang sumabog ang narinig kong balita. Tinapik ako ni Dad at Mr. Sarmineto sa balikat. Nagsisigaw naman sila Mom at Mrs. Sarmiento habang magkayakap.

"Congrats!" Sabay na wika pa nila.

Saya dapat ang mararamdaman ko ngayon. Pero kabaliktaran. Hindi ko pa nagagalaw si Sophiya. We don't even kissed on lips. Kaya paano ko siya mabubuntis?

Napaluhod ako at bumuhos ang luha sa mata ko. Am I that late?

—————-

—————-

Dedicated to one of my favorite authors here in Wattpad. :)

Hoping for your advice soon. Hihi.

Thanks :)

Continue Reading

You'll Also Like

550K 10.7K 41
[COMPLETED] Stacy is a good girl but when she signed the contract of the playboy in town she will experience a up and down life will they learn to lo...
46.9K 929 7
"Kasalanang nagawa sa gabing puno ng kamalian. Dalawang tao na susubukan kung malalampasan ba nila ang kanilang problemang nasimulan." Date and time...
276K 4.1K 17
Ok how about I will make 5 exclusive paperback copy of this? will you be interested?
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...