Rise of the Hidden Blood

Por -Wuxie

63.6K 2.8K 350

Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left e... Mais

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
-----
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
chapter 55
Epilogue
Omega's Playtime

Chapter 19

960 50 4
Por -Wuxie

Wuxie's note: supposed to be kagabi ang update pero tinapos ko yung isang chapter para apat ang maipublish today for some reason. Pasensya na sa mga pinaasa ko? Char!




AKALA nya bangungot lang ang lahat, ngunit mismong sarili nya ang nagpaalala na nangyari lahat ng yon at nasaksihan nya lahat. Agad na nagmulat sya ng mga mata, ngunit hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan nya. Napatingin sya sa mga palad, dahil ang huli nyang naaalala ay nasa kanyang bisig ang nanay nya.

Napabalikwas sya, at lalong kinabahan nang wala syang maramdaman na kahit na anong sakit. Iba na rin ang suot nya, at wala na ang mga dugo sa balat nya. Ilang araw nanaman ba syang walang malay? Nasaan ang kanyang ina?


Naaalala nya na kaasama nya si Theron bago sya nawalan ng malay. Ngunit nasaan na ito ngayon?

Her mom, she needs to find her. Baka kung ano nanaman ang ginawa nila sa kanyang ina. Hindi nya mapapatawad ang kahit sinong lumapastangan sa nanay nya. Lumabas sya ng silid upang hanapin ang ina.


Sa itsura palang ng paligid, alam na nyang mayaman ang may ari ng bahay. She can sense some wolves inside the house. At habang naglalakad sya, may nakasalubong syang isang babae at isang lalake. Tulad ni Theron, magkahalong itim at puti ang buhok ng mga to ngunit kumapara kay Theron mas maliit ang puting buhok ng mga to.

"Gising ka na..." Sambit ng babae "N-Nagugutom ka ba? Nauuhaw?"

Lalapitan sana sya nito ngunit pinigilan nya ito.


"Tigil." Sambit nya at parang robot na tumigil ito. Nangatog ang tuhod nito na tila nahihirapan.



"Amaris, kumalma ka" tila nahihirapan na paki usap ng lalake.



"Kilala nyo ako. Sino kayo?" Walang buhay na tanong nya.

"Mga pinsan mo kami...."hirap na sagot ng babae "M-Mga pamangkin kami ni tita Froja......."

Tita?


Ibig bang sabihin nito, nasa tahanan sya ng mga Barize?


Lalo syang nainis sa nalaman. Pero nagtaka sya nang mapansin na lalong nahihirapan ang dalawang kaharap.


"Dalhin nyo ako kay mommy..." Walang emosyon na wika nya sa mga to.

"Kailangan mo munang kumalma. Naapektuhan kami sa emosyon mo..." Wika sa kanya ng babae.



Hindi nya naiintindihan ang sinabi nito, ngunit kahit ayaw nya humugot sya ng malalim na hininga upang gumaan ang nararamdaman. Napansin naman nya na parang gumaan din ang nararamdaman ng mga to.


Nakita nya ang takot sa mga mata ng babae, hindi ito maka tingin deretso sa kanya. Sinundan nya ang mga to nang iginiya nila ang daan papunta sa kanyang ina.


At habang naglalakad sila, napansin nya ang bawat taong dinadaanan nila ay tila napapaluhod. Hindi nya alam kung talagang lumuluhod ba ang mga to kung may dumadaan na mga Barize, o may nagpapaluhod sa mga to.

One girl even dropped the glass plates she was holding and kneeled in fear. Hindi nila ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Amaris?" Natigilan si Theron sa paglapit sa kanya nang tila may mapansin ito. Tumingin agad ito sa mga pinsan nila "Nico, Daniela ako na bahala dito. Makakaalis na kayo. "

Agad naman na umalis ang dalawa, nakita nyang may inutusan si Theron na pack member, at sinabihan itong paalisin lahat ng mga members sa Barize mansion. Hindi nya alam kung bakit nito ginawa iyon, siguro para walang may makaalam tungkol sa kanya.

"Dalhin mo ako kay Mommy" wika nya dito.


"I will. Pero gusto kong pakalmahin mo muna ang sarili mo. Are you even aware of what you're doing?" Tanong nito sa kanya na ikinagulo nya "Amaris nagising ang kakayahan mo bilang isang Barize. At dahil doon, naaapektuhan ang mga tao sa paligid mo sa mga emosyon mo. You're unconsciously releasing a dominant aura that's making them submit. Lahat ng mas mahina sayo ay mawawalan ng lakas at mapapaluhod. "

She showed no reaction at what he said. Wala syang pake alam sa mga sinasabi nito. Gusto nyang makita ang mommy nya.

"You're very dominant right now. Because of your emotions, hindi mo makontrol ang aura mo. Pati ako naaapektuhan pero hindi gaano dahil sa level ng kakayahan ko but I want you to calm down even just a bit. " Dagdag na wika nito.

"Kung gusto mong kumalma ako, dalhin mo ako kay Mommy" wala syang pake alam sa nangyayari sa kanya. She needs to see her mom right now.

Sinundan nya si Theron nang dalhin sya nito sa kinaroroonan ng kanyang ina.

Tumigil sila sa tapat ng isang malaking pinto. Napansin nyang medyo nag aalangan pa si Theron ngunit sa huli ay binuksan rin nito ang pinto matapos humugot ng malalim na hininga.

But what she saw after he opened the door made her blood boil. Iilan lang ang tao sa loob ng malawak na silid na yon ngunit agad nyang nasabi kung sino ang mga taong yon.

"What the fck do they think they're doing?" Mahina ngunit may bahid ng galit ang tono ng kanyang boses.


Napalingon ang lahat nang marinig a g boses nya.

"Amaris please calm down..." Paki usap ni Theron "They are our family..."

"Family?" Mahina at walang buhay syang tumawa "Si mommy lang ang pamilya ko. At ako lang din ang naging pamilya ni mommy ng ilang taon. Kaya anong pamilya ang sinasabi mo? Kung hindi sila aalis within ten seconds, papatayin ko silang lahat."

Agad na tumingin si Theron sa mga tao sa loob at sinenyasan ang mga to. It didn't even took five seconds to clear the room. Dumaan sila sa ibang pinto at hindi sa kinatatayuan nya.

Dahan dahan syang naglakad papunta sa lugar kung saan nakahimlay ang kanyang ina. Napapalibutan ito ng mga mgagandang bulaklak. The place is decorated grandly. Pero anong silbi pa non?

Nang makita nya ang kabuuan ng ina, isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.

"Sabi sayo mommy.....bagay sayo ang red dress......" Wika nya dito habang pinagmamasdan ang napakagandang ina na parang natutulog lang. "You're the perfect definition of sleeping beauty momma....."hinaplos nya ang mga kumikinang na dyamante sa leeg nito.....

Akala nya iiyak pa sya, na baka may luha pang lalabas sa kanyang mga mata. Ngunit habang nakatingin sa walang buhay na katawan ng nanay nya, ni isang butil walang tumulo.

Maybe because she's emotionally tired? Or maybe because she feels empty. Na naging manhid na sya sa lahat ng sakit na naramdaman. Napapatulala nalang sya. Pakiramdaman nya may malaking parte sa puso at pagkatao nya ang nawala. Buong buhay nya ang kanyang ina lang ang meron sya, ngayong wala na ang nanay nya ano na ba ang dapat nyang gawin. She's just lost......

"Amaris...."hinagod ni Theron ang likod nya "you'll be fine. Nandito kami para sayo....."

Umupo sya sa tabi ng kabaong ng ina at pinagmasdan ito tulad ng ginagawa kanina.

"Si mommy lang ang meron....."mahinang sambit nya "Now she's gone......."

Lumuhod sa harap nya si Theron at hinawakan ang mga kamay nya "Wag mong sabihin yan. You have us..."

Pero parang walang halaga ang sinabi nito. Ang isip nya ay nasa mommy lang nya.

Hanggang sa nakarinig sya ng humihikbi papalapit sa kanila.

"Amaris...." Lumuluhang tawag sa kanya ng dating Luna...

Right away, her thoughts vanished and only her anger remained.

"Stop ...."halos walang boses na sambit nya.

"Lola...."Theron warned the woman..

"Gusto ko lang naman kausapin ang apo ko ...." Giit nito "I'm your grandmother Amaris....."

"Mapapatay ko sya" wala sa sariling sambit nya.

"Lola umalis ka muna!"

"Amaris hayaan mong damayan ka namin!" Giit pa nito "Pamilya mo kami, so share your pain with us-ahhh!!!"

Hindi na nya panigilan ang galit. The next thing she knew, her anger took over her and released her strong aura that even Theron can't handle.


Amaris experienced the feeling of getting blinded with anger. Nawalan ito ng control sa sarili.

She glared at the woman and sent a heavy wave of her power towards her. Tumilapon ito sa pader. That didn't satisfy her, kinontrol nya ang katawan nito gamit lang ang kanyang mga mata. She slammed the former luna's body on the flat ground.

"Pamilya......wala na akong pamilya. Kayo ang may kasalanan kung bakit naghirap ang nag iisang pamilya ko! Hinding hindi ko tatanggapin ang pamilyang tumalikod sa kanya...." Dahan dahan syang naglakad papunta dito.

"Amaris wag-" hindi makaalis si Theron sa pwesto dahil mas malakas sya dito. He couldn't defy her powers, so he couldn't do anything but forcedly submit to her.

Hirap na nag angat ng tingin sa kanya ang dating luna, umagos ang dugo nito mula sa ulo papunta sa mukha.

"Amaris....." Hirap na sambit nito.

She coldly look at the woman "Ayaw mo talagang manahimik? Should I shut that disgusting mouth of yours?"



She released her power again, and slammed the woman's face of the ground.

"Tama na Amaris!" Pigil sa kanya ni Theron "Lola natin yan-"

"Wala akong pake alam!" Masama nya itong tinignan "lola ko nga sya pero.....sya rin ang taong nagtakwil sa mommy ko!" Muli nyang tinignan ang lola nila "Ganon nalang ba kahirap na tanggapin ang mommy ko? Ganon nalang ba kahalaga ang reputasyon ng p*tang inang pamilyang to na kaya nyong itapon ng ganon nalang ang kadugo nyo?! "



Theron and her grandmother groaned. Sa tuwing lumalaki ang galit na inilalabas nya lalong dumidikit ang katawan ng mga to sa sahig.

Biglang bumukas ang mga pinto at nagulat ang mga taong nakakita sa kasalukuyang sitwasyon.

Agad na humarang ang mga lalakeng sa tingin nya ay kapatid ng kanyang ina. Prinoprotektahan ng mga to ang dating luna.

Another two guys who are like her entered the room. Sa lahat ng mga tao doon, sa dalawang yon lang sya nakakaramdam ng mas malakas na kapangyarihan. Yung isa, alam nyang ito ang dating Alpha. The other one have the same scent as Theron. Kaya agad nyang nasabi na tatay ni Theron


Pumaharap ang dating alpha ng Flana Licia. Oo lolo nya ito, ngunit dahil dahan dahan lang tumanda ang mga katulad nila ay animo'y kaedad lang nito ang mga anak nito.

"Amaris....." Her grandfather warmly calls her "Malaki ang kasalanan namin kay Froja. Nagkamali kami sa pagtakwil sa kanya, at bilang ama masakit saakin na hindi manlang ako nakahingi ng tawad sa kanya bago sya nawala. Maniwala ka saamin apo, sinubukan namin syang hanapin. We really tried so hard to find your mother but we failed. Pinagsisisihan namin ang mga nagawa namin. Kaya naman sana hayaan mong sayo kami bumawi..."

Kung akala nila malulusaw nila ang puso nya, nagkakamali sila. Her mother told her this, never trust other people's word. Pretending to care isn't that hard.

"Sinungaling...."malamig na sambit nya. "Sa tingin nyo maloloko nyo ako? Pinalayas nyo ang mommy ko noon dahil sa tingin nyo mahina sya. Ngayon gusto nyo akong kupkupin dahil sa nakikita nyong kakayahan ko hindi ba? Gusto nyo na si mommy ngayon kase yung anak nya mas malakas sa ibang mga apo nyo! Diba?! Stop fckng pretending! Show the evil face that you showed my mother years ago! "

Wala syang pake alam kung totoo o hindi ang sinasabi ng mga to. Sa kanyang isipan, kapangyarihan lang ang habol nila.

Inalalayan nilang tumayo ang lola nila. Lumuluhang sinalubong nito ang nga mata nya.

"Kasalanan namin, nagkulang kami." umiiyak na sambit nito "Pero Amaris hindi ang kapangyarihan mo ang habol namin. Gusto lang namin na....makabawi kay Froja. Mahirap mang paniwalaan pero pinagsisisihan talaga namin ang lahat..."

Malakas syang natawa sa sinabi nito "Seriously, muntik na akong maniwala. What a pretentious btch! Nagsisisi ka?! Wag mo nga akong patawanin! "

"Please...wag kang magsalita ng ganyan kay lola" wika ng isang pinsan nya.

"Bakit hindi?" Sumbat nya "Eh hindi ko naman yan lola eh. Palibhasa hindi pinagdaanan ng mga magulang nyo ang pinagdaanan ng nanay ko! Wala kayong alam kung gaano kahirap mabuhay bilang isang katulad namin. You have no idea how hard it was to watch your mother sell her own body because she had no choice! Do you think it was easy living as a rogue?! "

"Kaya nga hinanap namin sya.... sinubukan namin syang hanapin, humingi pa kami ng tulong sa ibang pack" wika ng kapatid ng nanay nya.
.

"At sinong maniniwala sayo? Kung talagang sinubukan nyo, matagal nyo na sana syang nahanap. Lahat kayo tinalikuran sya, itinakwil nyo sya! Kaya wag kayong umarte na nalulungkot kayo sa pagkamatay ni mommy! Tandaan nyo to! Magkakadugo man tayo pero hindi ko kayo kikilalanin na pamilya ko!"

Sinubukan syang lapitan ng lolo nya "Amaris-"

"Wag ka ng lalapit kung ayaw mong isa isa kayong mamatay. ....."nanggigigil na banta nya.

Pero nagpumilit ito "Mag usap tayo ng maayos-"

She clench her fist and glare at the other members of the family. Everyone with a lower power than her kneeled. She forced everyone to submit..

Napatingin sa mga to ang lolo nya ta ang ama ni Theron.

"Please Amaris, not like this" paki usap ng ama ni Theron.

Ngunit hindi sya nakinig. She let her anger took every again. She throw everyone in the wall using her dominance. Matapos yon ay muli nyang pinaluhod ang mga to.

"We just want to be your family!" Nag aalalang wika ng lolo nya......



"Hindi ko kailangan ng pamilya " malamig na turan nya saka inilabas lahat ng galit.

Her uncle and grandfather didn't had a choice but to fight her. Ginamit naman ng mga to ang abilidad upang tanggalin ang kanyang mga galamay sa ibang tao doon. As if they canceled her powers against them.

Pero hindi sya umatras. Kinalaban nya ang dalawang pinakamalakas na myembro ng pamilya. Ginamit nila ang abilidad nila sa bawat isa upang kontrol ang katawan ng kalaban. Ngunit dahil dalawa ang kalaban nya, hindi nya mapatumba ang mga to.

Her uncles started to shift in their white wolves. They threatened her and tried to dominate her. But she doesn't have any plan to submit. She will never submit to them. Lalabanan sya sa mga to kahit dumanak pa ang mga dugo.


"Tumigil na kayo... Tama na" dinig nyang paki usap ng ginang.

Ngunit hindi tumigil ang mga to, sa halip ay pinalibutan pa nila sya. Even her cousins shifted on their wolves. Tanging si Theron lang ang hindi nagpalit ng anyo at sinubukan na pigilan ang mga naroon.

Everyone growled at her. Yung iba doon ay hindi manlang kumalahati sa lakas nya. Ang lakas ng loob nilang takutin sya!

If she can't use her powers, then she will give them a bloody fight!


She run towards them and shifted in her dark wolf. Napaatras ang ibang puting lobo dahil sa laki nya. Hindi na sya nagsayang ng panahon, hinayaan nyang kumawala ang galit nya sa buong pamilya.

She growl at them before attacking. Naging madugo agad ang kanilang labanan dahil walang takot nyang inatake ang mga to. Wala syang pake alam kung inaatake din nila sya, hindi mahalaga sa kanya ang mga natatamo. There's only one thing in her mind and that is to kill.



Sa harap ng labi ng kanyang ina, ipapakita nya dito na kaya nyang patumbahin ang buong angkan nila.

















PAMILYAR na kisame ang bumungad sa kanya nang imulat nya ang kanyang mga mata. Mukhang bumalik sya sa silid kung saan sya tumutuloy matapos ang laban.

"Gising ka na...." Dinig na wika ni Theron.

Tinangka nyang bumangon pero nang maramdaman ang maraming sugat sa katawan agad na nagbago ang kanyang isip.

"Nababaliw ka na ba? Did you have to fight everyone? Alam mo ba kung ilan sa kanila ang nakaratay ngayon dahil sa mga natamo?" Sunod sunod na wika nito. .

"Why should I care?" Walang pake sa wika nya "They deserve it. Dapat nanahimik nalang sila ... ."

"Amaris, they're your family...." Wika ni Theron, nasa tinig nito ang pagkainis at pag aalala.

"Wala na akong pamilya. "

Hinawakan nito ang isang kamay nya "Ganon nalang ba kahirap tanggapin na pamilya mo kami?"

"Sinubukan mo bang ilagay ang sarili mo sa sitwasyon ko? Tinanong mo na ba ang sarili mo kung ano ang mararamdaman mo pag sayo nangyari yon? " Sumbat nya dito na ikinatahimik nito.

"Kung hindi sana itinakwil ng mga Barze si mommy noon, sana hindi nya naranasan ang mahirap na buhay" dagdag nya "Kung hindi nila sya tinakwil noon sana hindi nya nakilala ang tatay ko. Eh di sana hindi sya nabuntis, sana hindi nya kinailangan na magbenta ng laman para lang may mailagay sya sa sikmura ko. Naisip mo ba sa sarili mo kung ang sarili mong nanay ang gumagawa non sa tingin mo ok lang? Ok lang ba na tiisin ng nanay mo ang mga bastos na lalake gabi gabi? Dahil sa trabahong yon naging madumi ang tingin ng ibang lalake kay mommy. Kay bago sya namatay........" Nag iwas sya ng tingin at napakuyom ng palad.


"Alam ko, hindi namin naranasan ang lahat ng yon kaya hindi namin masasabi na naiintindihan ka namin. I'm sorry. " Mahinang wika ni Theron.

"Don't expect forgiveness from me. Ang pamilyang to ang pinaka ugat ng paghihirap ni mommy. Kaya matagal ko ng ipinangako, na lahat ng tatalikod sa kanya ay tatalikuran ko rin. Wag nyo ng ipagpilitan ang mga sarili nyo dahil makikipagpatayan lang ako."




Muli itong natahimik, alam nyang may malalim itong iniisip ngunit hindi nya tinanong.


"Pero Amaris, may batas ang Pamilya to" wika nito matapos ng ilang sandali "The strongest child in every generation will become the next alpha. Dapat saakin mapupunta ang posisyon pero dahil mas malakas ka, dapat lang na ikaw ang susunod na maging alpha ng Flana Licia."


Unti unti syang napangisi, ngunit ang ngisi nya dahan dahan na naging tawa "Inaasahan mo talaga na magiging alpha ako dito? Sigurado ka? Dahil pag ako ang naging alpha, susunugin ko ang buong Flana Licia at iaalay ko ang lahat ng abo sa aking ina. I'll proudly tell her how I made everyone in this pack suffer. Gusto mo yon?"


"Amaris....."malalaking mga matang nakatingin sa kanya si Theron, may bahid ng gulat at takot sa mga mata nito "Ayaw mong maging alpha? Wala kang planong maghiganti?"


Deretso nya itong tinignan sa mga mata "Pag ako ang naging alpha, paano ka? Oo galit ako sa buong pamilyang to, pero hindi ka kasama doon. I also know how to be greatful. Isa pa, hindi kasama sa plano ang paghihiganti sa mga Barize."

Napakunot noo ito "Plano? Anong plano? "

Muli syang tumingin sa kisame at habang iniisip ang nga binilin ng kanyang ina.

"Hindi para saakin ang trono ng Flana Licia. May ibang korona na nakalaan saakin, yun ang dapat kong kunin. I will be having my own throne and crown. " Makahulugang wika nya.

"Anong sinasabi mo Amaris?". Naguguluhan na wika nito "Sabihin mo saakin kung anong plano yon. Tutulungan kita, gagamitin ko lahat bg meron ako ".


Umiling sya "Sarili kong laban to."


"Pero hindi ka naman aalis ng Flana Licia diba? Babalik pa tayo sa academy. I'll introduce you as our family member."


"May iba na akong plano. Kakailanganin kong umalis, hindi na rin ako babalik sa academy. At tulad ng sinabi ko, hindi ako magiging myembro ng pamilyang to. I hate this family. Makakapatay lang ako pag mananatili ako dito. "




Nangako sya sa kanyang ina na susundin nya ang plano nila. Hindi na sya magsasayang ng panahon, she will steal the Terra Gaia pack from it's alpha.






Hindi na nila pinatagal ang burol ng kanyang ina. Hindi nya binigyan ng karapatan ang mga Barize na magluksa habang ibinabaon sa hukay ang kabaong ng nanay nya. Mag isa lang sya doon, habang walang buhay na pinapanood na tinatabunan ng lupa ang kabaong.

Her gaze is cold, not even a single drop of tears came out from her eyes. Tuluyan ng naging manhid ang kanyang damdamin.


Habang napupuno ng lupa ang hukay, paulit ulit nyang ipinapangako sa kanyang ina na magtatagumpay sya, na hindi na sya magpapaapekto sa mga walang kwentang emosyon.


Hindi na sya kahit kailan masasaktan pa.












Wuxie: DonnatEatMae uhm..... sorry 😂

Continuar a ler

Também vai Gostar

2.6K 155 38
Ford Sibling's Series no. 2 Four years ago when that tragic moment came. The clock is ticking, the hours are going by. Pain and tears don't seem to...
28.7K 1K 49
Athena Aurora, illegitemate child, badgirl, bad influence, bad mouthed bitch and knows every little bad things and beware of her madness. AURORA SERI...
8.8K 438 58
Helliza was living in an isolated place, away from the outside world. But she could never say 'no' to her Grandfather. Labing dalawang taong gulang s...
1.9M 51.2K 53
[COMPLETED | UNDER FIRST EDITING] Alphas of Lair 1 Assassin is next to her name. She's merciless, the strongest of their clan, and the most powerful...